Chapter 10: Kabanata 08

The Only GirlWords: 9868

Sabado na at kami lang ni Jake ang nasa bahay ngayon. Igagala ko na lang muna si Pomy at si Ghost para naman makalabas ulit sila. Kapag kasi wala ako sa bahay ay hindi ko sila hinahayaang lumabas kasama ang mga maid nang hindi ko nalalaman. Balak ko rin naman kasing lumabas para mag-jogging man lang.

Half-day ang mga katulong namin tuwing sabado at kapag linggo naman ay day off nila. Ganoon ang gusto nina mommy para raw matuto kaming gumawa ng mga gawaing bahay. Para hindi raw kami masyadong umaasa sa mga katulong namin. Pero kahit gano'n, wala pa rin kaming ginagawa ni Jake. Pareho kaming tamad! Sa umaga kaniya-kaniya kami ng gawa ng breakfast at kapag naman tanghali at hapunan, nagpapa-deliver na lang kami ng pagkain.

Sa pagkain lang kami nagkakasundo ng kapatid kong 'yon.

Nagsuot lamang ako ng black na sports bra at black na leggings. Tinali ko na rin ang buhok ko.

Alas sais pa lang ng umaga at mamayang tanghali pa ang punta ko sa school. Ngayon na kasi ang laban namin sa ibang section. At ngayon din sasabihin ang mga nakuha naming score sa quizzes kahapon.

"Let's go, babies!" Binuhat ko na muna ang dalawa para mabilis kaming makalabas.

Sakto namang paglabas namin ay lumabas din ng kwarto si Jake. Magkatabi lang kasi ang kwarto naming dalawa.

Nakasuot siya ng puting sando at itim na athlete shorts. Sa tingin ko ay magjo-jogging din ang lalaking 'to.

"Where are you going?" tanong niya sa akin gamit ang seryoso niyang mukha.

Bakit ba lagi siyang seryoso at hindi man lang ngumingiti kapag ako ang kausap niya?

"Jogging," I answered shortly.

Binaba ko na sina Pomy at Ghost at hinawakan na lang ang lace nila dahil naglilikot-likot na rin.

"Akin na si Pomy. I'll go out to jog, too."

Dahil hindi naman ako palaging nalabas kapag sabado at linggo, ngayon ko nalaman na nagjo-jogging pala ang isang 'to. Kapag din kasi weekends ay tanghali na ako nagigising kaya hapon na ako nakakalabas ng kwarto. Ngayon lang ako maagang gumising dahil nga may pasok pa rin.

Pinasa ko na sa kanya yung tali ni Pomy.

"You should behave, baby. Magagalit sa 'yo si Tito Jake kapag nagkulit ka," I talked to her. Tumahol naman siya na parang sinasagot ang sinabi ko.

Sabay-sabay na kaming bumaba ng hagdan. Maingat pa ang hawak ni Jake kay Pomy. Minsan ko lang makita si Jake na nilalapitan ang mga aso ko.

I am holding Ghost's lace while jogging. Ganoon din si Jake kay Pomy.

Sa park ko balak dumiretso para naman makapaglaro sila kahit saglit lang. Marami rin kasing mga tao ang napunta roon para igala ang mga alaga nila. Doon, may kalaro silang iba. Baka kasi sawa na sila sa mukha ng isa't isa, e.

"Iikot ka lang ba o may pupuntahan ka pa?" Muntik na akong mapatigil nang magtanong siya bigla sa akin.

"Sa park. I'll let them play muna," sagot ko naman.

Are we seriously having a serious conversation right now?

Mabuti na lamang at hindi naglilikot si Pomy sa kaniya. Takot sigurong mapagalitan. Mabilis pa namang mainis si Jake. Buti nga at tumagal sila ng girlfriend niya. Ano kayang sikreto?

Honestly speaking, kaya lang naman kami nag-aaway dahil inaaway niya ako. Kapag kasi kaharap ko siya ay mas pinipili ko na lamang manahimik para walang gulo pero siya itong hindi marunong makiramdam! Hindi niya ba napapansin na nananahimik na lang ako kapag kaharap o kapag kasama ko siya dahil nga ayaw ko ng away? Kasi bigla-bigla na lang siyang magsasalita tapos kapag sinagot ko naman ay away na ang ending naming dalawa.

Nakakapagod kaya makipag-away!

Nang makarating na kami sa park ay hiyaan ko nang maglaro 'yong dalawa. Umupo muna ako sa isang bench at nagulat ako nang ganoon din ang gawin ni Jake. Take note, sa tabi ko pa! Sa tabi ko siya umupo!

Nakakita ako ng convenience store sa malapit kaya naisipan kong bumili muna ng tubig dahil nauuhaw na ako! Bakit kasi nawala sa isip ko ang magdala ng tubig? May dala ngang cellphone, tubig naman ang nakalimutan.

Tumingin ako sa katabi ko. Nagdadalawang-isip pa akong kausapin siya pero kailangan ko talaga ng tubig!

"Jake... pwede pakitingnan muna sila? Bibili kasi akong tubig."

Tiningnan niya lang ako saglit bago tumango.

Binilisan ko na lang ang pagbili para hindi siya mainip. Dalawang tubig na ang binili ko dahil wala rin naman siyang dala.

Nang makabalik ako ay may kausap siya sa cellphone kaya hindi ko na muna inabala. Kinuha ko na lang muna sina Pomy dahil uuwi na rin ako. Kailangan ko pa kasing mag-ayos para aalis na lang ako mamaya.

Pagtingin ko kay Jake ay wala na siyang kausap kaya lumapit na ako sa kaniya para ibigay 'yung tubig. Sayang ang pinambili ko roon kung hindi ko ibibigay sa kaniya!

"Here." Inabot ko sa kaniya iyon at ininom naman niya agad. Uhaw yarn.

"Uh, mauuna na kami," sabi ko pa. This is the first time that I felt awkward in front of him! Maybe because we're not arguing?

"Uwi na rin ako. Pomy, come here!" He clapped his hand twice, signaling my dog to come to him.

Tahimik lang kaming naglalakad pabalik. Buhat-buhat ko na ngayon si Ghost.

"Sumali ka pala sa volleyball?" he asked, making up a topic.

My forehead creased while walking. Nakakapanibago talaga siya! Ano bang nakain niya ngayon at kinakausap niya ako? Nauntog ba siya tapos naalog 'yung utak niya?

"Aren't you gonna answer me?" naiinis na tanong niya.

Sabi sa inyo, e. Mainisin ang lolo niyo.

"May iniisip lang ako! High blood ka agad d'yan. Oo, sumali ako," mabilis na sabi ko at baka mapikon na siya nang tuluyan. Mahirap na, baka awayin ako bigla.

"Kalaban niyo ata ngayon ang girlfriend ko," sabi pa niya kahit hindi ko naman tinatanong!

Tss. Ano namang pakialam ko sa girlfriend mo?

"Siguro," maikling sagot ko at palihim na umirap.

"Magaling mag-volleyball 'yon," saad niya at pakiramdam ko ay niyayabang niya 'yon!

"Siguro." Mas magaling kaya ako!

"Anong siguro? Magaling talaga 'yon! Present ako lagi kapag may laban 'yon!" And now, he sounds like a supportive boyfriend.

Tss. Buti pa sa mga laban ng girlfriend niya niya ay present siya! Sa mga laban ko ay ni isang beses ay hindi ko siya nakita!

"H'wag magsalita ng tapos, baka mas magaling pa 'ko sa girlfriend mo. Hindi mo pa ako nakikitang maglaro," I tried my best not to sound bitter.

Hindi naman na siya umimik kaya hindi na rin ako nagsalita.

Sa kwarto ko agad ako dumiretso nang makabalik na kami sa bahay. Kailangan ko na kasing maligo dahil mabagal akong kumilos. Baka ma-late pa ako!

Leggings at oversize shirt lang ang sinuot ko dahil wala namang sinabi sa amin kung anong dapat suotin. Mas okay na rin 'to para comfortable.

"Tara na! Ang bagal talaga kahit kailan," reklamo ng kapatid ko nang makalabas ako ng kwarto.

Sorry naman, 'no? Malay ko bang iniintay niya 'ko, 'di ba?

"Anong ligo ba ang ginagawa mo? Ligong uwak? Ang bilis, e!"

"Tsk." Wow. Ang gandang sagot. Kahit kailan talaga ang sarap niyang sampalin!

Inirapan ko muna si Jake bago ako lumapit sa mga aso ko. I leaned forward so I can kis their heads. Dinanggi pa ako ng magaling kong kapatid kaya muntik na akong sumubsob sa sahig! Inirapan ko lang siya at hindi na gumanti.

Jake patted their heads before going out of the house. Ako naman ay sumakay na agad sa kotse niya at baka iwan niya pa ako!

Anong oras na at ngayon ko lang napansin na hindi pa pala ako nag-aalmusal! Ngayon lang din kasi ako nakaramdam ng gutom.

"Nguso mo ang haba," biglang puna ni Jake sa akin.

Napahawak naman ako bigla sa labi ko. Ay, naka-pout nga.

Inirapan ko siya. "Pasensya na, gutom lang."

Hindi ba siya nagugutom? Hindi pa rin naman siya kumakain, ah!

Tumingin na lang ako sa labas at sakto namang nakakita ako ng pamilyar na tao.

"Si Austin 'yun, ah!" Mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil napalakas yata ang boses ko. Ang sama kasi ng tingin sa akin ni Jake.

"Ang tagal na nilang nakatira d'yan, ngayon mo lang nalaman?" masungit na tanong niya sa akin.

"Hindi. Nasabi na niya sa 'kin na kapitbahay nga lang daw natin sila."

Malaki rin naman ang bahay nina Austin kaya alam kong mayaman din ang mga 'yon. Humble lang talaga siguro siya.

Napatingin ako kay Jake nang itigil niya ang kotse sa Dunkin's.

"Anong gagawin mo?" tanong ko agad.

"Just stay here. Tsk!"

Umirap ako. Ang sungit talaga! Kaya nakakatamad siyang kausapin, e!

Nagningning ang mga mata ko nang makitang marami siyang dala. Hinintay ko siyang makapasok sa kotse. Sana ay kasama ako sa mga binili niya. Baka mamaya ay kaniya lang 'yon lahat!

"Here." Inabutan niya ako ng coffee at donuts.

"Caramel Mocha?"

"Yeah," maikling sagot niya.

Nice, galing pumili ng flavor.

"'Yung girlfriend mo, hindi mo ba siya sinusundo?" tanong ko habang puno ng pagkain ang bibig kaya sumama na naman ang tingin niya sa akin.

"Can you please don't talk when your mouth is full?" inis na sabi niya sa akin.

Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita dahil may laman pa rin ang bibig.

Kumpleto na ang mga kaklase ko nang makarating ako sa classroom. Ang kape ko ay hindi pa rin ubos. Napatitig na lamang ako sa kanilang lahat. Lalo silang naging gwapo tingnan dahil sa mga suot nila ngayon. 'Yung iba ay kahit simple lang ang suot ay malakas pa rin ang dating.

"Jade, sa gymnasium ang punta natin mamaya. May announcement daw," sabi sa akin ni kuyang blue eyes. Nalimutan ko na naman ang pangalan niya.

Tumango lang ako sa kaniya at umupo na sa upuan ko. Kinulbit naman ako ni Austin. Nako! Alam ko na 'to, pagkain na naman ang hanap nito.

Nagtatanong na tiningnan ko siya. Lumaki naman ang ngiti niya.

"May pagkain ka?" tanong niya agad. Nakangiti pa siya ng malaki sa akin!

Napairap ako at hindi siya sinagot. Noong dumating kaya ako ay kumakain siya! Kasalo niya pa nga 'yung iba naming kaklase, e.

Hindi na niya ako nakulit pa dahil may matinis na tunog kaming narinig. Sabay-sabay pa kaming napatingin sa maliit na speaker na nasa taas na bahagi ng classroom namin.

"Students and Teachers please proceed to the gymnasium..." someone said via intercom. "I repeat, students and teachers please proceed to the gymnasium."