Chapter 13: Kabanata 11

The Only GirlWords: 10763

Nagising ako dahil sa pagtawag sa akin ni Kuya Anthony. Kumatok pa siya ng ilang beses kaya nagising na nang tuluyan ang diwa ko.

"I'm up!" inaantok na sigaw ko para marinig niya dahil nasa labas siya.

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at nagsuklay. Para akong sinabunutan, e.

Si mommy ang bumungad sa akin nang makalabas ako ng kwarto. Nagulat siya nang makita ako pero ngumiti rin naman agad.

"Mommy..." Nanlalambing na lumapit ako sa kaniya. "Na-miss kita."

"Aw... ang bunso ko, nanlalambing," natatawang sabi niya sa akin.

Inaayos ni mommy ang hapag-kainan para makakain na kami. Wala kasing katulong sa bahay na 'to kaya naman sila ang gumagawa ng lahat kapag nandito sila.

"Bakit hindi mo nga pala kasama ang kuya mo?" biglang tanong ni mommy kaya natahimik ako bigla dahil hindi ko alam ang isasagot ko!

Pasikretong tumingin ako kay kuya at tinanguan niya naman ako. Sa ganitong sitwasyon ay pagtatakpan niya ako— kami ni Jake.

"Na-miss ka lang talaga ng anak mo, tita," nakangiting sabi ni kuya para iwas suspicion. "Alam mo naman po na habol sa 'yo 'yan," biro niya pa.

Mom smiled. "I see... But I'm sorry darling, we have a meeting tomorrow and I can't be with you."

Okay lang po. Sanay naman na ako.

"I understand. Besides, I need to go back to school tomorrow."

"You'll bring your car?" Tito Anthon asked.

Tumango naman ako agad. Kasabay din namin mag-dinner sina tita. Kakauwi lang din nila. Nagkaroon lang kami ng kaunting kwentuhan bago matulog.

Nang mag-umaga na ay dumiretso na agad ako sa banyo para maligo at magbihis. Balak ko sanang maya-maya pa umalis kaya lang naalala kong mahaba pa ang byahe.

"Aalis ka na?" tanong ni kuya habang may pinipindot sa laptop sa niya.

Lumapit ako sa kaniya. "Yes po. Pakisabi na lang kay mommy, tulog pa siya, e."

"Okay, take care, ha! Hindi na ako makakasabay dahil sasamahan ko muna si mama," ani niya bago tumayo at lumapit sa akin. I hugged him before leaving.

Sweet ni Kuya Anthony, 'no? Buti pa siya. Si Jake kasi ay walang alam sa pagiging kuya. Ang alam lang ng lalaking 'yon ay magalit!

Dinala ko na ang kotse ko para hindi ko na kailangang sumabay kay Jake tuwing papasok at uuwi!

Nag-stop ako saglit sa isang coffee shop para hindi ako antukin habang nagda-drive.

Walang traffic kaya maaga akong nakarating sa school. Mabilis din kasi akong magmaneho kaya nakarating ako agad— isa sa reason kung bakit ayaw nilang nagda-drive ako. Hindi ko naman kasalanan na namana ko ang pagiging racer ni daddy.

Kumpleto na ang mga kaklase ko nang makarating ako. Agad silang nanahimik nang makita akong pumasok ng classroom— except kay Austin na agad tumili at tumakbo palapit sa akin.

"Jade!" Mabilis pa kay Flash na nakalapit siya sa akin at niyakap ako. Bahagya pa akong napaatras dahil doon.

Mabilis naman akong kumalas sa pagkakayakap niya. I awkwardly smiled at him. Hindi ako sanay!

"Sorry," nahihiyang sabi niya at umatras para magkaroon kami ng distansya.

"No. It's okay," balewalang sabi ko at pumunta na sa upuan ko. Sumunod naman siya agad sa akin. Para tuloy akong may bunsong kapatid dahil sa kaniya!

Itatanong ko sana kung sinong nanalo sa basketball kahapon kaya lang ibang tao ang nasa tabi ko.

Gulat na napatingin ako sa kaniya pero umirap din agad. "Anong ginagawa mo d'yan?"

"Nakaupo, obvious ba?" sagot naman ng nag-iisang Jack Daryl Eliazar!

"Kailan ka pupunta sa bahay?" tanong niya, hindi pinapansin ang matalim kong tingin sa kaniya.

"Later?" hindi siguradong sagot ko.

"Ikaw bahala. Tawagan ko na si mommy, " sabi niya bago lumabas ng classroom.

Bumalik na si Austin sa upuan niya. Tumingin ako sa isa ko pang katabi, si Kian. Sa kaniya na lang ako magtatanong dahil sa pagkakaalam ko ay isa siya sa mga naglaro kahapon.

"Sino'ng nanalo?" tanong ko sa kaniya.

Taka naman siyang napatingin sa akin. "Ha?"

"Sa basketball. Sino ang nanalo?" ulit ko.

"Ah, edi 'yung team ng kapatid mo," kibit-balikat na sagot niya.

Sina Jake ang nanalo?

"Bakit?"

Kumunot ang noo niya. "Anong bakit? Ayaw mo bang manalo ang kapatid mo?" natatawang sabi niya.

Umiling na lang ako at hindi na ulit nagsalita.

***

Kian

Sa kauna-unahang pagkakataon, natalo kami. Naiinis ako pero wala naman akong magagawa kung sa iba tumatakbo ang isip nila ngayon.

Tahimik na naglalakad papuntang classroom ang mga kaklase ko. Nakakunot ang noo ko habang pinapanood sila. Mukha silang namatayan at nahahawa na rin ako sa kanila.

"Hindi pa siya nagre-reply," malungkot na sabi ni Austin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Gano'n din sa akin," si Neil.

"Sino?" tanong ko sa kanila. Hindi ko kasi alam kung sinong pinag-uusapan nila!

"Si Jade," si Calyx na ang sumagot sa akin dahil hindi ako pinansin nung dalawa.

Saan naman nila nakuha ang number ni Jade?

"Ano'ng number niya? Sabihin mo nga sa 'kin." Inilabas ko ang cellphone ko. Nakigaya naman ang iba kaya kumunot lalo ang noo ko.

Nag-aalala ba silang lahat kay Jade?

Nag-send na rin ako ng message sa kaniya.

To: Supladang Jade

Hey! I know we're not close but your crying when you left. Where are you? It's me, Kian ;)

Sinubukan din naming tawagan siya kaya lang ay naka-off ang cellphone niya. Pati group chat namin sa Messenger ay ang ingay din dahil sinusubukan nilang i-chat si Jade roon.

Nag-ring na ang bell, pwede nang umuwi. Parang mga zombie ang mga kasama ko habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Nakatutok pa sa cellphone ang iba.

Buti hindi sila nahulog sa hagdan.

"Ay! Anyare? Namatayan?"

"Ngayon ko lang sila nakitang ganiyan. May nangyari kaya?"

Ilan lang 'yan sa mga bulungan na naririnig ko. Mga chismosa!

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Dianne na paikot-ikot habang nakaharap sa kaniyang cellphone. Mukha rin siyang problemado.

"Aish! Why aren't you answering my calls? C'mon, Jade! I'm fucking worried." She seems frustrated.

Wait, why is she worried about Jade? Are they close? Friends?

Nabunggo niya ako dahil naglakad siya nang hindi tumitingin sa dinadaanan niya. Sa cellphone pa rin nakatinin!

"Sorry!" gulat na sabi niya at tumingin sa akin.

Nang makita niyang ako ang nabangga niya ay nagmamadaling naglakad siya paalis pero mabilis ko naman siyang nahawakan sa braso. I just want to ask her something.

"W-why?" she asked. Hindi siya tumitingin sa akin.

She hates me that much?

"Why are you worried about her?" curious na tanong ko.

"W-were friends."

"That fast? Kakalipat niya lang dito, ah," kunot-noong tanong ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"We're friends ever since elementary."

***

Emerald Jade

Napairap ako nang wala sa oras dahil kay Austin.

"Okay ka na ba talaga?" tanong na naman niya sa akin.

Tinatamad na tumango ako dahil ilang beses na siyang nagtanong! Nakakapagod nang tumango nang tumango sa kaniya.

Bigla ko namang naalala ang mga aso kong naiwan sa bahay. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko para alamin kung okay lang ba sila.

[Hello po? Sino po sila?] si manang ang sumagot ng telepono.

"Si Jade po ito. Kumusta po sina Pomy at Ghost?" tanong ko agad.

[Okay lang naman po sila, ma'am. Pasensya na po kasi pinasok namin 'yung kwarto niyo, kinuha po kasi namin ang mga alaga niyo para mapakain at mapaligo sila.] Rinig ko ang pag-aalala sa boses niya. Alam niya kasing ayaw kong may pumapasok sa kwarto ko nang hindi ko alam.

"No, that's okay. Thank you for taking care of my dogs. Don't worry, uuwi po ako mamaya."

[Sige po, ma'am.] Ibinaba na niya ang tawag.

"May mga aso ka?" nagulat ako nang may magtanong sa akin. Kumunot ang noo ko dahil hindi maalala ang pangalan niya.

"Yeah?"

Siya iyong lalaking kulay blue ang mga mata.

"Hindi mo na agad ako kilala?" kunwaring nasasaktan na sabi niya. "I'm Calyx Anderson, at your service, ma'am." Nakangiting sabi niya at kumindat pa!

Tumango-tango na lang ako dahil hindi alam ang sasabihin. Hindi ako sanay na kinakausap nila ako! It's just... it feels weird.

"Jade, can I ask you something?" si Kian naman.

Humarap ako sa kaniya. "What is it?"

Wala pang teacher kaya naman malaya pa kaming nakakapag-usap.

"Tungkol lang sa inyo ni Dianne."

Napatingin ang lahat sa amin. Bigla ring natahimik. Napatigil din sa ginagawa ang iba.

Kilala nilang lahat si Dianne?

"What about us?" mataray na tanong ko sa kaniya.

Hindi pa rin nawawala sa isip ang kinuwento ni Dianne.

"You two are friends?" curious na tanong niya.

Who told him that?

Nakita niya ang pagtataka sa mukha ko kaya muli siyang nagsalita. "Nasabi lang ni Dianne."

"Yes, we're friends. May mali ba roon?"

Umiling na lang siya at umiwas na ng tingin.

"I know what you did," sabi ko kaya gulat na tumingin siya sa akin.

"H-huh?"

He's stuttering, huh? Guilty 'yan?

"Volleyball players, please proceed to the gymnasium."

Lumabas na ako ng classroom nang marinig na ang intercom. Hindi ko na pinansin si Kian.

"I repeat, volleyball players, please proceed to the gymnasium."

Nakita ko sa may hagdan si Dianne. Ngumiti siya nang makita ako kaya ganoon din ang ginawa ko. Sabay na kaming naglakad dahil isa lang naman ang pupuntahan namin.

Kakalabas lang ng classroom ni Mia at nang makita kami ay ngumiti siya kay Dianne bago tumabi rito. Hindi ko siya iniimikan kahit pa tumitingin siya sa akin.

Nakasalubong naman namin si Lei Anne. Sabay kaming umirap sa isa't isa. Tahimik na sumabay siya sa amin sa paglalakad. Nakatutok lang siya sa cellphone niya at hindi kami nililingon at mas mabuti na 'yon dahil katabi ko lang siya ngayon!

Kumunot ang noo ko nang makitang tumatabi ang mga estudyanteng nakakasalubong namin. Nakakarinig na rin ako ng bulungan tungkol sa amin!

"Scary..." bulong ng isa.

Ano raw?

"Bagay silang maging magkakaibigan. Pare-parehong masungit," bulong pa nung isa.

Naramdaman kong may kamay na humawak sa braso ko, pinipigilan akong sugurin ang mga bubuyog na babaeng 'yon! Tiningnan ko kung sino ang humawak sa akin at nakitang si Dianne 'yon kaya hindi ko na itinuloy ang balak ko.

Dumiretso na lang kami sa gymnasium nang hindi pinapansin ang mga nasa paligid namin. Mga volleyball players from different grade levels ang kasama namin ngayon.

Hinintay muna namin ang mga kulang bago magsalita si Sir Jayson. May ibang teachers din siyang kasama ngayon. Hindi ko kilala ang iba.

"So the head of our school already decided which team is going to represent our school in volleyball," sabi ni Sir Jayson.

Kumunot ang noo ko dahil doon. Maraming umangal dahil unfair nga naman 'yon.

"Ang napagdesisyunan nila ay ang team mula sa Grade 12."

What? Us?!

"Sir?" gulat na tanong ni Dianne.

"Don't you think it's... a bit unfair?" I asked.

"I'm sorry. They have already decided. We can't do anything to stop it," sabi naman nung isang teacher.

Lumbay na umalis ang iba. Pinaiwan naman kami ni Sir Jayson.

"Ang school na makakalaban niyo ay ang Olivar University."

What the fuck? Tama ba ang narinig ko? Sa dami ng pwedeng makalaban, bakit iyon pa?