Chapter 2: Simula

The Only GirlWords: 8528

Emerald Jade

Para akong tanga na nakatulala sa bago kong uniform. Bumuntonghininga ako bago pagmasdan ang bagong ayos ng kwarto ko. Ang gitara na hindi ko na ginagamit ay naka-display na lamang doon sa sulok. Ang dating malaking closet ko ay maliit na lang ngayon dahil binawasan nila ang mga damit ko. Naglalaro lang sa neutral colors ang kwarto ko dahil ayaw ko nang masyadong makulay. Kakaunti lang ang mga gamit ko ngayon dahil inalis nila ang iba.

Nakakainis kasi nagtulong-tulong pa sila para lang mapaalis ako sa school na 'yon. Ang dami ko tuloy bawal gawin ngayon! Ganoon ba nila ako ka-hate? Nagsayang pa sila ng pera!

Kasalukuyan akong nagbibihis nang may bwisit na marahas na kumatok sa pinto ko! "Don't you know how to knock a door properly?!" inis na sigaw ko habang inaayos ang butones ng uniform ko.

"Bilisan mo! Male-late na tayo!" sigaw niya pabalik, naiinis din.

'Yon ang kapatid ko. Ang nakakainis kong kapatid. Hindi ko nga alam kung kapatid ko ba talaga siya!

"Shit!"

"Ahh!"

Gulat na napasigaw kaming dalawa. Nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok siya!

"Bakit hindi mo sinabing nagbibihis ka?" tanong niya habang nakakunot ang noo at hindi inaalis ang tingin sa katawan ko. Tumalikod na ako at mabilis na nag-ayos.

Bwisit na lalaki! Tumitingin pa!

"Hindi ka naman nagtanong! Lumabas ka na nga! Patapos naman na ako!" sigaw ko at umirap kahit hindi niya kita.

Ganito kami mag-usap palagi. Hindi halatang magkapatid kami dahil lagi kaming magkaaway. Ang laki ng galit niya sa 'kin, e! Napipilitan lang naman siyang isabay ako. Psh. For sure kung hindi lang siya inutusan ni Kuya Anthony ay hindi niya ako isasabay!

Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay tumakbo na ako palabas ng bahay. Knowing him, ayaw niyang pinaghihintay. Baka iwan niya pa ako.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Walang nagsasalita— walang may balak magsalita. We're not close and we will never be!

Pagkahinto niya sa parking lot ay bumaba na agad ako. Hindi ako nag-almusal kaya sa cafeteria ako dumiretso. Hndi naman mahirap hanapin kasi glass ang wall ng cafeteria nila kaya kita agad.

I ordered two burgers and one bottled water. Hindi naman ako matakaw. Slight lang.

Napairap na naman ako dahil hindi pa ako tapos kumain pero tumunog na agad ang bell.

"Malas naman," inis na bulong ko.

Sinasara raw nila ang cafeteria during class hours kaya wala akong choice kundi ang umalis doon. Napatigil ako sa paglalakad nang mapansing hindi ko naman alam kung saan ang pupuntahan ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang may makakasalubong akong teacher. Agad akong lumapit dito para magtanong.

"Good morning po. Pwede pong magtanong? Saan dito 'yong Section E?" tanong ko sabay turo sa building na nasa tapat namin.

Taka naman akong napatingin sa kaniya dahil sa naging reaction niya.

Weird.

"Sigurado ka bang doon ang punta mo?" pagkukumpirma niya sa tanong ko.

"Yeah?" hindi siguradong sagot ko dahil ang weird nung naging reaction niya. Nakakakaba naman 'to.

"Ah, d-doon din ang punta ko. Sabay na tayo," sabi niya kaya sumunod na lang ako nang maglakad na siya.

Fuck. Pang-ilang floor ba 'yon? Kaasar naman. Masakit na ang paa ko! Dagdag pa sa inis ko 'tong teacher na 'to! Sobrang daldal, hindi naman kami close!

"Andito na tayo. Intayin mo ang signal ko bago ka pumasok. Okay?" Tipid na tango na lang ang naisagot ko. Bigla kasi akong tinamad magsalita. Napagod kasi ako sa pag-akyat sa hagdan.

"Good morning, class!" bati niya.

Sinubukan kong sumilip sa loob pero agad niya akong sinenyasan na huwag muna. Kusang kumunot ang noo ko at umatras na.

Pati pagsilip bawal?

"Good moaning, ma'am!"

My lips parted. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang tawa ko pero walang talab iyon dahil natawa na ako nang tuluyan.

Damn, I think my experience here will be fun.

"Ms. Fernandez, pwede ka nang pumasok," sabi niya kaya naman pumasok na ako.

I stopped laughing. Sumeryoso na akong muli dahil nakatingin silang lahat. Inikot ko ang tingin ko sa buong classroom para maghanap ng bakanteng upuan. My forehead crease as my lips started to part when I saw that there's only one vacant seat and there's no other signs of a girl in this section.

"I... I'm the only girl here?!" gulat na tanong ko at tumingin sa babae.

What the fuck?

"Ah, yes. Nagulat din ako kung bakit dito ka napunta. Can we talk outside?"

Nagtatakang tumango ako at binigyan pa ulit ng isang tingin ang mga magiging kaklase ko.

"What is it?" bored na tanong ko sa kaniya. Gusto ko nang maupo dahil sobrang sakit na ng paa ko!

"You can leave this section kung gusto mo." Tinitigan niya ang mukha ko na para bang tinitingnan niya kung anong magiging reaksyon ko. "Look, Ms. Fernandez. Iba ang ugali ng mga estudyanteng 'yan at baka mapaglaruan ka lang nila."

I smirked. "Well, I like playing, too. I can play along with them." I shrugged my shoulders.

Napabuntonghininga naman siya. "May mga babaeng napunta na rito pero dahil sa ugali ng mga lalaking 'yon ay lumipat na sila sa ibang section. Ms. Fernandez, you have the money and besides, Andrei Jake is your brother, right? Pwede kitang ilipat doon."

I bit the inside of my cheeks. Nakukuha ko na ang gusto niyang sabihin. Makakaalis ako kung magbabayad ako. Are they out of their mind? Ganito ba sila ka-obsess sa pera? At isa pa kung 'yong kapatid ko lang din naman ang magiging kaklase ko ay mas pipiliin ko na lang na mag-stay dito.

Seryoso ko siyang tiningnan. "Hindi. Ako. Aalis." 'Yon lang ang sinagot ko at tinalikuran na siya.

Isa lang naman ang vacant seat kaya wala akong choice kundi ang umupo roon. Ang masama lang ay nasa gitnang-gitna iyon.

Wala na bang imamalas ang araw na 'to?

Hindi na nagturo 'yong teacher na nakasabay ko kanina. Ngayon naman ay isang matandang babae ang nagtuturo ng boring na subject na 'to. History.

Nagsulat na lang ako ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko.

I really hate this subject.

"Anong plano natin sa kaniya?"

Natigilan ako.

"Oo nga. Paaalisin din ba natin?"

Gusto ko silang lingunin pero hindi ko ginawa. Pinagpatuloy ko lang ang pagsusulat sa notebook ko para hindi halatang nakikinig ako.

"Pahihirapan ba natin para kusang umalis?"

What?

"'Wag na nating paalisin. Sayang naman s'ya, o. Ganda ng katawan."

The fuck?

"Pati mukha maganda."

They are talking about me! I get it, they don't want me here! Tss. Tignan na lang natin kung mapapaalis nila ako.

Hanggang matapos ang klase ay nagpaplano pa rin sila kung paano ako mapapaalis. Akala siguro nila ay kaya nila. Tsk.

I don't know their names and besides I don't even give a damn about them. Bakit hindi na lang nila ako hayaan dito?

I looked around to observe their faces. When my eyes stopped at the last row, there's three guys that is staring at me. Gwapo naman sila, kaya lang 'di ko type. Kung hindi ko lang siguro kailangan magpakabait ay baka nakipag-flirt— nakipag-friend ako sa kanila.

Lalabas na sana ako ng classroom para umuwi dahil half day daw ngayon pero narinig kong nagsalita ang isa sa kanila kaya napalingon ako roon.

"Stick to the plan, paaalisin natin s'ya rito. Baka nga kusa pa siyang umalis, e," maangas na sabi nung isang lalaki na president nila. Our last teacher mentioned him earlier kaya nalaman kong siya ang president. Nalimutan ko nga lang ang pangalan niya.

Inirapan ko lang ang lalaki na naging dahilan ng pagsinghap ng iba at alam kong fake lang ang pagkagulat nilang 'yon!

Lumabas na ako at hindi na sila nilingon pa. Wala akong nakitang bakas ng kapatid ko kaya napairap ako. See? Wala siyang pake sa akin. Ni hindi man lang nag-abalang hintayin ako kahit na alam naman niyang walang ibang susundo sa akin.

Umulan kanina kaya paglabas ko ng gate ng school ay basa ang kalsada. Lumipat ako roon sa may waiting shed para mag-abang ng taxi, kung meron mang dadaan. Hindi kasi ako marunong sumakay ng jeep or tricycle.

Papara na sana ako ng taxi nang may biglang humarurot na kotse sa harap ko.

"Oh, my god!" malakas na tili ko. Agad akong napaatras at hindi makapaniwalang tumingin sa hudas na driver ng kotseng iyon. Tumalsik sa akin ang tubig na galing sa kalsada, basang-basa na ako! And God knows how much dirty that water is!

Bumukas ang bintana ng kotseng iyon. The owner of the car smirked. "Sorry?" Ngumiti siya nang matamis. "Sinasadya."

"Fuck you! Mabangga ka sana!" Inis na nagpapadyak ako habang masama ang tingin sa likod ng kotse ng hudas na 'yon.

May mga nakatingin din sa akin na hindi ko pinansin at inirapan lang.

Bwisit na lalaking 'yon.

Nakakainis siya!

Is he really trying me?

Well, let's see, Mr. President. Let's see.