Chapter 20: Kabanata 18

The Only GirlWords: 15265

"My life has been miserable as fuck," panimula ko at saglit na natawa habang inaalala ang naging buhay ko noon nang walang kahit sino'ng nasa tabi ko.

I shrugged my shoulders. "Parang... gano'n pa rin naman? My parents are always busy... they are not even living with us," natatawang sabi ko at bumuntonghininga.

Pilit kong tinatawanan ang mga nangyayari sa akin pero sa loob-loob ko ay durog na durog na ako.

"Jake and I doesn't really have a good relationship back then." I smiled while remembering our bangayan before. "Wala akong makausap sa tuwing may problema ako kasi 'yung parents ko, basta mabigyan nila ako ng allowance ay okay na sila. 'Yung lola ko naman na siyang kakampi ko sa bahay... ay inatake sa puso," I paused. It was hard for me to recall those painful memories. "Namatay siya nang dahil sa akin," pagkatapos kong sabihin iyon ay kusa na lamang nagbagsakan ang mga luha ko.

Mabilis na lumipat si Daryl sa upuan sa tabi ko para mayakap ako.

"I'm here, Gem. You have me again." He hushed me while caressing my hair.

His hugs give me comfort. I feel secure in his arms. It felt... familiar.

"There's this funny moment when we were at the beach before. I'm with my family that time, by the time way." I laughed while still crying. Iniisip ko na lamang na nakakatawa ang nangyari para hindi masyadong masakit alalahanin. "I almost drowned to death... yet no one knew about it. No one even noticed that I was drowning that time! Thank God, I knew how to save myself."

Naramdaman ang paghigpit ng yakap niya sa akin, tila hindi inaasahan ang narinig. Humilig ako nang maayos sa dibdib niya at naging komportable sa pwesto namin. Pakiramdam ko ay nanigas ang katawan ni Daryl sa ginawa ko pero hindi ko na iyon pinansin dahil komportable ako sa pwesto ko ngayon!

Pakiramdam ko ang paglalabas ko ng mga sama ng loob at hinanakit ko noon ay nakakatulong para maging magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko ay makakahinga na ako nang maluwag pagkatapos nito.

"Meron pang isa." Umirap ako nang maalala 'yon. Pinunasan ko ang luha ko para makapagsalita nang maayos. "May party kaming pinuntahan at ang kasama ko noon ay si mommy. Sa rooftop ang venue. May babaeng tumulak sa akin—  anak siya nung nagpa-party. Muntik na akong mahulog no'n! Buti na lang at napakapit ako sa rails!" Daryl continued caressing my hair and it comforts me.

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata nang maalala kung paanong hindi pinakinggan ni mommy ang side ko noon. Nagalit pa siya sa akin e' ako itong muntik nang mamatay!

"Naabutan ni mommy na itinulak ko 'yung babae at napaupo ito sa sahig. Pinagalitan niya ako dahil hindi raw natuloy ang business partnership na gusto nila dahil sa ginawa ko. I tried to explain my side but she refused to hear it." Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko kaya nahihiya na ako ngayon kay Daryl.

Ngayon ko lang nalaman na iyakin pala ako!

Pero minsan ko lang naman mailabas ang tunay na nararamdaman ko dahil wala namang may gustong makinig sa akin. I felt relief dahil nailalabas ko na ito ngayon, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

Humiwalay na ako kay Daryl nang makaramdam ng hiya. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko na nakayakap siya sa akin at nagustuhan ko naman ang yakap niya!

"I said you can tell me everything." Inabutan niya ako ng panyo. "You're still not okay. I can see it in your eyes, Gem," he whispered.

"Hindi ako sanay sa Gem," natatawang sabi ko.

"Ikaw kasi, e. If only you told us your real name before edi sana nahanap kita agad." Sumimangot siya.

"Hindi ko sinabi ang totoo kong pangalan?" curious na tanong ko. "Why?"

"Aba, malay ko sa 'yo." He's sulking! "Gem lang ang sinabi mo, e. Parang hindi mo ako tinuring na kaibigan. Pangalan mo lang hindi mo pa masabi."

Sinubukan kong hindi matawa ngunit unti-unti rin akong nanahimik nang may maalala.

"Sinabi nila na nabangga ako ng kotse..." Tumigil ako, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba. "May nakita ako noon, noong nasa school tayo... bago ako mawalan ng malay. May nakita akong dalawang batang tumatakbo at alam kong ikaw 'yung lalaki roon. You were there, right?"

Natahimik siya. Bakit hindi niya masagot ang tanong ko?

"I was... there," bulong niya habang nakayuko. "I was running after you."

Naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko nang sabihin niya iyon.

"And?" I asked. I want him to tell me more.

"I... was teasing you. Hindi mo ata nagustuhan ang sinabi ko kaya tumakbo—" Napahawak ako sa ulo ko. "—Hinabol kita—" Dumiin ang hawak ko nang maramdamang ang sakit no'n. "—I didn't noticed the car that was coming and... it happened."

Ipinatong ko ang noo sa balikat niya nang makaramdam ng pagod. I was breathing heavily.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Tumango lamang ako.

"Ilang beses na akong muntik mamatay, alam mo ba?" natatawang sabi ko habang nasa gano'n pa rin kaming posisyon. "Nahulog ako sa hagdan noon pero ang sabi nila ay kasalanan ko naman daw. Ang likot ko raw kasi." Bata pa ako noong nangyari 'yon at wala si Jake sa bahay dahil nasa mga kaibigan niya.

Hindi nila alam na itinulak ako nung anak nung bisita nila.

I couldn't tell him that.

"Nagkasunog din noon sa bahay at walang ibang tao kundi ako lang. Sabi nila ay ang pabaya ko raw."

Si Jake naman ang may kasalanan no'n. Nagluto tapos iniwanan.

Noong lumaki na ako at kina Kuya Anthony na ako nakatira ay saka lamang naging maayos-ayos ang buhay ko.

Bumuntonghininga ako bago muling lumayo kay Daryl. "Basta. Sa sobrang dami ang hirap nang ikuwento." Ngumiti ako at napatitig muna siya sa akin bago siya nagsalita.

"Wala ka bang naging kaibigan?" tanong niya.

"Nagkaroon naman. Ilang taon ding tumagal ang friendship namin kaya lang biglang nagbago simula nung dumating si Lawrence," kibit-balikat na sabi ko. "Si Dianne 'yung isa sa naging kaibigan ko noon."

"Lawrence? Iyong bagong lipat sa section nina Mia?" tanong niya pero hindi iyon ang napansin ko.

"Talagang pangalan ni Mia ang sinabi, ah," kunwaring nang-aasar na sabi ko.

Napakamot siya sa kaniyang batok at biglang nawalan ng kulay ang mukha.

I laughed. "You look scared."

Umiwas siya ng tingin kaya lalo akong natawa at umirap din naman ako pagkatapos.

Ayan kasi. Mia pa.

Tinapos na namin ang sinasagutan. May tulo pa ng luha ang papel ko, mabuti na lamang at hindi nasira.

Pagdating namin sa classroom ay wala na roon si ma'am kaya dumiretso kami sa office nito.

"Anong meron sa inyo nung Lawrence?" he asked out of nowhere while we were walking.

"He's my ex," I answered honestly.

"Oh. Paano siya nakasira sa friendship niyo?" curious niyang tanong.

"Nagkagusto kaming apat sa kaniya. Let's not talk about it," mabilis kong pagtapos sa usapan.

Tumigil lang kami sa classroom noong break time dahil busog na kaming pareho.

May isang lalaki na tumayo at lumapit sa akin. Nakangiti pa siya. Isa siya sa mga ayaw na nandito ako kaya hindi ko siya magawang nginitian pabalik.

"I'm Shawn," nakangiting sabi niya.

"I'm not interested."

"Yeah?" nanghahamong tanong niya at binuhusan ako ng malamig na tubig!

"What the hell is your problem?" inis na tanong ko. Tiningnan ko ang uniform ko at basang-basa na ito!

"Bastard!" galit na sabi ni Kian na nasa tabi ko at biglang sinuntok ang lalaki bago ibigay sa akin ang jacket na suot niya.

Akala ko ay tapos na ang pagsuntok na 'yon ni Kian ngunit hindi pa pala. Lumapit siya kay Shawn na ngayon ay nasa sahig dahil sa lakas ng suntok niya kanina. Pilit niyang itinayo ang lalaki bago muling suntukin sa mukha.

"Kanina ka pang tangina ka," rinig kong galit na bulong niya.

"Kian..." I tried to stop him but he's not listening!

"Let him." Lumapit sa akin si Daryl at iniharap ako sa kaniya para hindi ko na makita ang ginagawa ni Kian doon sa Shawn.

Itinaas ni Daryl ang zipper ng jacket ni Kian na suot-suot ko ngayon para matakpan ang nabasa sa akin.

Basang-basa kasi ang dibdib ko!

Rinig ko ang murahan nung dalawa at mukhang may nakisali na rin pero itong si Daryl ay hindi ako hinahayaan na makita ang nangyayari sa likod! Kinakausap niya ako na para bang walang nangyayari at nakangiti pa siya!

Narinig kong si Neil na ang umawat at dinala silang pareho sa clinic!

Grabe naman ata sila kung magsuntukan? Talagang clinic ang diretso!

"Look what you've done. Dumating ka lang nagkagulo na kami," sabi nung isang lalaki.

Is this... all my fault?

"Your class is now dismissed. You may now go home and review. Be prepared for your upcoming periodical exams," someone spoke in the speaker.

Nagsimula nang umalis ang iba at kami na lang ni Daryl ang natira.

"It's not your fault," sabi ni Daryl at hinawakan ang likod ko para sabay na kaming lumabas ng classroom.

"Nandito pa kayo?" tanong ko nang makitang nasa labas pa ng classroom sina Austin.

"Ayos ka lang?" tanong ni Kian at napangiwi ako nang makita ang itsura niya.

"Yeah..." nakangiwing sagot ko. "Are you okay?"

Ngumiti siya at tumango bago kunin ang gamit niyang nasa loob pa ng classroom.

Lumapit sa akin si Austin at kumapit sa braso ko. Clueless pa siya kanina sa nangyari dahil nasa cafeteria siya. "Malapit na ang exam. Gusto kong may kasabay akong mag-review," nakangusong sabi niya, nagpapaawa!

"Doon na lang tayo sa bahay namin. Wala namang tao roon ngayon," sabi ko at nagsimula nang maglakad.

Wala naman na kasi sa bahay si mommy dahil bumalik na ito sa Pampanga. Hindi na natuloy ang bonding na sinasabi niya! Kasama ni mommy sina tita kaya wala talaga akong kasama ngayon sa amin dahil si Jake ay sa condo niya muna mag-i-stay kasi nasa bahay ngayon ang kinaiinisan naming katulong!

"Hindi kami pwede roon. Magagalit ang kuya mo," sabi nung isang lalaki na kasama namin. Isa siya sa palaging kasama ni Daryl at hindi ko pa rin alam ang pangalan nito.

"Ilang beses mo na akong kinausap pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam pangalan mo." Umirap ako.

Sana ay marunong man lang silang magpakilala, 'no!

"Are you interested in him?" kunot-noong tanong ni Daryl sa akin.

"I just want to know his name," masungit na sagot ko kaya agad na natawa ang iba naming kasama.

He sounds like a jealous boyfriend kasi!

"He's a playboy," sabi niya pa na hindi naman pinansin nung isa.

"I'm Alexis Gonzales," pagpapakilala sa akin ng lalaki at kumindat pa!

A playboy indeed.

The other one offered his hand for a handshake. "I'm Hendrix Villanueva."

Tinanggap ko ang kamay ng lalaki kahit pa ang sama-sama na ng tingin sa amin ni Daryl!

Hinarap ko naman ulit si Alexis. "Wala naman akong sinabing kasama kayo sa 'min."

Nawala ang ngiti sa labi nito. "Ang sama talaga ng ugali," pagmamaktol niya kay Daryl. Nagkibit-balikat lang naman ang isa na parang sanay na sa ganoong ugali ko dahil hindi niya pinapansin kapag nagsusungit ako!

I laughed. "Fine! Sumama na kayo."

Si Austin ang tuwang-tuwa dahil alam niyang marami kaming pagkain sa bahay.

Habang naglalakad ay kinukuha ko ang cellphone ko sa bag at hindi ko kita ang nilalakaran ko kaya humawak muli si Daryl sa likod ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magreklamo o mainis sa mga hawak niya ngayon sa akin. Parang gustong-gusto ko pa nga na hinahawakan niya ako!

Hoy, Jade. Kailan ka pa naging ganiyan?

I hate boys. Hindi ko alam pero galit talaga ako sa mga lalaki kaya gulat na gulat ako noong nalaman kong isa lang akong babae sa section nila tapos ganoon pa ang ugaling pinakita nila sa akin!

I hate boys that's why I like breaking their hearts. Natutuwa pa ako kapag nakikita ko silang naghahabol sa akin.

Hindi ako kumakausap ng kung sino-sino lang. Ayaw ko ring hinahawakan ako ng walang permiso kaya hindi ko maintindihan kung bakit hinahayaan ko lang si Daryl. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang mainis kapag napapalapit o hinahawakan niya ako.

Dahil ba 'yon sa naging kaibigan ko siya noon kaya komportable ako? O may iba pang dahilan?

Nang makita na ang cellphone ay agad kong tinawagan si Jake.

"Jake, kasama ko mga kaklase ko. Mag-study kami sa bahay," paalam ko.

[Bakit naman?] Kahit hindi ko kita ay alam kong nakakauwi ang noo niya ngayon.

"Mag-study nga," pag-uulit ko sa sinabi ko kanina.

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. [Tss. Call me if they did something to you.]

"Okay, okay," natatawa kong sabi dahil ang nasa isip niya agad ay may gagawin sa akin ang mga kaklase kong 'to!

[And I told you to call me kuya, 'di ba?] inis na sabi niya kaya natawa ako.

"Oo na po, kuya!"

Natatawang pinatay ko ang tawag.

Sa kotse ni Daryl ako sumabay dahil hindi nga umuwi si Jake.

Nang makarating naman kami sa bahay ay nagwawalis sa labas ang matandang hukluban. Nandito nga talaga siya!

Tumaas ang kilay niya nang makita ako at ang mga kasama ko.

"At sino naman 'yang mga kasama mo?" tanong niya habang nakataas ang kilay.

Umirap ako at hindi siya pinansin. Nilampasan ko lamang ang matanda na parang hindi ko siya nakita. Ang mga kasama ko naman ay tahimik lang na nakasunod sa akin.

"Library tayo," sabi ko at binuksan ang pinto ng library para pumasok na sila roon.

"Magpapalit muna ako." Nagbukas muna ako ng ilaw doon bago lumabas.

T-shirt na puti lang na may maliit na design sa gitna ang suot ko. Nag-pants na lang din ako para komportable gumalaw.

Napatili ako nang buksan ko ang pinto at nandoon ang matanda. Inis na tiningnan ko siya.

"Ano ba?!" iritadong sigaw ko dahil nagulat talaga ako sa kaniya!

Mukha kasi siyang mangkukulam!

"Isusumbong kita sa pinsan mo," pananakot niya sa akin.

"Edi isumbong mo." Umirap ako. "Ikaw lang din naman ang mapapahiya." Nilagpasan ko na siya at dumiretso na sa library at baka naghihintay na ang mga 'yon.

"Start na tayo," sabi ni Harry at naglabas ng libro mula sa bag niya.

"Saan tayo magsisimula? Math ba? Ang hirap kasi no'n, pucha!" sabi ni Ivan na akala mo'y stress na stress sa buhay.

"Sa madali muna, pwede? Ang sakit ng ulo ko ngayon," pag-iinarte naman ni Austin.

Si Alexa at Hendrix naman ay tahimik lang na nanonood. Nakita ko pang may ka-text 'tong si Alexis kaya umangat ang isang kilay ko. Nakita ko kasing may heart emoji ang reply nung ka-text niya.

"Sige sa madali muna. Baka umiyak ka pa," nang-aasar na sabi ni Harry kaya natawa ako.

Inubos namin ang oras namin buong maghapon para balikan ang mga nakaraan naming lessons. Hindi naman kami nahirapan mag-review dahil matatalino naman pala sila! Puro reklamo si Ivan pero napansin kong ang galing naman niya sa Math! Si Austin naman ay akala mo'y hirap na hirap pero siya pa minsan ang nagtuturo kina Harry!

May mga subjects na magaling kami pero mayroon ding hindi. Mabuti na lamang at marunong silang magtulungan!

"You said you had friends before, right?" biglang nagsalita si Daryl kaya napatingin ako sa kaniya.

Kumain muna kami bilang pahinga at naiwan kaming dalawa rito sa kusina dahil gusto pang magpadala ng pagkain nung iba!

Wala pa naman ang iba naming katulong dahil nga nandito ang matanda.

"Bakit?" tanong ko habang kumukuha ng juice sa ref.

"Naalala ko lang. Si Dianne lang kasi 'yung nabanggit mo e' gusto ko ring makilala 'yung iba," kibit-balikat na sabi niya. Ako naman ay hindi agad nakapagsalita.

Bumuntonghininga ako at isinarado ang ref. "You really wanna know?" kunwaring nang-aasar na tanong ko.

Nagkibit-balikat naman siya. "I want to know if they treated you right."

Ngumiti ako at nang sabihin naman kung sino pa iyong naging kaibigan ko ay mabilis siyang natigilan at napatitig sa akin na akala mo'y gulat na gulat.

"Si Lei Anne at 'yong ex mo na si Mia."