Chapter 23: Kabanata 21

The Only GirlWords: 12211

It's been weeks and I still haven't seen Michael. Ngayon na rin ang araw ng laban namin. Kinausap lang ako nang matino nina Austin noong hindi ko na hinahanap si Michael kaya alam kong may alam sila kung bakit hindi napasok 'yung isa!

Nung mga nakaraang linggo naman ay patuloy pa rin sina Shawn sa pagpupumilit sa aking umalis sa section nila. Ilang beses din nila akong ginawan ng kalokohan! Nakailang palit na rin ako ng upuan dahil sa kanila. Araw-araw na atang sira ang upuan ko! Ilang beses na ring nagkaroon ng suntukan dahil pilit silang inaawat nina Austin.

Nakakapagod sila!

Si Mommy ay wala pa rin dito sa bahay. Nauna pang umuwi sina Kuya Anthony. Hindi naman nila sinasabi sa akin kung bakit wala pa ang Mommy ko. Parang may tinatago sila, e. Nararamdaman ko!

"Galingan niyo, ha," nakangiting ani ni Tita habang palabas kami ng bahay ni Jake. Sayang lang at hindi sila makakanood dahil bawal.

Tahimik na sumakay ako sa kotse ni Jake. Balak ko sanang gamitin ang kotse ko pero tinamad ako kaya h'wag na lang. Baka antukin lang ako habang nagda-drive.

"Hindi ka ba nilalamig? Magsuot ka kaya muna ng jacket," sabi ni Jake habang kinukuha ang jacket niyang nasa backseat. "Ang ikli pati ng short mo," dagdag niya pa.

"May short bang mahaba?" tanong ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Totoo naman, ah! May short bang mahaba? Wala!

Bumaba agad ako nang tumigil na ang kotse. Marami na agad tao kahit maaga pa.

"Una na ako," paalam ko kay Jake.

Binalik ko na sa kaniya ang jacket niya dahil hindi naman na ako nilalamig. Tumango siya at lumapit na sa girlfriend niyang nag-aantay sa kaniya.

Tumakbo na ako papunta sa building namin dahil may mga tumitingin na sa akin habang naglalakad ako kanina!

"Hi, Jade!" sigaw ni Austin nang makitang tumatakbo na ako paakyat.

Nginitian ko lamang siya at nakitang pumasok na siya ng classroom. Akmang papasok na rin ako nang bigla akong hilahin ni Daryl.

"Kinakabahan ka ba?" nang-aasar niyang tanong kaya umirap ako.

"Bakit naman ako kakabahan?" masungit kong tanong.

He shrugged his shoulders while smiling widely at me.

"You'll cheer for me, right?" tanong ko at gusto ko na lang tumalon sa building nang mapagtanto ko ang sinabi ko! I asked that question as if my play will depend on his cheer!

His smile grew wider. "I'll cheer for you. We will." Ginulo ang niya ang buhok ko kaya lalo akong nainis.

Okay naman na siguro kami ni Daryl? I mean, 'yung relasyon namin. Hindi naman na kasi kami nag-aaway ngayon. Paminsan-minsan din akong pumupunta sa bahay nila para dalawin si Tita Jacky dahil minsan ay hinahanap niya ako para lutuan ng pagkain na paborito ko.

Dahan-dahan na rin siyang nagkukuwento tungkol sa nakaraan naming dalawa. Iyong mga hilig naming gawin dati, 'yung mga lugar na paborito naming puntahan at marami pang iba. Inuunti-unti na niya rin ang pagkukuwento tungkol sa nangyari sa amin noong nabangga ako. Sinubukan niya raw akong dalawin noon sa ospital na pinagdalhan sa akin pero wala na raw ako roon.

Kaya niya raw ako nakilala ay dahil lumipat sila noon sa Pampanga para samahan ang grandparents niya na roon din nakatira. Kami naman ay doon talaga nakatira, lumipat lang sa Manila para mag-aral.

"Volleyball players? Please, get ready." Narinig na namin ang speaker kaya nag-ayos na ako.

Nang makapag-ayos ay lumabas na ako ng classroom. Mamaya pa sila pupunta roon pero sure naman akong susunod sila! Sa school namin gaganapin ang laro kaya ang daming nakakalat na estudyanteng taga-ibang school. Mga taga-Olivar University, to be specific.

"Jade!" tawag ni Dianne sa akin at agad naman akong dumiretso sa kung nasaan sila.

Nandito na rin naman si Sir Jayson kaya naghahanda na talaga. Lumingon ako sa entrance, hinahanap ko ang mga gunggong kong kaklase.

"At please lang, girls, h'wag kayo mag-away sa gitna ng laro. Pare-pareho naman nating gustong manalo, 'di ba?" Tumango kami at kusang tumingin ang mga mata ko kay Lei Anne. Inirapan niya ako nang magtama ang tingin namin. Inirapan ko rin siya, hindi nagpapatalo.

"Lei Anne," sita ni Dianne habang pinanlalakihan ng mata si Lei Anne.

Uminom muna ako ng tubig habang sumisilip pa rin sa entrance para tingnan kung parating na ba sina Daryl. Pati si Jake ay hinahanap ko rin. Nagsisimula na kasing pumasok ang mga tao.

Nakita ko ang gulat sa mga mata nung mga dating schoolmates ko noong nakita nila ako. Naging sikat ako sa Olivar dahil nga sa ugali ko at dahil sa mga pinaggagagawa ko noon! Pero s'yempre sumikat din ako dahil matalino ako, 'no!

Umupo ang mga kaklase ko malapit sa amin para kitang-kita talaga nila.

"Good luck, Jade!" sigaw nila nang sabay-sabay kaya napaiwas ako ng tingin para itago ang ngiti sa labi.

"Supportive 'yan," Dianne teased me. Tumingin pa siya sa pwesto ng mga kaklase ko.

"Sus, nasilay ka lang, e," pang-aasar ko rin at mabilis siyang umiwas ng tingin.

"Huh? Hindi, ah," mabilis niyang tanggi kaya mahina akong natawa.

Nang makita ko kung sino ang kalaban namin ay lihim akong natawa. My former team. The team that I built.

The is about to start and the whole place started to get tensed. Lalo na't grabe-grabe sila kung sumoporta at sumigaw. Halatang kahit sa pagchi-cheer ay hindi magpapatalo!

"East! East! East!"

"Olivar! Olivar!"

"Olivar! Undefeated!"

"Putangina, edi kayo na undefeated!"

Natawa ako sa sumigaw na 'yon. Sure akong isa sa mga kaklase ko 'yon dahil sila ang malapit sa amin. Tuloy-tuloy ang pag-cheer nila habang kami ay naglalaro na.

We played the game more seriously than the last time. Ramdam ko rin ang inis na nararamdaman nila sa tuwing makakapuntos ang kabilang team. Nakaka-pressure pa dahil sa mga cheer nila at ang mga disappointed nilang reaction kapag nagkakaroon kami ng error.

Natapos ang laro at panalo kami! I ran towards my classmates while smiling widely. Mabilis akong sinalubong ni Daryl ng yakap.

"Galing," he whispered while hugging me. Inikot-ikot niya pa ako!

"Galing, Jade!" Lumapit sa akin si Austin at pinaglayo kami ni Daryl para mayakap niya rin ako. Natawa naman ako sa naging reaction nung isa.

Pero s'yempre hindi mawawala ang mga taong hindi marunong tumanggap ng pagkatalo.

Agad na napuno ng bulungan ang lugar. Lumapit kasi sa amin ang mga player ng Olivar.

"Babalik ako," bulong ko at tinapik ang balikat ni Austin bago lapitan sina Dianne.

"Nandaya kayo!" sigaw ni Yna kaya agad na kumunot ang noo namin.

"What the hell, Yna?" I said while laughing a little. "Hindi ka pa rin nagbabago. Hindi kami nandaya, kinulang lang kayo sa practice."

I really don't like Yna's attitude. Kahit noong sa Olivar pa ako napasok. Para siyang laging nakikipag-compete sa akin!

"And you haven't changed, too. Mayabang ka pa rin!" Akmang sasampalin niya ako ngunit mabilis kong nasalo ang kamay niya. Padarag ko iyong binitawan.

"Don't try me, Yna," I seriously said. "You already felt how hard my slap is, right? Wanna feel it again?"

"Oohh!"

"Boo!"

"Go, Fernandez! Boto pa rin ako sa 'yo!"

The two girls beside Yna tried to pull me, but Lei Anne, and Mia pulled them by their elbows before they could do that.

"Gosh, iskandalosa," bulong ni Mia bago bitawan ang babaeng hawak.

"You're still in our territory, bitch. Don't even try to touch one of our players," Lei Anne said.

Tension can be felt, the reason why our coaches pulled us away from each other.

"Stop it, maraming nanonood. Basketball na ang susunod, magpalit na kayo," utos sa amin ni Sir Jayson.

Nagpalit lang talaga ako ng damit dahil wala na kaming oras para maligo pa dahil naririnig na namin na magsisimula na ang laro nina Jake. Naririnig ko nang tinatawag ang pangalan nila.

T-shirt na may tatak ng school namin ang sinuot namin para makilala kami dahil sa dami nga ng tao.

Sabay-sabay lang din kaming natapos kaya sabay-sabay na kaming bumalik sa gymnasium.

"Those bitches! Hindi marunong tumanggap ng pagkatalo!" inis na sabi ni Lei Anne na halatang hindi pa rin nakaka-move on sa nangyari kanina.

"Kasura, e," sagot naman ni Dianne.

Humiwalay na ako sa kanila nang makarating kami sa gymnasium dahil sa mga kaklase ko ako dumiretso.

"Ayos, Jade! Panalo!" salubong sa akin ni Alexis at nakipag-fist bump.

May bakanteng upuan sa tabi ni Daryl kaya roon ako umupo. Patuloy sa pagpuri sa akin ang mga kaklase ko. Ngayon ko lang napansin na wala sina Shawn dito.

Ngumiti ako sa kanila at ibinaling na ang tingin sa harap. Nagsimula na namang mag-cheer ang mga tao at ngayon ako parang naririndi. Sobrang lakas kasi talaga ng mga sigaw nila at kasama na ako ngayon sa mga audience kaya rinig na rinig ko!

Nahagip ng mga mata ko si Lei Anne kasama ang boyfriend niyang si Lawrence. Nakaakbay ang lalaki sa kaniya at talagang hindi itinago ang paghaharutan nila!

Mahiya sa mga single, oy!

"Kung nakakamatay siguro ang tingin, kanina pa sila bumagsak d'yan," biglang sabi nitong ni Daryl. Late ko nang na-realize na masama na pala ang tingin ko sa dalawang 'yon.

"Huh?" pagmamaang-maangan ko kay Daryl.

"Tss," he whispered before looking away.

My heart almost stopped beating when Jake aimed for his shoot. Doon kasi nakasalalay ang pagkapanalo nila at ilang seconds na lang ang natitira! Napakurap-kurap ako nang pumasok ang bola sa ring at makapuntos siya.

"Ahh!"

"That was close, Andrei!"

"Idol!"

Marami pa akong narinig na comments pero hindi ko iyon pinansin dahil tumakbo na ako papunta kay Jake para yakapin ito. I didn't mind his sweats dahil hindi naman siya mabaho.

"Ang galing naman ng kapatid ko! Congrats!" sabi ko habang nakayakap pa rin sa kaniya. Ako na rin ang pumutol sa yakapan namin dahil dumating na ang girlfriend.

"Congrats, babe!" ani nito kaya lihim na napairap ako.

Tinapik ko na lang sa balikat si Jake para sabihin na aalis na ako. Tumango lang siya sa akin.

Tinamad na kaming panoorin ang mga susunod na laro kaya pumunta na lang kami sa cafeteria. Mamaya pa mag-a-award ng winners at pati roon ay tinatamad akong um-attend. Ayaw kong makita ang mukha ni Yna! Naiinis ako sa kaniya!

Kaniya-kaniya silang nag-order ng mga pagkain nila at si Daryl naman ang nag-order ng pagkain ko.

Nagsimula na kaming kumain at si Austin naman ay panay ang salita at pagsasabi ng kung ano-anong joke na minsan ay hindi nakakatawa! Ang corny na.

Nagpaalam si Austin na pupuntang restroom dahil naiihi raw. Paatras pa siya kung maglakad dahil mayroong sinasabi. Pagtalikod niya naman ay hindi niya napansin iyong glass door kaya ang ending ay naumpog siya roon!

Shunga talaga!

Natatawang umiwas ako ng tingin ngunit agad ding napawi ang saya ko nang dumaan sa harap namin sina Lei Anne. Nakangisi siya at animo'y nang-iingit.

Umirap ako at pinagpatuloy na ang pagkain. Minsan talaga ang hirap intindihin ng mood ng babaeng 'yon.

Umiinom ako ng tubig nang makita kong lumabas ng cafeteria si Lawrence. Mukha siyang galit. Nakita ko si Lei Anne na tumayo rin kaya akala ko ay susundan niya ang lalaki pero hindi pala dahil sa table namin siya dumiretso.

"What now, Lei Anne? Nag-away ba kayo? Tapos, ano? Ako ang sisisihin mo?" natatawang sunod-sunod na tanong ko dahil kilala ko ang ugali ng babaeng 'to.

Ilang beses nang sinubukan ni Lawrence na kausapin ako pero mas pinipili kong huwag na siyang kausapin dahil alam kong magagalit ang girlfriend niya at pag-iinitan na naman ako. Ayaw ko namang araw-araw na may kaaway, 'no!

"Can't you just tell him directly that he no longer stands a chance to you?" galit niyang tanong. "You keep on leading him on!"

Umirap ako. Wala naman akong ginagawa, ah? Ano bang pinagsasasabi niya?

"I'm not doing anything, Lei Anne," inis at mabagal kong sabi. "Hindi ko na nga sinasagot ang tawag nung tao."

She sighed. "So, he's still calling you?"

Hindi niya pala alam? Umirap ako at naisipang lokohin siya. Tumayo ako at nagsimula nang maglakad palabas.

"Where are you going?" she asked nervously.

I smirked. "Aagawin boyfriend mo?"

"What the fuck? Bwisit ka talaga!" Hinila niya ako para hindi ako makalabas kaya natawa ako nang malakas.

"The fuck..." I whispered. "I'm just joking, Lei Anne."

Tumingin ako kay Daryl. "Let's go," I mouthed. Tumango naman ito at ang mga kaklase ko naman ay parang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari dahil mga nakaawang ang mga labi nila habang naglalakad.

Napatigil ako sa paglalakad nang bigla kong marinig ang malamig na boses ni Daryl.

"Do you still like him?"