Pangatlong araw na ngayon. Malapit nang matapos ang Festival, ilang araw na lang. Tiningnan ko ang mga kaklase kong busy sa pag-aayos ng itsura nila ngayon. Mayroon ngang naglagay pa ng kaunting make-up para raw hindi sila ma-haggard!
Kahapon nang matapos ang contest ay bumalik na kaming lahat sa classroom dahil p-in-ractice nila ang sayaw nila. Doon nila ginugol ang oras nila kahapon para raw ngayon ay wala nang pressure, mag-e-enjoy na lang daw sila.
"Okay lang ba ang itsura ko?" biglang tanong ni Kian sa akin habang inaayos ang damit niya.
"Ba't ka ba nag-aayos masyado?" tanong ko pabalik.
"Manonood crush ko, e," sagot naman niya habang nag-aayos ng buhok. Kita ko ang malawak niyang ngiti kaya napangiti na lang din ako, nang-aasar.
"Sus! Gwapo ka naman na, ah?"
Umirap siya sa sinabi ko pero nakangiti pa rin. Nahihiya siguro. Biglang kumunot ang noo ko nang maisip kung sino ang crush niyang iyon. Si Dianne pa rin kaya? Minsan kasi ay nahuhuli ko siyang nakatingin kay Dianne.
"Bakit?" takang tanong niya, nawala na rin ang ngiti sa labi dahil nagtataka.
"May gusto ka pa rin ba kay Dianne?" tanong ko habang naniningkit ang mata at nakaduro ang daliri sa kaniya.
"Huh? Wala," prenteng sagot niya at nagkibit-balikat.
Umirap na lamang ako. Hindi pa rin siya tapos mag-ayos. Kahit ang mga kasama niya ay ganoon din. Mabuti at mahaba pa ang oras. Daig pa nila ang babae kung mag-ayos!
Nauna na kami ni Daryl sa Auditorium. Sila ay susunod na lang dahil sa backstage naman ang diretso nila. Nagtawag na rin kasi ng mga estudyante dahil nga magsisimula na. Maraming mukhang mas excited sa mga mapapanood ngayon. May mga banner pa ang iba. Nagulat ako nang makakita ng banner na may pangalan ni Alexis.
"Daming fangirls," bulong ko dahil hindi lang isa ang nakita kong sumusuporta kay Alexis.
Lumapit sa akin si Daryl at yumuko para bumulong sa tainga ko. Ang kamay niya'y nakahawak sa armrest ng upuan ko kaya parang nakakulong ako sa kaniya ngayon.
"Karamihan sa mga 'yan ay ex-girlfriend niya," bulong niya sa akin.
Heto na naman ang naghuhuramentado kong puso. Napakurap-kurap ako at hindi agad nakasagot. Tiningnan niya ang mga babaeng tinitingnan ko kanina kaya nasa harap ko ang pisngi niya ngayon.
"H-huh? Karamihan? Ibig sabihin ay madami?" tanong ko nang makabawi na sa gulat. Malapit pa rin ang mukha niya sa akin kaya para akong bato rito sa kinauupuan ko.
"Hmm." Lumayo na siya dahil nagpalakpakan na ang mga tao.
Lumabas na ang host. Nilingon kong muli ang babaeng tinitingnan ko kanina. Ngayon kaya? Wala bang girlfriend ngayon si Alexis? Kahit isa sa mga 'yan?
Halata namang malalandi ang mga kaklase kong 'yon pero wala akong naririnig na may babae ang isa sa kanila. Hindi ko rin sila nakikitang may kasama. Siguro ay may mga girlfriend naman? Hindi lang siguro nila nababanggit. Pero minsan naman ay naririnig ko silang nag-aasaran tungkol sa ganoon.
Section D ang unang magpe-perform. Marami rin silang sasayaw pero parang iyon ang magpapagulo sa performance nila. At tama nga ako.
Awkward na tumawa ang host. Umiling ako habang nakangisi. Kung ako siguro ang judge ay patitigilin ko agad ang music nila kahit nasa kalahati pa lang.
Hindi naman na naakyat ng stage iyong baklaâ 'yong host. Nasa tabi na lamang siya at doon nagsasalita.
Tumingin ako sa judges. Masuri silang nanonood. Kasama roon si Sir Jayson.
Section B ngayon ang nagpe-perform. Ngumiwi ako. Bakit ba alphabet lang ang pangalan ng mga section sa school na 'to? Hindi man lang ata pinag-isipan.
"Thank you for that wonderful dance Section B." Nagpalakpakan ang mga nanonood. "And for our next performer... Section A!"
Lumabas na mula sa backstage ang mga Section A. Bahagyang napaangat ako nang makita ang kapatid ko. Ngumisi siya nang makita ang reaksyon ko.
Nagpalakpakan ang mga tao at ganoon din ang ginawa ko. "Go, Jake!" excited na sigaw ko habang nakangiti at pumapalakpak.
Napatingin sa akin si Daryl kaya pinagtaasan ko ito ng kilay. "What? Masamang i-cheer ang kapatid?" Umiling siya at binaling na muli ang tingin sa stage.
Nakangiti ako habang pinapanood na sumayaw ang kapatid. Nilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ng video. Remix ang tugtog nila.
"Go, Kuya!" sigaw ko habang zinu-zoom sa kaniya ang video. Nakita ko ang pagngiti niya.
Natapos nang mag-perform ang section ng kapatid ko. Balak ko sanang salubungin sa backstage pero nakita kong pumunta roon si Mia kaya mamaya na lang siguro. Naging busy rin kasi ako sa pag-pa-practice at sa mga kaklase ko kaya hindi ko na siya nakakausap. Ni hindi ko nga alam na kasali pala siya ngayon.
"Ang guguwapo naman ng mga batang 'yon!" kinikilig na sabi nung host. Ngumiti pa muna siya bago tumikhim. "Our next performer will be... Section E!"
Napaayos ako ng upo. Shit! Ayan na, ayan na!
Sinabi nilang hindi sila kakabahan kaya ako tuloy ngayon ang kinakabahan para sa kanila! Mahigpit akong napahawak sa kamay ni Daryl nang lumabas na mula sa backstage sina Ivan. Natauhan naman ako sa ginawa ko kaya mabilis kong inalis ang kamay ko sa kaniya.
"Sorry, na-e-excite lang," nahihiyang sabi ko. Daryl chuckled which made me smile secretly.
Pumalakpak ako nang makita na silang lahat sa stage. Nakangiti ang mga 'to at halatang excited din kaya nawala na ang kaba ko.
Pumunta na sila sa kani-kaniyang pwesto at hinintay na tumugtog ang kanta nila. Nagtilian agad ang mga nanonood kahit na wala pa naman silang ginagawa.
Tteoollin ne saenggage
Meoriga jom bokjabhae
Kkaejil geonman gata
"Go, Section E!" malakas na sigaw ko. Hindi ko alam kung narinig nila ako pero nakita kong lumawak ang ngiti ng mga kumag.
Gadeukhan Fantasy
Gunggeumhan Mystery
Jebal hinteureul jweo
Malapad akong ngumiti habang pumapalakpak. Ang cute ng mga alaga ko! Natawa ako kay Austin dahil bigay-todo ang energy niya.
Malapit na sa gitna ang kanta nang may marinig akong sumigaw.
"Go, Alexis! May kiss ka sa 'kin mamaya!" walang hiyang sigaw nito. May mga tumawa pero maraming masama ang tingin sa kaniya.
I side-eyed the girl. Isa siya sa may mga banner na hawak na para kay Alexis.
Da saranghae
Neol saranghae
Neol saranghae
Neol saranghae
Napasigaw na rin ako dahil sa tuwa nang makitang sabay-sabay sila.
"Worth it ang inis! Go, Section E!" sigaw ko, sinasabayan ang mga fangirls nila.
Malawak ang ngiti ko at paminsan-minsang sinasabayan ang kanta. Mukhang maganda rin ang naging choice naming kanta dahil makikitang nag-e-enjoy at nakiki-vibe naman ang mga nanonood kahit pa ang iba ay hindi alam kantang 'yon.
Let's make love Hey
Let's make love Hey
Da saranghae
Neol saranghae
Neol saranghae
Neol saranghae
Tumayo kami at pumalakpak nang matapos sila. Proud akong ngumiti nang makitang pati ang mga judge ay natuwa sa kanila. Binuhat nila si Austin paalis ng stage dahil kumakaway pa ito sa mga nanonood kaya may mga natawa.
Ang kulit talaga!
Inalalayan ako ni Daryl pababa ng hagdan dahil tumatakbong sinalubong sina Calyx.
"Ang galing niyo!" tuwang-tuwang sabi ko at nag-thumbs up pa.
"Kailangan galingan, takot lang namin sa 'yo," kunwaring bulong ni Kian kaya hinampas ko ang balikat niya.
Bumalik na kami sa mga upuan namin para manood ng huling magpe-perform.
"What an amazing performance!" Pumalakpak ang host kaya nagpalakpakan muli ang mga tao. "Ang galing, 'no?" Tumawa ito.
Hindi na ako nakapag-focus sa mga sinabi noong host dahil nakikinig ako sa mga usapan nina Daryl.
"Ano na raw ang lagay ni Michael?" bulong na tanong ni Hendrix ngunit narinig ko pa rin.
Nakangiti akong nakaharap sa stage habang pumapalakpak nang lumabas na ang Section C. Nagkunwari akong nanonood para hindi nila isipin na nakikinig ako sa kanila.
"Wala pa namang update sa parents," rinig kong sagot ni Neil.
"Let's not talk about him here." Ngumuso ako dahil sa sinabi ni Daryl. Masyado naman atang maingat?
"Hayaan niyo na siya," rinig ko namang sabi ni Harry.
"Tss. Puruhan niyo ba naman," sabat ni Shawn sa kanila.
Parang lumaki tuloy bigla ang tainga ko dahil sa narinig.
Anong pinuruhan? Binugbog ba nila? Pero bakit naman nila gagawin 'yon? Kaibigan nila 'yon, ah! Baka dahil sa akin? Siguradong dahil sa akin nga!
"Pangit ba?" tanong ni Alexis sa akin kaya medyo nagulat ako.
"H-huh?" Baka malaman niyang nakikinig pala ako!
"Ang lalim kasi ng kunot ng noo mo. Pangit ba?" tukoy niya sa nasa stage.
"Ha? Hindi. Hindi naman." Umiling ako at ngumiti.
Naisipan nilang bumalik na sa room. Ako ay nagpahuli para sumabay ng lakad kay Jake.
"Galing mo, ah!" Mahina kong dinanggi ang balikat niya.
Ngumisi siya. "Ako pa ba?" mayabang niyang sabi.
Pabirong umirap ako. "Una na 'ko." Nakita ko na kasing nakaabang si Mia sa kaniya.
Ginulo ni Jake ang buhok ko at tinulak na ako.
Grabe naman! Hindi makapaghintay? Hindi na ako umimik at pinakita na lang sa kaniya ang middle finger ko.
Naabutan kong nakaupo ang mga kaklase ko sa sahig. Nakabilog sila at mukhang may gagawin.
"Maglalaro kami!" paalam sa akin ni Austin nang makitang nakatingin ako at nagtataka sa itsura nila.
Nakita kong naglabas ng Uno Cards si Ezekiel.
"Sali ka?" aya ni Daryl pero may tumawag sa akin mula sa labas. Mabuti at hindi pa ako tuluyang nakakapasok ng classroom.
"Dianne? Bakit?" Nilingon ko si Kian at nakitang nakatingin siya sa amin... o kay Dianne lang.
"Practice raw," nakangiwing sagot ni Dianne sa akin.
Tumingin muna ako sa mga kaklase ko bago isara ang pinto at bumaba na kasabay si Dianne.
"Kumusta?" Napatingin ako sa kaniya nang magtanong siya.
Nagkibit-balikat ako. "Okay lang. Ikaw ba?"
Ngumuso siya bago sumagot. "Okay lang din naman."
Bumuntonghininga ako at ngumuso. Gusto kong magtanong pero parang ang weird naman kung ang random ko, 'di ba?
"May gusto ka pa rin ba kay Kian?" diretsahang tanong ko kaya nakagat ko ang labi ko at napapikit ng mariin.
Natawa siya. "Ang hirap... mag-move on. Lalo na't alam ko sa sarili ko na hindi ko naman kaya. Minahal ko kasi 'yung tao... ng sobra," malungkot niyang sabi.
Damn that guy! How can she hurt a precious girl like her? Nasa tamang tao na, humanap pa ng iba!
Bumuntonghininga ako. "Mahal mo talaga, 'no?"
Nahihiyang tumango siya.
"Hindi mo ba naisip 'yung mga ginawa niya sa 'yo? Hindi mo 'yon deserve, Dianne." Ngumuso ako at patuloy pa rin na naglalakad.
Malungkot na ngumiti naman ang katabi ko.
"Masakit pa rin kapag naiisip ko... pero hindi ko mapigilan 'yung nararamdaman ko para sa kaniya, e. Hindi ko rin alam kung bakit. Pakiramdam ko lagi parang may kulang... parang hindi ako buo kung wala siya." Yumuko siya.
Ako naman ay napaawang lamang ang labi. Grabe naman ang pagmamahal niya sa lalaking 'yon. Sinaktan na siya't lahat pero hindi pa rin naalis ang nararamdaman niya.
"Nakapag-usap na ba kayong dalawa?" curious na tanong ko. "I mean... nung nagkahiwalay na."
"Noong hiwalay na?" Umiling siya. "Hindi pa, e."
"Nag-explain man lang ba siya sa 'yo?" Napangiwi ako sa sariling sinabi.
"Nag-sorry siya tapos... wala na. Hindi na niya ako pinansin no'n." mahina siyang natawa na para bang may naalala.
Kumunot ang noo ko. Nag-sorry lang? Grabe naman 'yon!
"Pakiramdam ko nga ay may mali. Kaya... hindi ko rin siya tuluyang mabitawan."
Bigla namang pumasok sa isip ko ang mga magulang ni Dianne. Ipinilig ko ang aking ulo. Bakit ko naman pag-iisipan ng masama sina Tita?
Sa gitna ng field kami pumunta dahil nandoon na silang lahat. Maging si Sir Jayson ay nandoon na rin. Kami na lang dalawa ni Dianne ang hinihintay.
Nakita kong masama ang tingin sa akin ni Lei Anne, inirapan pa ako. Napailing na lamang ako at hindi pinansin. Mapapagod lang ako kung papatulan ko pa siya.
"Pipilitin nating linisin ngayon ang steps at positions niyo. Alam ko rin naman kasing naging busy kayo kaya hindi ko na rin pinilit pang pag-practice-in kayo." Ngumiti si Sir habang tinitingnan kami isa-isa. "May tiwala naman kaming mga teachers sa inyo. Alam naming kaya niyo 'to, mga anak."
Tumango kami at ngumiti kay Sir bago magsimula. Medyo nakaramdam ako ng pressure dahil sa sinabi ni Sir kaya hindi ako ganoon nakapag-focus noong una. Mabuti at umayos na noong pangalawang ulit namin.
Madilim na rin noong natapos kami. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala na akong lakas na tingnan pa ang cellphone ko.
Ilang beses kaming umulit nang umulit dahil sinasadya ni Lei Anne na apak-apakan ang paa ko. Maging ang pagdanggi sa akin ay halata mong sadya rin! Paminsan-minsan ko siyang ginagantihan kaya umuulit kami!
Habang umaakyat tuloy ng hagdan ay nakabusangot ang mukha ko. Umirap ako at pigil na sumigaw dahil gusto ko talagang ilabas ang inis na nararamdaman ko.
Naabutan ko silang ganoon pa rin ang pwesto pero ngayon ay may empty plastic bottle na sa gitna nila. Pinaikot iyon ni Alexis at tumapat naman kay Kian noong tumigil.
"Truth or Dare?" nakangising tanong ni Alexis.
Hindi nila ako napansin dahil tahimik ko lang na binuksan ang pinto at mukhang intense rin ang mga kaganapan kanina bago ako pumasok.
"Truth," agad na sagot naman ni Kian sa kaniya.
"Mahal mo pa ba 'yung ex mo?" malaki ang ngiting tanong ni Alexis. Halatang nang-aasar ang gago!
Natigilan si Kian sa tanong pero saglit lang iyon dahil nakabawi siya agad. Binigyan niya ng masamang tingin si Alexis bago sumagot. "Hindi na."
Hindi na mahal? Bakit hindi agad nakasagot kung ganoon?
Nag-angat ng tingin si Austin kaya nakita niya ako. Napangiti agad ito.
"Jade! Sali ka rito!" malakas na sabi niya. Napatingin na ang lahat sa akin.
Tumango na ako at dumiretso sa tabi ni Daryl dahil nakita kong umipod ito kaya nagkaroon ng space sa tabi niya.
Nakita kong sumilip si Daryl sa cellphone niya bago tumingin sa akin, gulat.
"Bakit?" takang bulong ko.
"Hindi ko napansin ang oras. Hindi kita napuntahan, hinaharang din nila ako, e."
Ngumiti ako at umiling. "Baliw. Okay lang, 'no."
Si Kian na ang nagpaikot ng bote at tumapat iyon kay Calyx.
"Truth or Dare?" tanong ni Kian.
"Truth," mabilis na sagot ni Calyx.
Napanguso ako. Wala bang sasagot ng Dare?
"May girlfriend ka ba ngayon?" walang kwentang tanong ni Kian.
Ano ba 'yan? Parang hindi na pinag-isipan! Naitanong na siguro nila lahat kanina noong wala pa ako!
Ngumiwi si Calyx habang nakakunot ang noo ko. "Wala."
Pinaikot na ni Calyx ang bote at tumapat iyon kay Austin. Excited na umayos ng upo ang bata at tinititigan si Calyx, hinihintay ang tanong nito.
"Truth or Dare, Austin?" Ngumisi si Calyx dahil mukhang alam na ang isasagot nung isa.
At tama nga ang iniisip ni Calyx.
"Dare!" sagot agad ni Austin. Handa na siya sa magiging dare sa kaniya.
"Do the weirdest dance you know," natatawang utos ni Calyx.
Sabay-sabay kaming naglabas ng cellphone para video-han si Austin. Kinagat ko ang ibabang labi ko para tigilan ang tawa nang sumayaw na siya dahil mukha siyang tanga. Sina Alexis ay hindi man lang itinago ang reaksyon. Nagtawanan talaga silang lahat.
"Fuck it. Stop, Austin. You look fucking stupid." Napangiwi na si Hendrix dahil mataas pa rin ang energy ng bata.
Puno pa rin ng tawanan ang classroom namin kahit na tapos nang sumayaw si Austin at nakaupo na ito.
Kay Shawn naman tumigil ang bote. Mabilis na nagtanong si Austin.
"Truth or Dare?"
Huminga muna ng malalim si Shawn dahil kakatapos lang tumawa. "Truth."
"Ayaw mo pa rin ba kay Jade?" tanong ni Austin. Natigilan naman ako.
Tumingin ako kay Shawn. Hinihintay ko ang sagot niya. Ayos lang naman sa akin kung ayaw niya pa rin sa akin. Basta lang ay hindi na niya ako guguluhin!
Nagulat ako nang umiling si Shawn. "No. I... realized that it's not bad... if she's in our section. She's kind, I guess? Mataray lang talaga."
Ngumuso ako para itago ang ngiti. Dinanggi ako ni Neil, nang-aasar. Ngumiti lang ako at umirap.
Kay Daryl naman ngayon tumapat ang bote. Umayos ako ng upo nang may maisip na itanong kung sakaling Truth ang isasagot niya.
"Truth or Dare?" tanong ni Shawn.
"Truth," mahinang sagot ni Daryl. Mukha namang wala siyang ganang maglaro nito, e!
Mabilis akong sumingit bago pa makapagtanong si Shawn.
"Ako na lang ang magtatanong, Shawn. Pwede ba?"
Tumango si Shawn at tumingin naman sa akin si Daryl. Ang iba ay ganoon din, hinihintay ang itatanong ko.
"Anong... ginawa niyo kay Michael?" Kanina ko pa iniisip 'yon. Hindi. Matagal na pala akong nagtataka kung bakit biglang nawala si Michael.
Nagulat at natahimik ang iba pero si Daryl lang ang gusto kong marinig ngayon. "This is a Truth or Dare game, Daryl. You picked the Truth kaya h'wag kang magsisinungaling."
Dahan-dahan siyang tumango. "We... beat him up."
Umawang ang labi ko. Tama nga ang narinig ko kanina! "But why would you do that?" I'm confused! Kaibigan nila 'yon, ah? Kung hindi man kaibigan, kaklase!
"Only one question is allowed, babe," he teased.
Nainis ako sa sinagot niya pero ang pisngi ko ay nag-init dahil sa tinawag niya sa akin! Umirap ako at umiwas ng tingin sa kaniya.
Kinuha na niya ang bote at pinaikot iyon. Kay Hendrix naman ngayon.
"Truth or Dare?" tanong ni Daryl na para bang kanina niya pa 'to hinihintay. Nakita ko kasing umangat ang isang kilay niya nang makitang kay Hendrix tumapat ang bote.
Ngumiwi si Hendrix bago sumagot. Alam niya sigurong may binabalak ang kaibigan niya kaya ganoon na ang reaction niya. "Truth."
I blew a loud breath. Medyo disappointed. Puro Truth kasi ang pinipili!
"Do you like Jade?" seryosong tanong ni Daryl.
Hindi ko inaasahan ang tanong na 'yon kaya napalingon ako kay Daryl. Bakit niya naman naisip ang tanong na 'yon?
Tumikhim si Hendrix kaya napunta naman sa kaniya ang tingin ko. Curious na naghihintay ako sa isasagot niya.
My lips parted because of his answer.
"I... do like her."