My things are already packed when we went home. Naka-ready na rin ang lahat ng kailangan ko para makaalis ng bansa. They still refused to give back my phone. I haven't even talked to my friends about this. Sigurado akong malulungkot si Austin. Malulungkot sila. Hindi man lang nila ako hinayaan kahit magpaalam man lang sa kanila. Hindi nila alam na aalis ako.
Galit talaga si Mommy. At ganoon din si Daddy. I can feel their anger even if I am an meter apart from them. Kahit sina Jake ay hindi ko rin makausap dahil hawak sila ni Mommy sa leeg. Or maybe because they are just mad as them that's why they are refusing to talk to me too. Alam siguro nilang hihingi ako ng tulong sa kanila para hindi ako isama nina Mommy sa New Zealand.
Bakit ba gustong-gusto nila akong umalis? Para bang sobra silang nagmamadali kaya binigla nila ng sabi sa akin.
I looked outside the house. Umaasa akong dadating siya. Umaasa akong pupuntahan niya ako rito para makapagpaliwanag siya pero wala. Walang Daryl na dumating.
Hindi niya ba alam na nandito na ulit ako sa bahay nina Tita Bealyn?
"What are you thinking?" my mother asked while fixing some strands of my hair.
Umiling lang naman ako. Hinipo niya ang aking noo para malaman kung mainit pa ba ako pero hindi naman na. Maayos na ang pakiramdam ko.
Ngayon na agad ang alis namin dahil gusto na agad nila umuwi. Nakahanda naman na ang lahat pero parang may hinihintay pa silang dumating kaya hindi pa kami umaalis. Nagtataka ako pero mas mabuti na rin na hindi pa kami umaalis. Tumatagal ang oras ko rito. Baka sakaling makita ko pa si Austin. Dito lang naman din sila nakatira. Baka makapagpaalam pa ako.
"Finally!" Mom suddenly exclaimed. Malawak na ang ngiti niya. Tiningnan ko kung sino ang kausap niya at nagulat ako nang makita kung sino iyon. May dala-dala siyang maleta at parang handa ring umalis. . . kasama namin.
"Alexis. . ." I whispered his name out of shock. Is he coming with us? Pilit siyang ngumiti sa akin bago lumapit.
"Hi?" hindi siguradong sabi niya at nagkibit-balikat.
"What are you doing here?" bulong ko nang makalapit na siya ng tuluyan sa akin.
Hinawakan niya ang likod ko at saka bumulong. "Nakiusap ang Mommy mo na samahan kitang umalis."
Gulat naman akong tumingin sa nanay ko. Wala siyang kahit anong reaksyon na para bang kahit anong sabihin ko ay hindi siya makikinig dahil buo na talaga ang desisyon niya at sarado na ang utak niya sa mga sasabihin ko.
Umirap ako dahil sa inis dahil kanina ko pa nararamdaman na parang pinagtutulungan nila ako.
Hindi na lang ako nagsalita at sumunod na lang sa kanilang lumabas.
Magkasama kami ni Alexis sa kotse. Kami lang dalawa ang magkasama kaya may pagkakataon ako para makausap siya.
Kinausap pa ni Mommy si Alexis bago ito makapasok ng kotse. Nagtataka na ako sa ikinikilos ni Mommy pero hindi ko namang magawang pansinin. Hindi rin naman ako makakalaban dahil pareho sila ni Daddy na galit.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Alexis at ch-in-eck ang temperature ko kung mainit pa ba. "Katakot pala magalit Mommy mo, 'no?"
Ngumisi na lamang ako at umiling. Umandar na ang kotse kaya saglit kaming natahimik. Ako lang ang aalis sa amin ni Jake. Pinayagan siyang mag-stay rito. Dito na siya mag-aaral.
Buti pa siya.
"Nagkausap na ba kayo ni Daryl?" tanong ko agad kay Alexis nang magkaroon na ng lakas ng loob.
Pilit siyang ngumiti at umiling. "Hindi kami nakapag-usap. Nung hiniling mong tawagan ko siya ay hindi siya sumasagot sa akin."
Tumango-tango ako. Bakit hindi siya sumagot sa tawag ni Alexis? Totoo ba talaga na magkasama sila ngayon ng babae niya? Wala na ba talaga kaming pag-asa?
"Sina Austin ba? Alam ba nila aalis ako ngayon?" tanong ko nang maalala ang mga kaibigan.
Dahan-dahan siyang tumango at bumuntonghininga. "Noong hinihintay ka pa lang naming magising ay sinabihan na agad kami ng Mommy mo na aalis nga kayo. Kaya rin ako naunang umalis kanina dahil nga nag-request siya na samahan kita."
"Ibig sabihin ba ay hindi alam ni Daryl na aalis ako ngayon?" tanong ko pa. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ang lalaking 'yon pa rin ang iniisip ko. Palaging pangalan niya ang binibigkas ng mga labi ko.
Umiling si Alexis. "Hindi ko alam dahil hindi nga kami nakapag-usap."
Gusto kong balikan ang mga message sa akin ni Daryl. He wants to explain, right? Bakit hindi siya pumunta sa bahay? Bakit hindi man lang siya gumawa ng paraan? Gusto niya ba talagang magpaliwanag? May. . . ipapaliwanag ba talaga siya?
"Bakit ka pumayag?" takang tanong kong Alexis matapos lumipas ang ilang minutong katahimikan. "Bakit ka pumayag na sumama sa akin?"
"Gusto ko rin, e," natatawa niyang sabi na para bang wala lang sa kaniya na umalis ng Pilipinas. Para bang ayos na ayos lang sa kaniya kahit na nandito naman ang pamilya at mga kaibigan niya.
Umirap ako at bumuntonghininga. Akala ko ay wala lang sa kaniya ang umalis ng Pilipinas. Akala ko ginawa niya 'yon dahil sa request ni Mommy pero hindi pala. Sumama siya sa akin dahil may hinahanap siya! Hindi ko kilala kung sinong hinahanap niya dahil ayaw niyang sabihin. Ayaw niyang ipaalam sa akin.
I blew a loud breath when he went home after drinking with his new friends. They went to a bar again.
"Are you drunk?" I still asked even though I know that he's just tipsy. Alam ko kasi kung lasing siya at kung nakainom lang dahil ang tagal na rin naming magkasama at paulit-ulit lang naman ang ginagawa niya rito sa New Zealand.
"I'm not," he whispered while holding his head. Napailing na lamang ako at inalalayan siya papunta sa kusina.
"Mas lumala ka pa nung pumunta ka rito, e," naiiling na bulong ko.
Noon naman ay hindi siya masyadong umiinom pero ngayon ayan! Halos gabi-gabing lasing! Hindi ko naman malaman kung may problema ba siya o ano dahil ayaw niya ngang sabihin.
We went to the same university. Ayaw niyang humiwalay sa akin, e. At isa pa, parehong business naman ang tine-take namin. Magkaklase kami sa ibang subjects pero sa iba ay hindi na. Sabay kaming umuuwi at dito kami sa condo niya ngayon tumitigil. Nitong buwan ko lang nalaman na sila pala ang may-ari ng buong building na 'to.
Ang yaman-yaman naman ng gago ayaw gamitin ang kayamanan para mabilis ang paghahanap doon sa hinahanap niya.
I'm currently reviewing for our upcoming exams tapos itong lalaking 'to ay nag-iinom lamang dito! Umiling ako at hinayaan siyang magluto ng noodles niya. Hinandaan ko na rin ng gamot para sa hang over.
"Jade, you know what? You should have fun. You're always busying yourself with your studies. Hindi naman mahigpit sa 'yo sina Tita," he said while eating his noodles.
I continued reviewing. Ang dahilan niya sa akin kung bakit may oras siyang mag-inom ay dahil nakapag-review na raw siya.
Maluwag naman kaming nakaraos sa first semester. Ang hirap nga lang mag-adjust noong una. Hirap din kasi akong makipag-communicate sa iba lalo pa't nasanay akong nakakulong lamang sa condo namin noong una naming dating dito. I learned to maintain my high grades. I focused more on my studies kaya nalimutan ko na. . . siya. Nalimutan ko na sila.
Wala akong communication sa kahit sino sa Pilipinas. Kahit sina Austin. Kahit nga kina Kuya Anthony, e. Wala rin kasi akong gamit na social medias ngayon. Naka-deactivate lahat ng accounts ko. Sobra-sobra ang paalala sa akin ni Mommy na huwag na huwag kong kakausapin ang lalaking 'yon kung susubukan man niya.
I sighed. Alexis and I are walking home when a girl accidentally bumps into his shoulder.
Napaatras ako dahil sa gulat. Katabi ko kasi si Alexis at muntik niya akong madali noong nabunggo siya sa balikat nung babae.
Nalaglag ang ibang gamit nung babae kasama na roon ang mga libro niyang dala. Akmang tutulong ako sa kanila pero napansin kong biglang nagmadali ang babae nang magkatinginan sila ni Alexis.
"Found you," Alexis whispered which I couldn't understand clearly.
Umawang ang labi ng babae at agad na umalis nang makuha na lahat ng nalaglag sa kaniya. Kumunot ang noo ko nang makitang nakatulala si Alexis sa habang nakatanaw sa dinaanan nung babae. Nakangisi pa siya at mukhang nanalo sa lotto.
Binatukan ko siya. "Tinakot mo ba?" inis kong tanong.
Nakaawang ang labi niya habang nakangisi. "Nakita ko na siya, Jade. 'Yung hinahanap ko."
Umawang ang labi ko at na-gets agad ang sinabi niya. Babae pala ang hinahanap niya!
"Ang ganda niya pa rin," bulong ni Alexis habang nangingiti.
"Ang weird mo ma-in love, gago!" kinikilabutang sabi ko pero deep inside ay masaya ako para sa kaniya.
Umiling ako at tumingin na lang sa mga dinadaanan namin. Hindi ako iniwan ni Alexis. Hindi siya umalis sa tabi ko noong mga panahong galit na galit ako sa kanilang lahat.
Kapag hindi kami busy na dalawa ay gumagala kami rito kahit papaano. Minsan lang din kasi magtugma ang schedule naming dalawa, e.
Hindi ako tumira kasama ang parents ko dahil medyo may sama ng loob nga ako sa kanila. Pero nag-uusap pa rin naman kami. Hindi ko rin naman sila matitiis dahil mga magulang ko pa rin ang mga 'yon.
Iniisip ko kung nami-miss ba ako nina Austin dahil ilang buwan na rin ang lumilipas. Mag-iisang taon na nga ata? Malapit nang matapos ang first year ko, e.
Ganoon na pala talaga katagal.
Ngumiti ako ng mapait. Hindi ko pa sila nakakausap simula noong umalis ako. Inaamin kong nawala na sila sa isip ko noong tumututok na ako sa pag-aaral. Sinasadya ko talagang isubsob ang sarili ko sa pag-aaral para makalimot sa lahat. Sa kaniya. At sa ginawa niya.
"Emerald!" someone yelled from behind. Galing ako sa library at medyo pagod pa ako kaya hindi ko mapigilang mairita sa mga tao ngayon.
Nilingon ko ang lalaking tumawag at nalamang iyon 'yung nagkakagusto sa akin. Pareho kami ng schedule kaya palagi niya akong nakikita at nakukulit!
Nobody tried to court me here. I always reject those who tried. Pero kapag may mga makukulit ay sinasabi ko na lang na may boyfriend ako. Kapag nagtanong sila kung sino ang boyfriend ko ay si Alexis ang sinasabi ko. Pero ngayong nalaman kong may nagugustuhan na pala si Alexis na babae ay dapat na siguro akong umisip ng ibang paraan para mang-reject ng lalaki.
"Uh, hi," I awkwardly said.
"Are you free tonight?" he asked while smiling widely.
"I'm sorry, but I have a lot of things to do tonight so I. . . am not free." I forced a smile.
"It's okay, I understand. But, is it true that you're engaged?"
Kumunot ang noo ko. Medyo kilala ako sa university namin dahil ilang beses na rin akong inilaban sa mga contest at naging muse pa ako kaya may mga rumor akong naririnig tungkol sa akin pero parang. . . wala naman akong narinig tungkol sa engaged na 'yan?
"No." I shook my head with my furrowed brows. "Where did you get that?"
Gago ata ang nagpalakat no'n, ah? Wala nga akong boyfriend, e! Paano ako ma-e-engage?
"I saw it in the university article. I'm sorry, I just want to make sure." Ngumiti siya at tumango na lamang ako. Nagpaalam na rin ako dahil kailangan kong alamin kung sinong nagpapakalat na engaged na ako.
Hindi naman 'yon totoo pero syempre ay affected pa rin ako. Bakit naman sila nagpapakalat ng ganoon at saan naman nila nakuha 'yon? Iyon ang hirap sa university namin. Ang daming chismosa! Maraming mahilig magpakalat ng fake news kapag kilala ka sa university. Hindi ko nga ma-gets kung bakit nila ginagawa 'yon. For what? For clout?
I went home exhausted. I immediately checked our university's page using Alexis' account. Umawang ang labi ko nang makitang may post nga roon na engaged na raw ako according sa parents ko?
What the hell?
Umayos ako ng upo at naalalang pinuntahan ako ni Mommy noong isang araw lang para dalhan ako ng pagkain. Kumunot ang noo ko, doon niya ba sinabi ang tungkol dito? Sinabi niya ba talaga 'yon?
Imbis na tawagan siya sa cellphone ay naisip kong puntahan na lamang siya sa bahay. Anong oras naman na. Sure akong nakauwi na sila ni Daddy ngayon.
May sarili naman akong kotse kaya hindi problema sa akin ang puntahan sila kahit na medyo malayo.
Nang makarating sa bahay namin ay nakita kong may hindi pamilyar na kotse roon. Sa labas lang ako nag-park dahil aalis din naman ako agad. Bukas ang gate namin kaya malaya akong nakapasok.
Bukas din ang pinto namin at walang maids na nakakalat sa bahay. Nasaan ang mga tao rito?
Bumuntonghininga ako at ang kusina ang sunod na pinuntahan. I stopped when I heard a familiar voice.
"Bakit bigla kang napasugod dito?" rinig kong sabi ni Mommy. Hindi ako tuluyang pumasok para hindi nila ako makita. "Sana sinabi mo para napasundo kita."
"You lied to her, right? Why? Why did you do that?" I heard my brother asked. Galit ang boses niya at parang nagtitimpi lamang para hindi masigawan si Mommy.
"What are you talking about, anak?" natatawang tanong ni Mommy.
"You know damn well what I am talking about, Mom. You lied to Jade! Kung hindi pa kami nagkita at nakapag-usap ni Jack noong nakaraan ay hindi ko malalaman! You lied to the both of them! You lied to us too! Sa amin ni Kuya Anthony!"
Kumunot ang noo ko dahil hindi sila maintindihan. Anong sinasabi niyang nagsinungaling sila sa amin? Nanatili akong nakatago at pinapakinggan lamang silang dalawa.
"How could you do that, huh? Hinarangan mo pa si Jack noon para lang hindi sila makapag-usap! Sinabi mong ayaw na siyang makita at makausap ni Jade dahil ayaw mo siyang makapagpaliwanag! He didn't cheat, Mom! He explained his side and you fucking know about that! He explained to you first!"
Unti-unting bumibigat ang dibdib ko dahil sa mga narinig.
"At naniwala ka naman sa mga sinabi niya?" sarkastikong sagot ni Mommy.
"Syempre noong una hindi ako naniwala kaya hinanap ko pa mismo si Melanie, Ma. She explained everything and said that it was her fault."
Tinakpan ko ang nanginginig kong labi para hindi nila marinig ang mga hikbi ko. I burst out crying after hearing Andrei.
"Sinabi mo sa kaniyang ayaw na sa kaniya ni Jade? Sinabi mong umalis na si Jade dahil ayaw na niya? You lied, Mom! Sinabi mong alam na ni Jade ang nangyari! Sinabi mong sinabi mo na kay Jade ang paliwanag ni Jack pero hindi mo 'yon ginawa! Sinabi mo pang magkasama si Jack at Melanie para lang saktan ang damdamin ng anak mo!"
Hindi na ako nakatiis. At lumabas na sa pinagtataguan. Gulat na napatingin sa akin si Mommy at tinangka pang lumapit sa akin.
"Why, Mommy? Why did you do that?" nasasaktang tanong ko. "Ayaw mo ba talaga akong maging masaya?"
"No, anak. Listen to Mommy, hmm? I did that for you," she whispered as she tried to touch my hand.
Pumagitna sa amin si Andrei. Mom glared at him pero hindi siya nagpatinag.
"She'll go home after she finishes her first year here," Andrei said without flinching even after Mom slapped him.
"I hate you, Mommy. . ." I whispered.
Hinila na ako palabas ng bahay ni Andrei at iniwan si Mommy na umiiyak doon. She tried calling us but we didn't look back.
"Uuwi na ako ngayonâ"
"No, Jade. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo rito, malapit naman na." He held my cheeks.
"Iuuwi kita pagkatapos. Sorry kung na-late si Kuya," he whispered while wiping my tears using his thumb.
Umiling ako pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita.
"Naniwala rin ako kay Mommy. I'm really sorry. Iuuwi kita, promise ko 'yan. For now, tapusin mo muna, ha? Ako na ang bahala kay Mommy pero hindi na siya makaharang pa sa atin."
Tumawa ako at tumango habang ang luha ay patulog pa rin sa pag-agos. Maluwag na ang paghinga ko ngayon. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib matapos marinig ang katotohanan. Akala ko ay okay na ako pero pagkatapos ng lahat ng narinig ay na-realize kong hindi pa rin pala ako okay. Na-realize kong hindi ko pa rin siya nabibitawan. Ang nakaraan namin. Hindi pa rin ako bumibitaw sa nakaraan.
"Thank you, Kuya."