Jack Daryl
Nandito siya ulit. Nandito na naman siya. Tahimik at mag-isa. Someone tried to approach her but as usual, she ignored it. Kumunot ang noo ko dahil diretso lang ang tingin niya sa harap. Ni hindi nililingon ang mga kumakausap sa kaniya.
"Laro tayo!" nakangiting sabi sa kaniya nung batang lalaki na nasa age lang din namin. Irap lang naman ang sinagot sa kaniya nung isa.
Ang sungit talaga.
Binitawan ko ang laruan kong hawak at pinagpagan ang kamay. Naglakad ako kung nasaan siya. Tahimik lamang siyang nakaupo sa swing. Wala nang nagtatangkang lumapit sa kaniya kaya ako naman ang sumubok. Umupo ako sa katabing swing niya.
"Hi!" nakangiting sabi ko at sinubukan pang kumaway sa kaniya.
Umirap siya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "I don't talk to strangers."
"My name is Jack Daryl Eliazar. You can call me Jack!"
Parang nandidiri niya akong tiningnan. Inamoy ko naman ang sarili. Hindi naman ako amoy maasim kaya bakit siya nandidiri?
"I am not interested, mister." She rolled her eyes again.
Ngumuso ako at inalis ang tingin sa kaniya dahil nagpipigil ako ng ngiti. Hindi ko alam kung bakit nacu-cute-an ako sa kaniya kapag nagtataray siya.
Napatingin ako sa kaniya dahil tumingin siya sa akin. Nakakunot ang noo niya at parang nawe-weird-an sa akin.
"Why are you smiling? Are you crazy?"
Napawi ang ngiti sa labi ko. Grabe naman kasi maka-crazy!
There is one thing that I noticed in her eyes. . . It was full of sadness.
Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit ayaw ko na siyang lubayan.
"Quit staring!"Â sigaw niya.
Nagulat naman ako dahil galit ang boses niya. "Sorry."
Umalis na ako sa swing at aalis na sana pero bigla siyang nagsalita. Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong ako ang kausap niya.
"Please don't leave me. . ."
Hindi ko na nga siya iniwan pagkatapos no'n. Palagi akong gumagawa ng paraan para lang makapunta ako sa park tuwing aawas ako sa school. Nagtataka na rin sina Mommy dahil hindi naman ako mahilig pumunta sa park dati pero hinahayaan din naman nila ako.
Dahil sa palaging pangungulit ko sa kaniya, naging magkaibigan na kami. Natuwa ako noong paunti-unti na siyang nakikipag-usap sa iba. Nawawala na rin ang lungkot sa mga mata niya. Pero syempre, hindi pa rin mawawala ang katarayan niyang taglay.
"It was your fault! You ruined it!" galit niyang sigaw sa kalaro namin dahil nadali nito ang pinagpatong-patong niyang kahoy at gumuho ito. Umirap siya at sinira naman ang manika nung babae, umiyak ito kaya nataranta na ako dahil hindi alam ang gagawin. Hinawakan ko ang kamay niya para makatakbo na kami bago pa pumunta ang yaya nung bata.
Dinala ko siya sa bahay namin. Nagulat sina Daddy nang makitang may kasama ako pero ngumiti rin agad si Mommy at lumapit sa amin.
Lumuhod si Mommy para makapantay kami. "Hi, hija! What's your name?"
Napatingin ako sa kaniya dahil alam kong hindi niya 'yon sasagutin. Sa akin nga ay ayaw niyang sabihin ang pangalan niya, e!
"Just call me Gem po!"
Gulat akong tumingin sa kaniya. Ngiti lang naman ang ibinagay niya sa akin bago sumama sa Mommy ko.
"Do you want ice cream?" tanong sa kaniya ni Mommy habang naglalakad sila papuntang kusina. Napatingin ako kay Daddy dahil bigla na lang kaming iniwan nung dalawa.
Palagi ko na siyang sinasama sa bahay namin dahil mukhang gusto niyang nandoon kami. Gusto rin naman siya nina Mommy kaya ayos lang na palagi siyang nandoon.
"Busy na naman ang parents mo, Gem? 'Di ba sabi mo ay may kapatidka? Nasaan siya ngayon?" tanong ko habang naglalakad kami dahil sinabi niya ay ipapakilala na niya ako sa parents niya pero hindi iyon natuloy.
"They are always busy," she whispered. "They don't have time for me."
"Gem, I'm always here for you. Don't worry, I always have time for you."
Tumingin siya sa akin at ngumiti habang lumuluha.
Hindi na kami mapaghiwalay na dalawa. Ang nangyayari tuloy, kapag may kaaway siya ay nagiging kaaway ko na rin. Pero hangga't kaya ko naman siyang pagsabihan ay ginagawa ko para hindi na siya magkaroon ng kaaway rito. Masaya kaya kapag maraming kaibigan.
Nawala at nagbago ang lahat simula noong mabangga siya. Alam kong kasalanan ko iyon dahil ako ang humabol at nang-asar sa kaniya. Hindi naman siya tatakbo kung hindi ko 'yon ginawa.
We were eating ice cream. My yaya is trying to find us a cotton candy because Gem said she wants one. Natawa ako nang makitang maamos ang mukha niya, puro chocolate dahil sa kinakain na ice cream.
"Ang kalat mong kumain, babae!" suway ko pero hindi siya nakinig sa akin. "Ang pangit mo na tuloy."
Sinamaan niya ako ng tingin at mabilis na inubos ang ice cream. Pinunasan niya ang mukha at tumakbo para iwanan ako.
"Hey, Gem! Wait for me!" I laughed. "Saglit, hintayin mo 'ko!"
Saglit niya lang akong nilingon at nakita kong masama pa rin ang tingin niya sa akin kaya natawa ako lalo habang hinahabol siya.
"Ayoko! Inaaway mo ako!" sigaw niya.
Tumigil ako sa pagtakbo dahil hinihingal na. "Sorry na ngaâ Gem!"
I didn't notice the car that was coming. Huli na rin para mailayo ko siya roon. Nakita ko na lamang kung paano siya tumilapon. Nakita ko ang maraming dugo habang palapit sa kaniya.
That day still haunts me. Hindi mabura sa isipan ko ang nangyari at sarili ko ang sinisisi ko dahil ako naman talaga ang dahilan kung bakit nangyari 'yon.
Hindi nila ako pinayagang sumama sa hospital at noong dadalawin sana namin siya ay wala na siya roon. Akala ko ay inuwi lang sa bahay nila pero hindi. Halos araw-araw akong nakatambay sa labas ng bahay nila pero walang Gem na umuwi.
Parang inabanduna na rin ang bahay. Hindi ko alam kung kailan siya babalik o kung babalik pa a siya.
We don't know her full name kaya hindi namin siya mahanap. Hindi namin alam kung paano at saan siya hahanapin. Sinubukan naming tanungin ang caretaker noong bahay nila pero ayaw nitong magbigay ng impormasyon dahil hindi raw puwede. Mayaman sina Gem kaya naiintindihan namin kung bakit.
Lumipat kami ng bahay at dito ko na rin pinagpatuloy ang pag-aaral ko. High school na ako pero umaasa pa rin akong isang araw. . . makikita ko siya.
Iniisip ko nga, paano kung bumalik siya sa bahay nila? Paano ko siya makikita? Paano ko malalaman?
"Baby," malambing na tawag sa akin ni Melanie. Bumuntonghininga ako at hinayaan siyang yumakap sa gilid ko.
Melanie is my first girlfriend. Siya ang nagkagusto sa akin. Sinubukan kong pumasok sa isang relasyon dahil ang akala ko ay magiging masaya na ako pero hindi pa rin pala. May kulang pa rin. Ngumingiti at tumatawa naman ako pero ang lungkot-lungkot pa rin talaga kapag naaalala ko siya.
Hindi pa alam ng mga kaibigan ko ang tungkol kay Gem. Nasabi ko lang sa kanila noong naghiwalay na kami ni Melanie dahil hindi ko pala talaga kaya.
"No, Melanie! Let's end this fucking relationship! Sinabi ko naman sa 'yo noong una pa lang na hindi kita gusto, 'di ba?"
Patuloy siya sa pag-iyak. Nagbe-beg na h'wag ko siyang hiwalayan pero hindi ko na pinansin. May ugali siyang hindi ko maintindihan. Ayaw niyang nakikita akong may kausap na ibang babae. Lahat may malisya sa paningin niya. Nakakainis na siya.
Nagalit ang Kuya ni Melanie at sinugod ako kasama ang mga tropa niya. Nagkataon na kasama ko sina Hendrix kaya pati sila nadamay sa away na nangyari. Iyon din ang dahil kung bakit nagkaroon ng Section E. Imbis na i-expell kami ay ihiniwalay na lamang kami ng section hanggang sa may nadagdag nang nadagdag sa amin. Bihirang magkaroon ng babae sa section namin, kapag nagkakaroon ay pinapaalis namin agad.
I met a transferee in the hallway. Tinarayan niya ako dahil nabunggo ko ang braso niya. Parang nakita ko naman sa kaniya si Gem kaya palagi akong napapalingon sa tuwing nagsusungit siya. I started to have feelings for her and after a month of pursuing her, she finally became my girlfriend.
Akala ko magtatagal kami pero hindi rin pala. Hiniwalayan niya ako nang makilala niya si Jake. Nalipat kasi siya ng section dahil tumaas ang grade niya na hindi naman mangyayari kung hindi rin dahil sa akin. I helped her. Simula sa pagiging Section C, napunta siya sa A. Pagkatapos no'n, nagbago na ang lahat sa aming dalawa.
Hindi ko alam pero hindi naman ako masyadong nasaktan pero syempre naapektuhan pa rin ako dahil alam kong pinagpalit niya ako.
"Hayaan mo na," awat sa akin ni Alexis dahil akmang susugurin ko ang dalawa na ngayon ay palagi nang magkadikit kahit na wala pang dalawang linggo noong naghiwalay kami.
Dumating si Jade sa section namin. Parang familiar siya sa akin pero sure naman akong hindi ko pa siya nakikita. Pamilyar ang kilos at mga ngiti niya. Maging ang maarte niyang pananalita. Napailing ako dahil natuto na. Hindi na ako magkakagusto pang muli sa kahit kanino dahil lang nakikita ko sa kanila si Gem. Ako lang din naman ang nasasaktan sa huli.
Nag-e-enjoy akong asarin at inisin ang babae. Kaya imbis na paalisin siya sa section namin ay hinayaan ko na lang pero hindi ko iyon pinahalata sa mga kaklase namin. Akala nila ay gumagawa ako ng paraan para mapaalis si Jade pero ang totoo ay wala akong ginagawa. Gustong-gusto kong nakikitang sinusungitan niya ako.
Ang cute lang niya magsungit.
Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko noong malaman na si Jade ang kaibigan ko noon. Ang kaibigan na matagal ko nang gustong mahanap at makita. Ang kaibigan. . . na minahal ko ng sobra-sobra.
Akala ko ay kaibigan lamang ang tingin niya sa akin kaya nahirapan akong umamin sa kaniya pero dahil sa selos na naramdaman ko nang mapansing maraming nagkakagusto sa kaniya ay gusto ko na lamang siyang ligawan at angkinin.
I pursued her.
I gave all the love that I can give.
Naging kami at iyon ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.
Sabay kaming nag-aaral ng mabuti habang minamahal ang isa't isa. Palagi akong proud sa kaniya. Sa mga achievements na nakukuha niya. Lahat ng mayroon siya ngayon ay deserve niyang mapasakaniya.
I clapped while smiling proudly after she delivered her valedictorian speech.
Lahat ng saya ay nawala ng parang bula dahil sa nangyari noong gabing iyon.
"I love you, Jack. Bakit hindi na lang ulit ako?" Melanie cried in front of me. Huminga ako ng malalim, kinakalma ang sarili dahil gusto ko na talaga siyang saktan.
Kinukulit niya ako na balikan siya. Para siyang baliw sa akin na hanggang dito sa bahay nina Alexis ay nagpunta siya para lang umiyak sa harap ko.
"Leave! H'wag kang manggulo rito!" galit kong sabi. "Baka makita ka pa ng girlfriend ko."
I tried pushing her away. Nag-message siya sa akin kanina na kung hindi ko siya kakausapin ay ang girlfriend ko ang kakausapin niya. Napilitan tuloy akong lumabas ng venue para lang sagutin ang walang kwenta niyang tawag.
"Stop pestering me, will you?" galit kong sabi at itinulak siya pero hinawakan niya ang braso ko. "What the fuck? Let goâ"Â Nagulat ako nang bigla niya akong halikan. Nanlaki ang mata ko at agad na itinulak siya.
Melanie was looking behind me and I can smell my girl's scent. Gulat at kinakabahan akong lumingon kung nasaan si Jade. Hinawakan pa ni Melanie ang kamay ko pero inilayo ko 'yon agad.
Natatakot akong lumapit kay Jade. Umiling ako para sabihing mali ang iniisip niya. She's crying. Ang it hurts to see her crying knowing that I am the reason behind it.
"How... How can you do this to me, Daryl?"
Umiling ako. "Jade."Â I tried to get close to her but she was quick to call a taxi.
Nasabunutan ko ang sarili at agad na pumunta sa kotse para mahabol siya.
"Where's Jade?" takang tanong ni Alexis at napatingin pa siya kay Melanie. Kumunot ang noo niya habang nagtatanong na tumingin sa akin.
Melanie tried to stop me from getting in the car. "No! You're not going to leave me again!"
"Fuck! Let me go!" I've had enough. Buong puwersa ko siyang tinulak at napaupo naman siya sa sahig. Lalo pa siyang umiyak dahil doon. Umirap ako at napalingon sa gate dahil unti-unti nang naglalabasan ang Section E.
And the last thing I knew, Alexis' car was already gone.
Hindi ko naman siya masisisi noong iniwan niya ako bigla nang walang paalam. Hindi ko rin namang magawang magalit sa kaniya. Umalis siya kasama si Alexis. Mabuti na rin 'yon para may mag-aalaga pa rin sa kaniya kahit hindi na ako.
Hindi niya gustong pakinggan ang explanation ko. Ayaw niya akong kausapin pero naiintindihan ko naman. Galit siya at hindi pa handang makita ako. . . pero puwede naman akong maghintay hanggang sa maging handa na siya, 'di ba?
I went to New Zealand. Hindi ako makatiis. Isang silay lang naman ang kailangan ko. Gusto ko lang siyang makita kahit saglit. Si Alexis ang nakakita sa akin. Nakapag-usap kaming dalawa at nag-sorry rin siya sa akin. Umuwi rin ako agad bago pa ako makita ni Jade.
Ilang buwan din akong nagtiis na hindi siya puntahan. I focused on my studies para kung sakaling babalik siya at babalikan niya ako. I want her to be proud of me. Alam kong ayaw niyang napapabayaan ang pag-aaral namin.
It was Anthony who told me that Jade is coming home. Pumunta ako agad sa sinabi ni Anthony. Wala akong balak na magpakita sa kaniya pero nagulat ako nang mapansing siya pala ang nasa harap ko. Hindi ko na magawang magtago dahil alam ko namang alam niyang ako ang nasa likod niya. She stiffened and it took her a seconds to continue walking.
"Jade." Parang sasabog ang puso ko nang banggitin ko ang pangalan niya. At parang mamamatay naman ako sa kaba nang lingunin niya ako.
We talked. I explained what happened. Nagkaroon ako ng chance na mayakap siya dahil umiiyak siya. I hid her face in my chest. Ayaw niyang umiiyak sa harap ng ibang tao. Nag-aalala ako na baka may makakita sa kaniya.
She missed me too. Masakit din sa akin na malaman na ang bigat-bigat ng dibdib niya dahil sa akin. Dahil sa nangyari. She keeps on saying sorry na hindi naman dapat.
Ito na lang ang pagkakataon na mayroon ako. Kahit magmukha akong tanga ay tinanong ko pa rin kung may boyfriend siya ngayon.
"I still love you, Jade. Hinintay kitang bumalik kung kailan ka handa dahil ayaw kitang madaliin. My love for you didn't change. That's why I am asking if you are in a relationship or. . . do I still have a chance?"
Ikinuyom ko ang kamay para kumuha ng lakas dahil parang bibigay na ang katawan ko dahil nakatingin siya sa akin.
Tangina, nanlalambot ako, e.
She cleared her throat as she looked away. "Why do you think I let you explain even though it happened a year ago already?"
Napaayos ako ng upo nang maintindihan agad kung anong gusto niyang iparating.
"I. . . still love you too, Daryl. Kahit anong pilit kong kalimutan ka noon, hindi ko magawa. Ikaw pa rin talaga kahit anong gawin ko."
Abot hanggang tainga ang ngiti ko habang hinahatid ko siya sa bahay nila. Sabi ko ay ako na ang bahala na kumausap kay Anthony dahil kailangan niyang magpahinga. Mabuti na lang at hindi na siya umangal pa sa sinabi ko. Halata rin kasing pagod na siya dahil na rin siguro sa biyahe.
Bumalik ako sa ospital para makausap si Anthony. Parang hindi mapapanatag ang loob ko kapag hindi pa ako gumalaw. I want my girl back. I want her to be mine again.
"What is it?" bungad niyang tanong habang nagbabalat ng apple.
"Nakapag-usap na kami," bulong ko naman. Tita Bealyn is sleeping and I don't want to wake her up. She got stressed because of their company, that's what I heard.
"Anong nangyari?" tanong niya at tinapunan lang ako ng tingin. Sumandal siya sa couch habang kinakain ang apple na binalatan niya.
"Ayos na." Umupo ako sa tabi niya at tumingin lang sa kawalan. Iniisip ko kung anong gagawin ko kay Jade.
"I need your help," saad ko kaya napatingin na siya sa akin.
Hindi ko binago ang tema ng gagawin ko. Gusto kong maging pamilyar siya agad sa makikita niya. Mabuti na lang at itinago ko ang mga ginamit ko noong birthday ko.
Hawak ni Alexis at Hendrix ang banner na ginamit ko noon.
Hinihintay na lang namin siyang magising at lumabas.
Nagpatulong ako sa maids nila na maglagay ng rose petals mula sa pinto ng kwarto niya papunta sa hagdan hanggang sa makalabas.
Kinakabahan pa rin ako kahit na nagawa ko naman na ito noon.
"Sir, lalabas na po siya," bulong sa akin ng maid. Tumango naman ako at sinenyasan na ang mga kaibigan na umayos.
Walang natirang tao sa loob dahil lahat kami ay nasa labas na para siguradong wala siyang choice kundi sundan ang mga petals na nakakalat doon.
"Yaya!" rinig kong sigaw niya. Medyo natawa naman kami. "Yaya?"
Nakita kong gumalaw door knob kaya napalunok ako sa kaba.
Nang buksan niya ang pinto ay nakaluhod ang isang tuhod ko at nakatago ang mukha ko sa bulaklak na hawak.
"Hi?" I smiled.
Gulat siyang napatingin sa akin at kasabay no'n ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha niya.
Unti-unti namang bumagal ang tibok ng puso ko at parang hindi makahinga dahil sa kaba.
"Daryl. . ." I look at her with my eyes full of hope. Hoping to hear that she will sayâ "Yes."
Naghiyawan ang buong Section E pati na rin ang mga katulong nila.
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. I slowly stand up while giving her the bouquet of flowers. She laughed at my reaction.
"You don't even have to do this," natatawa niyang sabi at hinila ako para bigyan ng halik sa labi.
"I really missed being with you," she whispered while touching my cheeks.
I kissed her one more. "I love you."
"Congrats, Sir and Ma'am!"
"Grabe, nabuhay ata ako para lang mainggit."
"Edi sana all!"
"Hanggang ngayon taga-sana all pa rin tayo, baka tayo talaga?"
Natatawang tiningnan namin ang isa't isa. Hinila ko na siya sa loob dahil may mga pagkain din akong ipinahanda para sa kaniya.
Sumunod naman agad ang mga kaibigan namin dahil kanina pa nila hinihintay ang pagkain na 'to. Kaya lang siguro sila pumayag na tulungan ako ay dahil sa pagkain, e.
Hawak-hawak ang kamay ni Jade, tiningnan ko ang mga kaibigan naming nagkakagulo na.
Section E became my second family. Hindi ko alam na mas titibay pa ang pagkakaibigan namin. Ni hindi ko inaasahan na tatagal ang samahan namin ng ilang taon. Hinayaan ko silang magkagulo.
"I really missed you," bulong ko sa tainga ng girlfriend ko at hinalikan ito. Natatawang hinampas niya ng bulaklak ang braso ko.
Naiiling na natawa na lang din ako.
Even if we've been apart for a year, she's still the only girl in my life. The only girl that I will love until the last day of my life. . . or even after this life.