Emerald Jade
Sabay-sabay kaming nagdi-dinner ngayon. Na-miss ko 'yung ganito kami. Kailan nga ba noong huling kumain kami nang sabay? Sayang lang at wala si daddy. Miss ko na rin siya.
Mom cleared her throat while wiping her lips. "We have a dinner nga pala..."
Kumunot naman ang noo ko.
"Sa bahay ng mga Eliazar. Saturday. Business matters." She shrugged her shoulders.
Eliazar? I bit my lower lip to stop myself from cursing. Fuck! Sina Daryl 'yon! I unconsciously dropped the spoon that I'm holding.
Paano kung nagsumbong pala ang bwisit na 'yon sa parents niya? Tapos sasabihin nila kay mommy. Lagot ako!
"Emerald Jade!" Natigil lamang ako sa pag-iisip nang banggitin na ni mommy ang pangalan ko.
"Sorry po," nakayukong sabi ko.
"Are you okay? Is there something bothering you? Or... is there someone bothering you?" May halong pang-aasar sa boses niya.
Someone? Baliw ata si Mommy. Sino namang may sabi na nabo-bother ako sa lalaking 'yon? Wala!
Umiling ako. "Wala po. Kailangan ba talagang kasama kami sa dinner na 'yon?" tanong ko na lang.
"Hm, yes!" she answered, quickly.
Lumaylay ang balikat ko. Bukod sa iniisip kong baka nagsumbong ang lalaking 'yon sa parents niya ay tinatamad din akong sumama. Sila-sila lang din naman kasi ang mag-uusap doon. Magiging display lang kami kung sasama pa kami.
"Pero ayokong sumama at baka magpanuntok lang kami Jack," seryoso ang mukha na saad naman nitong kapatid ko.
Napatitig ako sa kaniya. May galit ba talaga siya roon?
"Kilala mo ang anak nila?" interesadong tanong ni mommy.
Tumango ang kapatid ko at bumuntong-hininga. "Yeah. Ex boyfriend ng girlfriend ko."
Ex boyfriend. Kaya pala galit na galit si Daryl noong natapunan ng pintura ang babaeng 'yon. Hindi pa yata nakakamove-on.
"Oh, I see. Kailan mo naman balak ipakilala sa akin ang girlfriend mo?"
Kay mommy naman ako napatitig ngayon. Kilala mo ang baabeng 'yon, mommy. Kilalang-kilala.
"I don't know, mom. Soon, I guess?"
Mukhang hindi pa siya ready na ipakilala ang girlfriend niya, ah?
"Soon pa? Bakit 'di na lang pagbalik ni mommy? Having some second thoughts?" I asked, joining their conversation.
Masama naman niya akong tinignan. I pursed my lips to hide my smirk.
"Mom is busy and so is my girlfriend."
"Jade, anak, your kuya is right." She held my shoulder. "I'm busy. After kong pumunta sa Pampanga ay may dinner tayo kasama ang mga Eliazar. Pagkatapos naman no'n ay makikipag-bonding muna ako sa inyo and after that ay babalik na akong New Zealand."
"Mom, dito ka na lang kasi mag-stay! You can just visit our company in New Zealand once a week or once a month. Pauwiin mo na lang din si dad," I begged her. I want to live with her na kasi!
Kahit noong bata pa lamang ako ay palagi na silang wala sa bahay. Ni hindi ko nga maalala kung nagkaroon man lang kami ng bonding moments noon! Kakaunti lang din ang pictures namin na magkakasama kasi nga palagi silang wala! I can't even remember if I had friends when I was little kasi nga hindi ko naman sila nakakausap.
She sighed. "Kung gusto niyo kaming makasama, sumama na kayo sa akin pauwing New Zealand. We can live there. Doon na kayo mag-aral," suhestiyon niya na agad namang nakapagpatahimik sa akin.
Kalilipat ko lang tapos lilipat ulit? Isa pa, mahirap mag-aral sa New Zealand! Masakit sa ilong. Baka magsunod-sunod lang ang pagno-nose bleed ko roon.
"Not a good idea. Mahirap doon, mommy. Puro english," Jake answered truthfully.
Natawa na lang si mommy sa sinabi ni Jake bago biglang bumaling sa akin.
"By the way, I heard that you've been kicked out?"
Paktay.
I bit my lower lip before nodding. Napatingin ako kay Jake na ngayon ay may mapang-asar na tingin kaya inirapan ko siya. Gustong-gusto niya talagang nakikita akong napapagalitan!
"You should be thankful that your Kuya Anthony is here to help you. Nagbayad siya ng malaking halaga para lang gawing malinis ang record mo dahil kung hindi niya ginawa iyon ay baka hindi ka na nag-aaral ngayon! Sa dami ba naman ng nagre-report sa 'yo. Sa sobrang dumi ng record mo ay baka wala nang tumanggap na school sa 'yo, buti na lang talaga at magaling makipag-usap ang Kuya Anthony mo at nagawan niya pa ng paraan," mahabang sabi niya kaya napakamot na lang ako sa gilid ng noo ko.
Napabuntonghininga rin ako kasabay ni mommy. Ang haba ba naman ng sinabi niya at alam kong hindi pa 'yon tapos! May kasunod pa iyon.
Thankful din talaga ako ay Kuya Anthony. Lahat ng gusto ko ay ibinibigay niya. Siya ang pumupunta kapag naga-guidance ako. Minsan kapag kailangan ko ng tulong sa assignment or sa project ay siya ang tumutulong sa akin. Kapag nagkakasakit ako at wala si mommy o kaya si tita ay siya ang nag-aalaga sa akin.
Minsan nga naiisip ko, bakit hindi na lang siya ang naging kapatid ko?
Matapos ang mahabang sermunan kagabi ay natulog na kami agad. Buti at maaga pa rin akong nagising dahil may pasok ako! Akala ko ay mapupuyat ako nang bongga dahil anong oras na natapos ang seminar namin kay mommy. Oo. Namin. Nadamay na rin kasi sa sermon si Jake.
Nasa Pampanga na ngayon si mommy. Maaga siyang umalis. Nag-iwan na lang siya ng letter sa side table ko.
Sa totoo lang ay ayaw kong pumasok. Baka gantihan ako ni Daryl! Lord, please guide me! Mom is here, kailangan wala akong gawing kalokohan ngayon.
"Bilisan mo! Iiwan kita!" sigaw ng super bait kong kapatid.
Tumakbo na ako palabas. Kapag sinabi niyang iiwan niya ako ay gagawin niya talaga 'yon!
Inayos ko ang strap ng bag ko. Nandito na ako sa tapat ng building namin, tinatanaw ang classroom namin na nasa fourth floor.
Papasok pa kaya ako? Mag-cutting na lang kaya ako? Hindi naman siguro masama? Kaya lang ay hindi pwede, andito nga pala si Mommy.
"Susumbong kita kay mommy. Sasabihin ko ay balak mong mag-cutting."
Nagulat ako nang biglang magsalita ang aking mabait na kapatid. Pinapanood niya pala ako at mukhang nabasa niya ang iniisip ko. Tsk.
Nakasimangot na nagtungo ako sa hagdan.
Nasa pangatlong floor na ako nang makaramdam ako ng kung anong tumatama sa iba't ibang parte ng katawan ko. Para bang may nagbabato sa akin ng... itlog? Wait, no. Tomato ito, e! Tangina! Itlog talaga! At may kamatis din! Nag-aaksaya sila!
Literal na hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa sunod-sunod na pagbabato nila sa akin ng kung ano-ano. Ni hindi ko na magawang tingnan ang mga taong gumagawa nito dahil sa takot na ako ay malagyan ng mga binabato nila sa mata.
Ayaw kong magkaroon ng problema sa mata, 'no!
Kahit na ganito ay dinig ko pa rin ang bulungan ng ilang estudyante. Nakakainis. Nakakarindi. Nakakabingi.
"Gagi, tulungan niyo!"
"Kawawa naman!"
"'Yan ata 'yung bagong lipat sa last section."
"Oo, 'yan nga 'yon!"
"'Di ba kapatid 'yan ni Andrei?"
"Nasaan kaya si Andrei? Dapat ay tinutulungam niya 'yan!"
Lihim na natawa ako sa sinabi ng isang 'yon. Wala namang pakialam sa akin ang kapatid kong 'yon. Tss.
Napairap na lamang ako sa aking isip. E' kung tinutulungan na lang kaya nila ako? Kaysa bumulong sila nang bumulong!
I bit the inside of my cheeks. Nawawalan na ako ng pag-asang may tutulong sa akin kaya naman nag-iisip na ako kung paano ako makakaalis dito dahil mukhang wala atang katapusan ang supply nila ng itlog at kamatis!
"What is happening here?!"
Napapitlag ako dahil sa gulat dahil doon sa babaeng sumigaw. Ang boses niya ay halata mong may katandaan na rin. Hindi siya estudyante, sigurado ako.
"Oh, my gosh!" sigaw pa niya ulit.
Natahimik na ang mga estudyanteng kanina pa nagbubulungan kanina.
"Stop it!" utos no'ng babae. Alam ko namang hindi susunod ang mga gumagawa nito sa akin.
Mukha na akong tanga rito. Nakatayo ako at hindi talaga gumagalaw.
Muntik nang umawang ang labi ko nang tumigil nga sila sa ginagawa nila sa akin. Kilala siguro nila ang babae. Siguro ay teacher iyon o kaya naman ay kahit sinong may mataas na posisyon. For now, I don't care. Ang gusto ko lang ay makaalis na rito! I'll be very thankful if she will also help me get out of here.
And I think, she can hear what I'm thinking because I can now feel someone pulling me somewhere. I know it's her.
"What's your name?" she asked. I couldn't open my eyes because of the eggshells.
"Why are you asking?" Damn. That sounded rude.
Itinawa niya na lamang ang naging tono ng pagtatanong ko. "Para malaman ko kung alin ang locker mo rito."
"Emerald Jade Fernandez."
"Fernandez? So, you mean you are the daughter of Beatrice and Andrew Fernandez?"
Isn't it obvious?
"Yeah," I simply answered. I don't wanna sound rude again.
"I see. Oh, I found it!" Binitawan niya muna ang braso kong kanina pa niya hawak. "I'll get your spare uniform. What's your password?"
Kailangan nga pala ng passcode nung padlock ko. Nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ang passcode ko dahil maraming laman ang locker ko.
"Don't worry." Mahina siyang natawa. "You can trust me, hindi ako nag-aaral o nagtuturo rito. I'm just visiting my son."
I nodded a little before telling her my passcode. Nalasahan ko na ang itlog dahil pumapasok sa bibig ko kapag nagsasalita ako.
"Okay. I got it."
Tinulak na niya ako sa isa sa mga cubicles, wala akong choice kundi ang maligo ulit. Bwisit si Daryl! Kung pwede ko lang siyang gantihan ay gagawin ko talaga! Hindi lang pwede dahil baka makarating pa kay mommy.
Pagkatapos ko naman maligo at magpalit ng uniform ay lumabas na ako agad.
To my surprise, the woman who helped me is still here. Her face is quite familiar.
"Uh, thank you!" nahihiyang sabi ko dahil grabe siya kung makatitig sa akin.
"Wow... You're beautiful! Kamukha mo ang mommy mo." Bakas sa mukha niya ang paghanga sa akin.
Has she already met my mom?
"How did you know my mother?"
"She's been my friend ever since we were in high school, and now we're business partners." She shrugged her shoulders.
I stared at her face. She's obviously examining my face, too!
Do I look familiar to her?
I smiled at her. "I see, again, thank you for helping me."
Dumiretso ako sa locker ko para kuhanin 'yong isa ko pang bag at nilipat ko na lahat ng gamit ko. Buti na lang at hindi branded ang bag na nalagyan ng eggs and tomatoes, tinapon ko na 'yon.
I looked behind me. Hindi pa rin kasi umaalis ang babae.
"Bakit hindi ka pa po umaalis? May iniintay ka ba?" I tried so hard not to be sarcastic to her.
She pursed her lips before giving me a 'sorry' look. "Kilala ko 'yong... gumawa sa 'yo no'n kanina and I am here to say sorry."
Why is she saying sorry to me? Hindi naman siya ang may gawa no'n sa akin.
Tumingin ako sa paligid. Wala nang estudyanteng makikita dahil lahat ay nasa kani-kaniyang classroom na. Ako naman ay late na sa unang dalawang subjects namin. Sigurado pagbalik ko ay break time na.
Ibinalik ko ang tingin sa babaeng kaharap. "Why are you saying sorry? You're not the one who did this to me."
"Kilala mo ba ang gumawa sa 'yo niyan?"
Bumuntonghininga ako nang maalala na naman ang nangyari.
Naiinis ako!
"Sigurado akong mga kaklase ko ang gumawa nito! At sigurado rin akong ang Daryl na 'yon ang may pakana ng lahat! That jerk! I want to kill him!" I closed my fist firmly.
"Yeah... That is the reason why I am saying sorry."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan! Naguguluhan ako!
"I'm sorry but I can't understand you." I looked at her, confusion is all over my face.
She gave me a small smileâ a nervous one to be specific. "I'm Jack Daryl's mother."
***
Austin Jay
Lahat kami ngayon ay tahimik na nakaupo sa kani-kaniyang upuan namin. Bukod sa nasermunan kami ni Mrs. Sanchez ay iniisip na rin namin kung paano lilinisin 'yong mga kalat na nagawa namin lalo na't alam naming hindi papayag ang mommy ni Jack na hindi kami ang maglinis no'n.
Iniisip ko rin kasi si Jade.
"Hindi ba masyadong sobra 'yung ginawa natin?" tanong ko habang pinaglalaruan ang daliri.
Sila lang talaga ang gumawa no'n kay Jade. Nakatayo lang ako kanina sa isang tabi at pinapanood sila kaya pakiramdam ko ay kasali na rin ako sa may kasalanan kay Jade.
"Nag-aalala ka ba sa kaniya?" tanong sa akin ni Ezekiel na parang hindi nagustuhan ang kaninang tanong ko.
"Nakasama mo lang kahapon, ganiyan ka na," sabi naman sa akin ni Ivan.
Nakatingin na rin ang iba sa akin kaya nanahimik na ako. Ano bang magagawa ko para mapigilan sila? Wala naman, 'di ba? Marami sila, isa lang ako.
"Let them be friends."
Napatingin naman kaming lahat ngayon kay Jack.
"Baka makakuha pa siya ng information na pwede nating magamit sa babaeng 'yon," dagdag niya sa sinabi.
Bahagya akong napanguso. Akala ko naman ay nagbago na ang isip niya. Tumingin na lang ako sa labas, hinihintay na makabalik si Jade. Sana ay pumasok pa rin siya para makahingi ako ng sorry.