Chapter 35: Special Chapter 1

RENOWN SERIES 1: Doubtlessly Mine ✔Words: 18412

After reading the report emailed by her pharmacist, Jeva exhaled deeply and closed her laptop. She had been out of the Philippines for three months, but her heart remained there. She kept herself occupied in order to forget about her handsome hubby. She pursued her studies to become a specialist.

She placed her laptop on her bed's side table, then leaned back against the headboard, caressing her three-month-old stomach. Her lips thinned and squinted her eyes, keeping herself from crying. He is sorely missed by her. So much.

Kumusta na kaya siya? Ano na kaya ang ginagawa niya? Namimiss din kaya niya ako gaya ng pagkamiss ko sa kanya? Masaya na kaya siya? Iyan ang ilan sa mga katanungan na meron siya sa sarili niya. She sighed and shook her head. Imposibleng mamimiss siya ng lalaking yun dahil may iba na yun eh. She smiled bitterly. Bakit ba kasi siya umasa na mamahalin din siya ng lalaking yun. Kaya nga ayaw na ayaw niyang magjowa ng artista dahil sasaktan lang siya ng mga ito pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil hindi lang jowang artista ang ibinigay sa kanya kundi asawa.

When her phone rang, she slightly pinched her nose.

"Hello." - she answered.

"Hey, where are you?" - She felt better after hearing Beatrice, her friend, and at the same time, Shylane's twin sister.

"At home." - she gave a straight answer.

"Okay!" - she heard her giggle before hearing a beep. Napakunot ang kanyang noo ng binabaan siya ng telepono ng kaibigan. Weird.

Beatrice has always been there for her since she arrived in Spain. Naging sandigan nila ang isa't isa. Hindi rin madali ang pinagdaraanan ng kaibigan dahil sa kakambal nito. She needs to be strong for her family. Beatrice and Shylane are identical twins, kung hindi mo nakasama ang kambal na ito hindi mo mapagsino kung sino si Bea at sino si Shy. However, they are completely opposite to each other. Bea is a happy-go-lucky and clumsy while her twin is prim and proper. May pagkamadaldal din ito habang si Shylane naman ay tahimik lamang. In short, Jeva and Beatrice have the same vibes that's is easy for them to click to each other. Hindi nila masyadong close si Bea dahil hindi naman ito nag-aral sa Pilipinas pero nang dumating siya dito sa Espanya ay napagtanto niyang hindi naman pala ito mahirap kaibiganin.

Jeva laid herself properly on her bed, submerging her thoughts in her memories together with her husband. Pinangarap niyang ikasal sa taong mamahalin niya at mamahalin siya ngunit, sa relasyong meron sila ng asawa niya sa tingin niya, siya lang ang nagmamahal. She covered her eyes using her arms. I missed him so much. She felt sorry for her child. She doesn't want her unborn child to live without a father but she also doesn't want her child to have a complete but never happy family. Mas pipiliin niya ang makakabuti para sa kanyang anak kasi kung siya lang, makikipagsabunutan siya sa haliparot na Suellang yun kaso may baby siya sa loob ng kanyang tiyan na maaring madamay.

Mabilis na pabangon siyang napabangon nang may kumakatok sa pinto na malapit sa kanyang terrace.

"Oh my God!" - she mumbled as she hugged herself. "Lord, please protect my child." - she silently prayed.

Mas lalong tumaas ang takot sa kanyang dibdib dahil pabilis nang pabilis at palakas nang palakas ang katok ng kung sino mang nasa labas ng kwarto.

She slowly got off her bed and walked towards the door, bringing a big book with her. "Marunong naman akong mag-taekwondo." - nag-aalalang paalala niya sa sarili. She thinks it's enough to protect her and her unborn child.

Pagbukas niya ng pinto ay bungad sa kanya ang isang taong naka-itim lahat at nakafacemask din ito. Agad niyang hinampas ng malaking libro ang tao.

"Sino ka?! Bakit ka nandito sa pamamahay ko?!" - pinaghahampas niya ito ng libro at pinagsisipa.

The man groaned. "The f-ck! Stop it!" - reklamo nito habang sinasalo ang bawat atake ng babae.

"Wow! Sosyal pa itong magnanakaw na ito! Englishero pa! Lumayas ka dito sa pamamahay ko!" - binatukan niya.

"Hindi nakaw ang pinunta ko dito kundi kidnap!" - pagtatama nito sa kanya.

Nanlaki ang mata ng babae nang marinig niyang nag-Tagalog ang lalaki. May Pilipino din palang kidnaper dito sa Spain. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano. Sisigaw sana siya ng tulong ng takpan ng lalaki ang kanyang bibig.

"But, getting back my wife won't be a kidnap, right?" - halos mabingi siya dahil sa kanyang narinig at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Wife. Bakit noong una pa lang ay hindi niya napagsino ang boses ng lalaki.

What is he doing here? Tears formed in her eyes because of happiness and confusion. Bakit nandito ito? Kung kanina lang inamin niya sa sarili niyang namimiss niya ang lalaki tapos ngayon nandito na ito sa harapan niya. Anong nangyayare?

Napasigaw sa sakit ang lalaki nang kagatin niya ang kamay nitong nakatakip sa kanyang bibig. "Why did you do that?!" - he hissed. Hawak-hawak niya ang kanyang kamay na kinagat ng babae at napaatras ng konti. He groaned. "I missed you too." - he said sarcastically.

Hindi pinansin ni Jeva si Champ, sa halip lumapit ito sa railings ng kanyang terrace at tumingin sa baba. Malaki at matayog ang bahay nina Jeva dito sa Spain. They have 4 floors mansion, at ang kanyang kwarto ay nasa ika-apat na palapag, sinuri niya lang kung paano napunta ang lalaki sa kanyang terrace.

"Paano ka nakapunta dito?" - naguguluhang tanong niya sa lalaki.

"I used my family's private plane to be here in Spain." - he answered directly while shaking his injured hand.

"I mean dito sa terrace."

"Ah. Yun ba? I climbed." - parang wala lang na sagot nito.

Jeva's jaw dropped. "You climbed?!" - nanlaki ang kanyang mga mata. "P-paano?" - Champ didn't answer her question instead, he pulled her towards him and hugged her tightly.

"I missed you so much. You don't know how hard it is not having you by my side." - her tears fell on her cheeks hearing his voice cracked. She can feel his longingness in his voice. Bakit at paano niya nasaktan ng sobra ang lalaking 'to? She then remembered the girl named, Suella.

She pushed him away from her. "You shouldn't be here." - tumalikod siya sa lalaki at pumasok sa kanyang kwarto.

Sumunod sa kanya si Champ at tumabing upo sa kanyang kama. "Why shouldn't I be here?"

"You should be where your heart lies." - nakayukong sambit ng babae.

Mabilis na napatingin si Jeva sa lalaki ng hawakan nito ang kanyang kamay. "In you is where my heart lies." - nangungusap ang kanyang mga mata habang nakatingin sa babae. "Hindi ko lubos maisip kung bakit nakaya mong mamuhay ng tatlong buwan na malayo sa akin."

"A-ano?" - nakakunot ang noo ni Jeva. Syempre kailangan niyang mabuhay para sa anak niya. Hindi kakayanin ng konsensya niyang idamay ang batang walang kamuwang-muwang at walang kinalaman sa paglalandi niya sa asawa niya. Aminado siyang malandi siya. Exclusively malandi for my husband. At talagang mabubuhay siya dahil hindi naman namumulubi ang pamilya niya at meron naman silang taga-luto.

"I know where your heart lies too. It lies on me. How can you afford to survive without your heart?" - hindi nakagalaw sa kanyang kinauupuan si Jeva habang nakangangang nakatingin sa lalaki.

Champ held her chin and closed her mouth. "Baka pasukan ng langaw. Alam kong gwapo ako kaya mahal na mahal mo ako."

She scoffed and hit him on the head. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang kakapalan ng mukha ng lalaking 'to. Ano ba ang nakita niya sa lalaking 'to? Bakit siya nagmahal ng isang hambog?

"Aray naman!" - hinimas niya ang parte ng ulo niyang binatukan ng babae. "Ibang klase kang makamiss. Nananakit." - he pouted.

She stood up and put her hands on her waist. "Hindi kita namiss kaya lumayas ka sa pamamahay ko." - inirapan pa niya ang lalaki.

"Hindi ako aalis. Bakit ako aalis kung alam ko naming you're dying to see me." - he grinned.

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Champ ng makita niyang maumbok na tiyan ng babae. He looked at her in a daze. Wala sa sariling napahawak sa kanyang tiyan si Jeva at napaatras. Should I tell him?

Mas lalo siyang kinabahan nang nagging blangko ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. "Kailan pa?" - he asked her with a serious face.

"Three months -"

Napahilamos ng mukha si Champ. "Kailan ka pa nagkaroon ng bago? Si Jeron ba?" - sinabunutan niya ang sarili bago naluluhang tumingin sa babae. "Ang bilis naman yata, sweetheart?" - her heart jumped with joy hearing him call her their endearment.

She wanted to hug him because of happiness, never thought that by just thinking of him, he's already in front of her. However, she didn't think that her husband could be this slow. Kahit na gusto niyang yakapin at halikan ang lalaki dahil sa tuwa ay mas gugustuhin niyang suntukin ito sa mukha ng magising ito sa malalim niyang imahenasyon.

"How could you do this to me?" - a lone tear fell from his eyes. "I used all of my money and sources just to find you. I didn't expect to see you again, pregnant with my friend's baby. Sa lahat naman sweetheart bakit naman sa kaibigan ko pa?" - hindi alam ni Jeva kung maaawa ba siya o matatawa sa katangahan ng asawa niya.

She humbly glanced at him with sad eyes.

He took a deep breath after licking his lips in fury. "Don't look at me like that. Sa isang sorry mo lang alam kong gagapang ako pabalik sayo at nanginginig pa."

With that, Jeva burst out laughing while shaking her head. "I had no idea you are this stupid."

His world came to a halt as he heard his wonderful wife, laughing. To his ears, it's like music. She mumbled, "Idiot."

Champ tilted his head, giving her a perplexed expression. "W-ha - Why?"

Jeva chuckles while covering her mouth. "Slow."

He shot her with a quizzical look saying, "Say it properly so I can understand. Iintindihin ko at tatanggapin ko ng buong puso kung ano man ang desisyon mo."

She walked towards him, petting his head. "Hindi ko alam na ganyan kababa ang tingin mo sa akin at ganyan kababaw ang paniniwala mo sa pagmamahal ko sayo. I have no other man. Wala kong minahal na iba maliban sayo. At ito..." - hinawakan niya ang kamay ng lalaki at nilagay sa ibabaw ng kanyang tiyan. "It's yours. Our child." - ngumisi siya sa lalaki.

Hindi na gumala ang lalaki matapos sabihin ng babae ang totoo na para bang naestatwa ito sa kanyang kinauupuan.

She poked his cheeks but he didn't move.

She poked him again and he dropped on the floor, unconscious. Jeva screamed in horror. Dali-dali niyang dinaluhan ang lalaking nawalan ng malay. "Hey! Hey! Sweetheart, open your eyes." - pukaw niya sa lalaki habang tinatapik ang mukha nito. She places her pointing finger on his nose, checking if he still breathes. "You're so stupid!" - natataranta at naiiyak na sabi ng babae.

Nagulat si Jeva nang bigla itong huminga ng malaki at bumangon. "Am I not dreaming? You're pregnant with Champ junior?" - nakangiwing tumango sa lalaki. He is so weird.

"Yes, I am not kid -" then again, he passed out.

Jeva rolled her eyes heavenwards and exhaled sharply. Napatalon siya sa gulat nang pabagsak na bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Iniluwa nito ang mga magulang ni Jeva kasama ang mayordoma ng kanilang bahay.

"What is happening here? Are you okay, hija?" - bungad ng kanyang ina.

Napanganga sila nang makita ang lalaking walang malay. "Who's that?! Why is he in your room? Let's call the cop! You!" - tinuro ni Gabriel ang kanilang mayordoma. "Call the cop! Rapido!"

Jeva stopped them. "No need. Just help me lay him on the bed."

"Was that Champ?" - tanong ng ina niya. She nods as an answer.

Agad naming namula sa galit ang kanyang ama. "What is he doing here?! Paano siya nakapasok?!" right now, Jeva realizes that Champ can't enter their house using the main door. Dahil makakaharap nito ang dragon ng pamilya. She can now understand why her husband chose to climb the wall. Natawa siya dahil sa pinaggagawa ng kanyang asawa.

"Dad, useless yung galit mo kung yung kinakagalitan mo ay walang malay." - pang-aawat niya sa ama.

"Bakit ba walang malay yan?" - tanong ni Maribel sa anak habang nakatingin sa asawa at mayordoma na inilipat si Champ sa kama.

Jeva shrugged her shoulders. "I told him that I am pregnant with his child."

Humalakhak si Gabriel. "Weak."

With a crumpled face, Maribel hit his husband's arm. "Shut up. At least he didn't pass out during making love."

Nawala ang ngiti sa mukha ng ama ni Jeva ang namula ang mga tainga nito.

Jeva's brows furrowed as she gazed at her mother. "What do you mean, mom?"

Maribel gave a sly grin. "He's too delighted that God provided him with a woman whose physique is to die for." - She rolled her eyes and said, "When he saw my magnificent figure, he passed out."

Hindi makapaniwalang tinapunan ng tingin ang kanyang ama na tahimik na hinihiling na sanay kainin siya ng lupa dahil sa kahihiyan. Then, he walked out.

"Your father is so cute." Jeva and Maribel giggled. She smiled at her daughter. "Champ is cute too."

Isang oras mula ng magising si Champ mula sa pagkahimatay ay kaharap naman niya ngayon ang dragon ng pamilya Villaflor kasama ang anak at asawa nito.

"What are you doing here?" - deretsang tanong ng padre de familia.

Napalunok ng malaki si Champ bago sumagot sa ama ng asawa. "I'm here to win back my wife, sir."

Napataas naman ang kilay ng ginoong Villaflor. "Anong akala mo sa anak ko Quiroz? Ulam sa karenderya? Kung nagsawa kana sa bagong putahe ay babalik ka sa unang naging paborito mo?" - Champ's mouth hung open. Hindi niya nasundan ang sinabi ng ginoo dahil sa lalim ng mga salita nito, hindi niya naipagtanto ang gustong ipahiwatig nito.

"Po?"

"Ang sabi ko, hindi parausan ang anak ko, Quiroz. Nag-iisa lang ang prinsesa ko hindi ko hahayaang isang Kagaya mo ang mananakit sa kanya." - he said between his gritted teeth.

"Dad..." - Jeva patted her father's back.

Gabriel moved swiftly to remove his daughter's hand on his back. "Stop, Jeva. Walang makakapigil sa isang ama na ang nais lamang ay protektahan ang kanyang anak mula sa kahit anong makakasama at makakapanakit sa kanya."

Champ smiled at her wife, Jeva clasped her hands. "I'll go get some tea." - paalam niya.

"Mahal ko po ang anak niyo. Hindi ko po intensyong saktan siya -"

"Ah, talaga ba?" - sarkastikong kontra ni Gabriel.

"Gabriel." - awat sa kanya ng kanyang asawa.

"It's okay, tita. Naiintidihan ko kung bakit ganyan ang reaksyon ni Mr. Villaflor. He just wanted to protect his daughter." - umismid naman si Gabriel, ipinapakita niya ang pagkadisgusto niya sa ginawa ng lalaki sa kanyang anak. "I'll do what I can to make you and your daughter trust me again."

Maribel sighed. "Nagalit lang ang tito mo..."

"Tito..." - Gabriel mimicked as he rolled his eyes. Hinampas naman ni Maribel ang kanyang braso bago nagpatuloy sa kanyang sasabihin.

"So, I was saying, nagalit lang siya nang marinig ang balita tungkol sa iyo at ni sino ba yun?"

"Suella..." - he answered

"Yes, that woman." - she held the man's hand. "Kahit ako nasaktan ako para sa anak ko pero I'm giving you a chance to explain yourself. I know hindi madali ang trabaho mo."

"He should've chosen a decent job." - kontra na naman ng ama ni Jeva

"Magtigil ka nga!" - saway ni Maribel sa asawa. "Bakit sino ba ang nagsabing hindi decent ang pag-aartista."

He tsked.

Champ breathed before explaining his side. "I and Suella were never a thing. She is my friend. Ni minsan hindi sumagip sa isip ko naligawan siya dahil kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. It was my management's decision to tell the public that we are a thing. Desisyon na hindi man lang niya kinuha ang side ko. Basta-basta na lang nilang inilabas na wala akong kaalam-alam." - he looked straight at the eyes of the man of the family. "Kung ang problema niyo po ay ang trabaho ko, I already ended my contract sa aming entertainment. Ayaw ko din na maging balakid ito sa relasyon naming ni Jeva. I want to start our relationship again without worries and doesn't care about what will the people think about me as long as they will not harm my wife. I will use all my might to protect her."

Maribel, as the mother of being marupok, held his husband's hand. "Let your daughter decide on this matter."

"Whatever!" - Gabriel surrendered. "But-"

Sabay na napatingin sa kanya sina Maribel at Champ. "You have to prove yourself traditionally."

"H-how?"

Saktong pagbalik ni Jeva ay sumagot ang kanyang ama. "Madilig ka ng halaman, magsibak ng kahoy, mag-igib ng tubig at iba pa." - nakangising saad nito.

"Dad!/Gabriel!" - sabay na kontra nina Maribel at Jeva.

"Okay, po. I'll do what you want just to prove my love for your daughter." - he winked at Jeva.

Hindi itatanggi ni Jeva na kinilig siya sa sinabi ng lalaki pero alam ba nito ang pinasok niya?

"You are so lucky to have Champ hindi ako nagkamaling ipares siya s aiyo." - her mom proudly said. "Pero hindi niya alam ang pinasok niya." - she whispered.

Their family owns a huge lemon plantation. 'Wag lang sana maisipan ng tatay niyang mano-manong gawin ang mga gawiin sa plantation. Dahil kung oo, kawawa naman ang asawa niya.

"I am the one who's lucky to have her, Tita." - he smiled. "Thank you for entrusting your daughter to me. She's the greatest gift that I have ever received in my whole life." - he hugged her and kissed her temple. Jeva hides her face on his chest. Ayaw niyang makita nila ang namumulang pisngi dahil sa kilig.

Habang papunta sila kwarto ni Jeva ay pinigilan sila ng ama ng babae. "Where do you think you're going?"

"To my room. So, he can rest." - napag-alam nilang pagkarating ng lalaki sa Barcelon, Spain ay agad itong dumeretso sa kanya kaya wala pa itong pahinga.

"No." - pigil ng ama niya. "He will sleep in the guest room. You are not allowed to share a room."

"DAD NAMAN, EH!" - tutol niya. "We are already married and I'm already pregnant with his child." - muntik na mitumba si Champ dahil sa narinig. His knees weakened. Ayaw pa ring mag sink-in sa utak niya na magiging ama na siya. "Don't you dare passed out again. Hihiwalayan talaga kita." - madiing pananakot niya sa lalaki.

Champ swallowed hard and blink his eyes, keeping himself from passing out.

"When I said no, it is a NO! My house, my rules. Hangga't nasa bahay ko kayo sumunod kayo sa gusto ko." - her dad's final statement.

Both of them pouted their lips while blinking their eyes as if Jeva's father separated them for good. "STOP ACTING!" - agad naming kumaripas papunta sa kani-kanilang kwarto.

Jeva leaned her back on the door, placing her hands on her chest, smiling like an idiot.

-

Have a merry Christmas, bonis!