We're here na sa Province nila sa Trinidad, Bohol. Kaninang madaling araw kami nag touch down, pagod kami ni Toji kaya natulog na kami kaagad pag dating. Mom and Dad n'ya ang sumalubong saamin nung makarating kami sa house nila.
Maliit lang 'yung house nila pero I think it's good lang din naman considering na his Mom, Dad and his younger sister lang ang nakatira dito. I like the ambience napaka fresh ng hangin hindi amoy usok unlike sa cities.
Bale sa isang room lang kami nag stay ni Toji. I like the size kasi since Maliit s'ya, super magkadikit kami ni Toji hihi naka cuddle lang ako sa kan'ya buong gabi.
6am parehas kaming nagising. Pag labas namin ng kwarto may naamoy kaming mabango, nag handa pala ang parents n'ya ng breakfast for us. Naka upo na kami sa table ngayon and kumain. I was about to use my fork and spoon pero nung nakita ko silang nag kakamay, ginaya ko na rin. Nag wash naman ako ng hands ko and tinuruan ako before ni Toji kung paano kumain using my hand.
"Kain ka lang ng marami, Gel. Dito hindi ka makakapag diet kasi bubusugin ka lagi ni Mama ng pagkain." napasmile ako sa sinabi ni Toji. Oh well, good bye diet for a month na nga I guess?
"Kamusta, ija? Masarap ba?" Toji's Mom was asking me kaya I nodded my ulo immediately.
"Yes po, I like this dilis, it's so masarap po." I answered. Tapos 'yung Mom n'ya tumingin kay Toji. Natawa naman si Toji.
"Hahahaha hindi n'ya naintidahan 'yung english mo." sabi ni Toji kaya nakaramdam ako ng hiya.
"A-Ang sabi ko po, masarap s'ya lalo na po 'yung dilis hehe." sabi ko. Tapos tumango s'ya.
"Ah hahaha. Pasensya kana hindi ko maintindihan e." nag smile ako sa kan'ya. Province nga pala ito bakit ba ako nag eenglish? Oh well I can't help it, hindi ako sanay T^T.
Medyo naging uncomfy lang ako sa part na 'yung mga cousins ni Toji nakasilip sa door and window tapos pinapanood nila ako kumain.
Siguro naramdaman ni Toji na hindi ako comfortable kaya tumayo s'ya at sinara ang door at window.
"Huwag nga kayo sumilip d'yan nayon lang ba kayo nakakita ng maganda?!" lelz he called me pretty!
"Ate, ang ganda po ng balat n'yo. Ano pong lotion n'yo?" his younger sister asked.
"Uh, I'm using johnson's baby lotion." I answered then nakita kong na confused 'yung bata.
"Hindi po ba pang baby lang 'yon?" she asked again.
"Yeah but, I kinda like it's smell and nakaka soft s'ya ng skin." and Toji likes that smell too kaya I'm using it hihi.
After namin mag breakfast, lumabas kami ng bahay. Pag labas mo bukid s'ya at maraming puno, in fact malilim sa harapan ng bahay nila since natatakluban ng big trees ang init ng sun. Kaya ang sarap mag hangout dito.
Sa looban kasi sila nakatira and nasa dulong part ang house nila kaya bukid na ang part na ito. Isang compound sila dito that's why nandito rin ang mga cousins and tito titas then 'yung nephews n'ya. Ang laki ng pamilya nila.
We both sat down on that long wooden chair, they called it mahabang bangko.
Nandito rin 'yung ibang pinsan n'ya and they were all looking at me. Why tho do I look weird or something?
"Ji, shota mo 'yan?" one of them asked. What is shota? I think I've heard that before kay Toji.
"Oo baket?!" he answered.
"Naks nakadale ng bebot. Kinginamo hindi kana ma reach!" and they started laughing. What are they taking about????
"Ulul maging mabuti kasi kayong tao para makuha n'yo para sa in'yo." I think they were talking about me? Or not?
"Kuya Ji, tawag ka ni Tita kung pwede mo daw s'ya ipag igib ng tubig!" tawag sa kan'ya nung isang girl. Tumayo si Toji and then tumingin s'ya saakin.
"Wait lang, Gel ha? Mag iigib lang ako tubig." sabi n'ya tapos tumango ako.
Pag alis n'ya, lumapit saakin 'yung little sister n'ya.
"Ate Angel, marunong po ako mag ipit ng buhok. Gusto mo po trintasan kita?" sabi n'ya. Trintas? Braid?
"Sure." I happily agreed. Pinaupo n'ya ako sa mas maliit na bench tapos s'ya ang naupo doon sa long wooden bench para i braid ang hair ko. Binigyan n'ya ako ng dalawang black na sanrio. Ang sabi n'ya iipitan n'ya ako ng trintas kabayo??? I don't know what it looks like pero pumayag nalang ako. I like his sister, she's so sweet she reminds me of my little cousin. Toji's sister is 12 years old by the way and her name is Tara.
"Ang ganda po ng hair n'yo, Ate Angel. Ano pong shampoo n'yo?" she asked. I get that she likes to ask me about what products I'm using on my body.
"I'm using dove shampoo and for conditioner I use creamsilk." I love that combination, it makes my long hair smooth and mabango.
"Ahh okay po." she answered.
"Uhm, Tara? May inuwi nabang girl si Kuya mo dito before?" I don't know pero I really want to know about his past. He seems to have a interesting back story e.
"Opo hahaha madami nga po e." napatakip ako ng mouth. Omg is it really a good idea na tinanong ko 'yon? "Ma chicks po si Kuya Ji dati, sa lahat po ng purok sa San Vicente may ex s'ya hahaha." omg hindi ko yata alam 'yan.
"Really?"
"Pero matagal na po 'yun. Sa lahat po ng inuwi ni Kuya dito ikaw lang po nagustuhan ko. 'Yung dati po kasi ang aasim tapos mga pakarat." I don't understand some of her words but it made me laugh.
"I see."
"Ang elegante n'yo pong tingnan, Ate. Ang ganda n'yo po, maputi, matangkad, mabango at sexy. Kaya po 'yung mga pinsan ko dito lagi kayong tinitingnan kasi bibihira lang po sa probinsya makakita ng katulad n'yo." omg nakaka heartwarming naman nung compliments n'ya. I don't know pero iba talaga pag bata ang nag compliment saakin.
"Oh thank you. You're pretty too, just like your older brother." I said.
"Opo, kasi sa lahi namin kami lang maganda at pogi hahaha." she remembers me of Toji a lot lol Like brother like sister.
After few minutes, natapos na n'ya ipitan ang hair ko tapos tumingin ako sa salamin at wow, malinis ang pagkakatrintas n'ya.
"I like it!" masayang sabi ko then nag smile din s'ya.
"Bagay po sa in'yo ganyang ipit, Ate Angel." sabi n'ya. Uhhh that's so sweet.
"Thank you~" No I'm getting attached na agad sa little sister n'ya huhu.