THE NEXT DAY
"Kuya Ji, turuan mo nga ako ng accounting. Nahihirapan man ako." sabi nung pinsan na lalaki ni Toji. Nasa may papag kami nakaupo ni Toji with his little sister ng lumapit 'yung isang pinsan n'ya sa kan'ya, he's holding a binder and a pen.
"Aba bumaba lang ako ng eroplano ginawa n'yo na akong all around. Pasensya kana pero wala akong alam sa accounting na 'yan." I secretly laugh kasi na kwento n'ya saakin before na he doesn't like accounting.
"Damot mo naman Kuya!" sabi nung pinsan n'ya.
"Teluk ka Nonoy hindi ko nga alam 'yan, piloto ako ha hindi ako accountant." tapos nag pout 'yung pinsan n'ya.
"Uhm hello, I can teach you some. We have an accounting subject when I was in 1st year kaya I have knowledge. I can help you." alok ko then lumapit saakin 'yung pinsan n'ya.
"Talaga po? Thank you po!" sabi n'ya. Then nilapag n'ya ang binder and pen sa papag. "Buti pa girlfriend mo Kuya Ji mabait, ikaw hindi!" then dinilaan n'ya si Toji.
"Hahaha edi wow! D'yan ka mag paturo sa baby love so sweet ko matalino 'yan baka akala mo." ang corny ng baby love so sweet ha saan n'ya nakukuha 'yang mga gan'yang word?!
Then tumingin ako sa notes.
"What course or strand are you?" I asked him. I'm glad most of his cousins and his sister were okay with me speaking english sometimes hihi.
"ABM po ako, grade 11." an accountancy student I see.
"Okay what do you want to know?" I asked.
"Home work po kasi namin is alamin kung ano ang basic accounting equation." he said.
"Okay uhm, the basic accounting equation is Assets = Liabilities + Equity." sabi ko. Natapos nangunot noo n'ya.
"Ano po 'yung assets, liabilities at equity? Padaliin n'yo po sana 'yung meaning kasi ang hirap po kapag straight english." sabi n'ya. I nodded.
"Uhm in other words. Assets is 'yung mga ari-arian mo, 'yung liabilities is 'yung mga utang mo then 'yung equity naman is 'yung puhunan or 'yung capital mo." I explained. Nakinig rin si Toji at 'yung kapatid n'ya saamin.
"Ahhh." napatango tango s'ya tapos nag nonotes s'ya habang nag sasalita ako. "Eh ano po 'yung accounts receivable? Diba po about din sa utang 'yon? Ano pong pinag kaiba n'ya sa liabilities?" he asked.
"Liabilities is kapag ikaw ang may utang sa iba while accounts receivable is kapag sila na ang may utang sa'yo. Kung baga matatanggap mo palang 'yung bayad or 'yung income mo." then napatango tango uli s'ya. Wow I never thought na maaalala ko pa 'yung topic namin nung 1st year palang ako.
"Ah gets ko na po!" sabi n'ya.
"Okay I'll give you an example. Try to solve this." I said then tumango s'ya. "Hmm, if you have total liabilities of 1,200 and equity of 800 then what is your assets?" I asked. Then napaisip s'ya. 1 minute after pero hindi parin s'ya nakasagot. "Remember the basic accounting equation.. Assets = Liabilities + Equity." I repeated.
"Ah! 2,000 po!" sagot n'ya. Napa clap ako.
"Very good!" I said. "I a-add mo s'ya since parehas silang dumagdag sa income mo. Umutang ka para magkapuhunan, magiging assets mo 'yon, hmkay?" paliwanag ko uli. Napa tango s'ya.
"Wow gets ko na po s'ya. Thank you po Ate Angel!" he said then nag smile lang ako tapos bumalik na s'ya sa house nila kasi magaaral pa daw s'ya.
"Ba't na gets n'ya, ako hindi?" tanong ni Toji.
"Hina naman ng understanding mo, Kuya! Bakit ako na gets ko 'yon?" wow a 12 years old?
"Weh?! Gel, bigyan mo nga question 'to." sabi ni Toji. Itong mag siblings na ito lagi nag aaway considering na ang laki ng age gap nila.
"Hmmm, if you have total assets of 2,000 and total liabilities of 1,200.. how much is your total equity?" I asked. Napaisip naman si Tara.
"800 po." nagulat ako that she answered it right.
"You're correct!" sabi ko. Tapos naka grin s'yang tumingin sa Kuya n'ya.
"Panis ka!" sabi n'ya. Omg hahaha they're so nakakatawa.
"Tyamba amp!" lol Tara is so smart.
***
Nung pa tanghali na, inutusan si Toji ng Mom n'ya na pumunta ng wet market para bumili ng lulutuin for lunch. Sumama ako sa kan'ya kasi wala naman ako ginagawa.
Since walking distance lang 'yung wet market mula dito sa house nila, nilakad nalang namin ni Toji. As usal naka cling ako sa braso n'ya, I don't know pero hindi kasi ako sanay na hindi naka hawak sa arm n'ya kapag sabay kaming wa-walk.
"Why is everyone staring so hard?" I asked Toji. Most of the people, including girls were all staring at me. It kinda makes me insecure because why are they staring at me like that? Do I have something on my face? Did my blush aren't the same? T^T
"Gan'yan dito sa probinsya kapag may maganda todo tingin. Pero mababait naman tao dito hindi ka nila gagalawin. Subukan lang nila papangahan ko sila." he said. Papangahan?
While we're walking, nadaanan namin ang covered court na puno ng mga tao.
Tumigil kami tapos nag tanong si Toji.
"P're, anong meron?" tanong ni Toji sa random guy.
"One day league basketball. Tara sali ka, pwede kapa sa senior division." he said.
"Tanginamo Ji, senior ka lang?! Dapat sa'yo sa super tatay na sumali e." another random guy showed up. What the hell is Super Tatay?! Was that a hero?
"Super tatay ah ikaw nga dapat sa super pet ka na sumali tutal mukha kang aso!" and they started bickering.
"Ulol sa gwapo kong 'to mukha akong aso?!"
"Tanginamo mga gan'yang mukha sa maynila hinuhuli kaagad, dito nakakapag basketball pa!"
After that hinila ko na kaagad s'ya paalis. I noticed here na a lot of people loves bickering at each other but not in way na mag aaway sila or what. Parang it's normal lang sa kanila to curse at each other. Lalo itong si Toji napaka lutong mag mura.
"Your Mom is waiting, let's go."
***
We finally arrived at the wet market. Ang daming nag titinda ng vegetables ang fishes kung saan saan. Tapos medyo maingay at lahat ng tao parang busy.
Nag punta kami sa sea food section. If I'm not mistaken, sinigang na shrimp ang ico-cook ng Mom n'ya.
"Teh pabili nga po isang kilong hipon." nung makita ni Ate si Toji bigla s'yang nag smile.
"Hindi kaba tatawad, Pogi?" the vender said while smiling. What the hell?!
"Hindi na teh, madami po akong pera." I almost laugh after I saw the vendor's reaction. Lol hindi s'ya makakaporma sa Toji ko.
After namin bumili ng shrimp, bumili na kami ng mga ingredients at iba pang kakailanganin sa sinigang na shrimp.
Then after n'on nag walk na uli kami pabalik.
"Ji, nuyan shota mo?" another random guy approached Toji.
"Oo p're, ganda noh?" Toji said tapos tumango 'yung random guy.
"Teh anong nagustuhan mo dito? Barumbado 'yan e." what is barumbado?
"What?" I asked.
"Tama na p're hindi nakakaintindi gf ko ng lenggwaheng unggoy." Toji jokingly said tapos tinapik lang s'ya nung guy tapos umalis na.
Nung makabalik na kami sa house nila, nag luto na Mom n'ya ng food then kami ni Toji ay nag rest muna sa backyard nila.
"Ate, ano pong course mo nung college? Parehas lang po ba kayo ni Kuya?" Tara asked.
"Nope. I'm graduate of Bachelor of Science in Tourism Management while your kuya is graduate of Bachelor of Science in Aviation Technology." I answered.
"Tourism? Gusto ko din po mag tourism pag nag college na ako! Gusto ko din po mag flight attendant e." masayang sabi n'ya.
"You know hindi naman required na mag tourism ka if want mo maging flight attendant. 'Yung ibang crewmate ko graduate sila ng ibang course like nursing, psychology and such. Pero naging flight attendant sila." paliwanag ko. Wala namang specific na requirements if you want to become a flight attendant. If you're good at speaking english, graduated from college and marunong ka makipag communicate, then pwede ka maging flight attendant.
"Talaga po? Kahit po kunware education 'yung tinapos ko pwede po akong maging flight attendant?" she asked and I nodded.
"Yes." I answered.
"Kung ako sa'yo Tara, kumuha ka ng ibang course tapos saka ka mag flight attendant. Para madami ka knowledge." Toji said at napatango ako.
"Your Kuya is right. You should take different course like Business course or anything you want before ka mag flight attendant." I suggested. Pero bata pa naman si Tara, may possibility na magbago pa ang nasa mind n'ya pag lipas ng years.
"Okay po!" nakangiting sagot n'ya. "Hehe muka po kasing masaya pag flight attendant." she said.
"It's super fun talaga. Right, love?" baling ko kay Toji tapos tumango s'ya.
"Oo, nakakapag travel ka sa iba't ibang bansa ng libre." I agree with him.
"Pag nag take off kayo sa different country. The standard time ng pag stay n'yo sa country na 'yon is 24 hours but it's still depends on the situation. I remember one time, 4 days ako sa Rome, Italy kaya naka gala muna ako bago ako makabalik uli sa philippines. Not to mention the company also provides you a hotel room for free. Kaya super saya talaga maging flight attendant kasi madaming benefits." I myself really don't know how much I love my work. Lalo na sa work ko na ito nakilala si Toji.
"Wow ang saya nga po maging flight attendant!" she said.
"Ayaw mo maging piloto, Tara? Ipapasok kita sa Aviation School na pinasukan ko." singit ni Toji.
"Ayaw ko n'yan, Kuya. Hindi nga ako marunong mag bike e tapos magpapatakbo pa ako ng eroplano?" oo nga naman.
"Aba anong akala mo saakin pinanganak ng marunong mag palipad ng eroplano? Aba syempre natututunan 'yan." he answered. He's also right.
"Ayaw ko padin, Kuya. Natatakot ako mag palipad ng eroplano." aw that's true. Kahit ako siguro kakabahan mag palipad ng airplane.
"Nyi, basic lang 'yun ih." he whispered. Of course it's basic for him. He's been flying an airplane for 4 years now!
***
After namin kumain, I help his Mom to wash dishes. I finish washing dishes fun lol. After I wash the dishes, I went to our bedroom and I saw Toji watching TV. Nahiga ako sa tabi n'ya then nag phone ako. I just want to check my social medias.
After a sec, naramdaman ko na hinuhug n'ya ako.
"Tinatamad ako ngayong araw, parang gusto ko ng kiss!" parinig n'ya saakin. Binaba ko ang phone ko then niyakap ko s'ya at umunan ako chest n'ya.
"Come here." sabi ko then ngumuso ako para bigyan s'ya ng kiss sa lips. Tapos niyakap n'ya ako ng mahigpit.
"Bango ng baby ko." sabi ko habang nakayakap ako sa kan'ya. I really like the smell of his pabango.
"Bango ko? Kiss mo nga ako uli." he said. I was about to kiss him again when suddenly, the door opened.
"Ate Angel!" napabalikwas kaming dalawa ni Toji ng binuksan ng little sister n'ya ang pinto ng kwarto. Muntik na ngang malaglag si Toji sa kama hahaha.
"T-Tara?" I asked.
"Ate labas ka po! May parada po sa labas!" sabi n'ya kaya tumayo ako at nanakbo kami palabas then sumunod naman saamin si Toji.
Nung nasa labas na kami, it's a majorite parade.
I was smiling while watching until 'yung girl na parang leader ng majorite was staring at me.
"Hala Ate. Ex ni Kuya 'yung nasa unahan." sabi ni Tara. Kaya napatingin uli ako doon sa girl.
So she's not staring at me, she's staring at Toji! Kaya naman nilingon ko si Toji na nag pepretend na nakatingin sa langit. Then tumingin uli ako sa girl tapos hinawakan ko kamay ni Toji.
Nakita kong nag frown s'ya and then tumingin s'ya saakin kaya inirapan ko s'ya.
***
After namin manood ng parade bumalik kami sa kwarto namin, this time ni lock ko na 'yung pinto tapos humarap ako kay Toji.
"Is that your ex girlfriend?" tanong ko. I just want to ask about the girl that's all. I'm curious e.
"Oo. Tagal na no'n high school pa 'ko." sagot n'ya.
"Her name?" tanong.
"A-Angelica." wow muntik pa kaming magkapangalan ha.
"Sabihin mo nga saakin pangalan ng mga naging ex mo." utos ko sa kan'ya. I have this habit kasi na gustong gusto ko malaman past relationship n'ya I don't know why.
"Ih 'wag na aawayin mo lang ako e." sabi n'ya.
"Isa.." bilang ko. Tapos napakamot s'ya.
"Eto na nga. Ano sila.. Angelica, Angeline, Angela, Angel-" hinampas ko s'ya ng banggitin n'ya pangalan ko.
"I'm not your ex!" sabi ko.
"Lah hindi naman ikaw 'yan e. Ibang Angel 'yan." sabi n'ya then inirapan ko s'ya.
"You're really into Angels huh?" tanong ko.
"Oh 'wag ka magalit ikaw may gustong malaman 'yan." sabi n'ya. Whatever. "Ikaw din naman may ex ka din ah?" aba binabliktad n'ya usapan ah?
"Oh? Dalawa lang naman ex ko ah?" sabi ko.
"Oo nga. 2 years at 5 years naman tinagal n'yo. Kami months lang yata or weeks e." aba sukatan ba ito kung gaano kami tumagal. "Saka huwag mo naman pag selosan 'yung mga 'yon 'di hamak naman na mas better ka kesa sa mga 'yon." sabi n'ya. Talaga! No one is better than me chos.
Iniparan ko s'ya tapos hindi na ako nag salita. Then bigla n'ya akong niyakap.
"Huwag kana magalit, baby. Wala naman na akong pake sa mga 'yon ikaw lang love ko forever and ever." ang cheesy talaga kahit kailan.
"Dapat lang." sagot ko.
"Kiss mo nga ako." sabi n'ya. Then kiniss ko s'ya sa lips. Who's marupok? Definitely me.
"Love you my cream pie." what the hell.
"I love you more, my love~"