Chapter 6: 6

Flight | Fushiguro Toji - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Words: 5985

Super nag enjoy ako kagabi sa perya, to the point na inaya ko uli si Toji tonight hehe. Pero this time hindi na sumama si Tara kasi may pasok na s'ya tomorrow kaya kami nalang dalawa ni Toji..

We tried every ride except sa mga pang bata kasi may weight limit s'ya. Nag try kami ni Toji sa horror house pero hindi namin masyado na enjoy kasi ang baba ng ceiling nung horror house. Halos nakayuko kami ni Toji all through out huhu sometimes I hate being tall talaga.

Tapos nag try uli kami sa pasyutan. Si Toji lang nag shushoot kasi ang malas ko sa ganito. Never pa ako naka shoot.

"Oy shoot!" turo ni Toji doon sa coin na nasa loob ng 5 na box. Nagulat kami kasi kinahig kaagad ni Ate 'yung coin kahit pasok naman sa box.

"Luh Ate shumoot sa limang piso 'yon e." pinaglaban n'ya talaga.

"Wala naman." sagot ni Ate.

"Duga naman. Lima rin 'yon e!" bulong n'ya. He's right, pera pa din 'yon.

"May barya kapa ba?" tanong saakin ni Toji.

"Wala na e. I'll withdraw money. May ATM machine ba here?" tanong ko. Natawa naman s'ya.

"Perya 'to, babe. Walang ATM machine dito." natatawang sabi n'ya. Why tho?

Lumingon lingon s'ya saglit tapos bigla n'ya akong hinila.

"Tara color game tayo." sabi n'ya. Tapos we went on a spot where mostly mga men ang nandito. Sumilip ako konti tapos nakita ko nag lalagay sila ng money sa specific color then meron din na.. I don't know pero may hinihila sila para malaglag 'yung tatlong cube na may colors.

It involves money, that's gamble right?

Nung lumapit ako sa kan'ya, may bigla ring lumapit sa kan'yang guy.

"Ji?" napatingin si Toji doon sa tumawag sa kan'ya.

"Oh? Migo!" tapos nag apir sila.

"Musta? Nakababa kana pala?"

"Oo ilang linggo narin."

"Girlfriend mo?" baling n'ya saakin.

"Yup." tapos nag kwentuhan sila. Mga 10 minutes din 'yon bago nagpaalam 'yung guy na aalis na s'ya.

I was about to ask him when we stumbled by a kid who's crying.

"Hala, bata ba't naiyak ka?" tanong sa kan'ya ni Toji. Naupo naman si Toji para magkapantay sila nung bata.

"Yung Mama ko po nawawala." the kid said while crying. Mama n'ya 'yung nawawala or s'ya? Hehe.

"Naliligaw yata s'ya babe." tumingin s'ya saakin. Binuhat s'ya ni Toji.

"What's your name?" tanong ko sa bata.

"A-Aldrin po." sagot n'ya.

"Aldrin! Aldrin!" we heard a woman voice na tumatawag sa name n'ya.

"Mama!" sigaw nung bata. Tapos napatingin sa gawi namin 'yung girl na tumawag sa bata. Wow she's pretty.

"Aldrin!" tawag n'ya tapos kaagad n'yang kinuha 'yung bata kay Toji.

"Pasensya na po. Salama—" natigil s'ya sa pag sasalita ng magkatinginan sila ni Toji. They both look shocked seeing each other. Magkakilala ba sila.

"Ji?" tanong n'ya.

"A-Amy.." so they know each other nga?

"Who's she?" tanong ko.

"Ex girlfriend ko." nagulat ako sa sinabi n'ya. Then napatingin ako sa girl na titig na titig parin kay Toji.

"Musta? Tagal narin ah." sabi n'ya. Then napa smile si Toji. Aww.

"Oo nga e. Anak mo?" turo n'ya doon sa kid na nag stop na sa pag iyak. Buti tumigil na s'ya, ako na kasi sunod na iiyak hehe just kidding.

"Oo. 4 years old." sagot n'ya. Tapos tumingin s'ya saakin.

"Girlfriend mo?" tanong n'ya. Tumango kaagad si Toji tapos hinawakan n'ya ang kamay ko.

"Yes." sagot n'ya then napatango tango s'ya.

"Salamat at ikaw nakakita sa anak ko. Kung ibang tao baka nadala na 'to hehe." sabi n'ya.

"Wala 'yon." ewan ko. Alam kong wala namang ibang ibig sabihin ang pag uusap nila but merong part saakin na medyo na huhurt ako. Mas una n'ya kasing nakilala si Toji kesa saakin. And the way they talk to each other, I think maganda ang pag sasaka nila noon.

"Hala? Kuya Ji?!" biglang may sumulpot na girl sa gilid namin. Tapos gulat din s'yang napatingin kay Toji.

"Cassandra? Laki mo na ah?" sabi ni Toji then pinat n'ya head nung girl. I supposed 15 or 16 years old itong Cassandra girl.

"Kuya Ji miss kana ni Mama. Lagi ka n'ya hinahanap saamin ni Ate e." magkapatid ba sila nung Amy?

"Ah hehe." natawa lang si Toji.

"S-Sige, Ji. Una na kami. Salamat uli." sabi nito. Ngumiti lang si Toji tapos nag babye

"Always welcome." sabi n'ya then umalis na sila. Nung umalis sila nag fake hikad ako.

"Antok na 'ko uwi na tayo." aya ko.

***

Habang nag lalakad kami pauwi, hindi ako mapakali gusto ko s'ya tanungin about doon sa girl.

"Gaano kayo katagal nung Amy girl?" tanong ko sa kan'ya.

"Pag sinagot ko ba 'yan hindi mo ako aawayin?" umiling kaagad ako.

"Nope. Promise gusto ko lang talaga malaman." sabi n'ya. Genuinely curious lang.

"11 months." tagal rin.

"Close ka sa family n'ya?"

"Mmm."

"Really? Eh s'ya close sa family mo?"

"Yep."

"Mabait ba s'ya?"

"Yes."

"Bakit kayo nag break?"

"S'ya nakipag break saakin."

"Why?"

"Hindi na n'ya daw ako gusto."

So, kung hindi nakipag break si girl e walang balak makipag hiwalay si Toji sa kan'ya? Keep asking questions, Angel torture yourself  'diba d'yan ka magaling??

"S'ya ba first love mo?"

"Yes."

Okay it's time na para tumigil ako mag ask. Nahuhurt na ako huhu. I know naman na hindi dapat pero hindi ko maiwasan.

"Oh umiiyak kana. Sabi ko naman sa'yo e." hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako huhu it's my fault naman to kasi nag ask ako ng ganong questions.

Pero kasi kanina, nung mag kausap sila alam mo talagang genuine sila sa isa't isa before. Tapos halatang close s'ya doon sa kapatid. Ano nalang mangyayari kung hindi sila nag hiwalay? Edi wala kami ni Toji ngayon? :(

"Sorry. I can't help it." sabi ko. Niyakap naman n'ya ako ng mahigpit.

"Iba man ang first love ko, I'll make sure na ikaw ang last love ko. End game nga tayo e." he said tapos niyakap ko din s'ya ng mahigpit.

"Pag kasi iniisip kong may minahal ka bago ako medyo na huhurt ako."

"Hahaha edi huwag mo isipin. Huwag kana umiyak, wala ka naman dapat ipag alala kasi kung nasa isang silid man ako at kasama ko ang lahat ng babae sa mundo, ikaw at ikaw parin ang hahanapin ko." napasmile ako sa sinabi n'ya.

I guess wala naman talaga ko dapat ipag alala. Ako lang din naman gumagawa ng ikasasakit ko. Kung nanahimik nalang ako kanina edi sana edi ako nag kacry right now.