Chapter 7: 7

Flight | Fushiguro Toji - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Words: 6639

Nag work out kami ni Toji kaninang umaga kaya here I am right now, nakahiga sa bed. Medyo matagal na rin kasi nung huling work out ko kaya ang bilis ko na mapagod. Unlike si Toji 4x a week s'ya nag wo-work out kahit nandito lang s'ya sa bahay. Kaya ang buff n'ya e hihi.

Nasa labas si Toji kasi may tumawag sa kan'ya mga friends n'ya yata. Ako Nandito parin sa bed, nanonood ng t.v. I was about to fall asleep when my phone beep. My Mom is calling.

I picked it up.

"Hello?" sagot ko.

"Angel, how are you? Okay ka lang ba d'yan sa bohol?"

"Yes, Mom. I'm doing good."

"You sound tired. What did you do?"

"Work out."

"I see. We miss you, Angel. Sana sa next vacation mo dito ka naman mag stay sa Taguig. Dito kayo ni Toji mag stay anak welcome naman s'ya dito." napa smile ako.

"Sige, Mom. I'll tell Toji later."

"Okay, baby. My client is here na, bye bye!"

"Bye, Mom!" then I hang up na. I kinda miss my Mom I think it's been year na nung huli ko sila nakita. Maybe I should visit them some other time.

Nauhaw ako bigla kaya tumayo ako at nag punta ng kitchen para kumuha ng water. By the way wala ngayon dito 'yung parents ni Toji at si Tara. Namasyal sila e kaya kami naiwan dito.

Habang nainom ako ng water naririnig ko sina Toji na nag tatawanan sa labas.

"Nga pala, Ji. Birthday nung kapatid ni Amy ngayon, may celebration mamaya. Tara punta ka miss kana n'on ni Amy." they piqued my interest. Napatigil ako sa pag inom ng water nung marinig ko name nung ex girlfriend ni Toji.

"Pass p're, may gf na ako." Toji replied.

"Hindi naman malalaman nung gf mo e. Sabihin mo pupunta ka lang saamin tapos diretso tayo kila Amy noh? Hahahaha." what the fuck?!

"Kayo nalang p're." Toji replied again.

One wrong answer, Toji and we're done.

"Sus, 'diba patay na patay kayo sa isa't isa dati? Nung nag maynila ka nga sabi mo pag nakita uli kayo ni Amy makikipagbalikan ka tapos aayain mo na s'ya ng kasal." I feel like my heart is being stabbed by a knife right now. So hindi pala ako ang unang babaeng binalak n'ya pakasalan?

"Tanginamo p're dati pa naman 'yon. Mahal ko girlfriend ko hindi n'yo ako madedemonyo." I feel a little relieved hearing him say that.

"Gagi alam mo ba pag nag iinom kami nina Amy, pag nalalasing 'yon lagi kang hinahanap. Miss kana ng tropa natin p're hahahaha." so mahal pa ni girl si Toji?! And what the fuck is wrong with his friends?! Alam nang may gf 'yung tao ni hindi alam 'yung salitang respect????

"Hindi talaga ako sasama p're, kayo nalang." Toji replied. Hindi na ako nakinig sa kanila at pumasok nalang ako sa kwarto.

What the fuck is wrong with them? Naiiyak ako napaka dumi ng mindset ng mga kaibigan n'ya. Sarap nilang sampalin sabay sabay.

Umiyak ako mga 10 minutes, for sure maga ang mata ko. Okay narin 'to para makita ni Toji na umiyak ako.

After a minute, narinig kong bumukas ang pinto kaya pumikit ako. Then naramdaman kong humiga s'ya sa tabi ko tapos niyakap ako.

"Babe?" tawag n'ya saakin. Iminulat ko ang mga mata ko.

"Papaalam lang sana ako kung pwede kami mag basket—"

"No." hindi pa n'ya natatapos sasabihin n'ya sumagot na ako. Baka mamaya kina Amy ang punta n'ya.

"Ha? Bakit naman?"

"No is no."

"Baka mamaya kila Amy punta mo.." bulong ko. Tapos napatingin s'ya saamin.

"Nakikinig kaba sa usapan namin?" napaupo s'ya sa kama kaya umupo din ako.

"So?" tinarayan ko s'ya. Napabuntong hininga s'ya.

"Inaaya kasi nila ako birthday daw nung kapatid ni Amy. Nasa iisang circle of friends kasi kami dati kaya ayun.." paliwanag n'ya.

"Ba't hindi ka sumama? First love mo na nag aya sa'yo oh." ewan ko pero sa kan'ya ko nabubunto inis ko sa mga kaibigan n'ya.

"Angel naman~ Bakit ako sasama e may girlfriend ako? Bakit pag ikaw ba inaya ka ng first love mo sasama ka?"

"Oo!"

"Luh? S'ya sasama narin ako." akma s'yang tatayo pero hinala ko ang laylayan ng tshirt n'ya kaya napaupo uli s'ya.

"Bakit mo ibinabalik saakin 'yung tanong? E ikaw nga tinatanong ko?"

"Eh ayoko nga sumama e? Ang kulit mo!"

"Ako pa makulit?! Bakit hindi mo nalang pag sabihan 'yang friends mo huwag mangunsinte lalo na pag alam nang may girlfriend?!"

"Pinag sabihan ko sila! Nakinig ka sa buong usapan namin 'diba?!" tumaas na 'yung boses n'ya kaya pinangilidan ako ng luha. Every time na nag aaway kami, ako talaga unang umiiyak.

"It's not my fault naman na hindi sinusubukan ng mga kaibigan mo na isikreto 'yung pag aya nila sa'yo d'yan sa bahay ng ex mo! Ang lakas pa nga ng boses nila siguro kahit nandito ako sa kwarto maririnig ko kayo!" tumaas narin boses ko at pinilit kong huwag muna tumulo luha ko. Pag kasi umiyak ako, magiging tuloy tuloy na 'yan.

"Mas mabuti nga narinig mo e. Kasi kung ako mismo mag sasabi sayo pag dududahan mo na naman ako!"

"So kung hindi ko narinig wala kang balak sabihin saakin?" nag gagaralgal na boses ko. Naiiyak na talaga ako.

Na tahimik s'ya sa sinabi ko.

"Wala na naman kasing halaga kung sasabihin ko pa sa'yo. Sino ba si Amy sa buhay ko? Wala na naman 'diba? At saka hindi rin naman ako pumayag bakit mo ako inaaway?" tanong n'ya saakin.

"Nasasaktan ako! Baka kasi mamaya iwan mo ako bigla!"

"Wala kabang tiwala saakin? Sa tingin mo sasama talaga ako sa kanila?" natahimik ako saglit sa sinabi n'ya.

"I-It's not like that.. It's just na ayoko lang mawala ka.." I can't hold my tears anymore. Sunod sunod na silang tumulo sa mga mata ko. Rinig ko ang malakas ba pag sigh ni Toji.

Lumapit s'ya saakin tapos pinunasan n'ya ang luha ko gamit ang thumb n'ya.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang pag taasan ka ng boses. Kasalanan ko, I'm sorry." humihikbi na ako. Hindi ko kayang mag salita hangga't umiiyak ako ng ganito.

Nung hindi padin ako tumigil sa pag iyak, niyakap n'ya ako.

"Promise ko hindi ko na kakausapin 'yung mga kaibigan ko na 'yon. Ika-cut off ko na sila I promise. Huwag kana umiyak, Angel." malambing na sabi n'ya.

"S-Sabihin mo.. kung.. m-mahal mo pa si Amy.. A.. Ako na mag papalaya.. sa'yo.." I can't speak clearly. Pero sinasabi ko lang 'yung nararamdaman ko.

"Hindi ko na s'ya mahal. Sobran tagal na n'on high school pa kami. Wala na akong nararamdaman kahit na katiting sa kan'ya. Huwag ka mag salita ng gan'yan, hindi kita iiwan." napayakap ako ng mahigpit sa kan'ya.

Ganito naman sa relationship 'diba? Lalo na kung matagal na kayo. Sometimes may away, hindi naman pwede na happy happy lagi right?

Pero I think ito na 'yung pinakamatinding away namin sa buong relationship namin. I think it's my fault talaga, inisip n'ya pa tuloy na wala akong trust sa kan'ya.

"I'm sorry, Toji." umiiyak parin na sabi ko.

"Shhh it's alright. I'm sorry din. Bati na tayo, okay?" tanong n'ya then tumango ako.

Kiniss n'ya ako da forehead tapos niyakap uli n'ya ako ng mahigpit.