Kaaalis lang ni Toji papunta sa kasal nung kaibigan n'ya. Tapos 'yung parents n'ya naunang umalis sa kan'ya, si Tara naman may pasok kaya ang ending, I'm all alone here in the house huhu. Sana pala sumama nalang ako kay Toji.
I decided na mag linis nalang ng house, kahit na hindi naman super gulo ng bahay nila. Nag sweep sweep lang ako ng floor at nag punas ng windows.
After that, nag vacuum ako ng floor para mukhang malinis talaga. After an hour ng pag lilinis natapos din ako, medyo napagod ako kaya pumasok ako ng kwarto para mag pahinga.
Binuksan ko ang t.v, I think manonood nalang ako ng movie. When I'm choosing what movie to watch, my phone suddenly beep.
Kinuha ko iyon then tiningnan ko, it was Toji.
From: Loml<3
Babe, gusto ka daw makilala ng kaibigan ko saka nung fiancé n'ya hahaha.
Then nag send s'ya ng pic na nasa venue na s'ya. Napa smile ako tapos nag reply ako ng sure, next time. Tapos binaba ko na uli phone ko.
What should I watch? Romance? Comedy? Animation?
Horror? No, I can't watch that I'm all alone. Mamaya may mag pakitang ghost no way!
So I end up watching The Conjuring. Yeah.. so I'm so scared right now I can't even open my eyes fully while watching.
Nagawa ko na lahat ng posisyon para lang makapag tago. Pero napapa scream at jump parin ako dahil sa mga jumpscares huhu.
Nung nasa suspense scene na, napahiyaw ako ng tumunog ang phone ko. Nagulat ako! Pagkakita ko si Toji lang pala, nag send uli ng pics. Akala ko naman kung ano na.
Nung natapos ko na panoorin, lumabas ako ng kwarto. Tatambay nalang ako sa backyard kahit ako lang mag isa.
Umupo ako sa papag while I'm eating fresh strawberries. Uwi ito nung Dad ni Toji kagabi. Super sarap n'ya at super tamis!
Nag ba-browse ako sa phone ko habang kumakain ng strawberry. Maya maya biglang lumakas ang hangin, kaya nag laglagan ang mga leaves sa sahig. Binaba ko ang phone ko at ang kinakain ko para mag sweep again. So many dead leaves.
After ko mag walis, nilagay ko na sa sako 'yung mga na walis ko. Tapos I noticed puno na s'ya kaya itinali ko na ito then binuhat ko s'ya papunta sa tapunan ng basura sa may labasan. I know kasi na may dadaan ng truck na mag cocollect nitong wastes.
Nang madala ko na sa labas. I was about to leave ng mapansin ko ang isang bata. It was Aldrin, Amy's son. Lumapit ako sa kan'ya.
"Hello, Aldrin." bati ko sa kan'ya. I saw a worried expression all over his face.
"Ate?" I guess nakilala n'ya ako.
"What are you doing here? Bakit ka nasa labas?" naupo ako para magkapantay kami. Baka mapano s'ya sa labas.
"Si Mama po kasi.." nagtaka ako.
"What about your Mama?" tanong ko.
"Ang taas po ng lagnat ni Mama. Kami lang po ng dalawa sa bahay, hindi ko po alam gagawin." nagulat ako sa sinabi n'ya.
"What? Halika samahan mo ako papunta sa in'yo. Titingnan ko Mama mo."
***
Nung mapunta ako sa bahay nila. Pinapasok ako ni Aldrin, then pag pasok ko nakita ko si Amy nakahiga sa wooden sofa. Nakapikit s'ya pero she's breathing heavily.
Nag hugas at nag sabon ako ng kamay bago ko hinipo ang noo n'ya. Ang init n'ya!
"Oh my god.." 'yun nalang nasabi ko. Then biglang bumukas ang mata n'ya.
"An..gel.." she said.
"I'll get warm water and a clean cloth. Wait up." nag tanong ako kay Aldrin kung saan ako makakakuha ng mga needs at tinuro n'ya naman. Nang makapag prepare na ako ng kailangan, bumalik ako kay Amy. Naupo ako sa sahig then dinampi ko ang piniga kong cloth sa may forehead n'ya.
"Hindi mo na kailanganâ"
"Just lay there ang don't talk. I'm not doing this for you, I'm doing this for your son." I said. Well, I may have galit sa kan'ya pero hindi ko naman papaabutin sa point na hahayaan ko s'yang ganito ang kalagayan.
Pumikit nalang uli s'ya, tapos she's still breathing heavily. Si Aldrin nasa tabi ko lang, thank god nabawasan na ang worry sa face n'ya.
"Did you already eat?" I ask while I'm putting a blanket on her. She nodded. "Inom ka ng paracetamol if kaya mo ng tumayo, okay?." she nodded again.
After an hour, bumaba na ang lagnat n'ya. Nakakaupo na s'ya ng bahagya kaya pinainom ko na s'ya ng gamot, then nahiga uli s'ya.
"Do you need anything else?" tanong ko. Umiling s'ya.
"Thank.. you." napa roll eyes ako.
"You should thank your son. Kung hindi ko s'ya nakita sa labas I won't be here at baka kung ano na ang nangyari sa'yo." I said. She just nodded.
Mag gagabi na at wala paring tao sa kanila. Nasaan kaya mga kasama n'ya sa bahay bakit wala pa?!
Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito. Pagkakita ko si Toji pala.
"Hello.." pag sagot ko.
"Asan ka? Ba't wala ka sa bahay?" hala he's home na pala.
"I'm here at Amy's house."
"Ha?!?!?!"
***
Pumunta si Toji dito, tapos pinaliwanag ko sa kan'ya ang nangyari.
"Kaya pala." sabi n'ya. He said tapos naupo s'ya sa single sofa. At home na at home ah.
After 30 minutes, dumating na ang Mama ni Amy.
"Aguy Toji ijo, ikaw ba 'yan?!" gulat na tanong n'ya ng makita n'ya si Toji. Tumayo naman si Toji para batiin ito.
"Hi po, Tita Anna." bati ni Toji.
"Aba ang tagal na ng huling nag kita tayo. Ang gwapo gwapo ko lalo." sabi n'ya then natawa lang si Toji.
Tinanong n'ya kung sino ako, kaya pinakilala ako ni Toji as his girlfriend. Mabait naman Mama n'ya puring puri ako. Tapos pinaalam ko ang kalagayan ni Amy. Nagpasalamat s'ya saamin kasi hindi n'ya daw alam na mataas pala ang lagnat nito.
"Thank you, Angel." sabi uli ni Amy bago kami umalis. Nag smile lang ako.
"Welcome." sabi ko. Then umalis na kami.
***
"Instant nurse ah." sabi ni Toji habang nag lalakad kami pauwi sa bahay nila. Malapit lang naman.
"Shut up. Tinrain din kami kung paano mag alaga ng sick passenger." sabi ko. Then tumawa s'ya at inakbayan ako.
"You're an incredible woman. I'm so proud of you." he said. Nag blush naman ako.
"Kahit sino naman gagawin 'yung ganon." I said.
"Not me. Kung nasa bingit ng bangin 'yung pinag seselosan ko baka ako pa mismo mag tulak sa kan'ya dun." biro n'ya.
"As if." sabi ko.
"Hehe joke lang." tapos pininch n'ya 'yung cheek ko. Ouch!
"Grabe talaga girlfriend ko, pakiss nga!" tapos kiniss n'ya ako sa cheek. Napasmile ako.
Sana hindi isipin ni Amy girl na mabait ako sa kan'ya. Never noh!