Chapter 10: EWTUG 07

Engage With the Unknown Guy (FIANCÉ SERIES 01)Words: 13804

CHAPTER 07

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

“Thank you Zayn” Pagpapasalamat ko dito. Nginitian naman ako nito pagkatapos ay tumango ng bahagya.

“Take care of your self.” Aniya.

Nang magkausap kami kagabi ay nawala na yung pagiging malamig nito, nung gabing ay naging magaan na yung pakikitungo ko sa kanya. Kahit papano ay hindi na ako naiilang sa kanya pero may pagkakataon na hindi parin ako mapakali sa kaya kapag malapit lang ito sa akin, gaya nalang ngayon... Kung makatitig ito sa akin ay parang may dumi ako sa mukha na hindi nito masabi kaya tinitigan nalang ng mabuti.

Nahihiya na tuloy akong gumalaw palabas dito sa kotse nya, Haysss.

“You too, sige alis na ako.” Hindi ko na hinintay pang magsalita ito ay agad na akong lumabas ng kanyang sasakyan at dali darling tinungo ang Gate papasok ng aming paaralan.

Sya daw kasi yung maghahatid sa akin dahil nakakapagod daw mag lakad, aangal pa sana ako dito na 'okay lang sa akin na mag lakad' syempre pakipot muna este nakakahiya kaya.

Kaso mapilit ito kaya di kalaunan ay na papayag na din ako. Nakahiga ako ng maluwag ng makapasok na ako sa aming paaralan. Di ko na pinapasok pa yung sasakyan ni Zayn dito dahil alam ko magkakagulo lang.

Naglalakad ako sa hallway ng namataan ko ang isang grupo ng kababaihan na papunta sa akin. They are Beatrix gang. Tawag nga sa kanila ay mighty Bitchy. Ewan ko ba at ganun pa talaga yung pinangalan nya sa grupo, pangalan pa lang ng grupo alam mo na agad na wala silang magandang gagawin kundi ang magkalat ng lagim at kanilang mga lahi.

Sikat ang kanilang grupo dito sa LU bilang isang mighty Bullies. Ewan ko nga kung bakit sa lahat ng words na madi-describe, e. Mayroong mighty na kalakip dito. Hindi naman sila mahilig sa cigarette na mighty ang brand.

Dahil hindi naman daw sila naninigarilyo ng cheap, tsk. Ewan ko sa kanila.

Gumilid ako para maka daan silang lahat. Ayaw ko naman ng gulo noh, kung pupwede lang na iiwas ako, ay talagang iiwasan ko sila. Sila yung grupo na hindi mo papangaraping makatunggali. Kahit na mga babae lang sila ay hindi mo sila dapat maliitin lang.

Dahil double ang mag kaya nilang gawin kumpara sa mga normal na kababaihan, Kinakatakutan kumbaga.

Habang papalagpas sila sa akin ay dun ko lang nakita ang kanilang leader na si Beatrix na sumusunod sa kanilang likuran. Pinagpatuloy ko yung aking paglalakad habang yumuyuko. Kung pwede lang na idikit ko yung katawan ko sa pader ng hallway at baka nagawa ko na.

Tatlong taon ako dito sa Luciano University at sa taon na yun ay di ko pa namang naranasang mabully nila. At ayaw ko yung hilingin kaya nagpapasalamat ako sa di pa nila ako ginagawa ng masama. Sila yung tipo ng tao na hindi ka titigilan hanggat hindi ka napapaalis dito sa LU.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang nakalayo na ang mga ito sa akin. Kinabahan ako dun ah, kala ko talaga magiging malas na naman yung araw ko ngayon. May mabuti rin palang nangyari sa akin bukod sa pagiging caring ni Zayn.

Napangiti nalang ako dito at pinagtuonan ng pansin ang daan sa Hallway para maaga akong makapasok ng aking classroom. Sa hindi inaasahang pangyayari ay may nabungo ako,nag aalalang tinulungan ko ito.

“Miss I'm so sorry, I didn’t mean to bump you.” Hindi ako mapakaling tinutulungan ito. Rinig ko yung mga bulungan ng ibang estudyanting nakakita sa amin.

“Sorry?! Are you blind huh! Bakit kasi hindi ka tumitingin sa di a daanan ko. Tingnan mo ang nangyari sa damit ko nagkagusot ng dahil sa katangahan mo!” Napalunok ako ng malala sa aking laway. Para akong namamawis sa subrang kaba na nararamdaman ko, kala ko naman may magandang mangyayari sa akin ngayon. Pansamantala lang pala yun, haysss.

“Sorry di ko sinasadya” Napayuko ako habang sinasabi ito sa kanya.

“Aish! Wala kang kwenta!” Sigaw nito. Naramdaman kung may malamig na bagay ang tumama sa bandang dibdib ko. Oh ghad! Pansin kong unti untibg bumabakat yung kulay itim kung bra sa aking pulo shirt na sout.

Lahat ay napasinghap sa kanilang nasaksihan yung ibang kalalakihan ay napasipon nalang habang ako ay namumula na yung mukha sa subrang hiya na nararamdaman.

Hinihiling ko na

Sana tuluyan na akong

Lamunin ng lupang kinatatayuan ko.

Napayukong tinatakpan ko ng aking braso ang nabasa kung damit.

Ramdam ko yung malalagkit na titig ng mga kalalakihan.

Haysss, araw araw na lang bang ganto ang mangyayari sa akin. Lagi nalang nakakasawa na, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi parin nakaka abot sa

Dean Office yung mga pang mamaltrato nila sa akin. Siguro dahil isa sa paburitong mambully sa akin at isang anak ng

shareholder's ng paaralan toh. Wala ring magbalak na

magsumbong dito. Sya lang naman si Amber Collins,

ang nakabangga ko kani kanina lang.

“Hahaha bat tinatakpan mo yan. Alam mo baka madami ng magka gusto sayo. Kahit papano may maibubuga ka rin pala.... DIBA GUYS!! Gusto nyo bang makita yung dibdib nya. Kaso ayaw nyang ipakita ahmm... Pag bigyan mo na kami Heather ngayon lang naman yung boys natin humiling.” Mala demonyo itong ngumiti sa akin. Napaatras ako habang iniiling ang aking ulo nang unti unti itong lumapit sa paanan ko.

“Kaya nga, ngayon lang naman toh Heather. Kung alam ko lang na may ganyan ka ganda ka palang katawan, e. Baka hindi na kita hinayaang ibully ng iba tyak na masasarapan ka pa. Come on baby shout it to us!” Dinig kung sigaw ng lalaking kilala bilang pagiging manyak nito sa eskwelahan. Nakita ko pa kung paano nito bahagyang basain yung pang ibabang labi na para pang natatakam ito sa isang masarap na putahi.

Nabigla ako ng hilahin ni Amber yung pulo shirt na sout ko due to my Quick alertness ay napigilan ko yung paghamblot nito sa damit ko. Kapag di ko yun napigilan ay baka tuluyan na talaga akong nahumaran ni Amber.

Nagmamakaawa akong toning an ito. This is the worst bullying I experienced. Simply lang naman kasi yung pinapadanas nito sa akin pero ngayon hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanya, e. Sa pagkakaalam ko kulang nalang dumikit ako sa pader ng hallway nang dumating si yung Gang ni Beatrix tapos pagka harap ko, e. Nabungo ko na si Amber.

Di ko alam kung malas ba talaga ako o sadyang sinasadya iyon ni Amber.

“What going on here?” Boses ng babae ang nagpatigil sa panghihila ni Amber sa damit ko.

Zayn was about to drive when he saw Heather's laptop was at the backseat of her car. He remembered that he had to finish whatever assignments he had last night and she almost late for taking a sleep, he watched over it and even waited for her to finish so that they could enter they're room at the same time.

Kaya nagmadali nitong kinuha yung kanyang laptop at halos lakad takbo na ang ginawa ng makalabas ito sa kanyang sasakyan para lang mahabol nito ang dalaga.

Nagtataka sya ng makitang may nagkukumpulang mga estudyante sa Hallway. Pero hindi nya nalang ito binigyang pansin pa at nag tungo sa classroom nito. Dinig na Dinig pa yung mga sigawan mula sa mga nagkukumpulang kanina kahit na ilang metro na ang layo nito mula doon.

Haysss... Mga estudyante nga naman kaya mas pina dali ko yung pag graduate ko nung nag aaral pa ako dahil kahit na okay na yung buhay nila mas ginagawa pa nilang kagulo-gulo, ewan ko nalang kung bakit sila gumagawa ng eksena dito hindi naman toh nakakatulong sa pag aaral nila.

Mamaya kakausapin ko nalang ang Dean dito, kung bakit wala man lang silang action sa mga basaguliro't basagulirang estudyante. Dadaan nalang ako sa Dean Office pagkatapos kung ibigay tung laptop na naiwan ni Heather sa sasakyan ko. It's been a long time since I came here... Gaya ng inaasahan ko marami na ngang nagbago sa paaralang toh.

Mukhang maganda naman yung pamamalakad ng Dean sa LU, yung estudyante lang siguro yung hindi nila naha-handle masyado. Will what would I expect sa mga brat na anak ng mga mayayaman... buti nalang talaga hindi kagaya si Heather ng mga estudyanting namataan ko kanina.

Nasa tapat na ako ng Classroom nina Heather, will... if you're asking why I know where Heather classroom is? Let's just say na alam ko lahat ng impormasyon about Heather.

Kumatok ako sa pintuan ng Room nila Heather na agad na kaagaw ng pansin ng mga estudyanting naroon. Namataan kung nakaupo si Grace sa likurang bahagi. Nginitian ako nito at agad na lumakad papunta sa aking direksyon.

“What are you doing ba here, Zayn? .” Conyong tanong nito sa akin.

“Where's Heather? Naiwan nya kasi yung laptop nya sa aking sasakyan kanina. Dinala ko nalang dito baka kasi kailangan nya.” I answered. Agad ko namang tuning an ang buong Room nila ng walang Heather akong nakita.

“Huh? Di pa sya nakakapasok dito sa Room. Why? I mean kung hinatid mo sya dito kanina pa ide sana andito na yun.” nagtatakang sabi nito. “Saka ayaw nung malate, noh. Anong oras na malapit ng nagsimula ang klase, kala ko nga absent sya ngay---” Naputol ang sasabihin nito ng may pumasok na kaklase siguro nila na hingal na hingal.

“ha-Grace... Ahmm hu!” Tawag nito sa kausap kong si Grace.

“Oh bakit? Anong nangyari sayo bat hingal na hingal ka dyan.?” Nag aalalang sabi nito sa lalaki.

“Si... Heather kasi---”

Di ko na pinatapos pang pagsalitain ito ng madiin kung hinawakan ang kwelyo nito.

“Anong ginawa mo kay Heather?” Nagiigting na pangang sinabi ko ito sa kanya. Ramdam ko yung panginginig ng katawan nito dahil sa biglang pag hawak at silita ko dito. Nang banggitin nito ang pangalan ni Heather di ko alam basta nakaramdam nalang ako ng biglaang galit sa lalaki.

“H-hindi po ako, sina A-Amber kasi napagtripan na n-naman si H-Heather.” Lintana nito. Agad na nagdilim yung paningin ko ng dahil sa sinabi nito. I don't know who the f*ck Amber is pero masisigurado ko ditong Dadaan sya sa kamay  ko if that little sh*t hurt my Queen.

At anong sabi nito? Na naman? Bakit hindi umaabot sa akin ang impormasyon na may na nanakit pala kay Heather?! I f*cking hired a person to looked over her tas hindi ko man lang alam toh. Kala ko pa naman alam ko na lahat tungkol sa kanya.

“What?! Si Amber?! Oh no, Heather is in denger” Nagpapanic na sabi ni Grace. Nagmadaling tumakbo ito kasama yung lalaking magsabi kanina na pinagtripan daw umano si Heather.

Agad ko silang sinundan halos takbuhin na naman yung Hallway pag makarating sa kinaroroonan ni Heather. I heard some students laugh at habang papalapit kami kay Heather ay palakas ng palakas ang hiyawan at tawanan nila. Palapit ng Palapit kami sa ingay ay hindi ko mapigilang ikoluyom ang aking kamay,ramdam ko din ang pag igting ng mga panga ko dahil sa pagpipigil na sumigaw sa galit.

How dare them for hurting my Queen.

“Nandyan sya.” Sabi nung lalaking kasama naming tumungo dito.

Napatingin ako sa nagkukumpolang mga estudyante. Halos ipagsisiksigmkan na namen ang aming sarili mapunta lang kami kay Heather. Buti nalang at andito yung kaklase ata nila Grace kundi baka nagkasugat sugat na din ito kakasiksik sa mga estudyanting walang tigil sa pag sigaw.

Tulak at sigaw lang yung ginawa ko para maka daan sa nagkukumpolan. Ansakit na din sa tinga yung sigawan nila na parang ang saya pa nilang panunoorin yung eksinang nasasaksihan nila ngayon.

“What going on here?” Malamig na sabi ng boses babae at dahil sa boses na yun,

Lahat ay napatigil sa pag sigaw.

Para na silang mga tutang takot malapa ng dragon.

Di kalaunan ay nasa gitnang bahagi na kami ng kanilang pinagkakaguluhan.

At halos tumaas lahat ng dugo ko papunta ng aking ulo dahil sa nasasaksihan ko ngayon. Gusto kung mag wala dahil sa lalaking ang lagkit makatingin kay Heather.

Napatingin ako sa sout nitong uniform. Kaya pala ang lagkit ng mga lalaking makatingin sa kanya ay dahil pinagdidiskitahan nila ngayon yung damit nito. Walang pagdadalawang isip na hinubad ko yung sout kung jacket at halos takbuhing nilapitan si Heather.

Tinakpan ko kaagad ang ito ng aking jacket. Gulat na napatingin ito sa akin.

“Z-Zayn?” gulat na sabi nito.

“Hmm... Are you okay” Hindi ito sumagot sapagkat niyuko lang nito ang kanyang ulo.

Tanga ka ba Zayn?! Alam mo naman siguro yung sagot sa tanong mo sa kanya tas itatanong mo pa.

“You! *turo sa babaeng nakangangang tumingin sa amin halata itong nagulat sa nasaksihan* And You! *Turo ko sa lalaking ang lagkit makatingin kay Heather kanina* ALL OF YOU! WILL PAY FOR THIS!” Nanlilisik na tiningnan ko ang lahat ng estudyanting saksi sa lahat ng pangyayari pero walang ginawa kundi tawanan at hiyawan lang ang ginawa.

“At sino ka naman! Huh!” Nang gagalaiti na tanong nung lalaking manyak kung makatingin kay Heather kanina.

“It's for you to find out.” Nginitian ko lang ito ng makahulugan.

“Aba angas mo din, e. Noh! Alam mo bang tris passing ka dito?!” Nanlalaking matang wika nito sa akin tila ba nanghahamon ito.

Pagak na natawa ako sa tinuran nito. Baka ikaw pa siguro yung papaalisin ng guard dito pagnagkataon, pft! Angas amp.

Para namang napikon ito sa pamamaraan ng pagtawa ko sa kanya.

Pikon x.D

Mas lalo akong napangiti dahil sa napikon ko ito. Namumulang lumapit ito sa akin at akmang sasapakin ako ng unahan ito ni Max sa pagsuntok.

May lahi bang kabuti toh? Kung saan saan lang nagsusuot tas bigla nalang lilitaw sa harap mo. Infearness magaling din tung manayming tsk.

Nakuha ng aking pansin ng biglang msy marahang humihila ng aking damit. Napatingin ako kay Heather na nakayuko parin hanggang ngayon.

“Zayn alisin mo na si Heather dito, kami ng bahala dito.” Imporma ni Grace sa akin na agad ko namang kinatango at binuhay si Heather n parang bride. Papaalis na sana ako ng mahagip ng aking paningin ang pamilyar na pigura. Agad ko nalang itong tinanguan, yumuko ito ng bahagya sa akin.

A/n: Wait for my next update, mas exciting  ang next UD ko kaya abangan. May rebilasyong magaganap Hahaha... Good luck for reading. WabyUh all mhwua xhar Hahaha.

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

[ᵘⁿᵉᵈⁱᵗᵉᵈ!]

All rights reserved!

©️2021

©️KMworks