Chapter 18: EWTUG 15

Engage With the Unknown Guy (FIANCÉ SERIES 01)Words: 13168

CHAPTER 15

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

GABI na kaming naka uwi ni Zayn ng dahil sa traffic. Inaantok na bumaba ako sa kanyang sasakyan.

“Inaantok ka pa bah?” Malambing ang pagkakatanong ni Zayn sa akin.

Tumango lang ako bilang tugon rito.

“Mahihintay mo pa ba ako? Kailangan ko lang na I parking itong sasakyan ko sa Garage nitong Hotel.” Paalam nito. Bakas sa mukha nito na nag dadalawang isip itong iwan ako dito.

“Okay lang... Go, hihintayin kita dito.” Anito ko.

Tumingin pa ito sa security guard na nagbabantay sa entrance ng pintuan sa Hotel. “Okay, wait for me here.”

Napatango nalang ako ulit sa kanya.

Pinaandar na nito ang makina ng kanyang sasakyan at kaagad na nag tungo sa garahe.

Habang naghihintay ako sa kanya ay na papansin ko yung mga hanay ng kalalakihan. Pero di ko nalang iyon pinansin at hinintay nalang si Zayn.

“Miss, may hinihintay ka bah?” Napa tingin ako sa lalaking nagtanong.

Akala ko hindi ako yung tinatanong nya pero nang makita ng sa akin sya nakatingin ay alam kung ako ang kinakausap nito.

Tumango ako rito. “Yes po, bakit?” Takang tanong ko rito.

Napa kamot pa ito sa kanyang ulo animo'y nahihiya.

“Pwede ko bang mahingi yung number mo.” Nahihiyang yumuko ito sa akin. Yung mga kasama naman nya at parang chinichear pa yung kasama an nila tila kinikilig ang mga ito.

Naaninag ko pa yung pagka pula ng kanyang tenga at pisnge dahil sa kantyawan ng mga kasamahan nito.

Iaabot ko sana sa kanya yung phone ko kung saan nakalagay roon ang aking numero, mag pupumilit lang kasi ang mga ito pag di ko binigay saka di ko naman sila I entertain pag tumawag ang sya. Ngunit gulat ako ng may humablot nito, sisigaw pa sana ako dahil akala ko magnanakaw iyon.

Si Zayn lang pala na nagdidilim ang mukha animo'y nanghahamon ng away sa kanto.

“Hindi nga ibibigay ang number nya sayo so... Back off man.” Malamig ang tinig ng baritonong boses nito.

Na kahit siguro ikaw yung makarinig ay matatakot.

“Hey dude! Maayos naming hinihingi yung number ni miss wag ka namang epal masyado.” Yung kaninang nahihiya ng mukha nung lalaking nanghihingi ng number sa akin, ngayon ay para itong naiirita sa galit.

Nag tataka ako ng may pinulupot si Zayn sa aking bewang. Nag sasalubong pa ang aking kilay nang titigan ko ito habang abalang isunusukbit ang jacket nito sa aking bewang.

Ngayon ko lang kasi napansin na may dala dala pala itong jacket.

“Hot! Wag bastog pre kinakausap ka pa ng aming tropa... Tyaka wag ka ngang epal yung tropa ko yung na unang dumiskarte sa kanya kaya destansya. Kung ayaw mung magkaaberya tayo reto.” Wika nung kasama ng lalaking nang hingi ng number sa akin kanina.

Bakit kasi di man lang nagpakilala, hihingi ng number sa akin, neh. Pangalan di man lang binigay. Gigil nya si ako xhar'z.

Pero parang wala man lang naririnig si Zayn dahil a ala parin nitong tinatakpan ang aking tyan na lumilitaw dahil nga naka crop top ako.

Nang maayos na ni Zayn yung jacket sa akin ay agad na ako nitong hinila. Malamig na rin sa labas kaya mas mabuting pumasok na dahil baka magkasakit pa kami dito.

Hindi ko na napansin ang mga grupo ng kalalakihan dahil malalaki ang hakbang ni Zayn kaya mas pinagtuonan kung sabayan ito. Ang haba pa naman ng mga biyas nya plus hila hila nya ako kaya double ang hakbang ko.

Papasok palang kami ng entrance ng malatig si Zayn sa pag hakbang. Bigla kasing hinawakan ang braso nito nung lalaking isa sa kasamahan ng grupo.

Nag mistula tuloy bata yung humawak kay Zayn dahil sa malalaking braso nito. Dagdag mo pa na mas matanggad si Zayn kisa rito.

Bigla tuloy akong kinabahan ng mag titigan silang dalawa at pawang matatalim ang binabato nilang tinginan at kung nakakamatay ang tingin siguro isa na sa kanila yung namatay.

Parang may kidlat na kumalat ay sa tingin nilang dalawa.

“Wag tayong bastos pre kinakausap ka pa namin.” May diin ang bawat salita nung lalaking humingi ng number ko.

“You're the one who should stop here little man. This girl is not available para guluhin nyo kaya BITAWAN. MO. AKO.” Bigla akong kinilabutan ng dahil sa huli nitong sinabi. Para kasing may halong pambabanta ang mga ito pag di nya pa ito Binitawan.

Hindi ako mapakali dahil marami na rin yung nakikiusyoso, I hate attentions pa naman. Di ko namalayan na pinipisil pisil ko na pala yung kamay ni Zayn na nakahawak sa akin.

I see how he calm, kaya na pahinga ako ng maluwag. Pero itong isa ay parang ayaw pa atang tumigil dahim di parin nito binibitawan ang pagkakahawak nya kay Zayn.

Alam ko naman na matapang lang ito pag nandyan yung tropa nya pero pag wala pustahan tayo naiihi na ito sa pantalon nya.

“Sir, may kaguluhan bang nagaganap dito?” Bigalabg sulpot nung security guard.

Para namang nataranta yung mga kasama nito at hinila nito ang kaibigang nakahawak parin kay Zayn.

“Wala boss, sige mauna na po kami napadaan lang talaga kami rito.” Sabi mung isang kasamahan nito. Anim kasi sila ta mukhang pang samok lang ang alam nila.

Bago sila umalis ay nag ewan pa ang mga ito ng mga kataga.

“Di pa tayo tPos. Maswerte K lang ngayon.”

Nakahiga ako ng maluwag ng makitang nakalayo na ang mga ito.

“Pasensya ka kayo dun sir, ma'am. Talagang lagi yung nag hahanap ng gulo rito. Ilang bises na rin namen silang pinademanda dahil sa pabggugulo nila pero nakakalaya parin ang nga ito. Ewasan nyo nalang po yung grupong yun.” Mahabang lintana nung Security Guard.

Matamis akong ngumiti rito. “Salamat po kuya Guard.” Wika ko rito. Lagi ko itong nakakasalubkng tuwing ummwian ko f gaming trabaho at eskwelahan. Pang night sheft kasi sya kaya ganun.

“Walang ano man, ma'am Heather.” Ngumiti rin ito sa akin. “Pasok na ho kayo sir, ma'am malamig na ho sa labas.” Anito.

Hinila na kaagad ako ni Zayn papasok ng Hotel. Wala paring imik ito, pero nakahawak parin ito sa aking kamay. Di ko alam kung kinikilig ba ako o naiilang para kasing nag halo na.

Nagpapahila nalang ako sa kanya dahil sa anton at pagod na rin ako.

Nang makapasok kami ng aking suit /unit ay nag kanya Kanya na kaming pasok sa aming kwarto. Still wala parin kaming imikan sa isa't isa.

Galit rin siguro ito sa akin. Bukas ko nalang syang kakausapin dahil inaantok na rin ako.

Ilang minutong humilata ako ay kinain na ako ng aking antok.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising para makapag luto na. Wala kaming pasok ngayon dahil holiday. And next week sem break namin kaya may mahaba habang pahingahin na naman kami.

Pero para sa akin wala namang pahinga ngayon kasi may sinend yung Prof. Namen kaninang umaga. Pag ka gising ko ay yun na agad ang bumungad sa akin.

Kaya hindi ko rin mai-enjoy yung holiday dahim subsub naman kami ng Activities. Kabilang pa naman ako sa mga Dean Lester's kaya hindi ako pwedeng makapampanti nalang.

Maraming gustong maging Dean Lester's na kakumpitensya ko. Kung hindi ko lang goal na maging proud sa akin ang parents ko baka hinayaan ko nalang iyon.

Hayss...

Nang matapos ko ang pag luluto ay agad na akong nagsimula upang gawin yung activities na pina dala sa amin ng professor through email.

Naka ramdam ako ng presensya sa aking likuran di ko na yun kinailangan pang alam in kung sino iypn dahim dalawa lang naman kaming tumitira rito sa Condo.

Dumiretso ito sa Ref upang uminom ata ng tubig.

I feel him watching me. Pero ayukong salubungin ang mga tingin nito dahil naiilang ako. Kahit nanginginig yung kamay ko sa kakatype sa aking laptop ay nagawa ko pang ayusin ang salamin na sout ko.

“Good morning Moya lyubov.” Malumanay ang pag kakasabi nito pero dinig ko ang pagiging hasky ng kanyang baritunong tinig.

Ang ganda pala ng boses nito pag bagong gising.Ano nalang kaya pag nasa kama ito. Aish! Heather ano bang pinag sasabi mo nababaliw ka na ba?!

Focus focus.. Okay!

“Ahh */ehem... Good morning din.” Wika ko sa nanginginig na boses. Di ko mapigilang mangatal rito. Awieett!

“Holiday ngayon pero bakit parang busy ka ata?” Tanong nito.

Napatingin naman ako sa kanya. Napalunok ako ng aking laway ng makita kong paano umalon ang lalamunan nito habang umiinom ng tubig.

“Ahmm K-kasi ano--ahm aish!” Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan. Bakit ba kasi na dedestract ako sa kanya ngayong umaga. Bat naman kasi ang sexy nitong tingnan habang bagong gising, yung magugulong buhok nito na mas lalo ng nagpa gwapo sa kanya.

Pero bat sa akin pag bagong gising ako feeling ko isa akong taong grasa sa subrang sabog ng aking mga buhok tas minsan may panis pang laway sa aking pisnge.

Pero tung isang toh mukhang di man lang nakaranas ng kapangitan. Ang unfair ng mundo talaga.

“Are you okay?” Nagulat ako ng biglang hawakan nito ang aking baba upang iangat. Di ko man lang naramdaman na nasa tabi ko na pala s'ya... Wake up Heather wag mung ipahalata na lutang ka ngayon.

“Ahmmm oo naman hehe!” Naiilang akong ngumiti rito. Napaka awkward naman pag malapit sya sa akin para kasi akong bulati na hindi mapakali sa kinauupuan.

“Then why are you blushing?” Nagising tanong nito. Anebe bet eng benge peren ng hininga nya kahit bagong gising.

Bigla tuloy lumikot ang aking mga mata animoy hindi mapakaling makipag titian rito. Ang lapit ba naman kasi ng mukha nya sa mukha ko kunting lapit nya nalang mahahalikan na nya ako.

“Huh?! Hindi auh! Ganto lang talaga ako pag bagong gising.” Wika ko rito. Will totoo rin naman yung sinabi ko. Pero yung pakiramdam ng hindi ka makahinga, bago yun para sa akin.

“Really? You're Cute tho.” Anito at bigla akong hinalikan sa noo.

Naka alis na sya sa aking harapan pero ramdam ko parin yung labi nya sa aking noo. Gising Heather baka nananaginip ka lang.

Napailing nalang ako at palihim na kinurot ang aking kamay.

Aish! Totoo talaga toh! Talagang hindi ako nananaginip. Can I scream “KYAHHH!”

Pero syempre sa isip ko lang yun baka isipin nitong nababaliw na ako.

Pinag tuonan ko nalang ng pansin yung laptop ko at pinag patuloy ang aking ginagawa rito. Pero lintik yan! Para akong lutang na hindi na alam kung anong I sasagot ko dito.

Napahawak ako sa akinng dibdib na ang bilis ng tibok. Bat ba ganto ang ipikto mo sa akin Zayn?! Aish!

Busy ako sa pag titipa sa aking laptop nag may mag door bell. Nagtataka naman akong tumingin kay Zayn na busy ata sa kakakulikot ng kanyang cellphone.

Nang maramdama nitong tumitingin ako ay saka nya lang ata narinig yung nag dodoor Bell sa labas.

Kunot noong tumingin ito sa akin. “May bisita ka bang dadating?” Tanong nito na kina iling ko. Busy ngayon sina Grace at Max sa kanilang date kaya malabong sila itom.

“Ako na ang bubukas.” Wika nito. Buti naman at napansin nitong wala ako sa mood upang tumayo at pag buksan iyon.

May ingay na nagaganap sa labas pero dahil nasa kusina ako ay hindi ko masyadong naririnig ang kanilang usapan. Sa curious ko ay napatayo ako at tumungo roon,yung kaninang tamad kong paa ay biglang nawala at nag kusang humakbang papunta roon.

Chismusang paa :-/

“Sino yan Zayn?” Tanong ko ng matanaw ko ang likuran nito. Dahil sa laki ng katawan ni Zayn ay natstakpan nito ang kanina'y nag dodoor Bell sa labas.

Napaharap ito sa akin. Yung kaninang malamlam na mata nya ay biglang nawalan ng emosyon. Pawang blangko ang mga mata nito.

“It's my friend Clyde.”Wika nito sa malamig na tinig. Bat biglang nag bago?

“Ahmm papasukin mo sya.” Wika ko rito. Dinungaw ko pa yung kaibigan nyang nakayuko lang. Shy type?

Pero parang hindi naman dahil may iba sa kinikilos nito.

Inalalayan pa ito ni Zayn na makaupo sa sofa. Lalapit sana ako roon pero pinigilan nya ako.

“Stay there Heather.” Malamig parin ang tono ng kanyang boses na I pinag taka ko.

Pero dahil sa kasabihan nya nilang curiosity killed the cat ay nag tungo parin ako sa kanilang pwesto. Para naman akong natuod sa aking kinatatayuan ng makakita ako ng dugo mula rito.

What's going on?!

Sa taranta ko ay napatakbo ako sa aking kwarto, muntikan pa akong madapa kasabay nun ang mabanganib na sigaw ni Zayn. Bakit daw hindi ako nag ingat pano nalang daw kung nadapa ako.

Pero hindi iyon ang nasa isip ko kundi ang pangamba para sa kanyang kaibigan. Tumungo ako sa banyo ng aking kwarto upang kunin ang first aid kit.

Bumalik ako sa sala, nakita ko pang nag hahanda si Zayn ng maligamgam na tubig para sa sugat ng kanyang kaibigan.

Nanginginig na inabot ko kay Zayn ang pang lunas. “Here's the first aid kit.”

Napansin nya pa atang nanginginig yung kamay ko habang inaabot ko sa kanya ang panlunas. Hindi nakaligtas sa aking paningin yung tattoo ng kanyang kaibigan, bungo itong may basag sa ulo, habang sa likod ng bungong yun ay ang baril at patalim.

Parihas silang may ganun ni Zayn. Nagising lang akmng aking diwa ng magsalita sa Zayn.

“Go to your room Heather.” Malumanay pero may diing sabi nito.

Hindi ko alam pero napapasunod nalang ako sa kanyang utos. Dali dali akong pumuntang kusina para kunin ang naiwan kung gamit doon, sa kwarto ko nalang siguro tatapusin yung gawain ko.

Bago ako makapasok sa aking kwarto ay narinig ko pa ang huling sabi nito.

“Never go out in your Room unless hindi ko sinabi... Maliwanag.” Wika nito. Bago ako halikan sa aking noo.

Hidni ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi nito.

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

[ᵘⁿᵉᵈⁱᵗᵉᵈ!]

Alright reserved!

©️2021

©️KMworks