Chapter 29: EWTUG 26

Engage With the Unknown Guy (FIANCÉ SERIES 01)Words: 10661

CHAPTER 26

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

NAGDAAN ang isang Linggo matapos ang nangyari aksidenteng kaganapan. Dalawang araw akong nasa hospital dahil kailangan pag I check kung normal pa yung paghinga ko dahil sa nangyaring sunog. Tiningnan din nila kung okay yung heart beat ng baby sa sinapupunan ko.

Naalala ko pa kung gaano ka saya ang mukha ni Zayn nung sabihin nung doktor na buntis ako.

“Talaga doc?” masayang tanong nito sa doktora na agad namang ikinatango nito.

Halos magtatalon pa sya ng makumperma ito. Pero agad nyang pinigilan ang sarili ng samaan ko ito ng tingin. Wag kang mag saya dyan, galit parent ako sayo.

Matagal silang nag usap ng doktor para nga pangangailangan nito. Narinig kong dalawang araw pa ako rito sa hospital na kinabunting hininga ko nalang. Ang boring kayang nandito palagi. Nangangawit na din ang katawan ko sa kakaupo at kakahiga.

Mas nakakapagod palang huminga at umupo magdamag.

Ngiting ngiti pa ang luko habang kausap ang Doctor. May gusto rin ata sya sa doktora, wala talagang sinasanto itong lalaking toh.

Napaka babaero.

“Thanks doc.” Huli kong narinig bago umalis ang doctor.

Itong isa naman ay ang laki ng ngiting lumalapit sa akin.

“From now on. Sa bahay ka na titira.” Biglang naging seryuso ang mukha nito.

“I won't” Pagmamatigas ko rito. Ano yun pagkatapos nyang gumawa ng kalukuhan ibabahay ako?! Tsk! Manigas ka men.

“That's final baby.” May diin pero masuyong sabi nito.

Sinamahan ko ito ng tingin pero parang wala lang ito sa kanya.

“Sabing ayuko. Di ka ba nakakaintindi ng english. Ayukong umalis sa condo, kaya kung palakihin ang bata kung yan ang inaalala mo... Umalis ka na”

“Kahit ano pang sabihin mo sa bahay ka na titira. Kung dati ay hindi kita mapipilit ngayon kahit pilitin man kita my word is final now.”

Matalim ko lang itong tinititigan pero kalaunan ay ako rin ang unang nagiwas ng tingin sa kanya.

“Please, wag Matigas ang ulo baby. Kahit ngayon lang, let me take care of you.” Napabuntong hininga nalang ako at hindi na sumagot pa. Wala rin naman akong magagawa, wala na yata akong karapatan sa sarili ko dahil lahat kinukuntrol na ako.

Gaya ng sabi nya ay dito nga ako sa kanyang bahay nakatira ngayon. Di ko alam na may bahay naman pala sya dito sa manila. Pero ang punagtaka ko kung bakit sa condo ko pa sya nanirahan.

E, ang laki naman ng bahay na meron sya. Di naman sya higante para di sya kaya rito.

Kahit siguro tumira pa yung mga kaklase ko rito ay kayang kasya pa. Kulang pa nga baka gusto nyong tumira rin dito?

Naging mas maingat din si Zayn sa akin. Maingat at mahalaga naman sya dati pa pero ngayon mas nasubrahan ata. Minsan nagiging Over caring na sya. Na ultimo paglalakad ko ay kulang nalang buhatin ako.

Baka daw kasi madapa ako. Ano ako lampa?!

Tabi narin kami matulog dahil baka daw malaglag ako sa kama. Di naman ako magalaw kung matulog. Sarap nya na ring batukan minsan pero kahit batukan ko yun okay lang sa kanya.

Sa ilang araw na magkasama kami ay lagi itong nagsosorry. To the point na parang nakakalimutan ko na yung kasalanan nito sa akin.

Di na rin ito umaalis sa tabi ko para daw hindi na ako maghinala at magselos. As if naman magseselos ako, ano sya GOLD.

Gaya nalang nyayon.

“Baby san ka na?!” Pasigaw nitong tawag sa akin. Sa laki ng bahay nya ay mapapagod at matatagalan ka sa pag hahanap kung magtatago ka man.

Dandito ako sa Garden at nagtatago sa malaking paso. Nakakasawa na kasi yung pagmumukha ni Zayn buong araw ko nalang itong nakikita.

Kaya ito ako ngayon tumakas at nagtago sa kanya. Gustohin ko mang lumabas ng bahay nya ay hindi ko magagawa dahil sa dami ng mga bodyguards nya. Ngayon lang ako naka tyempo dahil pananghalian nila ngayon. Kaya kunti lang yung nagbabantay.

“Fuck! Hanapin nyo si Heather. Mga wala kayong kwenta!”Rinig kung sigaw nya sa mga kasambahan at gwardya rito.

Imbes na maawa ay natawa pa ako. Mga tanga talaga. Opss sorry yung bunganga ko talaga.

“Haloghugin nyo ang boung mansion di yun makakalabas! .” Muling sigaw nito.

Hindi ko alam pero natutuwa talaga ako sa tuwing nagagalit sya. Ewan, kahit ako di ko rin alam.

Maggagabi na at hindi parin nila ako nakikita. Buti nalang talaga at dala ko yung painting materials kaya nag painting nalang ako rito habang hinihintay na makita nila ako.

Ang tagal naman nila akong makita. Nagugutom na ako hayss.

Gusto ko ng lumabas sa pinagtataguan ko para kumain pero sinasabi ng utak ko na wag muna.

Natutuwa talaga kasi ako sa tuwing naririnig ang galit sigaw ni Zayn mula rito pero natatakot naman ako pag galit na galit ito sa akin pero never naman nya akong pinahbuhatan ng kamay. Yung mga katulong at gwardya ay nagpapanic na dahil galit na galit na si Zayn. Pinagsisigawan at pinagmumura nya na ang mga ito.

Mas lalo tuloy akong natutuwa sa mga mura nito. Sa subrang lakas ba naman nyang sumigaw ay abot hanggang dito sa Garden.

Nang matapos ako sa painting ko ay agad na akong tumayo mula sa damuhan. Nagugutom na ako. Patalon talon pa ako habang Naglalakad yung buhok ko ay nagsasayaw ng dahil sa ginawa ko.

Napapakanta pa ako. Ipinagsawalang bahala ko nalang ang mga gwardya't katulong na nakatulala sa akin ngayon habang binabaybay ko ang daan patungong bahay. Mas lalo tuloy akong ginanahang magtatalon pabalik sa mansion.

“Zayn!!!” Tawag ko rito.

Ilang segundo lang ay nasa harapan ko na sya at alalang alala akong niyakap. Mahigit iyon pero may pag iingat padin.

“Fuck! Where did you go?” Tila galit na tanong nito. Isiniksik pa nito ang kanyang ulo sa aking balikat. Napairap tuloy ako ng wala sa oras.

Makayakap naman toh parang isang taon akong nawala. Don't forget that your still mad at him Heather. Di purke nakitaan mo lang sya ng pag aalala ay bibugay ka na kaagad.

“Bitawan mo ako, magugutom ako.” Wika ko rito at tinulak sya.

Nakita ko ang pagsilip nya sa mga katulog sa aking likuran,para bang inuutasan nya ang mga ito sa pamamagitan lang mga titig nito.

Nagmadali naman sila sa pag lakad papuntang kusina. Ang iba ay halos madapa pa dahil sa kaba.

“Where did you go Heather.” may diin na ang pagkakasabi nito sa aking pangalan. Great! Galit na sya sa akin.

Natakot naman ako dahil sa nandidilim nitong mukha.

“ I just paint, there.” Tinuro ko kung nasasaan ang garden.

But I didn't till the exact location. Mamaya wala na akong hideout na mapagtataguan.

“Hinanap kita.” Mahinahon na nitong sabi. Lumapit pa ito papunta sa akin pero umiwas ako at pumuntang kusina.

“I know.”

“Why didn't you show up.” Inis nitong sabi.

“Gutom ako.” Tanging buntong hininga nalang ang narinig ko sa kanya.

Nakangising nag tungo ako sa kusina. Ang saya ng araw ko!!!

Agad na nagliwanag ang aking mukha ng makita ang inihain nilang pagkain sa lamesa. Di na ako nag dalawang isip pa at lumafang na kaagad.

Syempre pud ish leyp. Nag dasal muna ako bago sinimulang kumain.

Sunod sunod ang pag subong ginawa ko. Nadidinig ko pa ang pagreklamo ni Zayn sa aking tabi pero hindi ko na ito pinansin pa.

Gutom ako kaya manahimik ka dyang luko ka.

Syempre di na ako nag aksaya ng oras para magsalita kaya sa isip ko lang ito sinabi. Ang sarap talaga kumain.

Nakaupo ako ngayon sa isang sofa dito sa leaving room. Busog na busog ako dahil sa dami ng kinain ko kanina. Panay tuloy ang dighay ko.

Itong isang lalaki naman Panay ang sunod at laging sinusubaybayan lahat ng galaw ko. Naiirita na ako sa ginagawa nya. Pero sa tuwing hindi nya ako na bibigyan ng atensyon ay naiiyak naman ako.

Katulad nalang ng magkaroon ito ng  zoom meeting ay buong araw syang nasa library. Iyak lang ang ginawa ko nun. Panay naman ang alo ng isang kasambahay sa akin. Nagpapanic na iyon at hindi alam kung paano ako patahanin.

Sa Inis ko nun ay hindi ko sya pinansin kinabukasan. Buong araw kung kinausap ang mga kaibigan ko via vedio call. Namimiss ko sila pero may trabaho at pag aaral pa kasi silang inaatupag kaya hindi ko sila nakikita. Vc nalang talaga yung tulay namen para makapag usap.

Simula kasi nung nalaman buntis ako ay home study na lang ako. Napapadalas din ang pangangamusta nina mom and dad na ipinagtaka ko.

Nung nalaman nilang buntis ako ay subrang tuwa nila na halos mag mukhang talk show na ang nangyari sa subrang dami ng kanilang tanong.

Nagkulong lang ako sa guestroom dahil sa Inis ko sa kanya. Hindi ko na nga nalaman ang oras dahil sa kadaldalan nilang lahat. Mas lalo ko tuloy silang Namimiss nung araw na yun kahit ngayon.

Gusto ko silang bisitahin kaso tinatamad din ako. Feeling ko kasi ang bigat ng dinadapa ko sa sinapupunan ko.

“Come here baby.” malumanay na tawag nito sa akin. Nakaupo ito sa isa hang sofa. Nakabukaka ito habang seryuso ng nakatingin sa akin.

Nang unit tuloy ang aking noo s dahil sa kanya. Pero infearness Ng gwapo nya kapag nagseseryuso lalo na pag galit. Yung tipong nag uumigting ang panga nya dahil sa galit at ang pangungunot ng kanyang noo sa tuwing naiinis.

Lumapit na ako sa kanya pero may kalayuan ngalang sa pwesto nito ako tumayo.

“Bakit?” nagtataka ng tanong ko rito.

Napaigtad ako ng hilahin nito ang aking kamay at pinaupo ako sa kanyang kanduangan.

Para tuloy akong naestatwa dahil sa ginawa nito.

Sumiksik ito sa aking leeg at mararahang dinadampian ang aking leeg ng kanyang mumunting mga halik.

“Im sorry... I'm sorry baby. Please forgive me.” paulit ulit na bulong nito sa aking leeg kasunod ng mga halik nya.

Ayan na naman po tayo sa pa sorry nya. Nakakasawa na pero ang sarap sa tinga sa tuwing malumanay ang boses nito. Nadadala din ako sa mga pahalik halik nito para tuloy akong nababaliw sa kakangiti.

Buti nalang hindi nya ako nakikita kundi nagmukha akong baliw sa harap nya.

“I love you baby...”

“I love you too.”

Mabilis na tumingin ito sa akin na tila gulat sa narinig.

Nagpatay malisya nalang ako at iniba ng dereksyon ang aking tingin.

“Can you say it again.” Tila batang naeexcite ito na makatanggap ng candy.

Nagniningnip pa ang mga mata nito at halata na nagpipigil ng ngiti.

“Ha? May sinasabi ka.”

“Heather naman say it again.” nakabusangot na ito. Ang kyut nya tuloy tignan.

“Di pa tayo bati Zayn. Bitawan mo ako, naiipit ang tyan ko rito.” Reklamo ko rito kahit hindi naman totoo.

Hindi nya ako Binitawan pero niluwagan nya lang ang pag kaka yakap nya sa akin.

“Just say it again baby, please. Bibitawan ko ang pagkakayakap ko sayo ulitin mo lang yung sinabi mo.” Halos magmakaawa na ang mukha nito. Kunti nalang kukurutin ko na yang pisnge mo.

“Inaantok na ako Zayn.” Inis na sabi ko dito.

Imbes na pakawalan nya ako ay binuhat lang ako nito na parang bagong kasal pa tungo sa aming kwarto.

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

[ᵘⁿᵉᵈⁱᵗᵉᵈ!]

Alright reserved!

©️2021

©️KMworks