Chapter 32: EWTUG 29

Engage With the Unknown Guy (FIANCÉ SERIES 01)Words: 11029

CHAPTER 29

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

“WILL YOU MARRY ME MOYA LYUBOV?” Napaluha ako ng banggitin nito ang mga katagang iyon.

May kung ano itong kinuha sa kanyang suit na sout. Dahan dahan nyang binuksan sa harap ko ang isang box na may lamang diamond ring.

Napaka iligante ng dating ng sing sing na iyon. It's look so expensive

Para akong natuod sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung ibubuka ko ba ang aking bibig upang sagutin ang tanong nito. Hindi ko alam ang gagawin.

Naiiyak na ako habang nakatingin lang sa lalaking nakaluhod ngayon.

“Ano ka bah, tumayo ka nga muna dyan.” Hinawakan ko ang balikat nito upang itayo sya. Nanginginig na yung kamay ko sa kaba.

Nag hahalo halo na yung nararamdaman ko. Naiiyak ako na natutuwa. Pabilis ng Pabilis ang tibok ng puso ko.

“Answer my question first baby. This time wala ng pipilit sa atin. I want to marry you because I love you. Since the day I meet you caring by your mother. Kahit hindi ko pa masyadong alam ang salitang love dahil nga bata pa ako nung time na yun. But I already feel that I need to protect you, that I want you to be in my side forever. That's why when I turn at the age of seven. I ask your mother permission to marry you at the legal age. Kahit malayo ako sayo I always hired a man to spy you. Para lang malaman ko kung anong nangyayari sa buhay mo. Sa murang edad ko nagsumikap ako para in the future may ipagmalaki ako sayo. Every one knows about me because of my surname pero pag ikaw yung nasa harapan ko I become a stranger to You. I want to take care of you and our baby, please let me. Ayuko ng sayangin pa ang pag kaka taon na ito. Baby... I badly so inlove with you. I don't want to lose you anymore...”

Hinawakan nito ang aking kamay na kung sakaling aayaw ako ay mapipigilan nya ako.

“I want to asked you the same question baby... Will you marry me?” Napatingin ako sa kanyang mga mata. Pahigpit ng Pahigpit ang pag hawak nito sa aking kamay. Magsalita ka naman Heather.

Napatingin ako sa kinaroroonan ng aking mga kaibigan at magulang. Bakas sa mukha nila ang pag aalala. Pati sila ay takot sa maaring I sagot ko.

Napa balik ang tingin ko kay Zayn ng pisilin nito ang aking kamay.

Para na itong maiiyak sa kakahintay ng isasagot parang gusto ko nalang tumakbo dahil lahat sila ay nakatutuk sa akin.

Nanginginig yung paa ko na anytime ay mapapaupo nalang ako sa kinatatayuan ko.

“Baby...”

Lumuhod ako at niyakap ito para narin bigyan ng supporta ang kanina pang nanginginig na paa.

“Yes Zayn. Yes... I will marry you.” Pabulobg kung sabi dito habang nakasubsub na ang ulo ko sa kanyang leeg.

Naramdaman ko ang mahigpit ding yakap nito na para pang ayaw akong pakawalan sa kanyang mga bisig.

“Kainis ka naman, e. I never been surprised... Hindi ko tuloy alam kung anong irereact ko.” Pagmamakdol na wika ko dito.

“Hoy! Ano na? Wala kayong balak sabihin kung ano nangyayari dyan?! Aba! Maya na kayo magharutan. Inform inform din kung sinagot ka na pareng Zayn.” Biglang sabay di Axel. Tsk! Iba talaga makaangal pag single kaibigan mo.

“Kaya nga nakakangawit na dito kakatayo. Partida kaharap namin yung ulam... Amo masarap pa naman.” Reklamo naman ni Grace.

Bigla akong napatayo at tiningnan sila. Mga epal talaga kitang nag momoment pa kami dito.

“She said Yess!!!” Masayang anunsyo ni Zayn sa kanila.

Bigla namang nagsitatalon ang aking mga kaibigan. Patakbo pa silang tumungo sa akin sabay yakap.

“Congratulations Bestie!”

“Congrats Princess”

“congrats”

“Masaya ako para sayo Heather!”

“I'm so happy for the both of you.”

“Babe, pakasal na din tayo.”

“Manahimik ka dyan Chris.”

Nagsitatalon silang anim habang yakap yakap parin ako.

Napatawa nalang ako sa kakulitan nila. Na miss ko din tung mga kumag na toh.

Di ko namalayang napa iyak na ako. Pansin ko ang biglang pag tigil nilang lahat.

“Ohh Princess bat ka umiiyak?” Nag aalalang sabi ni Axel.

Malalaking hakbang ang ni lakad ni Zayn para makalapit sa akin upang yakapin.

“What happened?f*ck what did you all do?!” Naghalo ang galit at pag alala sa buses nito.

Pesting luha toh bat ang bilis ko talagang maiiyak.

“I'm o-okay.”

Inangat no Zayn ang aking mukha upang pakatitigan ako. Bakas sa mukha ni Zayn ang pagaalala.

“What happened baby.. Hmm?” Masuyong tanong nito sa akin.

“Namiss ko lang sila *singhot*”

Lintana ko sa kanya.

“Pffft! Na miss ka din namin. Pero hindi namen alam na napaka OA mo pala. Kala ko ba you hate OA.” Pang aasar ni Grace sa akin na kinatawa ng aming kaibigan.

“Hon oh!” pag susumbong ko kay Zayn.

Para namang nagulat ang katabi ko dahil sa sinabi ko dito.

“W-what did you say?” nauutal pa ito dahil sa gulat.

“Wala... Tara guys nagugutom na ako.” Bigla kong inagbayan si Ate Aiza saka si Grace para sabay kaming tumungo kina mommy na nasa table parin dahil sa may pinag uusapan sila nung mom ata ni Zayn.

Narinig ko pang isinigaw ni Zayn ang aking pangalan pero di ko nalang ito pinansin pa, e. Sa gutom ako eh.

Napatingin naman si mom sa aming deriksyon at agad akong nilapitan. Nakasunod sa kanya yung mom ata ni Zayn. Ang puti at ang ganda talaga nya, di na ako mag tataka kung bakit ganun ang itsura no Zayn.

“Congratulations my baby Jazz.” Wika ni mom ng makalapit kami sa kanya. Agad ako nitong niyakap kaya napa bitaw ako mula sa pag kakaakbay kita ate Aiza at grace.

“Baby this is cassandra. Zayn's mom” Pagpapakilala nya ni mom sa katabi nito. Bahagyang yumuko ako sa kanya bilang pag galang.

“Hai sweetie, thank you for accepting my son.” Mahinhin nitong pagkakasabi. Napaka Maria Clara ang dating nito. She looked so sweet yung tipong hindi makabasag pinggan. Bumiso ito sa akin kaya naamoy ko ang napakabango pero hindi masakit sa ilong perfume nito.

“Wala po yun ma'am. I love your son po and I don't want to lose him kaya pinupusasan ko na  hahha” Magalang na wika ko sa kanya.

“Cut the formalities, just call me tita or di kaya mom.” Wika nito at binigyan ako ng maganda nitong ngiti.

Masasalita sana ako ng biglang nagsalita si Dad.

“My beautiful daughter...” Biglang sulpot ni dad at niyakap ako nito. Di ko alam kung anong na kain nilang dalawa ni mom pero ito yung gusto ko matagal na kaya bakit ko pa ito kukwesyonin.

“Hello po dad.” bati ko din sa kanya.

Napatingin ako sa likod ni dad kung saan naruroon ang ka mukhang kamukha ni Zayn. Tinanguan ako nito  kaya ngumiti ako sa kanya.

“Baby this is your tito Zack, Zayn's dad.” Pagpapakilala naman ni mama dito. Bahagyang yumuko din ako sa kanya.

“Baby... I thought your hungry.” He huskily said into my ear. Nakabusangot pa ito ng tingnan ko.

“Yeah, but I want gummy worms and bear.” Pabulong kung sabi dito.

“Later, after you eat some nutritious food.”

“But I want it now.”

“Baby... Hindi pa pwede, later promise.”

Napabusangot ako dahil sa sinabi nito.

“Fine.”

Talo talaga ako pag sa kinakain na namen ni baby yung pinag uusapan.

I felt his small kisses in my forehead. Kaya napangiti nalang ako dito.

“PUTA! Uso talaga landian? Nandito pa'ko ohh. Mahiya naman kayo sa single dito, Tang*na talaga. Makapag jowa nga ng sampu” Pasigaw na sabi ni Axel. Hahaha yan kasi single.

--------------

Nandito kaming lahat sa isang table. Salo salong kumakain. Nagsisiyahan ang iba naman ay nakikipagkwentuhan gaya nalang nila Zayn, Dad and tito Zack. They're talking about business na hindi ko naman masyadong alam.

Habang itong si Axel ay kulang nalang ipagbuhol kaming tatlong babae mula sa mga partner namen. Respito daw sabi nya.,e.problema ba nameng di pa sya nagkakagirlfriend aba.

Malala na talaga toh. Kaya ito kami ngayon sa sulok kumakain nalang nakikipagchikahan naman kami pero maya maya ay mawawalan na naman kami ng topic.

Habang sina Max at kuya Chris ay kanina pa nakabusangot kulang na nga lang ay batukan nila si Axel sa Inis. Pero ang luko talagang desidedong ipaglayo laki. May pa emote emote pa kasi itong nalalaman. Kesho daw walang nagmamahal sa kanya, gwapo naman DAW ito pero walang nag lakas loob na jowain sya. So ano yun? Kami pang mga babae ang gagalaw.

Aba di maaari yun noh.

Nang mabagot ako sa aking kinauupuan. Nangangalay na din yung panga ko kakakain ng mga hinain nila. Masarap naman kaya di nakakasawa.

Tumayo ako at kinalabit si Zayn. Nahihiya pa akong yumuko kita tito Zack saka Dad bilang pag galang.

“Can we talk Zayn?” I poutly said.

“Pwede ko po bang hiramin si Zayn dad, tito Zack?” Paalam ko sa kanila.

“Sure sweetie.” Pag payag ni Dad.

“Go ahead hija.” Tito Zack said.

Nang makapag paalam ay agad ko ng hinatak si Zayn. Wala namang pagtutol sa kanya bagkus nagpahila lang ito sa akin.

Nakita ko pang ang sama ng tingin no Axel sa amin. Ewan ko sa lalaking single na iyon,tsk.

Nang makarating kami sa hideout ko ay umupo na kaagad ako sa duyang naruroon.

Nakatayo lang ito sa harapan ko na may malaking ngiti sa labi.

“Tell me honestly Zayn, ikaw ba may gawa nun kay Zyrell?” tanong ko dito. Nakatingin lang ako sa kanyang Berding mga mata. Ang ngiti nito sa labi ay biglang nawala. Naging seryuso ang mukha nito.

Pero parang natuwa pa ako. Idinuyan ko pa ang duyang sinasakyan ko tila sabik sa nasasaksihan ko ngayon.

Mas lalo pa akong nahulog sa pagiging seryuso nito.

“Let's not talk about her.” Seryuso at may diing pagkakasabi nito.

“Just answer my Question.” may Inis na sabi ko dito.

Bakit ba ayaw nyang sagutin Yes or No lang naman ang sasabihin nya e.

“What if I said Yes?.”

“You already did.”

“Huh?”

“Kakasabi mo lang ng Yess, kako.”

Napabuntong hininga ito sa sinabi ko.

“Hayss... Yeah.”

“So you did.”

“Yeah... I did it. I pull out my share to her company. I'm the one who burn all her resort and yes, I'm the reason why she's in the hospital. I punished her for burning hut. I'm f*cking mad that's why I did it to her. F*cking mad Heather!” Galit ang makikita sa mukha nito. Tila nagaalab na ito sa galit na is nag pagkakamali mo lang ay baka may gawin ito saying masama.

Nagkatinginan pa kami ng ilang segundo bago ko maramdaman ang pamamasa ng aking pisnge dahil sa luha.

“ Why are you shouting at me now.”  Hagulgul kung sabi dito.

“I'm not baby...” Nagaalalang wika nito sabay lapit sa akin at marahang pinunasan ang ang mga luha.

“You are.” Kahit anong Gawing pagpunas nito ay tuloy tuloy parin ang mga luha ko sa pagtulo.

“No baby... I'm not mad at you. Shhh, please. I'm not even shouting at you I'm just frustrated that I am the one reason why your in danger that day. I'm mad also to my self. Sorry baby.. Please stop crying.” Hinagod hagod pa nito ang aking likod para mapatahan lang ako. Infairness, effective namna sya.

Isiniksik ko nalang ang aking mukha dahil sa kahihiyan. Napaka emotional ko talaga. Baka ang pangit kung umiyak tas iiyak iyak pa ako sa harap nya. Aish! Tinago ko nalang ang aking mukha sa kanyang dibdib at wala akong planong ialis ito mula sa pagkakasiksik ko sa kanya.

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

[ᵘⁿᵉᵈⁱᵗᵉᵈ!]

Alright reserved!

©️2021

©️KMworks