Thank you so much for still supporting my story. Sana po hindi kayo magsawang supportahan ako. For all my silent readers there. I'm glad that your still here, joining my journey towards the path of what I am writing. Sana po sa susunod pang mga kabanata ng aking storya ay nariyan parin kay upang supportahan ako. Taus puso at walang katapusan pasa salamat po sa inyong lahat<3
âï¸ï¸ï¸ê¥âï¸ï¸ï¸
CHAPTER 30
DALAWANG Linggo ang nakaraan ng matapos mag proposed sa akin si Zayn. Mas lalo pa itong hindi maalis sa tabi ko na halos maging buntot ko na.
Pero ngayon ay ako na ang buntot nya. Pano ba naman ayaw umalis sa tabi ko pero tumatawag na yung mga kasusyo nya sa trabaho na kailangan niyang mag pakita ngayon sa meeting dahil importante daw ang ang taong mag I-investe sa company nito.
Kaya ngayon na kasunod lang ako sa kanya habang ito ay nauunang Naglalakad sa amin. Katabi ko kasi ngayon si jake na nagtayong Head ng kompanya ng wala ito.
Medyo may kalakihan na ang aking tyan kaya minsan ay nabibigatan na rin ako. Hindi ko rin alam kung bakit nauunang mag lakad si Zayn sa amin. Napaka seryuso lang nito habang binabati kami ng nga empleyado. Naiinis na siguro ito dahil sa tuwing babagalan nya ang paglalakad ay babagalan ko din ang aking lakad para di kami mag sabay.
Ewan, natutuwa ako sa ganun, e. Kahit nakaralikod na ito ay alam kung ang sama na ng mga tingin nito at Inis na inis na sya.
Pero ayaw nyang ipakita iyon sa akin dahil alam nyang mas gaganahan lang akong iwasan sya. Malapit na kami sa private elevator nito na tanging ang may ari lang ang nakakagamit. Minsan ay nagagamit na din ni Jake pero mas bet daw nito ang pang employees na elevator dahil daw ang si-sexy ng nakakasama nya. Kulang na ngalang ay ibalandra nila yung kanilang hinaharap kay jake, pati ata kakukuwa nila handa nilang ibigay kay Jake.
Itong luko naman halatang gusto yung ginagawa ng mga empleyado sa kanya. Kaya siguro isa din iyon sa dahilan kung bakit gustong gusto nyang pumasok sa kompanya.
Kung si Zayn ang gagawa nyan nako. Hindi lang sya ang kakalbuhin ko pati yung babae nya huhubaran ko mismo sa harap ng kompanya.
Wala ng bait baitan ngayon. Kung dati di ko yun kayang gawin pero yung sa sinapupunan ko mukhang sya pa nagtuturo sa akin kung pano mang api.
Nako wag naman sana yung baby namen maging basagulira/basaguliro.
Papasok na sana ako ng elevator ng may kumapit sa braso ko ng subrang higpit. Napasinghap pa ako ng maramdaman ang matutulis nitong kuko na bumabaon na mismo sa aking balat.
Natataranta na ako ng harapin ko ang taong humigit at pumigil sa akin. Para akong natuod sa kinatatayuan ko ng makita kung sino ito.
Natatakot na din ako. Hindi para sa sarili ko kundi para sa kaligtasan ng akung anak na nasa sinapupunan ko pa lang.
Nangangamba ako sa kapakanan nito.
Di ko alintana ang hapdi ng aking braso. Para akong nakakita ng multo ng masilayan ito.
âZ-Zyrell...â Utal kung pagkakasabi.
Natataranta na din si Jake na katabi ko lang sa paglalakad.
âZayn!!â Tawag nito sa taong nauunang nag lakad sa amin kanina.
âWag kayong lalapit kung ayaw nyong isaksak ko tung hawak ko kay Heather.â May bahid ng galit na wika nito pero maririnig mo sa boses nito ang hindi mawaring emosyon nito.
Natataranta na ito ng sunod sunod na may nagtutuk sa kanya ng baril.
Napatingin ako kay Zayn na may pangamba, pag-aalala at galit na makikita sa kanyang mukha.
âPut that knife down ZYRELL.â madiing sambit nito sa pangalan nya. Ngunit mas lalo lang diniin ni Zyrell ang hawak nyang kutsilyo sa aking leeg, neh hindi ko man lang namalayan na hawak hawak na pala nya ako at tinututukan ng patalim.
âZayn...â Mahinang sambit ko sa pangalan nito pero alam kung nadinig nya ito. Gusto kung magsumbong sa kanya ngayon kung gaano ako natatakot. Hindi para sa kapakanan ko kundi para sa anak ko na hindi ko pa man nasisilayan ay baka tuluyan ko pang hindi makita.
Naninikip na yung tyan ko dahil siguro sa pagkabigla ko ng masilayan ko si Zyrell. Gulat parin ako ngayon tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Akala ko ba okay na ang lahat. Pero bakit pa ito lumitaw... Bakit?
Nahagip ng aking mga mata ang pag aalala ng mga empleyado. Pero pinapaalis sila ng ibang gaurd dahil baka ma damay lang sila sa gulo.
Nagulantang ako ng biglang tumawa na parang baliw si Zyrell sa aking likuran hawak hawak nya parin ako sa leeg kaya nakatalikod ako rito. Nanginginig na yung nga paa ko sa pamamaraan ng tawa nito.
Di ko alam kung anong gagawin ko. Nakatingin lang ako kay Zayn ng puno ng takot sa mukha, hindi ko rin napigilan ng paglandas ng mga luha ko sa aking pisnge.
Nakita ko ang pag aalala ni Zayn pero mas higit ang galit na makikita sa kanya ngayon.
âLet go of her Zyrell.â Mahinahong wika nito pero alam kung nagpipigil lang ito.
âPano kung ayaw ko? Dahil sa babaeng to nawala ka sa akin. Kung di dahil sa babaeng toh di ka dapat nandito sa pinas edi sana masaya padin tayo sa Russia... Zayn. Ginawa ko naman lahat para ma pansin mo ako but why you're still choose this stupid girl. Kaya kitang mahalin ng higit pa sa pagmamahal mo na binibigay sa kanya Zayn. Bakit hindi nalang ako... Wala akong pake kung lahat ng pagmamay ari ko maubos o masira dahil wala naman yung saysay pa... Ikaw lang ang pinaglalaanan ko sa trabaho ko, ikaw lang ang dahilan kung bakit nagsusumikap akong abutin ka dahil akala ko nalang araw kaya mo rin akong mahalin higit pa sa babaeng toh. Ako lang dapat ang kasama mo sa pag buo ng pamilya pero dahil sa walang hiyang babaeng toh. Nawala ka sa akin, Napaka walang hiya no rinbg babae ka... Napaka landi mo talaga... AHAS KA! MAMATAY KA NALANG SANA! WALA KANG KWENTA!â sigaw nito sa akin. Halos mabingi na ako s apamamaraan ng sigaw nito ang lapit pa naman ng kanyang bibig mula sa aking tinga. Para tuloy akong mabibingi sa sigaw nito.
âDon't shout at her... YOU MOTHERF*CKER! LET GO OF HER! tinatakot mo sya... Please bitawan mo na sya. Ako gusto mo diba. Andito na ako.. Just..., just let go of her.â Nagsusumamong sabi ni Zayn dito.
Anong ibig sabihin ni Zayn. Iiwan nya ba ako? Pano naman ako? Pano ang anak namen?
Mas lalong nanginig ang aking mga paa para na akong matutumba dahil sa panghihina. Mas lalo kung naramdaman ang sakit ng aking tyan.
Mas double ito kisa sa sakit kanina.
âZ-zayn... Anong ibig mong sabihin.?â Nanghihinang wika ko rito.
Hindi ito nagsalita. Walang emosyon ako nitong tiningnan na mas kina takot ko. Please till me na mali ang iniisip ko.
âHAHAHAHA! sabi na ngabang pang rausan ka lang no Zayn. Di ka naman talaga nya mahal dahil AKO... AKO ABG MAHAL NYA AT HINDI IKAW BWAHAHAHAHA! ako ang mahal nya hindi ikaw...â Nanginginig na ako sa takot ng I bulong nito ang huling sinabi sa aking tinga.
Napapikit ako sa subrang sakit ng aking puson. Parang nabibiyak ito sa subrang sakit, parang manganganak ata ako kahit na hindi ko naman kabuwanan, Sh*t! Four months pa lang akong buntis kaya di maaaring manganganak na ako.
Nanginginig yung tuhod ko dahil wala na akong lakas para tumayo pa. Di magtagal ay mapapaluhod ako at mamimilipit sa sakit.
Di pwede baby... Kapit ka lang dyan please. Di ka pababayaan ni mommy at ng D-daddy mo.
âBitawan mo na sya Zyrell.â Malamig na sabi ni Zayn.
âPromise me na sa akin ka lang... Sabihin mo sa malanding babaeng toh na layuan ka na... Say it!â Nanginginig ang aking kamay upang pigilan ang kamay ni Zyrell na dumidiin sa aking leeg.
Napatingin ako kay Zayn. Wala parin itong emosyon. Naiiyak na ako dahil sa feeling ko ay lalayuan na nya ako. Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba papakasalan mo ako, akala ko bang takot kang mawala kami ng anak mo... Pero ano toh Zayn.
Sa lahat pala ng sinabi mo puro lang iyon kasinungalingan? Napakasama mo talaga... Ako lang pala ang tangang nagmamahal dito.
âY-yeah...â
Dahil sa Binitawan nitong salita ay tuluyan na akong napaluhod ng Bitawan ako ni Zyrell.
Hindi ko na inalala pa ang pananakit ng aking dibdib mas nag aalala ako sa anak ko. Unti unti kong naramdaman ang likidong dumadaloy sa pagitan ng hita ko na mas lalo kung ikinataranta.
âNo baby... Zayn... No! Kapit ka lang baby please.â Sinubukan ko pang tawagin si Zayn pero siryuso lang itong nakatingin kay Zyrell na unti unting lumalapit sa kanya.
Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako o sadyang imagination ko lang na nakita sa mukha ni Zayn ang takot at lungkot. Pero mas bakas rito ang galit na parang papatay na ano mang oras.
âGET HER!!!!â
Sigaw ni Jake ng pa lapit na si Zyrell kay Zayn. Ngunit hindi ko na alam ang sunod na nangyari ng biglang magdilim ang aking paningin. Sigaw lang ni Zyrell at ang nagmamakaawang tinig ng pamilyar na boses ang tangi ko nalang narinig.
âBITAWAN NYO AKO, ANO BA!!!â
â I'm sorry wife, hang on there baby, kapit ka lang kay mommy... P-please... I'm sorry...â
âï¸ï¸ï¸ê¥âï¸ï¸ï¸
[áµâ¿áµáµâ±áµáµáµ!]
Alright reserved!
©ï¸2021
©ï¸KMworks
SORRY FOR THE WRONG GRAMMARS AND TYPO.
EPILOGUE IS THE NEXT PART... HOPE YOU LIKE THIS CHAPTER, GOOD NIGHT EVERYONE! <3