Max Ezekiel Ford
06:50 PM
Robert:
Bilis talaga ng balita
Max:
Iresponsable ka
Robert:
Ako pa?
Max:
Hinayaan mo lang
Robert:
Tanga alangan namang mas
unahin ko sila kesa kay Julian
Max:
Pinaabot mo pa sa ganon
kalaking gulo
Robert:
Ayaw nga ni Julian kulit talaga amp
Max:
Ayos lang siya dyan?
Robert:
Oo, tulog na eh
Pagod na kakaiyak
Max:
Gago ka
Umuwi ka na nga
Robert:
Maghintay ka
Max:
Tatakwil na kitang pinsan
Robert:
Feeling pwede
Naiinis pa rin ako, wag ka na dumagdag. Napagalitan na ako ng misis mo kanina, sige dagdagan mo pa
Max:
Buti nga sayo
Robert:
May tanong ako
Max:
Ano
Robert:
Nung pasko
Yung cellphone na nawala tapos binigay sakin. Yung pink? Tanda mo pa?
Max:
Oo, bakit?
Robert:
Yung babae na may-ari
Sabi mo nakita mo yung muka
Max:
Sabi ko?
Robert:
Sabi mo nakilala mo yung itsura?
Max:
Oh ano naman
Robert:
Si Julian ba 'yon?
Max:
Bakit? Tanong mo sa kanya
Robert:
Nandito yung cellphone
Same case same wallpaper
Max:
Itanong mo nalang sa kanya
Robert:
Baka naligaw lang sa kanya yung cellphone?
Max:
Ewan ko nga
Robert:
Tangina kinakabahan ako
Max:
Tanga bakit ka kakabahan
Robert:
Birthday ko yung password
Max:
Binuksan mo?
Robert:
Oo
Mukang mas cellphone ko pa to kesa a cephone ko ngayon eh
Max:
Anong meron dyan?
Robert:
Wag na ayoko pakealaman
Max:
Nasimulan mo na eh, nahiya ka pa
Robert:
Tanga seryoso nga
Max:
Bitawan mo na yan
Robert:
Gago mahal ko na ata si Julian
Max:
Talaga? Hindi ko alam
Robert:
Seryoso
Max:
Sa US palang panay tanong ka na tungkol sa kanya, paanong hindi ko malalaman. Masyado kang halata
Robert:
Uwi na ako
Max:
Aba dapat lang baka dyan ka
pa matulog eh
Robert:
Pwede ba?
Max:
Ulol bawal
Robert:
Edi wow
Uuwi na nga ako
Magsama kayo ni Ranford