Wanna know kung bakit siya lumapit sa akin? Naku isa to sa mga unforgettable moments ng childhood ko.
Lumapit siya sa akin at hinila ako palikod, nagulat nalang ako at mga kasama ko, feeling close tong taong to
"Pwede mo ba ako ipakilala sa kasama mo?, sabihin mo magkita kami sa court pagkatapos ng klase"
"Huh?" dina ako nakasagot nang bigla na siyang umalis, ba't ganun yung feeling? Nag expect ba ako? Bakit parang kinilig ako at the same time ba't ang sakit? Hahahaha
"Anong sinabi ng lalakeng yun? Huwag ka magpapaniwala doon" sabi ni Darlene, siya talaga yung klase ng kaibigan na very protective ee. That's what I love about her.
"Joy, gusto daw makipagkita ni Chris sayo"
"Huh? No way bessy! Never!" sagot ni Joy.
I don't know why pero parang ang saya ko sa reaction ni Joy, masaya ba ako na safe si Joy sa lalakeng yun or there's something else that I'm feeling? Don't know that time either, sabi ko nga napaka gulo ng isipan sa ganung age, confusion to the highest level.
So I just let it be, naghintay siguro yung lalakeng yun sa wala, after ma busted kay Princess, si Joy naman ngayon? Wala talagang magkakagusto sa ganung ugali ng tao, napaka weird.
After a day, kinaumagahan, napaaga ako ng pasok, ako talaga ang pinaka maagang pumapasok pwera nalang kung sasabay sa akin si Darlene pero minsan lang naman.
I thought ako ang pinaka maaga kasi naka close pa yung room, as I opened the door hindi siya nakalock, means may nagbukas na sa room.
Pumasok ako at nagulat sa set-up ng room. Napakagulo, daming naka sulat sa board na kung ano-ano, nakakalat ang mga libro at mga cleaning materials.
Sa takot ko lumabas ako at tumambay muna sa may canteen, kitang kita kasi ang aming classroom from canteen
"Papasok lang ako doon pag may kaklase na ako" sabi ko sa aking sarili.
After minutes, pumasok si Chris sa room wala siyang dalang bag, hawak hawak ang kanyang uniporme, naka t-shirt lang ng itim at ang kanyang slacks.
Dahil may kasama na ako, that was 6:45 in the morning, iilan pa lang mga estudyante, halos wala pang mga guro at si kuya Guard lang ang andoon sa may gate, nag proceed na ako sa room.
Hindi pa ako nakakapasok sa room nang may malakas na sound akong narinig na para bang may nahulog na malaking bagay sa aming room. Dali dali akong tumakbo sa pag-aakalang may hindi magandang nangyari kay Chris
That was one of the creepiest things na na-witness ko sa High school life ko, I saw Chris, crying in his arm chair, while holding a pen and a piece of cloth. I saw his wrist bleeding and he was trying to cover it with that piece of cloth.
Bigla niyang hinila ang isang upuan, sabay hagis sa isang sulok.
I was stuck to where I'm standing, hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko, other students from different rooms ay dumadaan sa aming corridor pero wala silang makita dahil naka close lahat ng curtains and there nakatayo lang ako sa may door na half-opened nakasilip at sobrang takot na takot.
Nang mapansin kong medyo kumalma siya. Pumasok ako na kunwari walang alam at nakita, Hindi ko siya tinitignan at naglinis nalang ako ng kalat, inayos ang mga upuan at binura mga nakasulat sa pisara.
Unti-unti kong binabasa ang bawat letra pero wala akong maintidihan dahil sobrang gulo ng pagkakasulat, I also saw drawings pero diko talaga ma-interpret.
I was thinking kung irereport ko ba tong pangyayaring ito, I was so scared sa violence na nakita ko, It was also my first time seeing a strong man crying and hurting himself.
"Huwag mong sasabihin sa iba kung anuman ang nakita mo"
Bigla siyang nagsalita habang nakayuko at nagpupunas ng kanyang luha
"Don't worry, wala akong nakita" sagot ko.
From then, I kept my silence, hindi naman nanaulit ang pangyayaring yun, maghapon siyang tahimik, nakaupo lang sa room na para bang may napakalalim na iniisip, I don't mind asking him kasi alam ko never magsheshare yun baka nga ipahiya pa ako ee so never na lang ako nagreact, never ko din sinabi sa mga friends ko.
Until now that I'm adult, napapaisip parin ako kung ano ang nangyayari that time, is he in pain? Is he okay? Meron sigurong malaking problema yung tao.
Everyday, seems like hell to him, wala siyang ibang kausap, never nagsalita sa klase, I got to see him smile sometimes kapag sobrang nakakatawa yung mga classmates namin but he never talked to anyone except from me, even mga teachers pag kinakausap siya napakatipid ng response niya. Yes or No lang siguro.
I didn't develop any deep feelings toward him during that 7 months, siguro attracted lang ako sa kanyang looks, his coldness and braveness. I know there's something wrong with him, with his feelings so I got to understand him whenever he does something evil and nakakafeel ako ng compassion towards him. Naaawa ako sa kanya.
But there's something I admire on him, he never hurt anybody, he just let others hit him like John Ford pero never siya nanakit, mas mabuting saktan niya ang sarili niya.
Moving on.....
It's the month of March a month before the end of the school year.
I got my first phone as a gift from mama dahil mataas naman daw mga grades ko, I was so happy, kahit hindi pa android ang uso noon, pasok na pasok pa ang mga keypads
Well, some of my classmates and my friends meron nadin silang phones.
Usong uso pa noon ang slum notes, nakakatawang isipin pero isa ako sa mga mahilig sa ganun noon, halos lahat ata ng classmates ko nakuhanan ko ng details pwera sa tatlo
Si Khael, Si John Ford at si Chris.
I also put my details there as the owner.
At dahil eventually naging okay din kami ng terror ugly bully John Ford na yun, ginusto naman niyang maglagay ng details niya.
I was waiting for him to return my notes, pero bigla akong tinawag ni teacher para ibigay ang program ng graduation.
I was tasked to distribute the program, everyone was in the room pero kailangan ko na naman hanapin yung Chris na yun!
I was looking for him around then sinabi ng isang classmate namin na nasa court daw sila (outside school)
Pinuntahan ko dahil nga malapit na namang mag ring ung bell for dismissal kaya urgent daw na madistribute ko lahat yun.
I saw him sitting alone sa basketball court, napaka seryoso niya, parang ang lalim ng iniisip niya. Nagdalawang isip akong lumapit dahil baka mainis siya or baka may problema siyang seryoso.
But still kailangan kong ibigay yung program.
As I walk gently towards him I saw him look at me, bigla siyang tumingin sa akin, I hate this feeling sobrang kinakabahan ako , thinking na baka nakakaistorbo ako sa momentum niya.
"Chris, eto yung program natin sa graduation, sabi ni mam ibigay daw sa parents natin"
Sabay abot sa program, ngunit hindi niya ito kinukuha, nakatingin lang siya sakin, naging awkward na nga ang paligid dahil kami lang dalawa sa court.
At dahil ayaw niyang abutin, inilapag ko yung program sa tabi niya at tumalikod na dahil gustong gusto ko ng makaalis doon.
"Gagraduate ba ako"?
Sagot niya sa mahina at malamyang boses.
"Oo naman" sagot ko
"Pwede ba akong humingi ng pabor"?
Bigla akong natakot at kinilabutan doon, pero bakit ganun yung pakiramdam, parang awang awa ako sakanya.
Linapitan ko siya at kinausap informally para hindi awkward
"Bakit may problema ba?"
"Ilang taon kana Aika? Alam mo ba kung ilang taon na ako?"
Hindi ako umiimik at hinahayaan ko lang siyang magsalita, first time kong makarinig ng higit tatlong salita mula sa kanya
"19 na ako, pero andito pa rin ako, ang layo ng agwat natin noh? Hindi ko din sure kung baka hanggang bente andito parin ako"
Eto na naman, naninigas na naman ang dila ko, gusto ko siyang tanungin pa ng marami pero wala akong masabi kundi "okay lang yan, at least nakakapag-aral ka, yung ibang mga bata jan nagtratrabaho na sa murang edad"
Bigla siyang yumuko at tumingin sa ibaba, naoffend ba siya sa sinabi ko? Anong advice ba naman kasi ang gusto niyang marinig e 17 years old lang ako that time.
"Puwede bang ikaw nalang pumirma jan?" sabi niya
"Naku hindi pwede, kailangan ng parent's signature jan"
"Please lang"
At wala na nga akong nagawa kundi pirmahan yung program niya. Hindi ko alam kung tama yung ginawa ko, that only means, hindi alam ng parents niyang gragraduate siya.
Hindi tlaga mag process yung gusto kong sabihin. Kaya out of nowhere bigla kong hinaplos yung likod niya, just to comfort him, as my kuya?
"Sige, naiintindihan ko" sagot ko
At dahil nag ring na yung bell, nagpaalam na ako sa kanya.
How I wish, ka edad niya ako sa mga oras na yun para alam ko naman kung anong advice ang ibibigay ko. How I wish maging okay na ang lahat para sa kanya.
We can't really force someone to do something out of their abilities, instead of trying hard, they'll end up being neglectful because they thought they're not doing enough, they're not worth it.
Pakiramdam ko nag seseek yung taong yun ng comfort, someone to talk to, someone who can understand him and support him no matter what.
Can I be that person? Can I really do that? Napaka bata ko pa para isipin ang mga ganung bagay, pero yung puso ko, gustong i uplift siya
Isang gabi habang ako'y abala gumagawa ng assignment, may biglang nagtext sa akin, unknown number.
"Hai"
"Hello, sino to?"
"Chris, kamusta?"
"Ah, ikaw pala, ayos naman ikaw?
"Eto andito sa court"
"Bakit?, gabi na ha"
Grabe ang tipid ng reply ni ateng. First time ba may ka text? Well, yes.
"Tambay lang,magulo at maingay sa bahay"
"Ah see, okay ingat ka"
"Okay babe"
"Goodnight, see you bukas" he added.
Self, napipi kana naman ba? My Gosh, ano bang trip ng lalakeng to? Babaero ba to?
Pero grabe, kinikilig ako that time, everything was first time.
Parang ayoko munang dumating ang umaga, diko alam kung paano ako titingin sa kanya, How I wish may suspension bukas dahil ang lakas din naman ng ulan.
Naalala ko, paano kaya niya nakuha yung number ko?
3 weeks before the graduation, napaaga akong pumasok, mas nauna ako kesa kay Darlene, I thought naiwan ko yung slum notes ko sa room. Pero naalala ko binigay ko kay John Ford.
Oh my Gosh! Yung bully na un, for sure ikakalat niya mga details doon.
Bigla kong naalala:
"My Crush: Khael the Valedictorian"
Oh M! for sure nabasa niya yun dahil nasa first page.
Oo, totoo, matagal ko ng crush si Khael pero ngayon ko lang siya mas nakilala, including yung anak siya ng principal?
Unti-unti ngang nagdatingan ang mga classmatesko, at ayan na si John Ford, bigla akong tumakbo para salubungin siya bago pa siya pumasok sa room at magkalat ng chismis.
"Uuuy yung slum notes ko, akin na!"
"Huh? Binalik ko sa upuan mo pagkatapos ko sumagot"
"Sure ka? Wala kang nabasa?"
"MADAMI!" with a sarcastic smile.
Parang gusto ko nalang talaga maglahong parang buhangin sa dagat.
"Eto ba yung hinahanap mo?" Sabi ni Khael
Grabe napaka unlucky ko sa araw na yun
"Nakita ko kasi sa desk mo, baka mabasa kapag lumakas ang ulan kaya inuwi ko muna"
"Whaaaaaaaaaaaaaaaatttttt? Bat ka nangingialam ng gamit?"
Sa sobrang hiya at praning ko, nasigawan ko si Mr. Valedictorian. Pero totoo, siya kasi tlaga yung crush ko ee, perfect person siya, but not until mas nakilala ko si Chris
"Bakit, may linilihim ka ba jan? don't worry nabasa ko na" sabi ni Khael
Dali dali kong kinuha at bumalik na sa aking upuan.
Sobrang natatawa talaga ako pag naaalala ko, hiyang hiya ako sa kanya, sino ba naman ako para magkagusto sa kanya?
"Napakataas niya, nandididiri siguro yun sakin" Iniisip ko habang nakayuko ako sa desk ko at parang maiiyak na.
Lumapit sa akin si Khael, "May gusto ka ba sa akin?" habang nakayuko siya at nakalapit ang mukha niya sa aking mukha.
Ayan na naman mga kaklase kong kala mo kung mahihimatay na sa kilig, tilian at sigawan
Nang biglang..
"Corny, naiinlove din pala ang mga weird" sabi ng boses sa aking likuran.
Kung di lang nagsalita yung taong yun, aaminin ko na matagal ko nang crush si Khael ee, nakikita ko na kasi siya during our lower levels at talagang hanga ako sa charm niya, yung pinagsamang talino at itsura. Complete package, medyo spoiled nga lang at ginagawa ang kahit anong gusto dahil anak ng boss.
You can't have it all nga naman talaga.
Tingin ako sa likuran, si Chris nakatingin kay Khael, sabay ngiti na naman.
Ayun talaga yung pang inis niya ee, yung smile niyang iisang side lang sabay yuko.
"Kesa naman sa repeater, walang na ngang alam, wala pang modo" sagot naman ng isa.
Biglang tumayo si Chris sabay hablot sa damit ni Mikhael
Wala nga talagang takot itong taong ito, di niya narerealize kung sino kinakabangga niya, anak ng pinakamataas sa paaralan, isang pinakamataas din na estudyante, bakit punong puno ng galit ang puso nito, gulo palagi ang hanap, walang ibang iniisip kundi ang kanyang sarili.
That's when I realized, parang ginawa niya ito dati, yung eksena nung first day, nakipag rambulan siya dahil lang sa babae.
Nang biglang..
"Itigil niyo na yan!" Sabi ni Ma'am Toviera
"Chris! Talaga naman itong batang ito! Basagulero, kaya hindi ka umaasenso, kaya hindi ka umuusad ganyan ang ugali mo"
Ouch! Isn't it a bit too much? Parang ako yung nasaktan sa sinabi ni Ma'am. Whatever the situation is, maging fair parin dapat, may sinabi din namang masakit si Khael kaya natrigger si Chris
I don't know pero parang napakasama ng tingin ng tao sa kanya, pero napakagaan naman ng loob ko, parang alam kong hindi siya yun ee, hindi siya yung totoong Chris.
I know where he is coming from. Wala siyang mafeel na support.
Bigla niyang kinuha ang bag niya, sabay alis sa room, habang naglalakad siya papalayo, parang gusto siyang habulin ng mga paa ko.
Si Khael na first crush ko, parang suddenly nagchange yung pagtingin ko, Nakita ko kung paano siya itreat ng mga tao, mga guro , mga kaklase. Binebaby siya, kaya nagagawa niya lahat ng gusto niya with confidence, very opposite kay Chris. Hindi niya nagagawang mag-aral ng mabuti, manligaw, magka gusto at makihalubilo dahil pakiramdam niya mababa siya, walang nag uuplift sa kanya.
I don't know all of a sudden bigla akong sumunod sa kanya, yung mga paa ko parang kontrolado na ng puso ko. Tinatawag ako ni Darlene at Joy pero sabi ni Dave hayaan daw muna ako.
Dave knows kung anong pinagdadaanan ni Chris at sinabi niya kina Darlene at Joy. That time wala pa akong alam.
Sinusundan ko lang siya hanggang sa bigla siyang tumigil at tumingin sa akin.
"Bakit ka sumusunod, doon ka lang sa room, magsisimula na ang klase niyo"
"Wait lang! babalik ako kung babalik ka din."
"bat dimo sinagot yung matalinong yun, mas nararapat ka dun"
With my youthful mind and acts, hindi talaga ako makasabay sa maturity nya, kaya bigla ko nalang nasabi
"E basta! Bumalik ka! Isusumbong kita sa principal na mag cucuting classes kana naman"
"Pwede ba tayong mag-usap pagkatapos ng klase?" sagot niya
"Sige, basta bumalik na tayo doon" with a calm voice. "Please" I added.
First time, may pinakinggan tong taong to, habang naglalakad kami pabalik sa room tinanong niya kung napano si Khael
I said " He's fine" , maraming anjan para mag-alala sa kanya. Dali dali ngang pinuntahan ng Principal e.
"Ganun ba,mabuti naman"
I'm suddenly confused, bigla siyang nagkaroon ng concern sa taong inaway niya? Ang weird din ng taong to.
At this moment, these present times, unti unti kong narerealize yung pagkatao niya, He's acting strong and terror to uplift himself, para hindi siya masyadong mababa sa tingin ng iba. He thought it's his only way para magkaroon siya ng confidence sa sarili niya. But deep inside he has a good heart. He has a soft heart.
Nagkita kami ni Chris sa Library, dahil nga same din kami ng area ng nililinisan, doon kami nag-usap.
Nagulat ako sa kung anong klaseng tao siya.
" Gusto mo si Mikhael diba? Ba't dimo binigay yung number mo?"
"Hindi ko siya gusto"
"Mas mabuti yan, sa ugali ng taong yun, hindi ka magiging okay dun, gusto mo ba ng ganung klaseng tao? Ginagamit ang posisyon para gawin lahat ng gusto niya, kung ordinaryong tao lang siya, sigurado hindi ganun katapang yun"
Habang nagsasalita siya, nakatingin lang ako sa kanya at nakikinig.
"Pasensya kana, diko napigilan sarili ko kanina. Naririndi kasi yung tenga ko pag sinasabihan ako ng bobo at walang alam"
"Ayos lang yun, hindi naman totoo yun para sakin"
"Talaga?" sabay ngiti
Nagmemelt ako sa sobrang ganda ng ngiti niya, sabay hawi sa kanyang bangs sa kanyang noo.
"Alam mo kasi, hindi naman talino ang wala sa akin ee, wala lang talaga akong interes sa mga ganyan, kahit ikaw pa ang pinaka matalino sa mundo, hindi mo magagamit yan sa ibang bagay, tulad nun, matalino pero walang manners, kinakaya ang mga guro, ginagawa ang gusto dahil nasa taas. Mas mabuti nang lowkey ka pero wala kang iniimpress na tao, hindi mo ginagawa ang mga bagay bagay dahil yun ang gusto nila, ganun ka simple ang buhay ko, sa edad kong to naging independent na ako, nagtratrabaho na ako, ginagawa ko ang mga bagay na ito para sa sarili ko, kaya kahit mag-isa ako, nararamdaman kong malaya ako, hindi kontrolado ang buhay ko"
Napakalalim niya mag -isip, napaka mature. Kumbaga hindi siya matalino sa academics pero life-wise siya.
"Kahit na, hindi parin tamang manakit ng tao, hindi porket malaya ka, ginagawa mo na lahat ng gusto mo, iayon mo din ito sa kung anong tamang gawin at hindi"
"Tama ka, kaya nga kinumusta ko agad kanina kung okay lang siya, Sa totoo lang, aaminin ko nagselos ako, nasaktan ako, hindi dahil gusto niyo isa't isa kundi dahil sinampal ako ng katotohanan na wala akong pag-asa sa'yo, hindi ako bagay sa mundo niyo pero narealize ko hindi rin siya tama para sayo tulad ko."
Ang bilis ng tibok ng puso ko, patapos na ang taon, ang klase, magkakahiwalay na kaming lahat. Pero may humabol pang ganito.
Napaka sincere niyang tao. Kung kikilalanin niyo tong tao wala kayong makikitang masama sa kanya.
Kinaumagahan, kasama ko si Dave, nag-uusap lang kami habang kumakain sa canteen, biglang na brought out si Chris.
"Alam mo bes, bilib din ako sayo, pinag-aagawan ka ng dalawang powerful na tao"
"Huh? I thought you are wrong. Isa lang sakanila ang powerful bes " sabi ko
"No bes! Mayaman sina Chris, may Restaurant sila, dalawa sila ng kuya niya ang nagpapatakbo dahil hindi supportive ang mga magulang nila lalo na kay Chris. Buti natuto na yun sa murang edad, pero alam mo madalas din silang mag-away ng kuya niya, nagpipisikalan pa sila minsan dahil mabisyo yung kuya niya ganun din ang papa nila, madalas mag-away silang mag-asawa nagsasakitan, bugbog sarado ang nanay nila. Wala silang magawa kundi manuod kasi nkakatakot talaga yung papa nila."
"Talaga bes!? Sabi na nga ba e, something is wrong, kaya ganun siya umasta, nagrerebelde yung tao" sabi ko
"Pero alam mo bes, may mas malalim na dahilan kung bakit ganyan yan"
"Please tell me bes"
"Adopted siya, nung 3 yrs old siya sabi ni mama kinuha siya ng mama niya sa isang charity dahil iisa ang anak nila, hindi ito tanggap ni tito Rob at araw-araw nilang pinagaawayan si Chris at sinasabing siya ang malas sa kanilang pamilya dahil ilang Negosyo ang nalugi at nagkanda utang utang ang Pamilya nila"
"Oh M G, akalain mo yun mula pagkabata ni Chris nakakakita siya ng violence "
Upon knowing that story I got this feeling na sobrang attached sa kanya, I cannot deny na naaawa ako but before that, I think I have this deeper feeling towards him. But I know we will never be together;
Upon knowing his story, I tried to talk to him many times, ilang beses akong nag attempt na icorner siya, just to let him share whatever he is feeling, gusto lang maybe makatulong para pagaanin yung burden niya.
But everytime I had a chance, he kept leaving, he keeps on isolating himself.
This feelings of mine grew as days passed by na nakikita ko siya sa araw araw, before I was attracted sa kanyang looks, sa kanyang manly aura but later napansin ko sa sarili ko na I'm having this concern already, I kept on observing him, minsan nga hindi ko namamalayan ang sarili ko nakatitig na ako sa kanya, and he caught me everytime.
I am not expecting anything from him, I know kinakausap niya ako pero wala siyang feelings sa akin.
But that's what I thought lang pala....