Jashem's POV
"Jah si Kyler, anak ng papa mo." Pagpapakilala ni mommy. Lumingon si Kyler sa akin at bakas ang gulat sa aming mga mukha. Lupet mo naman tadhana!
"Magkakilala na kayo? Pareho kayo ng course at school. Nagkita na siguro kayo doon."
Hindi parin namin maalis ang mga mata namin sa isa't isa pero bigla na lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya kalaunan. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya.
Iba na ang mga tingin niya sa akin. Hindi na kagaya ng dati. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib nang mapagtantong may nag-iba na sa pagitan namin.
'Yong kakasimula lang naming maging malapit sa isa't isa pero pinaglalayo agad kami ng tadhana.
Hindi ko alam kung bakit no'ng tinanong ko siya tungkol sa Papa niya ay sinabi niyang wala siyang Papa. Mukhang hindi maganda ang relasyon nilang dalawa ni Papa.
"Magkaklase po kami." Sagot ko. Yumuko lang ako habang nakatayo at pinaglalaruan ang kuko ko.
Hindi ko siya kayang tingnan. Nahihiya ako sa kanya.
"Really? That's great! Hindi na pala kayo mahihirapan mag-adjust sa isa't isa." Sagot ni Papa na bakas ang saya ng malamang magkakilala na kami ni Ky.
Bakit kailangan 'tong mangyari sa amin? Bakit sa lahat ng tao siya pa ang anak ni papa?
"Jah tulungan mo siyang dalhin ang mga gamit niya sa kwarto niya. Ikaw na bahala sa kanya. May lakad pa kami ng papa niyo." Bahagya lang akong tumango. Umalis na rin sila ni mama at naiwan na kaming dalawa ni Ky sa bahay.
Tahimik kong kinarga ang dalawang maleta niya nang agawin ito ni Ky sa mga kamay ko hindi pa man ako nakakahakbang.
"Ako na. Saan ba ang kwarto ko?" Malamig niyang sabi na nagpahapdi sa puso ko.
Nauna akong naglakad sa kanya paakyat ng kwarto niya na katapat lang ng kwarto ko.
"Dito." Sabi ko ng nasa harap na kami ng pintuan ng magiging kwarto niya. Pumasok na siya at nilagay ang dalawang maleta niya. Binalikan din niya agad ang naiwan pa niyang isang maleta sa baba.
"Ky"
Tinawag ko siya nang makabalik na siya at hindi pa nakakapasok sa kwarto niya. Tumigil siya habang nakatalikod sa akin. "Hindi ko alam. I'm sorry." Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at sinarado ang pintuan.
Bigla na lang tumulo ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan.
(Note: Time stamps don't matter. This applies to the rest of the AU.)
Pumunta ako sa kusina para maghanap ng mailuluto para sa hapunan namin. Hanggang sa marealise kong hindi pala ako marunong magluto. Kaya napagdesisyonan kong lutuin ang pinakamadaling lutuin. Boiled egg.
Kumuha na ako ng dalawang itlog at pinakuluan ito. Nakapangalumbaba ako sa mesa habang hinihintay na maluto ang mga itlogâ*boom* nang magulantang akong sumabog ang kaldero kung saan ako nagluto ng mga itlog. Nanigas ako sa kinauupuan ko at napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Ano'ng nangyari?" Hindi ko namalayang andito na rin si Ky sa baba. Dahil parin sa gulat ko ay hindi ko siya masagot at umiling-iling na lang.
Pinatay muna ni Ky ang stove at saka tiningnan ang nangyari.
"Sira ata 'yong itlog na niluto mo kaya sumabog." Tumango-tango lang ako sa kanya. "Bakit ka ba nagluto ng itlog?"
"Uhm. . . hapunan natin. 'Yan lang ang alam kong lutuin eh. Kahit pala boiled egg, hindi parin ako marunong." Sabi ko na may halong disappointment. "Gagabihin daw kasi sila mommy."
"Nagugutom ka na ba?" Tumango ako.
"Tinawag mo sana ako para ako na nagluto." Dagdag pa niya.
"Galit ka sa akin eh." Mahina kong sabi habang nakanguso. Narinig kong huminga siya ng malalim. Narinig niya siguro ang sinabi ko.
Inalis muna niya ang kaldero sa stove at nilagay sa lababo. Lumapit ako sa kanya para tulungan siya. Inalis niya ang takip ng kalan at umalingasaw ang masamang amoy nito kaya tinakpan ko ang ilong ko.
"Ako na dito. 'Wag ka ng tumulong."
"Kasalanan ko naman eh kaya ako na maglilinis." Kukunin ko na sana sa kamay niya ang kaldero pero iniwas niya ito at tiningnan ako na para bang nagpipigil lang siyang mainis dahil sa kakulitan ko.
Umatras na lang ako at pinapanuod ko lang siya sa gilid habang hinahayaan siyang linisin ang kalat ko. Tinapon niya ang mga sumabog na itlog sa basurahan sa labas ng bahay.
Pagkabalik niya ay hinugasan na niya ang kaldero at pinunasan ang stove. Para akong batang pinagalitan ng Papa niya at pinapakita sa akin kung ano ang naging resulta ng pagmamarunong ko.
Umupo na lang ako at tahimik na pinapanuod siya habang nagluluto. Sobra na akong nahihiya sa kanya. Siya pa nagluto na kararating lang niya.
"Wala ka bang ipapagawa sa akin?" Tanong ko sa kanya.
"Wala." Napasimangot ako dahil sa sinabi niya kahit hindi niya nakikita dahil nakatalikod siya sa akin at busy sa paghihiwa ng kung ano.
Para siyang chef habang nagluluto dahil sa galaw niya. Sigurado akong masarap siya magluto. Sanay siguro talaga siyang magluto kaya dapat matuto na rin ako para sa susunod siya naman ipagluluto koâang taas naman ng pangarap ko! Huhu!
"Kain na." Inilapag niya sa tapat ko ang isang plato ng pasta.
"Chicken Pasta?" Tanong ko sa kanya habang inaamoy ito. Tumango lang siya sa akin.
"Paborito ko 'to! Thank you Ky!" Masigla kong kinain ang pasta at unang subo pa lang, solve na.
(ð·: pinterest)
To be continued . . .
[A/N: PAGTATAG! EP is out now! Napakinggan niyo na ba??? Kung hindi pa, BAKIT??? Kung napakinggan niyo na, ano'ng favorite niyo? Pagkatapos niyong basahin 'to, back to streaming tayo okay? Thank you for reading!]
ÊÑÉ vee | kentintrovert ÊÑÉ