Kate POV
Palabas na kami sa bar na biglang bumuhos ang malakas na ulan.. Na lalong nagpadilim sa paligid...
"Kate paano na yan madilim na alam mo pa ba ang daan papunta sa bahay?" natatakot na tanong ni Kerhinne
"Ang totoo niyan hindi ko alam kasi mabilis si Khazy kanina.." sabi ko
"Paktay nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na may bagyong paparating at sa tingin ko ito na yun.. Paano na yan?" nag aalala na rin si Khiara..
"Girls I think sa amin muna kayo tumuloy tutal PE naman ang isusuot bukas" sabi ni Khielle.. Bright idea
"At saka wala palang signal pero don't worry hindi namin kayo aanuhin." seryosong sabi naman ni Khenn
"At si Khai baka nandun na rin sila" dagdag ni Khalil
Sumunod nalang kami alangan namang dito kami matulog..
Tig iisa sila ng sasakyan pero kami ni Khielle ang nauna..
"Ahmm Kate may boyfriend kana ba?" nahihiyang tanong niya habang nagdridrive..
"Ahh wala.. Bat mo naman natanong?" sabi ko
"Pwede bang mag apply?" deretsong sabi niya.. Kaya nagulat ako.. Pero gwapo siya.. Kaso hindi na ako marunong magmahal eh.. Simula noong masaklap na nangyari sa akin.. Lalo at cassanova siya.. Pero ligaw palang naman diba.. Hayyysss bahala na..
"Okk" sabi ko biglang niyang preneno yung sasakyan niya at inilagay niya agad ang kanyang kamay sa pag uuntugan ko. Kaya hindi ako nauntog.. How gentlemen...
"Seryoso pumapayag ka?" paniniguro niya
"Ayaw mo ata edi wag nalang" pagsusungit ko
"Hindi ahh.. gusto ko gustong gusto... Yess! promise magiging masaya ka sa akin." sabi niya sa sobrang tuwa kala mo batang nabigyan ng candy..
Khiara POV
Tahimik na nagmamaneho si Khenn..
"First time niyong pumunta dito?" tanong niya..
"Hindi kasi past 3 years nandito kami. Lumipat lang kami ng may nangyari at ayaw kong maging topic natin yun" sabi ko..
"May bf ka? tanong niya
"Bakit mo natanong?" pabalik kong tanong
"Hindi po pwedeng sagutin ang tanong ng isa pang tanong" explain niya.. Okk
"Wala bakit?" tanong ko
"Ahh kasii.. Pwe-de bang a-ko nalang? I mean pwe-de bang man-ligaw?" nauutal niyang sabi.. Ang cute niya..
"Hmm pwede wala ka bang gf?" tanong ko..
"Fling lang.. Hehehe (sabay kamot sa ulo) Hindi pa ako nagseryoso sa relationship eh.. Sayo siguro" sabi niya.. Siguro??
"Siguro? That means hindi ka sigurado?" naiinis kong sabi.. Niloloko niya ba ako?
"Wala naman kasing kasiguraduhan lahat ng nangyayari eh.. Hindi nga natin masigurado kung kailang tayo mamamatay" seryosong sabi niya. Bat napunta sa patay? Haysss.
"Sabagay.. Pero wag mo akong sasaktan ahh" seryosong sabi ko
"Pipilitin kong hindi ka masaktan pero ang ipinapangako ko lang ay mamahalin kita ng lubos sa abot ng aking makakaya " sabi niya.. Kinilig naman ako don.. Siya na rin siguro ang magpapabago sa akin..
Kerrhine POV
"Siguro marami nang babaeng nakasakay at nakamake out mo dito nohh" sabi ko.
"Actually you are the first girl" sabi niya.. Sabay kindat.. Shettt.. Namumula pisngi ko
"Why are you blushing?" tanong niya..
"Hindi ahh pinkish lang talaga pisngi ko" pagdedeny ko
"Sino bang nagsabi na pink? Namumula ka nga" ngisi niya.. Ganun ba? Mali yung palusot ko ahh.. Hinawakan ko nalang ang pisngi ko at yumuko nahihiya na kasi ako..
"Jazz may boyfie kana ba?" tanong niya.. Wow Jazz ahh. I like it.. Parang ang ganda kung siya ang nagsasabi..
"Wala.. Mahirap magseryoso eh" sabi ko..
"Ahh pareho pala tayo.. Pwedeng mag apply?" tanong niya..
Ngumiti naman ako "Pwede pero uunahan na kita ahh.. Sabi nila childish ako sasabihin ko na sayo para hindi ka mabigla.. Heheheh" sabay kamot sa ulo..
"Okk lang yun pareho naman tayo" sabay kindat niya... Hilig niya kumindat ahh
Nakarating na nga kami sa mansion nila at masasabi kong ang ganda dito..
Nadatnan ko sila Kate at Khiara na nakaupo sa sofa habang nanonood ng Hunger Games.. Paulit ulit na yan ahh..
"Kerrhine halika dito may panood din silang Hunger Games.." sabi ni Khiara
"Sige punta kana muna don palit lang ako pero kung may kailangan ka punta ka lang doon sa kwarto ko may name na nakalagay don" bulong niya sabay wink.. At umakyat na sa hagdan
"Nasaan yung mga kasama niyo?" tanong ko kila Khiara at Kate
"Naghanda ng dinner" sabay nilang sabi..
"Okk so dito talaga tayo matutulog?" tanong ko
"Oo" simpleng sabi ni Khiara
"Asaan na kaya si Khazy? Text mo nga Khiara" utos ni Kate
"Walang signal sa lahat ng network ewan ko kung hanggang kailan to??" sagot ni Khiara..
"Ahmm girls kain na muna nakaprepare na yung food" sabi ni Khielle
"Ikaw nagluto?" tanong ko
"Actually dalawa kami ni Khenn" sabi niya
"Si Khalil asan? Patawag nga pakisabi kain na" sabi ni Khielle
Biglang umalis tong dalawang babaitang ito kaya no choice kundi ako..
Umakyat na ako sa hagdanan.. Ang ganda dito lahat ng room may label.. May music room, Formal Room, Dance Room, Unknown Room at computer room.. Natapos kong daanan yun.. Sunod ang room ni Khenn at susunod si Khalil.. Ang room ni Khenn ay katapat ng room ni Khiele. Ang katapat naman ng room ni Khalil ay room Ni Khai na kulay pink ang door.. Bakla ba siya??
Kumatok ako sa room ni Khalil
"Jazz pasok" sabi niya.. Huh? Hindi pa ako nagsasalita alam na niya... Bunuksan ko na ang pintuan
"Ahmm kain na raw. Teka bakit mo nalaman na ako yung kumatok" sabi ko nakita kong topless siya.. What the heck.. Yung four pack abs niya... Nakatitig lang ako..
"Ikaw lang kasi ang kumakatok. Ang mga barkada ko basta pasok nlang.. Bhaby baka malusaw abs ko niyan " sabi niya habang nakangisi
Sumimangot agad ako..
"Para lang four abs kung tutuusin sisiw lang yan sa mga nakita ko" pagyayabang ko
"Pero makatitig ka Bhaby wagas ahh" pangungutya niya..
"Anong bhaby ka diyan bahala ka na nga diyan." sabay alis ko pero hinila niya ako..
"Pwede mamaya nalang tayo umalis. Ikaw ang gusto kong kainin eh" bulong niya...
"Yakk kadiri ka.. Tumigil ka nga diyan lika na" sabi ko sabay hila sa kanya.. Napangisi nalang siya at nagpatangay sa hila ko.. Gusto kong tanungin kung bakit pink ang kulay ng door ni Khai.. Pero wag na.. Gutom na ako eh..
Khiara POV
May mga katulong naman pala sila.. Bat sila pa ang nagluto??
"Girlfriend ba kayo nina Sir Khenn at Sir Khalil? Hindi na po ako magtataka na ipagluto nila kayo ng masarap?" tanong ng nasa age 49 na.. So too nga sila nagluto
"Ahh hindi po" chorus naming sabi ni Kate
"Ahh siguro nililigawan palang ate Sita.. Pero swerte niyo kasi kayo palang ang unang babaeng inuwi nila dito at pinagluto pa kayo.. Kahit mga playboy yan di sila nag uuwi dito ng babae.." sabi ng babaeng nasa age 40
"Nay Say wag niyo naman kaming ilaglag" sabi ni Khenn
"Obvious naman po Nay Say kaya okk lang" sabi ko..
"Anong topic?" tanong naman ni Khalil
"Ohh lika na dito. Bat ang tagal niyo?" nakangising sabi ni Khielle
"Hoyyy wag kayong ano diyan good boy ako ngayon" sabi ni Khalil
"Alam niyo mga dalaga.. Ang gaganda niyo. Kaya sana kayo na ang magpapatino sa mga ito" sabi ni Nay Sita
"Ang totoo po hindi lang sila ang loko loko kami rin kaya kung magbabago sila ganun din siguro kami" sabi ko
"Siguro?" takang tanong ni Khenn
"Gaya sabi mo kanina wala naman kasiguraduhan ang lahat ng nangyayari" balik ko sa kanya ang sinabi niya kanina..
"Burnn ikaw kasi tol wag kang magsasalita ng ganyan kung ayaw mong ibalik sayo" pangungutya ni Khalil
"Kumain nga muna kayo" saway ni Khielle.. Kaya wala ng umimik sa amin.. Seryoso ehh..
Khai POV
Nandito kami ni Khazy sa bahay nila.. Basang basa na kami.. Grabeee ang lamig..
"Tara sa kwarto para makapalit na tayo" sabi niya at sumunod ako.. Ang laki ng bahay na tohh mas malaki sa bahay namin.. Tumaas kami at nadaanan namin ang red, green, yellow at black na pintuan bago kami pumasok sa kulay blue na pintuan..
"Diyan kana magshower at doon ako sa isang kwarto. Maglalabas nalang ako ng isusuot mo" sabi niya at umalis na..
Pumasok na ako sa cr.. Ang luwang din ng cr kasya ang 10 tao na maligo ng sabay sabay..
Naligo ako diretso
Khazy POV
Nandito ako DMSR (Dance and Music Stage Room) pero ang makikita lang dito ay Dance Floor, pintuan ng cr at pintuan ulit papunta sa mga musical instrument kompleto yun..
Dumiretso ako sa cr.. At naligo ako.. Pagkatapos kong maligo magpapalit sana ako pero naalala ko wala pala akong dalang damit ko kanina.. Paktay*0* ang tanging nandito ay tuwalya.. Haysss dali dali akong pumunta sa kwarto ko nilalamig na ako shet.. Pero pagdating ko doon nakita ko si Khai na topless.. Shet yung 6 pack abs mga brasong maskulado.. Tumingin din siya sa akin.. At ito nakatitig sa akin.. Tumingin ng ulo hanggang paa.. Tas titig ulit.. Nakakapagtaka na ah??
"Ehemmm bakit ka po nakatopless?" tanong ko
"Ah-h ka-si wa-la kang i-ni-wan na T-shirt" nauutal niyang sabi na nakatitig sa katawan ko.. Ngayon napatingin ako sa katawan ko
"What the fuck" I cursed myself nakatowel parin pala ako..
"I think tumalikod ka muna.. Baka malusaw katawan ko sa kakatitig mo" utos ko
Sinunod niya naman ako... Kinuha ko yung Lingirie na damit, underware, short at robe ko.. Tas pumasok na ako sa cr.
Kaya pala siya naktitig shetttt..
Khai POV
Grabe ang hot niya... Hayyss ako ata ang marupok ahh.. Ang puti niya mala porselana ang kanyang kutis.. At malusog din ang kanyang hinaharap.. Bad ka Khai kung ano ano iniisip mo..
Pero hindi man lang siya nadala sa abs ko.. Ibang klase talaga ang babaeng tohh.. Lumabas na siya sa cr
"Bat topless ka pa?" tanong niya na parang wala lang sa kanya ang maskulado kong katawan..
"Wala ka pang binibigay ng damit eh" sabi ko.. Nakarobe siya ngayon..
"Ito ohh" sabi niya
"Saan mo nakuha ang mga gamit na ito? Bat pati underware meron ka?"
"Binigay ni nanay Ching pasalubong sana niya sa anak niya. Pero nanghingi ako ng isa.." sabi niya
"Saan ako matutulog?" tanong ko
"Dito nalang at sa kwarto nalang ako nila Kate or Khiara" sabi niya.. At umalis na..
Nahiga naman na ako.. Ang cool dito sa kwarto niya.. Blue lahat ang decoration.. May snowflakes sa kisame.. Itong ilaw niya lang ang hindi blue.. Cool..
"Ahh Khai gising ka pa?" tawag niya sa kwarto..
"Oo bakit?"
"pwede akong pumasok?" tanong niya
"Sure kwarto mo naman tohh" sabi ko.
"Kasi nakalock yung door nila at saka isa lang ang gamit na nailabas ko dito.. Nasa guest room yung ibang unan at kumot.. Kaso wala sa akin ang susi nasa boon ng kwarto ni Kate at sila nanay Ching naman tulog na kalock ang pintuan nila.. So kung okk lang Sa-" diko na pinatapos ang sasabihin niya.
"Sure tutal kwarto mo naman ito.. Basta d ka humihilik at hindi ka maarte na katabi ako.. Okk lang" nakangiti kong sabi..
"Hindi naman ako maarte no choice na talaga kasi ako... Sana wag kang malikot matulog" sabi niya ngimisi naman ako
"Lika na tulog na tayo" pagtatawag ko at hinila ko siya pahiga.. Shett ang bango niya.. Nakakahipnotismo...
So ayun na nga nahiga na kami hindi siya umimik...
Khazy POV
So ito na nga nakahiga kami sa iisang kama iisa rin ang kumot at unan. Pero hindi na ako nag unan... Medyo lumayo din ako.. King bed size naman itong kama ko eh..
"Khazy good night and sweet dreams" sabi niya.. Nakatalikod ako sa kanya feeling ko nakaharap siya sa akin.. Hindi na ako umimik.. Hindi pa pala kami nagdinner... Yaan mo na hindi naman nagyaya..
Hindi nalang ata ako matulog baka anuhin niya pa ako..
After 1 hour
Inaantok na ako kainis.. 11:00 pm na pala
Hanggang sa Zzzzz
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!