NOTE!!! SORRY SA MGA WRONG GRAMMAR
ICA Point Of View
"Nag mamarunong nanaman siya" Pag tataray na sambit ni Ate Trixie habang nakatingin kay Fate na tinatarayan pa ito.
"Ang OA pala ng Girlfriend ni Christian" Natatawang sambit ni Niya saamin mabuti na lang talaga at nasa tabi ni Christian si Fate kaya hindi niya naririnig mga pinag sasabe nila Ate Trixie at Niyah sa kaniya.
"Mabuti na lang pala at hindi nyo nakita yung nangyari kila Jay kanina" Sambit ko sa kanila.
"Mabuti na lang kamo. kung hindi baka ano pang mangyari kay Ally" Sambit naman agad ni Dessie
"Kaya nga eh buti na lang nung mga oras na yun eh papunta kame dito kay Ate trixie sa may isawan." Sambit naman ni Joyce.
"Hanggang ngayon ba Ally, May phobia or natatakot ka parin pag nakaka kita ka na ng
may nag aaway?"Pag tatakang sambit ni Niyah Kay Ally.
"Parang ganun na nga hindi ko din kase alam kung bakit hanggang ngayon takot ako sa ganun" Pag Kukwento niya
"Anong tawag sa gunun? ano yan sakit?" Pag tatakang sambit ni Ate Trixie sa kaniya.
"Ang alam ko Tramatophobia diba" Sambit naman ni Dessie "Sabe kase ng ate ko na nag papaka psychiatrist kahit Nurse naman siya ang Tramatophobia daw ay ang taong takot sa mga pinsala o trauma, kabilang ang pisikal na away, aksidente, o mga karahasan. Ang mga taong may tramatophobia ay maaaring makaranas ng matinding pagkabalisa, pagkahilo, o panic attack kapag nakakakita ito ng matinding away na nauuwi sa pisikalan. yun ang sabe ni ate saka oo sakit ata yun" Pag papaliwanag na Kwento niya Ulit.
"May nangyari ba sayo dati Ally kaya nag karoon ka ng phobia?" Pag tatakang tanong ko
"Ahm.... hindi ko alam baka meron hindi ko na kase maalala eh. pero ang kwento ni mama saakin nung bata pa ako nag bakasyon kase kame sa kapatid ni papa eh nag karoon doon ng gulo at nauwi sa away naki awat naman ang mga tito at papa ko noon tapos nakita na lang ako nila tita at mama na iyak ng iyak na mumutla at hirap sa paghinga doon din daw ako nawalan ng malay " Pag kukwento niya samin.
"Ayun ba yun na umuwi ka dito na parang takot na takot ka lalo na yung nakita mo nung nakipag sapakan dati si Jay sa mga naging kalaro niya diba nag panic ka nun tapos iyak ka ng iyak" Sambit ko sa kabiya na agad naman itong tumango
Naalala ko dati grade 3 ata kame nun biglang may inaway nun si Christian na classmates namin na kalaro niya din nag sapakan sila sa classroom tapos si Ally ilang beses na nag sabing tumugil na sila or tama na habang umiiyak hanggang sa nag panic attak ito at bigla na lang nahirapan huminga dumating din yung mga teacher para awatin sila Jay noon at dalhin naman si Ally sa clinic ng school pero mas lalong lumamala si Ally kaya isinugod agad siya sa Emergency kaya doon na din namin na laman na may ganung sakit si Ally, kaya simula nun lumayo siya kay Jay. hanggang sa lahat ng gustong makipag away kay Jay ay sa ibang lugar niya ito pinapatulan para hindi siya makita ni Ally. kaya naging protective na din siya pag dating kay Ally.
"Tara Meryenda tayo sa bahay" Sambit ni Tristan ng lumabas ito kasunod niya naman si Leon.
"Patingin nga! ayan makipag sapakan kapa ayan ang napapala nyo" Sambit ko sa kaniya ng tignan ko ang mukha niya.
"Sila kaya ang unang sumapak saamin at Kay Leon gumanti lang ako" Sambit naman ni Tristan saakin kaya napa irap na lang ako sa kaniya.
"Okay ka lang babe? may masakit pa sayo?" Pag aalalang tanong naman ni Dessie kay Leon ng lapitan siya nito at akbayan.
"Ganyan sana ang Girlfriend" Pag paparinig namang sambit ni Tristan pero inirapan ko na lang siya
Manigas ka diyan paano ba ako nag ka boyfriend na matigas ang ulo!
"Hintayin na lang natin si Jay" Sambit naman ni Joyce
"Oo nga pala nasan si Annah?" Pagtatakang tanong ko sa kay Ate Trixie
"Umalis sila ni mama siya yung isinama niya" Sagot naman niya agad saakin.
"Ayan na si Christian, tara na tumgots na din ako" Sambit naman ni Niyah na agad naman ito lumapit kila Christian
"Jay Meryenda daw tayo kila Tristan sabe niya" Sambit niya kay Christian "Sumama kana din saamin Fate para maka kwentuhan kana din namin" dagdag na sambit niya
"A-ah.. sorry Niyah may lakad kase ako mag papasama din ako kay Jay, hindi kame makakasama sainyi diba baby?" Sambit ni Fate habang naka kapit ito sa baro ni Christian.
"Sunod na lang ako sainyo nag papasama kase si Fate" Sambit na lang ni Christian.
"Okay sige sabe mo eh" Sambit na lang ni Niyah at saka bumalik kila Joyce
"Ako lang ba ang na iirita na sa kaniya" Pa bulong na sambit ni Ate Trixie kaya na patingin ako sa kaniya. tinignan niya lang din ako at saka na una nag lakad saamin.
"Love tara na" Tawag na sambit ni Tristan saakin tinignan ko lang siya at saka tinarayan at sumunod na lang din kay Ate Trixie.
Pag dating namin sa bahay nila Tristan ay sinalubong agad kame ng mommy niya agad naman bumati sila Ally
"Hi po tita" Sambit ko at naki pag beso at yumakap sa kaniya.
"Hi ika, oo nga pala kamusta yung laro nila Tristan nabalitaan ko na nag kagulo daw sila ano bang nangyari?" Pag aalalang tanong ng mommy niya agad naman ikinuwento ni Leon ang buong nangyari.
"Dapat mga ganung kabataan hindi na sumasali sa laro lalo na kung pikon" Biglang sambit ng daddy ni Tristan na kararating lang.
"Honey nandyan kana pala. sakto gumawa ako ng Meryenda kumain kana din" Sambit ng mommy ni Tristan
"Hello po Tito" bating sambit ko sa kaniya.
"Magandang tanghali po"
"Hello po"
"Kain po kayo, sabay na po kayo saamin"
Bating sambit naman nila sa daddy ni Tristan.
"Nagamot ba yang mga sugat mo" Sambit ng Daddy ni Tristan sa kaniya.
"Yes po dad, Okay lang naman po kame" Sagot agad ni Tristan sa daddy niya.
"Hindi niyo ata kasama si Christian. nasaan ang kuya mo leon" Biglang tanong niya saamin.
"Kasama po ni Fate. sinamahan niya girlfriend niya" Sambit agad ni Leon sa kaniya
"Si Fate ang girlfriend ng kuya mo hindi ba yung anak ni Richard?" Sambit niya kay Leon na nag tataka
"Opo" sagot naman ni Leon sa kaniya
"Oo nga pala Trixie, nakita ko ang kapatid mo kanina sa Mall, may kasamang lalaki may nobyo na ba yang kapatid mo?" Sambit naman ulit ng Daddy ni Tristan nag ka tinginan naman kaming lahat sa isa't isa bago nag salita si Ate Trixie.
"Opo sabe niya sila na daw po ni Jeremiah" Sagot agad ni Ate Trixie sa kaniya.
Agad naman nag taka ang mommy ni Tristan ganun din ang daddy nito.
"Jeremiah? sinong Jeremiah?" Pag tatakang tanong ng mommy nito
"Jeremiah Johnson Guinto po" Sagot ko naman agad sa daddy ni Tristan.
"Guinto? yung anak ni Jeric Guinto baiyon?" Kunot noong tanong ng daddy ni Tristan kaya sabay sabay namam kaming tumango sa kaniya bilang sagot agad napatingin ang mommy ni Tristan sa asawa nito.
"Paniguradong magagalit ang daddy nyo Trixie pag nalaman niya ito" Sambit agad ng Mommy niya.
"Hindi lang pati si Ernie Eh magagalit yung step dad nila Trixie, Ang alam ko panaman ay ayaw na ayaw ni Ernie sa batang iyun hindi ba?" Sambit ng daddy ni Tristan
"Panigurado po, Kung pwede po sana hindi po muna makarating kay mommy at tito daddy yung about kila Annah at Jeremiah kung okay lang po Tito Jamson" Pakiusap na sambit naman ni Ate Trixie sa daddy ni Trixie
"Oo naman, hindi kame mahihimasok sa inyo dapat marunong na kayong umayos ng mga darating niyong problema, pero kung kay langan nyo naman ng tulong nandito lang kame sa likod nyo handa kaming umalalay sainyo, pero saakin lang ikaw ang ate ni Annah pag sabihan mo ang kapatid mo nako paniguradong pati ikaw eh mapapagalitan ng mommy mo" Sambit na bilin ng Daddy ni Tristan sa kaniya agad naman itong tumango.
"Grabeng life ito complicated na ang lala"
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!