TRIXIE Point Of View
"Akala ko ba bukas pa yun! Sabe mo sa 24!."
Inis na sambit ni Annah ng biglang tumawag si Jeremiah sa kaniya. Nag ka tinginan na lang kami ni Ally. Napa kibit balikat na lang din kame.
"Ano bayan ayusin mo naman kase!, Ayan problema sayo. Tinatanong. Oh ngayon kasalanan ko nanaman. Dapat lang!. Problema kase sayo sarili mo lang iniisip mo. Wow! Sige ako na ako naman palagi!. Ewan ko sayo!"
Galit na ibinaba ni Annah yung at napapasambunot na lang ito sa sarili niyang buhok.
"Kayo na ba niya ni Jeremiah kung magalit ka naman parang Girlfriend kana niya."
Seryosong sambit nalang ni Ally.
"Parang tanga! Tinatanong ko kelan niya gagamitin sabe niya sa 24! Puro siya 24 eh Bukas pa yung 24. Tapos tatawag siya kase ngayon daw pala kaylangan!"
Galit at inis na sambit ni Annah. Na napapa buntong hininga na lang ng malalim.
"Oh. anong ganap nyo? Di ba kayo papasok?"
Tanong ni Christian ng makita niya kaming tatlo na nandito sa sala.
"Maaga pa naman saka 12pm pa pasok wag kang atat."
Pagalit na sambit ni Annah sa kaniya na napakunot naman ang noo nito.
"Anong oras na 10:20 anong oras kayo natatapos sa sarili niyo halos dalawang oras."
Seryosong sambit ni Christian kaya tumayo naman na agad si Ally.
"Uuwi na ko baka biglang may balde bumushos na lang saatin eh"
Sambit ni Ally sa kaniya at dali-daling lumabas sa bahay. Tinignan naman kame ni Christian ng seryos kaya tumayo na din kaming dalawa ni Annah.
"Ito na mag gagayak na kulang na lang umapoy ka diyan eh HAHAHAH"
Pang aasar na sambit ni Annah at patakbong umakyat sa taas.
"Kumain ka muna diyan. Mag aayos lang kame."
Sambit ko sa kaniya at iniwan siya sa sala.
"Si tita Wala?"
Pahabol na tanong ni Christian.
"Mga nag outing feeling mga bagets kasama mama nila Dessie nag batangas ata"
Pa sigaw na sambit ko dahil papasok na ako ng kwarto. Pag pasok ko ay inihanda ko na lahat mga gamit at uniform na susuotin ko. Kinuha ko na din ang towel ko bago ako pumasok sa loob ng banyo.
"Sabe na halos isang oras talaga tapos nyo"
Salubong na sambit ni Christian saamin habang kumakain sa sala. Nandito nadin pala si Ally.
"Nauna pa si Annah na maligo sayo pero mas nauna kang natapos?"
Sambit padin ni Christian. Tumayo ito para magligpit at mag hugas ng mga pinag gamitan niya. Maya-,maya ay bumaba na din si Annah dala-dala mga gamit niya.
"Si Christian?"
Pag hahanap na sambit ni Annah. Ng mapansin niyang wala si Christian sa sala.
"Nag huhugas ng mga pinagkainan niya"
Sagot naman ni Ally. Sa kaniya.
"Tara na baka malate na tayo"
Sambit ni Christian pagka labas niya galing ng kusina agad niyang kinuha ang bagpack niya at isinukbit sa isa niyang balikat.
Nilock ko naman yung gate pag labas namin nauna naman sumakay ng kotse sila Annah at Ally. Nasa back seat sila kaya naupo ako sa shotgun seat.
Agad naman inistart ni Christian yung sasakyan. Pagkarating namin sa tapat ng school ay bumaba na kame hinintay lang namin si Christian na makapag park para sabay sabay na kame maka pasok sa loob.
"Dito na kame Trix kita kita na Lang sa break time"
Sambit ni Christian nag paalam din si Annah, Ally saakin. Dahil mag ka iba kame ng grade iba din ang building ko sa kanila nasa 4th year palang sila at ako ay nasa 11th grade na.
Pag dating ko sa building namin ay sinalubong naman agad ako ng mga kaibigan ko na sila Francine at Hazel.
"Be Buti di late"
Natatawang sambit ni Hazel saakin. Madalas naman kase talaga akong late noon. Pero di na ngayon.
"Laging maaga kase yung kaibigan namin. Ayaw kase nun na lalate"
Sambit ko na lang sa kanila damating naman din ang isa sa mga kaibigan namin na lalaki si Carlo.. ang mahilig mang asar at mang bwisit.
"Wow! Ikaw yan Trixie aga nadin mare ah Apir!"
Sambit niya at itinaas niya pa nga ang kamay niya para makipag apir. Kaya napa irap na lang kaming tatlo sa kaniya.
"Ayan limang piso hanap ka ng kaibigan diyan"
Sambit ni Francine sa kaniya at binigyan niya pa nga talaga ng limang peso coin.
"Tara na pasok na tayo sa loob baka humangin pa at matangay tayo ng di oras dito."
Pang aasar naman na sambit ni Hazel at saka niya hinatak ang braso ko.
"May mamunuo nanaman na sama ng panahon"
Pang gagatong naman na sambit ni Francine.
"Ang sasama ng ugali nyo bad influence kayo kay Trixie boy!"
Sambit ni Carlo sa kanilang dalawa at tumawa sumabay din siya pag pasok ng classroom.
Pag pasok namin ay naupo na agad kame sa kaniya kaniya naming puwesto mag kakatabi lang naman kaming apat. Maya-maya ay dumating na din ang unang teacher naman si Ms. Florence. Siya ang teacher namin sa Entrepreneurship.
Nag discuss lang siya ng saglit dahil may biglaang meeting sila sa faculty.
"Paki usap lang walang dadaan sa faculty build naiintindihan pwede na kayo mag break time matagal-matagal din meeting namin"
Sambit ni Ma'am Florence at lumabas na ng classroom.
"Trix, tara sabay na tayong mag break time"
Pag yayang sambit ni Carlo saakin.
"Sorry. Next time na lang sasabay kase ako kila Christian ngayon hanggang sa pag lunch"
Sambit ko sa kaniya at ngumiti ng pilit.
"Di mo na ko binibigyan ng time"
Sambit ni Carlo pabulong niya pang sinabe yun pero rinig naman naming tatlo.
"Huh? May sinasabe ka ba?"
Pag kukunwaring di ko narinig yung sinabe niya.
"Wala sabe ko sige next time na lang"
Sambit niya sabay kamot sa ulo niya at ngumiti na lang saakin.
"Sige na mare next time na lang sumabay kana saamin"
Sambit ni Francine saakin habang nag lalagay ng liptint.
"Alam mo Carlo. Nevermind libre ka na alang namin nitong ni Francine ng hopia tutal hopiang hopia ka naman today"
Pag aasar na sambit ni Hazel sa kaniya at nakipag apiran pa kay Francine na sinang ayunan naman niya.
"Promise babawi ako sa kaniya. Mauuna na ko bye"
Paalam na sambit ko sa kanila at nauana na ko sa kanila lumabas ng Classroom.
TO BE CONTINUED
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!