DESSIE Point of View
"Paano na ngayon si Ica?"
Napatingin ako kay Joyce ng sabihin nya yun. agad naman siyang. umupo sa tabi ng higaan nito habang hinahaplos niya ang ulo ni ica. napansin ko ding may luhang tumulo sa mga mata niya.
"Joyce...." Mahinang sambit ko sa kaniya "Paano? paano natin sasabihin kay Ica.. mga nangyayari?" Sambit ko ng lumapit ako sa kaniya.
Sa totoo lang nabigla kame ng malaman namin yung nang yari kay Tita Niña kaya agad kameng nag punta dito maski sila mama hindi maka paniwala sa nangyari sa mama ni Ica.
Sabay kaming napatingin ni Joyce kay Ica ng magising ito. "Ica" sabay naming sambit sa pangalan niya.
"Des.... Jo-Joyce... si ma-mama ko..." sambit niya agad habang umiiyak, napaluha na lang ako ng makita ko kung paano nasasaktan ngayon si Ica.
"Ica.... please kumalma ka muna please" sambit agad ni Joyce ng mag wawala nanaman si Ica
"Gusto kong makita si mama" Iyak niya pading sambit napatingin naman ako sa pintuan ng pumasok sila Leon at Tristan, agad naman lumapit si Tristan kay Ica at saka niya ito niyakap.
"Nasan sila Ally at Christian?" Pag tatakang tanong ko kay Leon.
"Sinamahan ni Kuya si Ally sa Pharmacy may pina bibili din kase yung doctor na gamot para kay Ica" Sambit iya at saka tumingin kay Ica. "Oo nga pala Si Niyah sinamahan niya sila Tito Min para mag asikaso sa magiging burol ng mama ni Ica"
Napa buntong hinga naman ako ng malalim at na upo sa upuan. "Naawa ako kay Ica, wala na yung mama niya yung papa naman niya hanggang ngayon wala" Sambit ko agad naman lumapit si Leon para hawakan yung kamay ko.
"Wag kana mag alala, magiging okay din si Ica, Kahit wala na yung mommy niya babantayan naman siya nun, at isa pa kasama niya pa naman mga Tito niya, tayo-tayong mga kaibigan niya at ni Tristan hindi natin pababayaan si Ica okay" Sambit niya kaya na patango naman ako sa mga sinabe niya pero hindi parin naalis yung pag aalala ko sa para kay Ica.
"Gising kana pala" sambit ni Ally ng bumalik sila ni Christian.
"Gusto ko ng umuwi" Malungkot na sambit ni Ica.
"Makakauwi ka din hintayin na lang natin yung doctor na mag sabe" Sambit naman ni Christian
"Kumain ka muna nito para maka inom ka ng gamot mo oh" Sambit ni Ally habang hawak hawak niya yung kotsara na may kanin at ulam para isubo kay Ica pero ayaw niya talaga ito kainin kahit isang subo man lang sana.
"Sorry.. wala talaga akong ganang kumain Ally.." Sambit niya na may malungkot na tono.
"Doc. kaylan po ba makakalabas ang girlfriend ko?" Salubong na tanong agad ni Tristan pag pasok na pag pasok pa lang ng doctor.
"Pwede na siyang makalabas mamayang hapon" Sambit niya tinignan niya naman si Ica, ng makita niyang okay na si Ica ay sinabe naman na niya na ubusin na lang daw yung laman ng dextrose nito.
"Sige po doc salamat" Sambit naman ni Tristan, lumabas na din naman yung doctor kasama yung isa niyang Nurse.
"Lalabas lang ako aasikasuhin ko lang yung hospital bills ni Ica" Sambit ni Christian ng tumayo ito.
"Samahan na kita" Sambit naman ni Joyce kaya sabay na silang lumabas ng kwarto ni Ica.
Nakahiga lang si Ica habang umiiyak hinayaan na lang namin siyang umiyak muna, nasa tabe naman niya si Tristan.
"Oo nga pala Ly Uuwi kapa ba? or hihintayin mo na lang din si Ica makalabas" tanong ko sa kaniya.
"Sabay sabay na lang tayo, ganun din naman ilang oras lang naman makakalabas na si Ica" Sambit naman ni Ally.
"Tatawagan ko na lang si Mang ding para mag pasundo yung van na lang gamitin natin para kasya tayong lahat" Sambit ni Leon agad niyang dinukot yung cellphone niya sa bulsa at saka may tinawagan.
Bandang alas tres na ng hapon na discharge si Ica, kame na din yung nag ayos ng mga gamit niya. Pag labas namin ng hospital ay nandoon na si Mang ding yung driver nila Leon nag hihintay saamin, Si Tristan na lang din yung nag bitbit ng gamit ni Ica. ng maka pasok na kame sa loob ng sasakyan ay tahimik lang ang lahat saamin. Habang nasa byahe kame pauwi ay naka tangap naman kame ng message namin sa GC galing kay Niyah.
[ Niyah: " ingat kayo pauwi" ]
Nang makarating na kame ay may naka lagay ng mga tent sa tapat ng bahay nila Ica may mga tao na din. napatingin pa ang iba saamin.
"Tristan alalayan nyo si Ica" Paalalang sambit naman ni Joyce sa kaniya na agad naman tumango si Tristan at Christian.
Nandito din paa sila Mama, Tita angela mama nila Annah At ate Trixie parents ni Tristan, nila Leon at si Tita Flora mommy ni Ally. nakaalalay naman sila Christian at Tristan kay Ica tahimik lang siya hanggang sa makalapit ito sa mommy niya.
"Naawa ako kay ica"
"Masyado pang bata si Ica para iwan ni Niña"
"Condolences sainyo"
" Condolence Ica"
"Wala ng magulang si Ica"
"Paano na siya ngayon"
"Mga tito na lang ang nasa tabe niya"
"Nag iisang anak panaman siya"
"Okay na ba si Ica Des?" Tanong ni Mama saakin ng maupo kame sa kung saan sila naka puwesto.
Tumingin na muna ako kay Ica na inaalalayan nila Tristan at Christian na ngayon ay umiiyak na siya.
"Hindi po, pero hindi na siya nag wawala di tulad ng una may gamot naman na po kameng dala ma para po sa kaniya" Sambit ko kay mama
"Pag nag usap kayo ni Ica sabihin mo na doon muna siya saatin" Sambit ni mama habang naka tingin siya kay Ica.
"Ma pwede po bang samahan na lang namin si Ica muna dito?" Sambit ko sa kaniya na pinayagan naman niya agad ako.
"Des." Napalingon ako ng tawagin ako ni Annah kasama niya si Ate Trixie at na upo silang dalawa sa tabe ko.
"Nasan sila Ally?" Pag hahanap na tanong ni Annah saakin.
"Nasa loob taas ata kasama si Joyce at Niya inakyat lang nila mga gamit ni Ica sa kwarto niya.
"Kawawa naman si Ica no wala na si Tita Niña" Sambit namam ni Annah.
"Nandito naman tayo saka Tito niya sila mommy pwede niyang maging mama si mama at sila Tita Analy" Sambit ko sa kaniya.
Tumayo naman ako ng mapansin kong pinapaupo na nila Tristan si Ica kaya lumapit agad ako sa kanila may mga kamag anak naman na ding dumating sila Ica yung iba ay lumapit pa kay Ica para sa pakikiramay nila at niyakap pa ito sa mantalang naka tulala lang si Ica at tahimik.
"Ica gusto mo ba munang mag pahinga kalalabas mo pa lang sa hospital" Sambit agad ni Joyce ng dumating silang talo ni Ally at Niyah.
"Hindi kapa pwedeng mag puyat Ica" Nag aalalang sambit ko naman sa kaniya.
"Okay lang ako gusto ko dito lang ako sa tabe ng mama ko" umiiyak na niyang sambit agad naman siyang niyakap ni Tristan para patahanin.
"Dito na muna kayo tutulungan na lang namin sila na asikasuhin yung mga bisita nyo" Sambit naman ni Christian at saka niya niyaya sila Ate Trixie at Niyah
"Sabihin mo lang kung nagugutom kana at gusto mong kumain ah kanina kapa hindi kumakain eh actually kahapon pa" Sambit naman ni Ally sa kaniya.
"Kuhaan na lang kita ng makakain if ever gusto mong kumain" Sambit naman ni Annah kaya tumayo ito paraag punta sa kusina hindi naman nag salita si Ica naka tingin at tulala lang siyang naka tingin sa mama niya.
"Kayo muna bahala kay Ica kakausapin ko lang muna sila Tito Min at Tito Erman" Sambit naman ni Tristan agad naman namin siyang tinanguan. at nag punta naman siya agad kung saan naka tayo yung Tito ni Ica
"Nandito lang kame lagi sayo Ica, Sige lang umiyak ka lang ng umiyak ilabas mo yang sakit na yan" Sambit naman ni Joyce sa kaniya.
Sobrang sakit na makita mo kaibigan mong nasasaktan ng sobra lalo na ngayon na nawala pa yung pinakakamahal niya sa buhay.
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!