Chapter 12 of 23

Chapter 11

He's The Campus Heartthrob2,146 words~11 min read

Hindi ko namalayan na halos isang buwan na pala akong pumapasok sa university.

Ang dali talagang lumipas ng panahon. At mag bi-birthday na ako sa susunod na araw.

Excited na ako pero may bahagi sakin na malungkot. Wala kasi akong kasama na mag celebrate ng birthday ko. Hindi makauwi si mama. At wala na si papa. Tsaka wala naman akong kamag anak na kilala ko. At wala din akong kaibigan.

Napakalungkot ng buhay ko. Hayst.

Siguro ako na lang ang mag ce-celebrate ng birthday ko. Pupunta ako sa puntod ni papa at i-video call ko si mama. Para kahit papano magkakasama kami kahit sa tawag lang.

At saktong sakto kasi sa linggo na ang birthday ko. Mabuti nga at walang klase.

Bibili na lang ako ng maliit na cake. At isasama ko na din ang bulaklak para ilagay sa puntod ni papa.

Para akong maiiyak na nakaupo dito sa upuan ko. Lunch break na ngayon pero andito pa din ako at nakaupo. Wala kasi akong ganang kumain. Hindi naman ako nakakaramdam ng gutom. Weird.

Ako lang mag-isa dito sa classroom. Lumabas na kasi yung iba para mag lunch.

Pati yung tukmol lumabas na din pero niyayaya pa niya ako kanina. Pero sinabihan ko na ayaw ko kaya wala siyang nagawa. Si Zander naman hindi pumasok. Di ko alam kung anong dahilan kung bakit absent.

Nag susulat ako ng notes sa biology. Ang dami ngang dapat pag aralan. Kasi lalabas daw yung tinuro ng prof. sa exam.

Nangangalay na ang kamay ko kaya huminto muna ako sa pagsusulat at hinilot hilot. Nakaka 5 pages na ako sa pag susulat. Pero di pa din ako matapos tapos.

Habang hinihilot ko ang kamay ko may pumasok na sa pinto. Nakita ko si Clark na may dalang paper bag habang papalapit sakin.

Seryoso siyang naglalakad papunta sakin. Nakakunot pa ang noo habang tinitignan ang kamay ko.

Hininto ko naman ang pag hilot sa kamay ko. Mukhang may galit siya dun eh. Charot lang hehe.

"Here. Eat this." sabi niya habang nakalahad sa harapan ko ang paper bag na hawak niya.

Huh? Di ko naman siya sinabihan na bilhan ako ng pagkain. Tsaka di pa naman ako gutom. Mga 50% pa lang naman hehe.

"Sayo na lang. Hindi pa naman ako gutom." pagtatanggi ko sa dala niya.

Tsaka nakakahiya naman sakanya. Palagi niya na lang akong nililibre. May hiya pa naman ako ng konti.

"Take it. I bought this for you." pagpipilit niya.

Kinuha ko naman yun kasi sayang. Hindi dapat tinatanggihan ang grasya. Hehehe.

"Sige na nga. Mapilit ka eh."

Napangiti naman siya ng kinuha ko na yung paper bag.

Happy yarnn?

"Good girl." sabi niya at umupo na sa tabi ko.

Binuksan ko yung paper bag at bumungad sakin ang ibat ibang pagkain.

Napakarami. Siguradong mabubusog na naman ako.

"Ang dami naman nito. Bibitayin mo ba ako?" nagtatakang tanong ko.

Nangunot naman ang noo niya.

"Of course not."

Sige. Sabi mo eh. Hehehe.

Nilabas ko na isa isa at binuksan ko na din. Sumalubong agad sakin ang mabangong amoy nito. Mukhang kakaluto pa lang. Umuusok usok pa kasi eh.

Yung iba alam ko yung pangalan pero ang iba hindi pamilyar sakin. Pero kakainin ko pa din. Pagkain pa din kasi yun eh.

Pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko sa lahat ng pagkain. My favorite! Caldereta!

Yun agad yung kinain ko. Napapikit pa ako ng nalunok ko na yun. Pagmulat ko ng mata ko si Clark agad ang nakita ko. Nasa harapan ko na siya. Di ko man lang napansin na lumipat na pala siya ng pwesto. Busy kasi ako sa pagkain eh. Hehehe.

Nakatingin lang siya sakin habang nakapatong ang chin niya sa kamay. Nailang tuloy ako.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

Nakatingin siya sa labi ko. Agad nanlaki ang mata ko at tinakpan agad yun. Baka kasi kuhanin niya nanaman yung second kiss ko. Mahirap na!

Napangiti na lang siya. At dahan dahan na tinataas ang kamay niya. Inalis niya yung kamay ko na nakatakip sa bibig ko. Nang maalis niya saka ko naramdaman ang kamay niya sa gilid ng labi ko. Naramdaman kong pinunasan niya yun.

Pinakita niya sakin yung kaunting sauce sa kamay niya.

"Ang kalat mo kumain." natatawang sabi niya.

Pinunasan ko agad yung labi ko. Baka kasi may tira pa. Masabihan na naman akong makalat kumain. Nakakahiya pa naman!

"Sorry" mahinang sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

Nakakasubo na ako ng pang 10 subo. Tinignan ko si Clark na nakatingin lang sakin.

Nilahad ko sakanya yung ibang pagkain. Baka kasi hindi pa siya kumakain. Kahiya naman. Siya pa naman ang bumili nito tapos ako lang ang kumakain. Baka masabihan ako nito na matakaw. Konti lang naman hehehe.

"Kumain kana din. Di ko naman to mauubos." alok ko sakanya.

Umiling naman siya.

"I'm full"

Tumango nalang ako at kumain na.

Habang kumakain nagsidatingan na yung iba kung classmate. Kaya naisipan kong ligpitin ko na yun at ilagay muna sa bag ko. Mamaya ko na kainin. Sayang naman kung itatapon ko lang diba? Bawal pa naman mag sayang ng grasya. Hehehe.

"Akin na to? tanong ko. Baka kasi kunin niya sakin eh. Masarap pa naman. Marami pa kasing tira.

"Yeah. You can take it." sabi niya at lumipat na sa tabi ko. May tao na kasing uupo sa inuupuan niya kanina.

Napangiti naman ako kasi sakin na tong mga pagkain.

Nilagay ko na sa bag ko yun.

Humarap ako sakanya para magpasalamat.

"Thank you" buong galak kung sabi.

Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko.

Ano ako aso?!

Bwisit na to ah!

Pero hinayaan ko na lang yun na gawin niya. Baka kasi bawiin niya sakin yung pagkain.

Natutuwa ako kasi naging ka close ko siya. Akala ko nung una masungit siya at masama ang ugali. Pero habang tumatagal mabait naman pala siya. Kaya ang turing ko sakanya ay kaibigan. Pero di ko alam kung kaibigan din ba ang tingin niya sakin.

Pero may nararamdaman akong higit pa sa kaibigan ang turing ko sakanya. Naguguluhan na ako. Ewan.

Pumasok na ang lahat namin na kaklase kasi ng ring na yung bell. Hudyat na tapos na ang lunch break.

Pumasok na yung prof namin at nagturo. Nag focus lang ako sa pakikinig kasi malapit na ang exam. Baka kasi bumagsak ako at sayang ang scholar ko dito. Malaking tulong pa naman yun sakin.

Natapos ang lahat ng klase namin at uwian na. Lumabas na ako ng gate at nag hintay ng masasakyan. Di kami sabay ni Clark na lumabas kasi may kukunin pa siya sa office. Inutusan daw kasi siya ng prof. na kunin yung mga documents. Kaya pinauna niya na ako.

Mabilis naman akong nakasakay sa jeep. Konti lang naman ang pasahero sa loob. Kaya hindi siksikan.

Nakatingin lang ako sa labas habang nagmumuni muni. Bigla na lang nag flashback sakin yung mga alaala namin nila mama at papa. Yung mga panahon na kompleto pa kami at nag bo-bonding. Mga panahon na masasaya pa kami. Yung wala pang sakit si papa. Yung malusog pa siya. At hindi pa nanghihina.

Naramdaman ko na lang ang pag tulo ng luha ko sa pisngi ko. Pinunasan ko agad yun kasi huminto na yung jeep sa tapat ng building na tinutuluyan ko.

Dumiretso agad ako sa condo ko. Pagkapasok ko pa lang, doon na bumagsak yung mga luha ko na naipon noong panahon na kailangang ko si papa. Sinasabi ko sa sarili ko na hindi ako magiging mahina at dapat maging matatag ang loob. Noong panahon na buhay pa si papa sinabi niya sakin na huwag ako umiyak pag naaalala ko daw siya. Kasi para sa mahihina lang daw yun. Kaya hinding hindi ako umiyak noong nangungulila na ako sakanya.

Pero ngayon ko na lang nailabas yung luha ko sa matagal na panahon na yun.

Miss ko na si papa at si mama. Ang lungkot lungkot ko na dito sa condo na to.

Ilang oras muna akong umiyak bago matulog.

-

Nagising ako na mugto ang dalawa kong mata.

Naligo na ako para maglinis dito sa condo ko. Hindi ko na kasi to nalilinisan dahil busy na din ako sa pag aaral.

Hindi na ako nakakain kagabi dahil sa pagod at pag iyak.

Habang naglilinis nakaramdam ako ng gutom.

Pero wala na akong pagkain sa ref namin. Kaya wala akong makain.

Habang nagiisip kung paano ako makakakain bigla na lang pumasok sa isip ko yung mg pagkain sa bag ko. Yung binigay sakin ni Clark. Pero sana pwede pa yun makain. Kahapon pa kasi yun eh.

Kinuha ko yung bag ko at binuksan. Nilabas ko yung paper bag at dinala sa kusina.

Binuksan ko yun at laking pasalamat ko na pwede pa yun kainin. Hindi pa naman masama ang amoy kaya pwede pang kainin.

Pinainit ko muna yun bago ako kumain.

Natapos ang araw na naglinis lang ako.

Nang gumabi na natulog agad ako dahil sa pagod.

-

Kinuha ko yung selpon ko sa ilalim ng unan ko.

Nagising kasi ako dahil sa ingay nito. May tumatawag siguro.

Hindi pa bukas na tuluyan ang mata ko habang tinitignan kung sino ang tumatawag.

Si mama. Nawala agad yung antok ko.

Sinagot ko agad ito.

"Hi mama" bungad ko pagkasagot ko pa lang ng tawag.

"Hi nak. Happy birthday sa unica hija ko." masayang sabi niya.

Birthday ko na pala ngayon. Nasa legal age na ako! Yey!

"Thank you ma"

"Papadalhan kita ng pera nak para makabili ka ng handa mo ngayon. Pasensya na kasi hindi ako makauwi diyan. Alam mo naman ang dahilan diba?" malungkot niyang sabi.

Nalungkot na din tuloy ako.

"Okay lang po mama. Tsaka dun ako sa puntod ni papa mag ce-celebrate, para naman may kasama ako. At tsaka mamaya ma tatawagan kita pag andun na ako para sama sama tayo nila papa mag celebrate." mahaba kong sabi.

"Magandang ideya yan nak. Basta tawagan mo ako ha." aniya.

"Opo ma" sabi ko.

"Sige nak. Mamaya na muna. Nagluluto pa kasi ako." paalam niya.

"Sige ma. Ingat ka." paalam ko na din

Pinatay ko na yung tawag kasi maliligo pa ako at bibili pa ako ng bulaklak at cake ko.

Excited na ako!

Simple lang ang sinuot ko. Yung white dress lang naman na niregalo sakin ni mama noong birthday ko.

Lumabas na ako para bumili na ng cake.

Sa bake shop ako bumili. Maliit lang naman at chocolate flavor siya. Favorite ko din kasi ang chocolate eh.

At pagkabili ko ng cake bumili naman ako ng bulaklak sa flower shop.

Nang tapos na ako sa pagbili dumiretso na ako sa sementeryo.

Simple lang naman ang sementeryo kung saan linibing si papa.

Pagkadating ko nilagay ko agad yung bulaklak sa lapida ni papa.

"Hi papa. I miss you. Sorry kung ngayon lang ako nakabisita sayo busy na kase sa school eh. At malapit na din kasi ang exam papa."pagkausap ko sa lapida ni papa.

Kinuha ko agad yung selpon ko para sana tawagan si mama. Pero nakita ko na may chat siya sakin.

From Mama:

Nak, pasensya na kung di ako makasali sa pag celebrate mo. Biglaan kasing dumating yung amo ko at may okasyon dito. Ako kasi nag aayos ng mga pagkain eh. Pasensya na talaga nak. Babawi na lang ako.

Nalungkot ako ng mabasa ang chat sakin ni mama. Hindi na naman kami kompleto.

Nireplyan ko na lang siya na ayos lang at naiintindihan ko.

Nagsimula na naman na bumagsak yung mga luha ko. Mag isa kong hinipan yung kandila sa cake habang umiiyak.

Palagi na lang akong magisa.

"Bakit kasi iniwan mo ako papa?" umiiyak kong tanong dito.

"Alam mo naman na di ko kaya na mawala ka sakin pero ginawa mo pa din. Ang daya mo papa." patuloy pa din ako sa pag iyak.

Ang kailangan ko lang ngayon ay yung masasandalan sa lungkot na nararamdaman ko.

Kinuha ko yung selpon ko at tinext si Clark. Sinabi ko na andito ako sa sementeryo. Si Clark lang kasi ang kilala kong handa akong damayan ngayon.

Binalik ko na yung selpon ko sa bag ko.

Ilang minuto muna akong nag hintay bago makarinig na may tumawag sakin.

"Riah" tawag niya sakin pag ka lapit niya pa lang.

Magsasalita pa sana siya pero umiyak na ako. Nataranta siya kung anong gagawin niya. Umupo siya sa tabi ko at hinayaan akong umiyak.

"M-miss ko na si papa, Clark." umiiyak na sumbong ko sakanya.

Wala naman siyang kibo at hinayaan lang ako.

"A-ang daya niya kasi iniwan niya a-ako." iyak ko nanaman.

Wala akong paligoy ligoy na niyakap siya. Nabigla siya sa ginawa ko pero wala na akong pakialam kasi siya ang nandito sa tabi ko.

Naramdaman ko na din ang pag yakap niya sakin. Kaya napaiyak na naman ako.

Hinahagod niya yung likod ko. Naramdaman ko din ang pag halik niya sa ulo ko pero wala na akong pakialam.

"Don't cry, please. It hurts when I see you crying.

••••••••

(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠)

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!