Chapter 14 of 23

Chapter 13

He's The Campus Heartthrob1,779 words~9 min read

Pumasok na ako sa loob na gulo pa din ang isip.

Hindi ko maintindihan ang inaasta ni Clark. At nakita ko kanina na galit na galit talaga siya. Tsaka anong ginagawa niya dito?

Sumasakit na tuloy ang ulo ko dahil sakanya. Hayst.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para mag palit ng pambahay na damit. Ang init na din kasi.

Pagkatapos kong magpalit, dumiretso ako sa sala at umupo sa sofa. Iniisip ko pa din ang nangyari kanina. Bakit nagagalit siya?

Ang weird ng inaasta niya kanina.

Tumayo na lang ako at pumunta na sa kusina para kumain. Konti lang ang kinain ko kasi wala akong gana. Pagkatapos kong kumain pumasok na ako sa kwarto ko para matulog.

Nakakapagod ang araw nato.

-

Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Kaya tinignan ko ito, 6:15 pa lang naman. Maaga pa kumilos para pumasok.

Pero kahit maaga pa ay bumangon na ako at pumunta na sa banyo. Pagkatapos ko pumunta na ako sa kusina para magluto ng almusal.

Nagluto lang ako ng fried rice at nag prito ng itlog at ham. Gatas na din ang ininom ko, mas sanay kasi ako sa gatas, di ko kasi bet ang kape. Nakasanayan ko na siguro.

Pagkatapos kumain dumiretso na ako sa banyo para maligo. Warm water ang ginamit ko kasi nilalamig din ako ng konti. Mag papasko na kasi. Excited na ako kasi uuwi si Mama pag pasko. Can't wait!

Lumabas na ako sa apartment ko at ni lock ko na din. Naghintay lang ako ng masasakyan papunta sa university. Laking pasalamat ko at may dumating agad.

Mabilis naman akong nakarating sa university kaya bumaba na ako at nag bayad ng pamasahe.

Konti pa lang ang nakikita kong estudyante, maaga pa kasi, 7:10 pa lang naman, 8:00 kasi ang time eh.

Pagkapasok ko sa room nilibot ko kaagad ang tingin sa loob. Mga 5 pa lang naman. Dumiretso agad ako sa upuan ko at binuksan ang bag, balak ko kasing mag review, mag papa-quiz kasi yung prof. namin sa History. Mahirap na baka bumagsak pa ako.

Nagsimula na akong basahin ang mga notes ko ng may kumalabit sakin. Nagtataka naman akong napalingon dun sa tao.

"H-hi" nahihiya niyang bati habang kumakamot sa batok.

Napanganga nalang ako kasi ang ganda niya.

Ang puti niya at para siyang koreana. At mahaba ang buhok niya na straight. At kung titignan mo ang mukha niya makikita mo na para siyang inosente.

Ganda niya.

"Hi din" nakangiti kong bati sakanya.

"Pwede bang makipag kaibigan? I know this is awkward but I don't have any choice but to be friend to you. Ikaw lang kasi ang pasok sa standard ko maging kaibigan hehe." natatawa niyang sabi.

Namangha naman ako sakanya. Masyado siyang frank sa sinasabi niya. Pero okay na yun, kesa naman sa mga plastik diba?

Tumango naman ako. Siya pa lang kasi ang babae na nakipag kaibigan sakin dito sa room. Kaya natuwa naman ako kahit papano.

Napa palakpak naman siya na parang success siya sa mission niya. Hehe. Nakakatuwa.

"So friends na tayo?" tanong niya.

Tumango naman ako. Nabigla pa ako ng tumabi siya sakin at niyakap. Wala akong kibo ng binitawan niya na ako.

Natawa siya sa naging reaksyon ko.

"Sorry. I'm just so happy that I have a friend like you. By the way, your so pretty." she giggled.

Bigla naman akong nahiya dahil sa compliment niya.

"Pretty ka din naman." nahihiyang sabi ko.

"Yeah. We're both pretty, but i think we're gorgeous." she said and giggled.

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Ano pala ang ginagawa mo?" tanong niya.

"Reviewing. Remember, we have a quiz in history?" nakataas kilay kong tanong. Mukha kasing nakalimutan niya na may quiz kami mamaya. Siya lang kasi ang nakikita kong hindi nag re-review.

Dahil sa sinabi ko bigla na lang siyang napatayo, at nanlalaki ang mata dahil sa gulat.

"Shocks! Oo nga! Bat ko ba yun nakalimutan. Bye na muna mag re-review lang ako ha. Tsaka sorry hindi kita masasamahn mas sanay kasi akong mag isa mag review. Sorry." aniya.

Umiling naman ako.

"Okay lang. Mas sanay din ako mag isa eh." nakangiti kong sabi.

Tumango na lang siya at pumunta na sa upuan niya. Nakaupo siya sa 3rd row at nasa tabi ng bintana, kaya hindi ko talaga siya napapansin pag papasok ako, malayo kasi eh. At hindi naman ako tumitingin sa paligid.

Binalik ko na lang ang tingin ko sa notebook ko kasi nagsisimula na din siya mag review.

Binasa ko lang yung mga important details ng lesson namin kasi mas mapapadali ka sa pag aaral, kung babasahin mo pa kasi lahat mas lalo kang mahihirapan sa pag-aalala ng mga topic.

Tinago ko na yung notebook ko kasi nag ring na yung bell at pumasok na din yung prof. namin at may dala na siyang test paper para sa quiz.

Pero ngayon ko lang napansin na wala pa si Clark. Asan kaya yun?

Hindi pa naman maganda yung pagkikita namin kahapon. Hindi ko alam kong anong problema niya. Basta basta na lang nagagalit ng walang dahilan. Hayst.

Nilibot ko yung paningin ko at nakita ko si Zander. Nakatingin lang siya sa unahan at tulala. Mukhang may problema siya kasi ang tamlay niya tignan. Mamaya ko na lang siya kakausapin.

Napaayos na ako ng upo ng magsalita na yung prof. namin. Hinahanda niya na yung test paper. Kinakabahan tuloy ako.

"Get ¼ sheet of paper and number it from 1 to 50. Yesterday l told you class to review your notes, so i was expecting that all of you have all passing scores. Understood?" ani ng prof. namin.

Tumango naman kami lahat.

Nasa kalagitnaan na yung prof. namin sa pagbigay ng test paper nv biglang bumukas yung pinto. Nabaling yung tingin namin dun.

Laking tuwa ko na lang na si Clark anv pumasok. Tatanungin ko kasi siya about dun kahapon.

Seryoso siyang naglalakad at naka sabit yung bag niya sa kanan na balikat. Ang hot niya tignan hehe.

Dirediretso lang ang tingin at akala ko uupo siya sa tabi ko pero nagulat ako ng lagpasan niya ako at pumunta sa likod kong upuan. Ayaw niya na ba akong katabi?

Bat kaya siya lumipat. Hindi naman nagbigay ng sitting arrangement yung prof namin ah.

Tumingin ako sakanya at nakakunot lang ang noo niya.

At ang napansin ko hindi niya pa ako tinitignan kahit isang sulyap lang. Nakasimangot tuloy akong humarap sa unahan.

Nagsimula na kaming sagutan yung test paper. Yung iba ay madali lang naman kasi yun yung mga lumabas sa nireview ko. Pero may lima akong hindi pa nasasagutan kasi nalilito ako. Nireview ko to kanina pero nakalimutan ko agad.

Pero nilagay ko na lang yung sa tingin ko ay tama.

Sana tama yung mga sagot ko. Please.

Pinasa na namin sa unahan kasi tapos na yung time.

Pero ang inaalala ko ay si Clark, absent kasi siya kahapon so hindi niya alam na may quiz kami ngayon. Baka di siya nakapag review.

Ang dali lang lumipas ng oras at lunch time na naman. Balak ko sanang kausapin si Clark, kaso gutom na gutom na ako kaya mamaya na lang. Tumayo na ako para pumunta sa cafeteria ng nag salita si Clark sa likod ko. Kilala ko na yung boses niya kaya alam kong hindi ako nagkamali.

"Buy me some foods. I want 5 dish of food." seryosong sabi niya.

Napatingin naman ako sakanya, baka kasi hindi ako yung kausap niya. Pero pagtingin ko sakin siya nakatingin. At ngayon niya lang ako binalingan ng tingin ah.

Tinuro ko yung sarili ko, baka kasi iba eh. Pero tumango siya at nag labas ng pera sa wallet niya.

Napanganga na lang ako sa nilabas niyang pera. Lahat kasi yun ay one thousand. Ang yaman.

Hurry up! I'm hungry!" malakas na sigaw niya ng hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

Pero ang mas nagulat ako ay ang pag sigaw niya sakin. This is the first time he raised his voice to me. Ano ba ang ginawa ko sakanya para magkaganyan siya?

Walang pag aalinlangan kong kinuha ang pera, sa takot na sigawan niya na naman ako.

Pagdating ko ay bumili agad ako ng mga pagkain niya. Yung masasarap ang binili ko, baka kasi mag reklamo. Pagkabayad ko ay tumakbo na naman ako papuntang classroom. Ang layo pa naman ng cafeteria sa classroom namin.

Pagdating ko sa room namin ay hinihingal pa akong naglakad.

Nakita ko siyang nakaupo at seryoso pa din ang mukha.

Nabaling ang tensyon niya sakin ng nasa tapat niya na ako.

Inabot ko sakanya yung plastic na may laman na mga pagkain at yung sobra na din na perang pinadala niya.

Kinuha niya yun at nilapag sa mesa. Hindi muna ako umalis baka kasi may ipapautos pa. Ngayon ko lang naalala na may deal pala kami, 1 month pa naman yun.

Hayst.

Nagugutom na talaga ako!

"Wala akong tubig, bilhan mo ulit ako." utos niya nanaman.

Inabot niya sakin yung pera at kinuha ko naman yun at pumunta ng cafeteria.

Pagdating ko sa classroom ay nakaupo pa din siya at hindi ginagalaw ang mga pagkain.

Nahihirapan na din akong huminga dahil sa pagod. Baka atakihin ako ng asthma. Mabuti at nadala ko yun. Pinilit kasi ako ni mama na dapat palagi ko yun dala. In case of emergency daw.

Nanlalabo na din yung mata ko at parang wala na akong malanghap na hangin. Taas baba na din yung dibdib ko.

Bat ngayon kapa umatake? Bwisit naman oh.

Nakita ko siyang nakakunot ang noo at nalilitong nakatingin sakin.

Hindi ko na lang yun pinansin at kinuha na yung bag ko sa upuan. Aligaga pa ako sa paghanap kasi di ko na makita dahil nahihilo na ako.

Sa sobrang pagkahilo ko nabitawan ko na yung bag. Dahilang para malaglag lahat ng gamit ko.

Asan na yun.

"H-hey." rinig kong tawag ni Clark sakin.

Patuloy pa din ako sa pag paghanap kahit nanlalabo na ang paningin ko. Nakaluhod na ako sa sahig habang kinakapa ang mga gamit.

"W-what's wrong?" sabi niya at hinawakan na ang braao ko at pinaharp sakanya.

"I-inhaler." nahihirapan kong sabi.

Nanlaki naman ang mata niya at siya na ang humanap ng inhaler.

Pagkahanap niya ay agad niya itong binigay sakin.

Dali dali ko naman itong nilagay sa bibig ko para makahinga na ng maayos.

Ilang minuto din akong naghahabol ng hininga bago naging maayos ang pakiramdam ko.

"I-im s-sorry. I-i didn't know." nakayuko niyang sabi sa harap ko.

Hindi muna ako umimik at hinayaan siyang nakayuko.

Nakita kong umiiling-iling ang ulo niya at may binubulong. Pero may salitang hindi naka takas sa pandinig ko.

"Fuck. What l have done. How can I hurt my b-baby.

•••••••••

(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠)

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!