"Girl, sama tayo mag lunch." aya sakin ni Chelsea.
Kakatapos lang kasi ng klase namin at lunch time na. Hindi naman ako makatanggi kasi nakakapit na siya sa braso ko. Kaya wala na akong kawala.
Pumunta na kami sa cafeteria at walang pinagbago, nasa amin agad ang mga titig nila, or sabihin ko na lang na saakin mismo.
Hi di pa ba sila maka move on? Three months have passed. My god! Ang mga tao talaga dito.
Hinayaan ko na lang sila at nag diretso na lang sa paglalakad. At itong katabi ko naman ay ngiti ngiti lang habang kapit na kapit sa braso ko. Para siyang mawawala na bata. Hehehe. Ang cute.
Umorder na kami ng pagkain namin. Balak niya pa nga akong librehin, pero tumanggi agad ako. Nakakahiya naman.
Humanap na kami ng mauupuan namin at kaagad naman kaming umupo doon ng may makita.
"Hindi mo pa ba sinasagot si Clark? Girl, sagutin mo na! Kung ako yan wala ng ligaw ligaw! Sagot agad!" agad niyang sabi ng pag kaupo pa lang namin. At ang lakas pa ng boses niya. Napatingin tuloy sa pwesto namin yung taong malapit samin.
Hindi ko pa pala nasabi sakanya na kami na ni Clark. Pero gusto ko kasi na private yung relationship namin, ayaw kong lahat ng tao alam, ang mga tao kasi dito ay chismosa at chismoso.
Pero kahit kaibigan ko si Chelsea ay ayaw ko pa din ipaalam sakanya. At hindi naman sa hindi ko siya tinuturing na kaibigan, talagang ayaw ko lang ipagsabi.
At pabor naman dun si Clark, kung ano daw ang gusto ko ay nirerespeto niya. Kung saan daw ako masaya ay susundin niya. Oh diba! Perfect boyfriend. Kaya mahal na mahal ko yun eh.
Wala siya kasi pinatawag daw siya sa student office, may kailangan daw asikasuhin. Pero gusto niya pagtapos daw ng lunch kasi sabay dapat kami kumain pero pinilit ko na kasi nahahalata ko na hindi na siya nakakapag focus sa responsibilities niya bilang President.
"Ano na girl? Tunganga lang ba tayo? Sagutin mo na!" biglang salita ng katabi ko.
Halata sa ekspresyon niya na e-excite siya sa isasagot ko.
Pero nagkibit balikat na lang ako. Pag tinatanong niya kasi ang tungkol dun ay hindi na ako sumasagot baka kasi mabuking pa ako ng wala sa oras, mahirap na.
Bigo siyang humarap sa pagkain niya.
"Bakit ba ayaw mo siyang sagutin? Gwapo, matalino, mayaman, macho, mabait kaso hindi halata sakanya. Lahat na nasa kanya. San ka pa?" pag kukumbinsi niya saakin.
Tinignan ko naman siya.
"Hindi ko pa alam." nasabi ko na lang.
Inismiran niya ako.
"Ewan ko sayo. Disesyon mo naman yan. Pag yan nahulog sa iba, wala na." sabi niya sabay subo ng pagkain.
Mahulog? Hindi naman siya mahuhulog kasi boyfriend ko na siya at girlfriend niya na ako.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo ng maagaw ng atensyon ko ang pamilyar na tawa na yun.
Napakunot na lang ang noo ko sa nakita. Bakit magkasama sila? At nagtatawanan pa? Part ba yan ng trabaho bilang officer? Hindi naman siguro diba?
At sila lang talagang dalawa. May pahampas hampas pa ang babae sa braso niya. At wala naman na pakialam ang lalaki at tawa pa din ng tawa.
"It won't happen." rinig kong natatawang sabi ni Clark.
Naramdaman ko ang pag siko sakin ng katabi ko.
"Kita mo yan? Ganyan ang sinasabi ko." sabi sakin ni Chelsea.
Pero nasa dalawa lang ang tingin ko. Pamilyar sakin yung babae, siya yung.... sumampal sakin sa room. Oo naalala ko na! Yung sinabi niya na sakanya lang daw si Clark.
"Chelsea." tawag ko sa katabi.
"Yes?"
"Anong pangalan nun?" sabi ko sabay nguso dun sa katawanan ng BOYFRIEND ko.
Tinignan niya naman yun.
"Yung kasama ba ni Clark? Ah, si Cindy. Cindy Aguilar." aniya.
Cindy? Bagay sakanya, pang maldita. Hehehe. Joke lang.
Hindi pa din ako nakikita ni Clark. Kasi tawa pa din siya ng tawa. Ano bang nangyari sakanya at nagkakaganyan siya. May nakakatawa ba siyang pinanood, narinig, o nakita?
Naiirita na ako.
Pero nangingibabaw yung sakit. Kasi boyfriend mo yun eh. Hindi niya pa nagagawa sakin na tumawa ng ganyan. At sa ibang tao pa talaga.
Nakatingin lang ako sakanila. Hanggang sa tumama ang tingin namin. Agad nag seryoso ang mukha niya, hindi gaya kanina na tumatawa. Pero yung katabi niya may sinasabi sakanya. Pero hindi ko na naririnig kasi malayo ang pwesto namin.
Parang nawala bigla yung gana ko kumain dahil sa nakita. Tumayo na ako at naglakad na. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Chelsea. Pero hindi ko na yun pinansin.
Dire diretso akong maglakad at hindi tumitingin sa paligid.
Papalapit na ako sa pwesto nila malapit sa pinto ng cafeteria. Pero hindi ko siya binalingan ng tingin.
Pagtapat ko sa pwesto niya ay naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. At dun ko lang siya tinignan. Ang lambot ng tingin niya sakin at parang humihingi agad ng tawad ang mga mata niya.
Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. May dumaan na sakit sa mata niya, ngunit hindi ko na yun pinansin.
Basta magtatampo ako.
Lumabas na ako at dumiretso na sa room namin.
Walang tao sa room kasi maaga pa for first class in afternoon. Alam kong nakasunod sakin si Clark.
Pagkapasok ko ay agad din siyang nagmamadaling pumasok.
"Baby." tawag niya.
Pero hindi ko siya pinansin. Bahala ka diyan.
"Hey. What's wrong? Please tell me." pagsusumamo niya.
Sa pagkakataon ay ngayon ko lang siya hinarap.
"Bakit kayo magkasama? At bakit kayo nagtatawanan?" seryosong tanong ko.
"She's also an officer, and it's not what you think that it's our intention to go together in cafeteria. I told her not to come with me, but she's stubborn. And the reason why I'm laughing, because of what she said, she said that I'm gonna fall for her, and i will like her, cause she will flirt with me. I laughed because, it won't ever happen. It's a big joke for me. I'm sorry, if i get get you sad or jealous. Sorry. Please. Don't do that again, the way you pulled my hand, it breaks my heart." mahabang paliwanag niya.
Nakatunganga lang ako dahil sa explanation niya. Ang haba. Di niya ba kaya na isa isahin? At parang ma no-nose bleed ako eh.
Hinapit niya ang beywang ko at niyakap. Sinubsob niya ang mukha sa leeg ko. Nararamdaman ko tuloy ang mainit niyang hininga.
And his planting kisses in my neck, which makes me tickles.
Niyakap ko naman agad siya. Mali pala ang hinala ko.
"Sorry, dapat pala tinanong muna kita." paghingi ko ng tawad.
Pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya.
"It's okay. It's my fault at first.'
Napangiti na lang ako dahil bati agad kami.
"I love you." aniya.
"I love you too." sagot ko.
Hinigpitan niya ang yakap sakin.
"I want kiss." biglang sabi niya.
Napabusangot na lang ako dahil sa hinihingi niya. Adik to sa kiss ko eh. At baka san na naman mapunta ang kiss na yan.
Hay naku! Naalala ko na naman! Muntik na yun!
"Ewan ko sayo." sabi ko sabay tanggal ng yakap niya. Alam ko kasing hindi niya na naman ako titigilan pag hindi ko binigay ang gusto niya.
"Please. Just one." nakangusong sabi niya.
Hay. Ano pa bang magagawa ko? Edi pagbigyan.
Tumingkad na ako kasi hindi ko naman siya abot kasi ang tangkad niya. Hinawakan ko ang balikat niya para hindi ako tumumba. Smack lang sana ang ibibigay ko ng hapitin niya ang beywang ko at siniil ako ng malalim na halik.
Ilang minuto bago niya ako pinakawalan. At sobrang saya niya kasi ang laki ng ngiti niya. Parang nanalo sa lotto.
Kaya ayaw ko siya bigyan ng kiss eh, kasi tumatagal ng minuto. Yung sabi niyang isa lang pero higit pa dun ang ginawa.
Kaya ewan ko na lang. Dapat siguro masanay na ako.
"So sweet." he licked his lips.
Nahiya naman ako kasi may laway ko na yun eh.
May narinig na akong yabag ng tao kaya dali dali akong bumalik sa upuan ko. Pero siya ay nakatayo lang doon sa dati niyang pwesto at takang nakatingin sakin.
Hinayaan ko na lang siya at nagkunwari na lang na nagbabasa. Kahit baliktad yung libro na hawak ko.
Mga babae ko lang naman na kaklase. Nagyuko pa nga sila ng dumaan sila sa tabi ni Clark.
Grabe talaga ang dating ng Clark na to. Angas!
Pumunta na siya dito sa tabi kong upuan at kinuha yung kamay ko. Palagi niya tong ginagawa, pero nasa ilalim lang ng mesa ang kamay namin para walang makakita.
Habang ako ay busy pa din kunwari sa pagbabasa. At tsaka wala naman na paikualam yung mga babae. Takot na lang nila kaya Clark.
Madali lang natapos ang lahat ng klase at uwian na naman. Pero pinalinis muna kami kasi marumi na ang classroom. Kahit private ang school na to ay kailangan pa din daw maglinis ng mga estudyante. Hindi dapat umasa sa mga faculty members na tagalinis. At once a week lang naman daw. Kaya pwede na yun.
Inayos ko muna yung gamit ko bago mag linis. Si Clark naman ay nakaupo lang. Walang balak maglinis. Tamad talaga.
Nung tapos ko nang ayusin ay hinanap ko na kung saan nakalagay yung mga panglinis.
Hindi ko naman alam kung saan nakalagay eh. At first ko lang naman maglinis dito.
Habang hinahanap ko ay may tumapon na lang sa harapan ko ng walis tambo. Nagulat pa ako dahil muntik ng matamaan ang paa ko.
Tinignan ko kung sino ang may gawa nin at nakita ko yung isang babaeng pumasok kanina sa room.
Naka cross arm pa habang nakataas ang kilay.
"Tumulong ka din hindi yung tutunganga ka na lang diyan. Hindi ka prinsesa." mataray na sabi niya.
Sungit naman ng isang to! Kung alam ko lang kung saan nakalagay yung panglinis, edi kanina pa ako nagwawalis diyan! Bwisit!
Sinamaan ko din siya ng tingin. Kala niya siya lang marunong mag ganyan! Marunong din ako!
Kukunin ko na sana yung walis tambo, pero may sumipa nun at binalik sa harap ng babae.
Nagulat na lang ako dahil sa lakas ng pagkakasipa nito.
Tinignan ko kung sino ang may gawa nun. Laking gulat ko na lang ng makita si Clark na masama ang tingin sa babae.
At pati yung iba namin na kaklase ay saamin na din nakatingin.
"How dare you to talk like that to my girl? And she won't clean. That's my order." seryosong utos niya sa babae.
Napayuko na lang yung babae. Parang naawa tuloy ako, pero hindi dapat dahil sa ginawa niya sakin.
"You okay?" hindi ko napansin na nakaharap na pala sakin si Clark.
Tumango na lang ako.
Kukunin ko na sana yung walis tambo para maglinis kasi nakakahiya naman kung hindi diba? Baka may magreklamo na naman.
Pero may humawak na sa braso ko.
"What are you doing?" nakataas kilay na tanong ni Clark sakin.
"Maglilinis." sabi ko.
"No. Your not going to clean. And I won't let you clean." aniya.
Bakit ayaw niya akong patulungin? Hindi naman ako PRINCESA. Sabi nung babae.
"Gusto kong tumulong." pag pilit ko.
Pero mas hinigpitan niya ang hawak sa braso ko, pero hindi naman ako nasasaktan. Andun pa din yung gentle sa paghawak niya.
"No."
"Tutulong lang naman ako."
"If i said no. NO." may diin ang pagsabi niya sa huling salita.
"Ih." ako.
"If you don't listen to me. I will kiss you in front of them." sabi niya sabay turo sa mga kaklase namin.
Natakot naman ako dahil sa banta niya. Agad kong binitawan yung hawak kong walis tambo at pumunta na sa upuan ko at nagkunwari na walang ginawa.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Lumapit siya sakin.
"Scared?" at humalakhak siya ng mahina.
Hindi ko siya pinansin.
"Let's go home." sabi niya sabay kuha ng bag naming dalawa.
"Huh? Hindi pa naman uwian. Baka pagalitan tayo." ani ko.
"No." aniya.
"Mamaya na. Para sabay tayo lahat." sabi ko.
"I'm the son of the owner of this university. So i can do or go when ever i want."
Oo nga no? Bakit ko yun nakalimutan?
Tumayo na ako, baka kasi mag banta na naman ang isang to. Mahirap na baka gawin niya at makita ng mga tao.
Lumabas na kami at wala naman pakialam yung mga kaklase namin. Siguro ganito ang palagi niyang ginagawa. Umuuwi agad kahit hindi tumulong.
Pumunta na kami sa parking lot, andun kasi yung kotse niya.
Habang naglalakad kami ay napahinto na lang siya. Kaya nagtaka ako kung bakit siya huminto. Nakatingin siya sa unahan, kaya tumingin din ako.
Nagtaka na lang ako ng may makita na tatlong lalaki na andun sa kotse niya.
Yung isa ay nakaupo sa harap ng kotse, yung isa naman ay nakasalamin at nakatayo lang sa gilid habang may hawak na libro, at yung panghuli ay nakaheadset at nagseselpon lang.
At lahat sila gwapo! Pati nga yung mga dumadaan ay napapatingin sa kanila.
Yung nakaupo sa harap ng kotse ay halatang playboy, kasi kinikindatan niya yung mga babae na tumitingin sakanya, kaya nagsitilian sila. Hayst. Mga babae talaga ngayon. Hehehe.
At yung isang may hawak na libro ay parang tahimik lang. Wala kasi siyang pakialam sa mga tumitingin sakanya.
Yung naka headset ay parang taken na kasi ngumingiti siya pag nag titipa sa cellphone niya. Mukhang loyal sa gf niya. Swerte naman nung girlfriend niya.
Ngayon ko lang napansin na wala na pala si Clark sa tabi ko dahil andun na siya sa harap ng mga lalaki.
Sumunod naman agad ako sakanya. Pero andun lang ako sa likod niya.
"What are you doing here, idiot's?" biglang salita niya.
Kaya naagaw niya ang atensyon ng mga lalaki. Yung isa nagmadali sa pagbaba sa harap ng kotse at agad umamba ng yakap pero in a man hug. Yung isa naman ay tinanguan lang siya at tinapik ang balikat at ganun din ang ginawa ng isa.
"We miss you, bro!" sabi ng nakaupo kanina sa harap ng kotse.
Tinanguan lang siya ni Clark. Sungit talaga ng isang to.
"Why dont you guys tell me that you're coming back?" masungit na tanong ni Clark.
Nagtawanan naman sila, dahil sa tanong ni Clark.
"Uhm... to surprise?" sabi ng nakasalamin.
"I'm not even surprised." sarcastic na sagot ni Clark.
Tinawanan naman siya ng nakaheadset.
"Don't you miss us? Because we miss you so much!" sabi ng naka headset sabay yakap kay Clark at kumalabit pa sa katawan. Muntikan na silang bumagsak sa lupa.
Natatawa akong pinapanood sila. Magkakaibigan ata ang apat na to.
"Get off me. Your disgusting." parang nandidiri pang pinagpag ni Clark ang damit niya. Hahaha. Ang cute niya tignan.
Nagtawanan naman ang tatlo.
"I'm serious. Why so suddenly you guys come back here in Philippines?" ani Clark.
Mabuti nga at hindi pa nila ako nakikita sa likod niya. Ang tangkad kasi nito eh.
"Just a vacation. And I miss tita. Is she home?" tanong ng mukhang playboy.
Umiling naman si Clark.
"No. She's in a business trip in State, she's with dad." sagot ni Clark.
"Oh. Sayang naman." sagot ng nakasalamin.
Nagulat na lang ako dahil sa pagtagalog niya. Akala ko English speaking to dahil mukhang galing ibang bansa. Ang puti kasi eh at parang may lahi.
"We're going home now. So go to your own car's." sabi ni Clark habang pinapaalis yung tatlo sa kotse niya.
Nangunot naman ang noo ng tatlo.
"What do you mean by 'we'?" sabay sabay na tanong ng tatlo.
Astig! Hehehe.
"None of your business, idiot's." ani Clark.
Nagbusangot agad yung tatlo.
"Do you have a new friend here, Clark? Your leaving us?" parang naiiyak na sabi ng naka headset.
Para siyang bata. Hahaha. Ang cute.
"Can you please stop. My girlfriend and I are going home now. So stop overreacting. You look gay." naiiritang sabi niya sa tatlo.
Napaawang ang labi ng tatlo at parang may narinig na kakaiba sa sagot ni Clark.
Sabay sabay pa naman silang hindi agad naka-react.
Mulat na mulat pa ang matang nakatingin kay Clark.
"What?" nagtatakang tanong ni Clark.
"Y-you have a g-girlfriend." utal at hindi makapaniwalang tanong ng parang playboy.
Nakataas lang ang kilay na nakatingin siya sa tatlo.
"A-are you kidding?" sabi ng naka headset.
"I think we're the one who surprised, in your news. Not us." yung naka salamin.
Parang hindi pa nila alam na may girlfriend na si Clark.
Sabagay sinabi ko pala sakanya na huwag ipagsabi na may girlfriend na siya.
"Of course. Any problem?" tanong ni Clark.
"We're just surprised. Can we meet her?" nakakalokong tanong ng mukhang playboy.
Bigla na lang sumama ang tingin ni Clark sakanya.
"Fuck you. I won't let you to go near her. She's mine. I'll kill you if you flirt with her." seryosong sabi niya sa mukhang playboy.
Natawa naman ito sa banta sakanya.
"Relax. I haven't t even seen her yet." natatawang sagot nito.
Lumapit sakin si Clark at agad akong inakbayan. Nahiya naman ako kasi nasaakin na ang tingin ng tatlo.
Napaawang pa ang mga labi nila.
"She's... beautiful." sabi ng nakasalamin.
Hinigpitan ni Clark ang akbay sakin.
"I told you, she's already mine." may diin sa pagkakasabi nun ni Clark.
"She's cute." sabi ng naka headset.
Sinamaan siya ng tingin ni Clark.
"Calm down, i will not take her away from you." ani ng nakaheadset.
"I know. But... be careful." makahulihan na sabi ni Clark.
Nilipat niya sakin ang tingin niya. Ngumiti siya.
"Let's go home?" malambing niyang tanong sakin.
Tumango na lang ako.
"Wow. That's the first time, I see you clingy. Hahaha." ani ng isa.
Nagtawanan yung tatlo.
Hindi niya na yun pinansin at pumunta na kami sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng ointi at umikot naman agad siya sa driver seat.
Yung tatlo ay patuloy pa din sa pang aasar sakanya.
Inis na ang mukha niya kaya natatawa akong tumingin sakanya.
"Stop." sita niya sakin.
Huminto naman ako kasi seryoso siya. Nabagot ata sa tatlo.
Nakarating agad kami sa apartment ko.
"Hindi ka ba uuwi?" tanong ko habang tinatanggal ang salatos. Siya naman ay nakaupo na habang naka patong ang ulo sa headrest ng sofa.
Sa loob kasi ng tatlong buwan ay palagi na siyang natutulog dito. Pero kung iisipin niyo kung anong iniisip niyo ay hindi pa. Okay? Hindi pa.
"No. I will sleep here." sagot niya.
Nagkibit balikat na lang ako.
"Come here." he said while tapping his lap.
Sanay na ako kaso palagi niya na tong ginagawa. Kaya lumapit agad ako.
Pinulupot niya ang braso saakin habang nakasiksik na naman ang mukha sa leeg ko habang humahalik.
Nakikiliti talaga ako. Hehehe.
Nilapit niya sakin ang mukha niya at hinalikan ako sa labi. Hinalikan ko naman siya pabalik.
"I love you." sabi niya pagkakalas sa halikan namin.
"I love you too." ani ko.
Nawala na lang yung ngiti ko at napalitan ng kaba dahil sa sinabi niya.
"I will introduce you to my parents, when they get home. I promise."
â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢
(â 。â â¡â â¿â â¡â 。â )
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!