Chapter 20 of 23

Chapter 19

He's The Campus Heartthrob2,104 words~11 min read

"Sure ka ba talaga na ngayon na? Pwede naman na bukas." pagpupumilit ko dahil kinakabahan talaga ako ng grabe. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

"Baby, just relax, okay?" natatawa niyang sabi.

Sino naman ang makakapag relax sa sitwasyon ko ngayon? Paanong hindi kabahan eh, tinotoo niya yung sinabi niya nung nakaraang linggo. My god! Akala ko binibiro niya lang ako na ipapakilala niya na ako sa magulang niya, pero hindi pala.

Tapos ngayon niya lang sinabi na pinapapunta na pala kami ng magulang niya sa bahay nila! Edi sana nakapag practice pa ako ng mga sasabihin ko o kaya ang mga isasagot ko kung sakaling tanungin man ako!

Na ha-highblood na ata ako.

Kaya eto ako ngayon kinakabahan habang hinihintay na tawagan na siya ng magulang niya kung pupunta na kami. Mamaya pa kasing 8pm ang dinner kaya mamaya pa kami pupunta, 6pm pa lang kasi.

Nakasuot ako ng baby blue floral dress. Na bumagay naman sakin kasi maputi din ako. At naka 2 inch heels lang ako, hindi naman kasi ako sanay na magsuot na matataas, baka matapilok pa ako. Naglagay din ako ng light makeup. Para naman disente akong tignan. Mahirap na baka, ayawan ako ng magulang niya.

Si Clark naman ay naka suot ng long sleeve white polo, pero naka roll hanggang siko niya, At naka black slacks. Ang pogi niyang tignan, i dagdag pa ang clean haircut niya.

Ang hot niya tignan!

"Magugustuhan kaya ako ng magulang mo?" kinakabahang tanong ko.

Naka upo kami dito sa couch habang siya naman ay hawak hawak ang kamay ko.

"Of course, they will." agad niyang sagot.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko doon.

Sana nga.

Habang naghihintay ay tumunog na ang telepono niya at sinagot niya agad yun.

"Yes, dad." sagot niya sa kausap.

Oh my god! Yung daddy niya yun!

"Dad told me, that we can go now. Are you ready?" sabi agad niya pagkababa ng tawag.

Kahit hindi pa sigurado ay tumango lang ako.

Nahalata naman niya yun. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Don't be nervous. Your the first girl, i will introduce to them. Actually, Mom's excited meeting you. And she's very happy, that I found the girl i will love. And that's you, baby."

ngumiti siya sakin.

Nakatingin lang ako sakanya habang maluha luha. I'm so lucky to have him. I love this man so much.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you." saad ko.

Niyakap niya naman ako pabalik.

"I love you too." aniya.

Huminga ako ng malalim.

"I'm ready now. Let's meet now your parents." matapang kong sabi.

Ngumiti siya.

"That's my, baby. Let's go?" tanong niya.

Tumango naman ako.

Pumunta na kami sa parking lot dahil andun yung sasakyan niya. Pinaandar niya agad yun dahil nag hihintay na ang mga magulang niya. Nakakahiya naman kung paghihintayin namin. Baka magalit.

Mabilis lang naman kami nakarating dahil hindi masyadong traffic, mga 30 minutes ay andito na kami.

Napanganga na lang ako dahil akala ko ay simpleng bahay lang, pero mansion pala.

Ang laki! Ngayon lang ako nakakita nito, noon kasi ay sa mga teleserye lang pero ngayon nasa harapan ko na.

Mayaman talaga ang pamilya nito.

May nagbukas samin na isang guard, nag bow pa nga ito bago namin lagpasan. At take note ang laki din ng gate. Parang sa castle lang.

Pinarada niya ang kotse niya sa mga nakahilerang mamahaling mga sasakyan. At nakita ko din dun yung kotseng ginagamit niya pag pupuntang paaralan. Ang dami! 15 plus ata ang kotse dito.

Pagkababa namin ay ganun nalang ang mangha ko dahil sa kagandahan ng paligid, may fountain sa gitna at puro halaman ang nasa paligid.

Sobrang linis, alagang alaga siguro ang mansyon na to.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. May nagbukas pa samin na babae at nag bow na naman sakanya, pero siya ay tinanguan lang hindi man lang nginitian, sungit talaga.

Ako ay ngumingiti na lang pag may nag g-greet samin. Baka kasi isipin nila na maldita ako.

Nalaglag na lang ang panga ko dahil sa ganda ng mansion, kung gano kaganda ang labas ay triple naman dito sa loob. Ang daming mamahaling furnitures. At meron din na napakalaking chandelier sa taas. Ang ganda.

"Good evening, Clark." bati ng isang matandang babae sakanya.

Nginitian lang siya ni Clark. Siguro ay siya ang mayordoma ng mansyon na ito. Iba kasi ang uniporme niya sa ibang katulong dito.

Nagulat na lang ako ng lumipat ang tingin niya sakin.

Pilit ko siyang nginitian. Kinakabahan kasi ako.

Pero laking gulat ko ng ngumiti din ito sakin.

"Siya ba ang girlfriend mo, Clark?" tanong niya sa lalaki habang meron na paghanga sa mga mata niya.

Nailang na lang ako ng wala sa oras.

"Yes po, manang. She's beautiful, right?" tanong niya sa matanda.

"Aba'y, oo naman. Simpleng babae lang, gaya ng mga tipo mo." sabi niya sabay tawa ng mahina.

Wala lang akong ginawa kundi ang makinig lang sa mwentuhan nila o kaya ngumiti sakanya.

"Yeah. By the way, are they here now?" tanong niya.

Tumango naman ang matanda.

"Hinihintay na kayo kanina pa." sagot naman nito.

Hinawakan niya ang kamay ko, napansin naman yun ng matanda at palihim na ngumiti. Nailang tuloy ako.

"Thanks, manang." sagot lang nito.

Naka ilang lakad muna kami bago kami huminto sa isang pinto.

Nakailang ulit muna akong humingang malalim bago ko tignan si Clark.

"Are you sure they will like me?" mahina kong tanong.

Napatawa naman siya.

"Aww, my baby is nervous. Dont be nervous, okay? Just trust me." sabay halik sa noo ko.

Tinanguan ko siya. Dont be nervous, Riah. Just like what Clark said, they will like you.

Pangungumbinsi ko sa sarili.

May nagbukas nv pinto saamin. Gaya kanina ay nag bow na naman ito.

Pagpasok namin ay nakita ko kaagad ang napakahabang mesa, good for 20 person ata yun. Pero mas naagaw ng atensyon ko ang napakaraming pagkain sa lamesa. Nagutom tuloy ako. Hehehehe. Pero bawal naman akong maging matakaw baka ma turn off ang parents niya.

Pero wala pa doon na tao. Suguro ay nasa taas pa yung parents niya.

"Do you want to eat." tanong sakin ni Clark.

Tumanggi naman ako, mamaya na pag baba ng parents niya. Para sabay kaming lahat. Nakakahiya naman kung mauna na agad ako.

Inalalayan niya akong maupo. Masyado na siyang nagiging gentleman.

Umupo naman siya sa tabi ko.

"Andami naman ng pagkain dito, Clark." sabi ko habang sinisuri isa isa ang mga pagkain.

"Eat all you can. It's all yours." aniya.

What?! This is all mine?! How come?!

"I can't eat that all." natatawa kong sabi.

Natawa din tuloy siya sa sagot ko.

"My mom prepared it all for you." sagot niya.

Namilog na lang ang mata ko dahil sa sinabi niya. Weh? Seryoso? Probably, he's mom is kind.

He has a happy, and perfect family.

Ngayon lang pumasok sa isip ko na kung may kapatid siya. Hindi kasi siya nagsasabi sakin ng personal info niya.

"By the way, may kapatid ka?" out of the blue, i ask.

"I don't have. I'm their only unico hijo." natatawang saad niya.

We're same.

"How about you?" tanong niya.

"We're just same. Only child." sagot ko.

Magsasalita pa sana siya ng may nag salita sa pinto. Binalit na lang ako ng kaba.

Dahil alam ko kung sino yun.

"Clark, darling I miss you. Come here and hug me." malambing na sabi ng tao sa pinto. At alam kong mama niya na yun.

Hindi pa ako lumilingon kasi kinakabahan na ako.

Pero ilang segundo ay napagpasiyahan ko na tumingin na.

Tumayo na ako at pumunta sa likod ni Clark. Hindi ko pa nakikita ang mukha ng mommy niya kasi natatakot akong magpakita.

Yumakap naman si Ckark sa mommy niya.

Pagkakalas ng yakap nila ay tumanong agad ito.

"Where's your girlfriend? I'm excited to meet her?" I heard his mom's giggle.

She act like a teenager. And I like it.

Umalis si Clark sa harap ko at tumabi saakin. And he grab my waist to pull me near his mom. Lumakas ang kabog ng dibdib ko, dahil sa pagtama ng mata namin na dalawa.

All i can say is... she's beautiful. Very beautiful.

Nahiya yung ganda ko. Hahahaha

Sumeryoso ang mukha ng mommy niya at pinagmasdan ako.

Dahil dun ay walang tigil sa pagkabog ng malakas ang dibdib ko. I think I'm gonna pee. Oh my god!

Ngumiti ako sakanya. Yung hindi pilit.

"Good evening po, ma'am." nakangiti kong bati dito.

I thank myself that i didn't stutter.

Hindi muna siya nagsalita.

Ilang segundo ang lumipas ay unti unti ng tumataas ang sulok ng labi niya.

Pero ang mas ikinagulat ko ay ang paglapit niya sakin sabay yakap. Ng mahigpit.

Wala akong ibang ginawa kundi ang i proseso sa utak ko ang nangyari. This she just hug me and smile at me?!

I can't believe it.

Tumingin ako kay Clark na nakangiti lang na nakatingin samin.

"I told you." he mouthed.

Nginitian ko siya.

Unti unti ko ng tinaas ang kamay ko para gantihan siya ng yakap.

"Hey, son." rinig kong boses ng lalaki. Gosh! Daddy niya yun. Unti unti na naman tuloy kumakabog ang dibdib ko.

"Hi, dad." bati niya dito.

Kinalas na ng mommy niya ang yakap namin. At nakangiting nakaharap sakin.

"Your so beautiful hija." puri nito sakin.

Nahiya tuloy ako.

"Thank you po, ma'am. Maganda din po kayo." naiilang kong sabi.

Natawa siya sa sinabi ko.

"Anyways, don't call me ma'am, it's to formal. You can call me, tita or mom." may nakakakolokong ngiti ng sinabi niya ang huling salita.

Shit! Agad agad? Nakakahiya naman.

"Tita na lang po, hehehe." natatawa kong sabi.

May tumikhim sa tabi namin kaya napunta ang tingin ko don.

Yung daddy niya! What to do?!

"H-hello po, sir." shit! ngayon pa talaga ako nautal! Bwisit ka self!

Ngumiti naman siya sakin.

"Just like your tita said, just call me tito." nakangiti niyang sabi.

Pero ngayon ko lang napansin na, ang... gwapo ng daddy niya. Parehas sila ng features ni Clark, parang 2.0 version lang. Hehehe.

"Good evening po, tito." naiilang kong sabi.

Tumingin siya kay Clark.

"Your really are my son. Same taste." rinig kong bulong niya sa anak.

Tumawa silang dalawa.

"Like father, like son." ani Clark.

Kahit hindi ko alam ang pinaguusapan nila ay ngumiti lang ako.

"Let's eat." yaya samin ni ma - i mean tita.

Dapat masanay na akong tawagin silang tita.

Umupo na kami sa upuan. Magkatabi kami ni Clark. Habang si tito ay nasa gitna at si tita naman ay nasa harap namin.

Palihim na kinuha ni Clark ang kamay ko sa ilalim at dinala yun sa hita niya.

Hinayaan ko na lang siya.

At ang napansin ko ay ang bata pa ng mga mukha ng magulang ni Clark. Parang mid 20's pa lang sila kung titignan.

Habang kumukuha ng pagkain ay tinanong ako ng mommy niya.

"What's your name, hija?" tanong niya sakin.

Oo nga pala! Hindi ako nakapagkilala sakanila kanina. Inunahan na kasi ako ng kaba eh.

"I'm Zariah Xamantha Lopez po, tita." pakilala ko.

"You have a beautiful name."

puri niya na naman sakin.

Nginitian ko siya habang unti unti din kumukuha ng pagkain.

"Your in the same class, right?" tanong ng daddy niya.

Kahit nagtataka ay tinanguan ko siya. Pano niya nalaman na magkaklase kami. Kinekwento ba ako ni Ckark sakanila. Nakakahiya! Baka kung ano ano ang sinabi tungkol sakin ni Clark.

"Yes po." sagot ko.

Pagkatapos ng interview sakin ay pinagpatuloy na namin ang dinner. Si Clark ay palagi akong sinisilip, at pupunasan pa ang gilid ng labi ko pag may kalat.

"My son is too sweet to his girlfriend." rinig kong sabi ng daddy niya. Nagtawanan sila ni tita. Habang si Clark naman ay sumibangot lang.

Nailang tuloy ako.

The dinner went well. We talked about some certain stuff's and about our school. Mabuti nga at nasagot ko lahat ng mga tinatanong nila.

Habang si Clark anman ay tahimik lang akong pinagmamasdan. Kung makatingin ay akala mo ay mawawala ako. Clark talaga.

Andito na kami sa living room nila. Namamangha pa din ako dahil sa ganda ng bahay nila. I mean mansyon pala.

"What's your plan, when you two graduated?" out of the blue tanong ng daddy niya.

Hindi pa namin napagusapan ang future namin. Ang plano namin ay kailangan muna namin maka graduate bago pag usapan ang mga ganyan na bagay.

Pero walang pag aalinlangan ni Clark na sagutin ang tanong na yun. Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa sagot niya.

"We haven't talk about that dad, but i have a plan now. I'll marry her after graduation."

••••••••

(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠)

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!