"Bwisit naman na buhay to oh!" nakangusong sabi ko habang naka tingin sa kalsada.
Kanina pa kasi ako nakatayo dito wala pang dumadaan na jeep at kung may dadaan man ay puno na.
Kanina pa kasi tapos ang klase ko kaya dumiretso agad ako dito sa waiting shed sa harap ng school.
Mag aalas sais na ng gabi wala pa din akong mahanap na sakayan.
Takot pa naman ako na mag isa na lumalabas lalo na pag gumagabi na, pero pag sa bahay ay hindi safe naman kasi ako dun eh.
Lord sana may dumaan na jeep dito!
Gustong gusto ko na po talagang umuwi. Huhuhu
Napa upo na lang ako sa malapit na upuan.
Ang malas ko naman ata.
Naiiyak na talaga ako! Huhuhu.
Agad kong pinunasan ang tumulog luha sa mata ko. Ano ba yan! Bat ba ako umiiyak eh ang laki laki kona.
'Makakauwi ka din lang naman riah, wag kang mag alala. May dadaan pang jeep diyan. Maghintay ka lang' Pag usap ko sa sarili ko para hindi na ako matakot.
Pero alas sais na nakupo padin ako dito. Huhuhu.
Siguro mag lalakad na lang ako, baka kasi wala na talagang dadaan pa.
Pinunasan ko muna ang luha ko bago tumayo at humingang malalim.
Lumalakad na ako habang tumitingin sa paligid, baka kasi may biglang kumuha sakin dito.
Malapit nako sa madilim na kalsada at ako lang ang mag isang lumalakad at kokonti din ang dumadaan na sasakyan.
Kahit sinong santo na ang tinatawag ko habang naglalakad na sa madilim na parte ng kalsada. Takot na takot nako huhuhu.
May namumuo na naman na luha sa mata ko kaya di ko na talaga paigilan na humikbi habang lumalakad.
Bat ba kasi ang malas ko!
Habang nag lalakad ako may huminto naman na sasakyan sa harap ko kulay itim ito.
Lord katapusan ko na ba!!? Huwag napo muna ngayon. Mag kakaboyfriend pa ako at magkaka anak, huwag po muna huhuhu!!!
Binilisan ko pa ang lakad ko baka kasi maabutan pa ako ng taong yun.
Naka kuyom pa ang kamao ko habang patakbong lumalakad.
May naririnig na akong yabag ng paa sa likod ko.
Huwaaaaa!
Lord help! Not now!
Naoaiyak na lang ako nv may maramdman na nakahawak na sa balita ko.
"Huhuhuhuhu." malakas na iyak ko habang tumatakbo na.
Pero malas talaga ako kasi natisod pa ako habang tumatakbo.
Kaya napa lingon ako sa likod ko kung naka sunod pa yung tao na yun.
Napaiyak na lang ako ng makitang tunatakbo na ito papalapit sakin.
Huhuhuhuhu!!
Tinakpan ko na lang ang mata ko at don na umiyak.
Di ko na naramdaman yung sakit sa tuhod ko dahil sa sobrang kaba ko.
"Fuck. Did i scare you?. I'm sorry." dinig kung sabi ng kung sino sa harapan ko.
Di ko padin tinatangal ang kamay ko sa mukha ko. Natatakot kasi akong makita ang mukha nito.
Pero ang pogi naman ng boses niya.
Patuloy pa din ako sa pag iyak.
"Hey, I'm sorry. I didn't mean to scare you."
sabi niya at inaalo pa ako.
At bakit parang pamilyar ang boses niya? Nadinig ko na yun eh!
Dahil sa kuryusidad ko tinggsl ko ang kamay ko sa mukha ko habang umiiyak pa.
Gulat akong napatingin ng nasa harapan ko ngayon.
Siya yung katabi ko ng upuan kanina sa school!
"Hey, are you okay?" tanong niya habang naka tingin sa tuhod ko.
Agad ko naman yun tinignan at nanlaki ang mata ko ng makitang dumudugo itom.
Nakita ko siyang may kinuha sa bulsa niyang panyo at agad itinali sa tuhod ko.
Napadaing nalang ako nang mag lapat ang tela dun sa sugat ko.
"A-ah." daing ko habang nilalayo ang binti.
"Sorry."sabi niya at dahan dahang tinali ang panyo.
Inayos niya muna yun bago niya ako tignan at agad nag tama ang paningin namin.
Nagkatitigan lang kami ng ako na ang unang umiwas ng paningin.
Ang awkward naman!!
Sinubukan kong tumayo pero agad din akong napaupo ng biglang sumakit ang tuhod ko.
"Let me help you." nakalahad ang kamay niyang sabi sakin.
Agad ko naman yun tinaggap para makauwi na ako.
Inalalayan niya akong tumayo.
"T-thank you po." nahihiyang sabi ko.
"Your welcome." sabi niya.
"But remove the 'po' because I'm not an old man." sabi niya habang natatawa pa.
Nakahinga naman ako ng maluwag kasi hindi na awkward moments.
Ngumiti na lang ako sakanya.
"S-salamat nga pala. Uuwi na ako, at ibabalik ko na lang sayo ang pnyo pag nalabahan ko na." nakangiting paalam ko sakanya. Lalakad na sana ako palayo ng maramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko kaya taka naman akong napatingin sakanya.
"Uhm, I can drive you home." diretsong sabi niya sakin.
Nakakahiya naman!
Lalakad na lang siguro ako. Baka abala pa ako sakanya eh.
"Naku! Huwag na kaya ko naman may makikita lang naman ako diyan na sasakyan tsaka nakakahiya naman sayo, baka istorbo nako hehe." kabadong sabi ko sakanya habang ngingiti ngiti pa.
"It's okay, wala ka nang makikitang sasakyan diyan kasi gabi na. Delikado para sayo."
Nagulat ako ng mag salita siyang tagalog.
Akala ko english speaking ang isang to pilipino din pala.
Kala ko kasi Americano eh ang puti kasi at ang gwapo gwapo.
"Nag tatagalog ka pala di mo naman sinabi hehe. Ikaw ha?" sabi ko habang pinalong mahina ang balikat niya.
Luh feeling close ba ako?!bGanito kasi ako pag komportable ako sa isang to eh. Di na ako nahihiya.
Tsaka mukhang mabait naman.
Natawa siya sa sinabi ko.
Hala!! Ang gwapo niya pag tumatawa!!
Kyaahhh!!
"Okay lang ba sayo? Baka kasi istorbo pa ako sayo eh?." tanong ko pa baka kasi napipilitan lang ang isang to eh.
"No, it's okay. I'm fine with it" ayan na naman siya sa english niyang yan eh.
Pag ako nag nosebleed!Kasalanan mo!
Joke lang naman, marunong kaya akong umintindi ng english. Baka best in english to!
"Okay po hehe." naka ngiting sabi ko sakanya.
"I said remove the 'po'." pag pumilit niya pa.
"Ayaw, nasanay na ako eh."
"Okay. It's up to you." sabi niya.
Nag lakad na siya papunta sa sasakyang niya, kaya sumunod na lang ako.
Ehhh.
"Ikaw pala yung kotseng huminto sa harap ko kanina?." tanong ko.
Naka parada kasi sa gilid.
Tumango siya.
"Yeah. I was about to call you but you already running away." naiiling na sabi niya.
"Di ko naman alam na ikaw yun eh." nakangusong sabi ko.
"By the way. Are you okay now?." tanong niya at tinignan ang tuhod ko.
Medyo masakit padin naman.
"Konti lang naman na." sabi ko.
"I'm sorry for what happened." sinserong sabi niya.
Nagtaka ko naman siyang nilingon. Dahil wala naman siyang kasalanan.
"Wala ka naman na kasalanan eh, kaya okay lang." sabi ko para makumbinsi ko siyang maniwala sa sinasabi ko.
Nginitian niya lang ako kaya nginitian ko din siya.
"Let's go. It's getting late now." sabi niya at pumasok na sa driver seat.
Ayyy.
Turn off!! Hindi gentleman!!
Pumasok na lang ako at agad niya namang pinaandar ang kotse niya.
Tinuturo ko na lang sakanya ang daan kaya agad kaming nakarating sa labas ng condo ko.
"Uhm. Thank you sa pag hatid.."sabi ko pero tinaguan noya lang ako.
Di muna ako bumaba kaya tinaasan niya ako ng kilay.
Ayy. May pa ganun!
"Nga pala. What's your name?" tanong ko.
Ang pangit naman kong di ko alam pangalan niya tapos tinulungan niya pa ako. Dapat alam ko, mag kaklase pa naman kami at seatmate pa!
"Clark Ethan Saint, but you can call me Clark, but dont ever call me Ethan, okay?" masungit na sabi niya.
Ang ganda naman ng name niya!! Ang pogi niya na nga pogi pa name.
Edi siya na ang perfect!!
At tsaka bat ayaw niyang tawagin ko siyang Ethan, ang ganda kaya ng name na yun. Daming arte!
Tss.
"Okay. By the way I'm Xariah Xamantha Lopez." nakangiting pakilala ko sakanya.
Baka kasi di niya alam.
"I know." tamad na sabi niya.
Nagtaka naman ako.
"How did you know?" tanong ko.
"You've already introduce yourself in class." sagot niya.
Ayy oo nga pala! Bat ko nakalimutan?
Aba'y ewan ko!
"Anyway thanks ulit. Ingat" paalam ko sakanya at bumaba na ng sasakyan.
Tinanaw ko muna yung sasakyan paalis bago ako pumasok sa loob.
Agad akong sumakay sa elevator ng makitang walang tao.
Habang paakyat di ko pa din malimutan ang nangyari kanina. Napaka daming nangyari. Hayyyy.
Lumabas na ako ng makarating sa floor ko.
Pasalampak akong nahiga sa kama ko habang iniisip ang pag tulong niya sakin kanina.
Napaka imposible na mangyari pero nangyari pa din.
Ang bait niya naman.
Napa tingin na lang ako sa panyo na naka tali sa tuhod ko.
Naligo muna ako bago matulog at nilinisan ko na ding ang sugat at ang panyo na pinahiram niya sakin.
Di na ako kumain kasi hindi ako makaramdam ng gutom ngayon.
Bukas na lang siguro.
Ngayon lang naman.
Humiga agad ako sa kama para matulog na kasi maaga na naman ako bukas.
Papikit na sana ako ng mag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito.
Baka si mama.
Pero pag tingin ko hindi naman si mama.
Kaya agad ko itong binuksan para tanungin kong may kailangan sakin.
Unknown Number:
Hey.
Nagtaka naman ako kung sino ang mag te text sakin. Wala naman akong kaibigan, kaya sino to?
Naku!! Baka scam lang to.
Replyan ko nga.
Me:
Hoyy!! Kung sino ka man na scammer ka, tigilan moko wala kang mapapala sakin!Kaya wag ako.
Reply ko dun sa scammer na nag chat.
Wala pang ilang minuto ng mag vibrate agad ang phone ko.
Tinignan ko agad ito.
Unknown Number:
You're funny, haha.
Aba't iniinis talaga ako nito. May pa funny pang nalalaman.
Me:
Nyek nyek mo tigilan moko. Di kita kilala.
Inis kong nilapag ang phone. Di na kasi nag reply eh.
Natakot siguro hahaha.
Matutulog lang naman ako may istorbo pang mag cha chat sakin.
Hayy. Maka tulog na nga.
Masyadong nakakapagod ang araw na to.
-
Napa balikwas agad ako ng bangon nv marinig ko ang alarm ko na kanina pa tunog nv tunog.
Kainizzzz!
Antok pa ako!
Pero nanlaki ang mata ko ng makitang ang liwanag na ng paligid. Pero nakahiga pa di ako.
May klase pako!
Agad akong naligo at nag bihis.
Dali dali din akong nag suot ng sapatos at dali daling nag suklay.
Kahit hindi na ako kumain ay okay lang. Basta di ako ma late.
May twenty minutes pa bago mag time!
Nakasakay agad ako pero pag minamalas ka nga naman oh. Na traffic pa.
Nakarating ako ng seven fifty eight ng school kaya tatakbo takbo akong pumunta sa building ko.
Malapit na, bilis!
Hihingal hingal akong huminto sa pinto bago ko buksan.
Napatingin naman sila sakin lahat kaya nahiya tuloy ako.
"S-sorry ma'am. I was late." naka yukong sabi ko.
"Okay. Go to your seat."masungit na sabi niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ako napagalitan.
Yes!
Dumiretso agad ako sa upuan ko.
Nakita ko dun si Clark na naka cross arm na naka tingin sakin.
Umupo agad ako sa tabi niya.
"I thought your absent." sabi noya sakin pag ka upo ko kaya napatingin ako sakanya.
"Late lang nagising." bulong ko baka kasi madinig ng prof. Pagalitan pa kami.
"Uhm, by the way. Here's your handkerchief." abot ko sakanya nv panyo na pina hiram niya kagabi.
Inabot niya naman ito agad at binulsa.
"How's your knee?" tanong niya kaya napatingin ako sa tuhod ko.
Okay na siya, di na masakit.
"Okay na." sabi ko habang naka thumbs up pa.
Tumango naman siya sakin.
"Uhm by the way....." putol pa ang sasabihin niya.
"What?."
"I'm not a scammer." natatawang sabi niya at tsaka tumingin sakin.
Nanlaki ang mata ko ng maalala yung ka text ko kagabi.
Siya yon!
â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢
(â 。â â¡â â¿â â¡â 。â )
Hope you like it ^â _â ^
Don't forget to vote and comment.
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!