Umuwi agad ako ng pinauwi na kami ng prof.
Actually uwing uwi na talaga ako kanina pa. Tangina kasi!
Sinong hindi uuwi sa sinasabi ng tukmol na yun.
Lakas ng tama sa utak.
Pagkatapos niya yun sabihin hindi ko na siya pinansin kasi nakakahiya yung mga pinagsasabi niya.
Di kona tuloy alam kung papasok pa ako bukas o mag aabsent na lang.
Pero sayang naman yung points pag aabsent ako. Sabi kasi ng prof. namin nung first day araw araw daw may plus points sa di uma-absent.
Bahala na!
Tumayo na ako sa pagkakahiga ko para makakain na at matutulog na din pag katapos.
Pumunta na akong kusina at dumiretsyo sa refrigerator kung nasaan ang ulam ko.
Pero nakita kong ubos na yung stocks ng pagkain kaya wala akong makakain ngayon. Nakaraang araw kasi di na ako nakakapag almusal kasi parati akong late magising kaya di ko na napapansin kong may laman pa yung ref.
Dun na lang siguro ako kakain sa Mini Mart. Noodles na lang bibilhin ko para madali, hintayin ko lang ng 5 minutes, luto na siya.
Malapit din ang Mini Mart dito kaya pwede kang kumain sa labas pag di ka nakaluto. Mabuti nga at may ganon dito.
Kinuha ko na yung wallet ko sa kwarto at lumabas na. Walking distance lang naman ang layo, mga 10 minutes andun kana, kaya lalakarin ko na lang para di na ako gumastos sa pamasahe.
Madami pa ang dumadaan na mga sasakyan kasi mag a-alas sais pa lang. Tsaka madami din ang street lights, kaya maliwanag ang kalsada.
Lahat ng katabi ng tinutuluyan ko ay lahat building. Kaya makikita mo yung nag tataasan na mga gusali.
At tahimik din dito kasi walang kabahayan na andito, kaya ang nag bibigay lang na ingay ay yung mga sasakyan na dumadaan.
Di ko namalayan na andito na pala ako sa labas ng mini mart, tinitignan ko kasi yung paligid kaya nakarating na lang ako ng di ko napapansin.
Pumasok na ako sa loob, at ako lang ang mag isa na costumer. Pumunta agad ako sa Noodles section para bumili.
Kinuha ko yung maanghang kasi nag c-crave ako dun. At yakult din sa inumin.
Glass ang wall sa harap ng mini mart at makikita mo yung mga dumadaan na sasakyan kasi dun nakalagay sa harap ang lamesa at upuan.
Pumwesto ako sa gilid para pag may papasok hindi agad ako makita.
At may water dispenser din dito kaya pwede kang kumuha kung mag kakape ka or kailangan mo ng hot water. Noon lagi ako dito nakatambay, pero pinagbawalan na din ako ni mama na di ko alam ang dahilan.
Binuksan ko na yung cup noodles at nilagyan ko na ng mainit na tubig at yung sauce niya.
Hintayin ko muna ng 5 minutes bago ko kainin.
Sa labas lang ako nakatingin habang humihintay na lumambot yung noodles.
Habang nag mumuni-muni biglang pumasok sa isip ko yung tukmol.
Di pa din talaga maalis yung sinabi niya kanina sa isip ko, lalo na pag naiisip ko siya, sumasabay na lang bigla.
Ano bang ibig sabihin niya dun?!
Nalilito kasi ako sa inaasta niya at mga sinasabi niya sakin.
Ang hirap pa naman niya basahin. Hayst.
Narinig ko na bumukas yung pinto, kaya may panibagong costumer na.
Pero di ko na yun pinansin, yung mga regular na costumer lang naman yun dito gaya ko.
Binuksan ko na yung takip sa noodles para makain ko na. Gutom na gutom na ako kasi ako.
It's time to eat!
Hinalo ko muna yun para malagyan lahat ng sauce yung noodles.
Yummy!
Punong puno yung chopsticks ng noodles at susubuin ko na sana pero may napansin akong nakatingin sakin.
Nakanganga pa ako at nakatapat pa yung noodles sa bibig, habang dahan dahan na tumitingin sa gilid ko.
Nagulat ako ng makitang nakatingin ito sakin at ang lawak ng ngiti.
Naka hoodie siyang itim at naka cap.
Mukhang mang hoholdap to ah!
Naka ngiti kasi sakin, pero di ko naman kilala, kaya di ko masuklian ang napakalawak na ngiti niya.
Wala naman akong kaibigan na lalaki o kakilala, kaya pano ko siya susuklian ng ngiti?!
Ngayon ko lang napansin na naka nganga pa ako habang nag titigan kami. Sinara ko agad yung bibig ko at binaba yung noodles na handa na sanang lamunin ng dragon sa tiyan ko.
I heard him chuckle. Shit! ang gwapo ng boses niya pag tumawa.
Binalik ko agad ang tingin ko sa noodles na nasa harapan ko.
Titig na titig kasi eh.
Kumuha na ako ng konting noodles lang, nakakahiya naman dito sa katabi ko.
Sumubo agad ako kasi di ko na kaya ang gutom.
Sarap!
May papikit pikit pa ako havang ngumunguya. Ang sarap talaga ng maanghan na noodles.
Susubo na sana ako ng marinig ko ang katabi kong tumikhim. Napatingin tuloy ako sakanya.
Nakangiti siya sakin.
"Uhm. H-hi" sabi niya habang nasa likod ng batok ang kamay.
Luh. Feeling close si kuya!.
Pero ngayon ko lang naansin na wala na yung cap niya sa ulo kaya malaya kong napagmasdan ang mukha niya.
Napaka.... pogi!!!!
Grabe super pogi niya!!
Akala ko pa naman ay holdaper to. Pero grabe naman kong holdaper to kung ganyang ang mukha niya. Pwede na siyang model ng Calvin Klein!.
Nabalik na lang ako sa ulirat ng tumikhim ulit siya.
Ano ba yan! Kung saan saan na pumupunta ang utak ko.
"H-hello" nahihiya kong sabi at nag pilit na lang ng ngiti.
Nginitian niya din ako at parang pinagmamasdan ang mukha ko.
Problema nito.
May dumi ba ako sa mukha?. Mukhang wala naman kasi tinignan ko muna yung mukha ko sa salamin bago umalis.
Kaya walang problema, baka nagandahan lang sakin. Hehehe
"You look familiar miss. I think I've seen you before." sabi niya
Huh?! Di ko naman siya kilala kaya di ko pa siya nakikita. At sa gwapo niyang yan imposible naman na makalimutan ko kung nakita ko na siya.
"Nakita na po ba tayo?" tanong ko sakanya
Tumawa siya ng mahina.
"Huwag ka nang mag po. I think we have the same age naman eh." naka ngiti niyang sabi.
Ang cute! Conyo siya!
Nakangiti naman akong tumango sakanya.
I heard him gasp and his eyes widened.
Curious ko siyang tinignan.
" I remember you!" malakas niyang sabi.
Mabuti at walang ibang costumer dito, maliban samin.
Naalala na niya daw ako. Saan ba niya ako nakita?!
Wala naman akong maalala na nakita ko siya.
"Ikaw yung nagtanong sakin when first day of school!" malakas na naman na sabi niya.
First day of school?! Sino ba? Wala naman akong tinanunga-
Shit!! Shit talaga!!
Siya yung pogi na tinanungan ko kung saan ang building ko!.
What the!
Tinignan ko siya sa mukha kung parehas ba yung mukha nung lalake sa school na tinanungan ko.
Magkamukha!
Coincidence ba to?!
"Ikaw yun?!" gulat kong tanong habang naka turo sakanya.
Tumango naman siya.
Wow!
"So you remember me now?" tanong niya.
Tumango naman ako sakanya. At bahagyang ngumiti.
"By the way. Ano pala kinuha mong course?" tanong ko sakanya.
Para naman may alam ako sakanya kahit konti. Di ko pa pala alam pangalan niya! Pero nakakahiya naman mag tanong.
Baka isipin na interesado ako sakanya.
"I'm 2nd year college and taking Business Marketing. What about you?"
What?! Did he just said that he's taking Business Marketing ang he's already 2nd year in college?!
Coincidence lang ba to?! Bat parang pinagtatagpo kami ni tadhana! Charot lang! hehehe.
Yung una yung pagtanong ko sakanya at ngayon naman mag kaklase pa kami!.
"Talaga?!" gulat na tanong ko sakanya.
Nagtataka naman niya akong tinignan.
"Yeah" nag aalangan pa siyang tumango at nakakunot noong nakatingin sakin.
"Business Marketing din ako!" masigla kong sabi.
Nagulat naman siya sa sinabi ko.
Oh diba?! Parehas kaming gulat.
"Are you serious?!" malakas na sabi niya.
Kung maka sigaw naman to.
"Malamang." mataray na sabi ko sakanya.
Nagsabi na nga ako sakanya. Ayaw pa maniwala.
Tumawa naman siya.
Pero nung nakaraan na araw di ko siya nakitang pumasok sa room namin. At imposible naman na ibang room ang pinasukan niya kasi parehas lang naman kaming course na kinuha.
Baka niloloko lang ako nito?!
"Bakit hindi kita nakita na pumasok?" taka kong tanong sakanya.
"Ah.. that day, I was about to go in our room. But my mom called me, It's emergency." paliwanag niya.
Ahh... kaya naman pala.
"Ah, okay" tumatangong sabi ko.
Mabuti nga at kaklase ko siya.
Para naman may ka close na ako sa loob ng room. Yung tukmol lang kasi nakakausap ko dun eh.
"Uhm... Ano pala pangalan mo?" tanong ko.
Kinakausap ko siya tapos di ko alam pangalan niya, ang pangit naman nun!
"I'm Xander Corvus.. what about you?" tanong niya sakin.
"I'm Zariah Xamantha Lopez. Nice to meet you" sabi ko habang nakalahad ang kamay sa harapan niya.
Kinuha niya naman ang kamay ko.
"Nice to meet you too" nakangiti niyang sabi.
Sandali pa kaming nag usap ng mapag desisyonan ko na umuwi na madilim na kasi eh, yung street lights lang nag bibigay ng liwanag.
" I think kailangan ko nang umuwi." sabi ko habang tumitingin tingin sa labas.
Tumingin din siya sa labas.
"Yeah... Ihatid na kita. Delikado pa naman, kasi gabi na"
Luh? Nakakahiya naman sakanya.
"Huwag na kaya ko naman. Tsaka malapit lang naman ang condo ko dito" nahihiya kong sabi.
"But... it's not safe outside" malumanay niyang sabi.
Tangina! Bat ang cute?!
Para kasing nang lalambing ang boses niya.
Matatanggihan ko pa ba to?
Pero nakakahiya talaga.
"Sige na nga" nakangusong sabi ko sakanya.
Napangiti nalang siya sa sinabi ko.
"Good" sabi niya at tumayo nainilahad ang kamay sa akin.
Tinaggap ko naman yun.
Shit ang init ng kamay niya!
Lumabas na kami at nag simula ng mag lakad
Habang nag lalakad ang daming dumadaan na sasakyan. Ako kasi ang gilid ng kalsada.
Baka mabunggo ako!
Naramdaman ko na lang yung kamay niya sa balikat ko at pinapwesto sa gilid, yung hindi dinadaanan ng sasakyan.
What a gentleman!
Gagi pogi points pa yun. Hehehehe
"Malayo ba yung condong tinutuluyan mo?" tanong niya sakin habang nasa daan ang tingin.
Tinignan ko naman siya, kaya nakita ko ang side profile niya.
Ang pogi!
"Hindi naman masyado. Mga ten minutes lang naman ang kailangan lakarin" sabi ko
Tumango na lang siya.
Ngayon ko lang napansin na ang tangkad niya pala. Hanggang balikat niya lang kasi ako. Siguro mga 6'2 ang height nito.
Pero mas matangkad pa din si Clark sakanya. 6'3 ata yun eh.
Sana all matangkad!
Ako kasi cute size lang hehehe.
Pero hindi naman ako masyadong pandak 5'5 kasi ang height ko.
Andito na kami sa harap ng building ng condo na tinutuluyan ko. Kaya humarap na ako sakanya.
"Uhm... dito na lang. Ayan na kasi yung building eh. Salamat pala sa paghatid." nakangiti kong sabi.
Tinignan niya naman yung building sa harap namin. At muling binalik ang tingin sakin.
Ngumiti siya sakin at tumango.
"Pasok kana. Alis na lang ako pag nasa loob kana." sabi niya.
"Naku! Huwag na ang lapit lang naman ng entrance oh" turo ko dun sa pinto ng building.
Di naman ako mapapahamak dito kasi wala naman na masama ang ugali na gagawa nun sakin.
"You sure?" naniniguradong tanong niya.
Tumango ako.
"Oo naman. Ako pa!" maangas na sabi ko.
Natawa tuloy siya ng mahina.
"Okay" tanging sabi niya.
Kumaway na lang ako sakanya at lumakad na papasok.
Pag ka pasok ko sa elevator agad akong napangiti. Mabuti na lang wala akong kasabay, mapagkamalan pa akong baliw dahil ngumingiti ako ng mag isa.
Lumabas na ako ng tumunog na yung elevator. Nasa 4th floor kasi yung tinutuluyan ko.
Umupo muna ako sa sofa at hinilig ang ulo sa head board nito.
Napahikab na lang ako dahil sa antok.
Tumayo na ako at pumupunta sa kwarto ko. Nag tooth brush muna ako at hindi na pumalit ng damit kasi hindi naman marumi ang damit ko, kakapalit ko palang nito kanina.
Humiga na ako at agad pumikit para matulog.
-
Sumakay na ako sa tricycle na dumaan para makapasok na.
Maaga akong nagising kaninang umaga. Kaya naghanda na agad ako para hindi ma late.
Agad naman kaming nakarating sa labas ng school kaya bumaba agad ako at bumayad.
Nakangiti akong naglalakad sa hallway kasi excited akong makita si Zander. Ahihihi.
Feel ko crush ko na siya.
Sino naman kasing hindi magkakagusto sakanya eh ang gwapo niya na at mabait pa.
Diba?! San ka pa?!
Paakyat na ako sa hagdan ng building namin.
Pagkarating ko sa 3rd floor humangos hangos pa ako. Nakakapagod naman kasi umakyat ng hagdan.
Dapat lagyan nila nang elevator! Charot hehehe.
Nang nasa harap na ako ng room namin binuksan ko na yung pinto. Sinipat sipat ko muna yung paligid. Hinahanap ko kasi si Zander. Gusto ko kasi na magkatabi kami.
Close din naman kami eh, kaya walang problema.
Marami rami na din ang tao sa room.
Nahagip ng mata ko yung tukmol na nakatingin na sakin habang naka kunot ang noo.
Umiwas agad ako ng tingin. Nahagip nv mata ko si Zander na nakadukdok ang ulo sa desk. Natutulog siguro to.
Nakita kong bakante ang katabi niyang upuan. Kaya dumiretso nako sakanya, baka maunahan pa ako ng iba.
Habang naglalakad nakita ko na sinusundan ako ng tingin ni tukmo. Di ko na lang siya pinansin.
Binaba ko agad yung bag ko sa upuan, sa katabi ni Zander at agad umupo.
Humarap ako sakanya at tinusok tusok yung balikat. Gusto ko kasi na mag kwentuhan kami habang wala pa yung professor namin.
Bahagya siyang gumalaw. At umayos ng upo habang nakapikit pa rin.
Ang cute niya! Naging messy hair kasi yung buhok niya at nakakunot ang noo.
Naistorbo ko ata yung pag tulog niya.
Sorry naman!
Dinilat niya na ang mata niya at nag stretch ng kamay.
Nang pag stretch niya natamaan yung mukha ko kaya napadaing ako sa sakit.
"Ouch" daing ko habang hinihimas ang ilong na natamaan ng kamay niya.
Sakit!
Agad siyang napatingin sa gilid ko at agad nanlaki ang mata ng mapagtantong ako yung natamaan ng kamay niya.
"Shit! I don't know that your here. I'm sorry." sabi niya at may bahid na pag aalala ang boses.
Ang haba kasi ng kamay eh!
Hinihimas ko pa rin ang ilong ko. Bahagya siyang lumapit at hinawakan ang pisngi ko para mapaharap sakanya.
"Is it hurts?" nag aalalang sabi niya.
Di agad ako naka sagot sakanya dahil sa lapit ng mukha namin. Alam kong namumula ang mukha ko.
Ba't ang lapit?!
Pinagmamasdan niya ang ilong ko habang nakatingin lang ako sakanya.
Nakatulala lang ako.
Napabalikwas na lang ako ng upo ng may narinig na malakas na ingay.
Pati mga kaklase ko natahimik din dahil dun.
Agad kong tinignan kung saan nagmula ang malakas na ingay.
Nakita ko si Clark na nakatayo habang nakayuko at nakakuyom ang kamao parang handa ng manuntok.
Nakakatakot siyang tignan.
Sinipa niya nanaman ang desk na nasa harap niya, yun ata ang pinanggalingan ng ingay kanina, dahil sa pagsipa niya.
Nag bigay na naman ito ng ingay sa loob ng room. Lahat ng atensyon ay nasa kanya.
Anong nangyari sakanya?
Napatalon ako sa gulat ng bigla siyang sumigaw.
"This is bullshit!" malakas niyang sigaw.
Wala na talagang maririnig na ingay samin bukod sa tunog ng aircon.
Nagulat ako ng magtama ang tingin namin. Ang sama ng tingin niya sakin. Parang may ginawa akong kasalanan dahil sa tingin niyang yun.
Di niya inalis ang tingin niya sakin kaya ako na ang nag iwas.
Nakakatakot talaga!
Ano bang problema niya?!
Nag lakad siya palapit sakin at hinawakan ang palapulsuhan ko at humarap kay... Zander?
Ang sama na din ng tingin niya kay Zander. Samantalang nagtataka naman nakatingin sakanya ang isa.
"Don't touch my girl" mahina niyang sabi at kami lang na tatlo ang nakarinig nun.
What?! Anong girl?! Ako?! Girl niya?!
Nalilito akong tumingin sakanya pero nakay Zander pa din ang tingin niya.
Agad niya akong kinaladkad palabas at naglakad pababa sa hagdan. Ako naman tong hindi makapag salita dahil sa lito.
Pero habang sinabi niya yun may kung anong kumiliti sa tiyan ko.
Weird.
Habang pababa huminto siya at hinarap ako ng may malambot na ekspresyon sa mukha.
Nagulat ako sa inasta niya.
Kanina parang papatay ng tao tapos ngayon maamong pusa na?!
Na wewerdohan na talaga ako sa lalaking to.
"Don't make me jealous again baby..." malumanay niyang sabi. "And don't go near with that boy" sabi niya "And sit beside me... okay?"
â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢â¢
(â 。â â¡â â¿â â¡â 。â )
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!