Nakaupo na ako sa upuan ko habang tulala. Di din ako gumagalaw kasi ang awkward ng oras nato.
Pano ba naman eh katabi ko yung taong nagpapalito sakin kanina.
Palagi na lang akong naii-speechless pag may sinasabi siyang mga ganyan.
Pero di ko din maitanggi na kinikilig din akong konti sa lalaking to.
Hayss.
Sinubukan kong makinig sa discussion pero di talaga ako maka concentrate ng maayos.
Ang atensyon ko andito sa katabi ko. Nakadukdok siya sa desk niya at nakaharap sakin ang ulo. At pinagmamasdan ako.
Diba?! Sinong maka concentrate pag ganyan ang katabi mo!
Ang tagal pa naman mag lunch break. Para makaalis na ako dito.
Nakita ko sa peripheral vision ko na umayos na ng upo si Clark.
Mabuti nga!
Ang tagal kong hinintay yun! hehehe.
"Class listen!" sigaw ng prof. namin
Tumingin naman kaming lahat sakanya. Ang lakas ba naman ng boses?
"I will give you an activity. This is by partner and you have to answer the questions here and there's a graph that you have to fill in." paliwanag ng prof.
"Find your partner now" pahabol niya pa
By partner daw! Sinong partner ko?!
Wala naman akong ka close na babae dito.
Sino kaya?
Habang naglilibot ng tingin nahagip ng mata ko si Zander.
Siya na lang!
Tatayo na sana ako para sabihin sakanya na kami na lang mag partner.
Pero may humawak sa palapulsuhan ko.
Nagtataka naman akong tumingin sa humawak nun.
Si.... Clark.
Ano na naman bang problema nito?!
Kinakabahan na naman tuloy ako.
"Where are you going?" seryoso niyang tanong.
Dapat ba kailangan niyang alam kung saan ako pupunta?
Ano bang pakialam niya?!
"Uhm... finding a partner?" sarcastic na sabi ko.
Slow ba to?! Grabe naman?!
"No need to find your partner because I will be your partner " dire diretsong sabi niya.
What?!
Sarili ko to kaya ako ang masusunod! Bwisit!
"Ayoko nga! Gusto ko si Zander ang partner ko!" mataray na sabi ko sakanya at umirap.
Hindi ko naman siya boss para utusan na lang ako at siya ang mag dedesisyon sa mga gusto ko. Ang unfair nun!
Naiinis na tuloy ako sakanya. Kung kanina kinikilig ako na konti tapos napilitan naman ngayon ng pagkairita.
Hayst. Kainizzz.
"Baka nakakalimutan mo yung deal natin?" nakataas kilay niyang tanong.
Anong deal?
May deal ba kaming dalawa? Wala naman akong matandaan. Gumagawa lang siguro to ng dahilan para maka partner niya ako.
"Anong deal ang pinagsasabi mo?" nakakunot noo kong tanong.
Napairap naman siya sa sinabi ko.
"I told you yesterday that you're going to be my slave... right?" sabi niya
Anong slave pinagsasabi niya?! Tao ako hindi alipin!
Tsaka hindi ako pinanganak para maging alipin niya lang.
Sino ba siya?
Nabubwisit na talaga ako sa tukmol nato.
"Wala akong matandaan!" pagtataray ko sakanya.
Pero hindi ko pa naman nakakalimutan yun. Baka kasi makaligtas hehehe.
Napataas naman siya ng kilay.
"Di mo yun nakakalimutan kasi kahapon pa lang yung deal natin" aniya.
Ano ba yan! Di man lang nakaligtas.
Dapat pala sinabi ko na nagka amnesia ako. Baka pasok yun sa palusot ko hehehe.
"Wala ka ng magagawa kasi ako na ang partner mo" pagpapatuloy niya.
Ayoko nga! kainizzz.
"Ayaw ko" pagmamaktol ko. " Gusto ko si Zander" nakangusong sabi ko.
Agad naman nagdilim ang tingin niya sakin ng marinig ang pangalan ni Zander.
Ano bang problema niya? Para kasing galit siya kay Zander eh. Magkaaway ba sila?.
Nacu-curious tuloy ako. Ano ba yan?!
"Didn't I told you to not go near in that boy.. right?" inis na sabi niya.
Mas naiinis ako sakanya!
"Ano bang problema mo? Ako ang masusunod sa lahat ng gusto ko. Kaya wala kang pakialam." seryosong sabi ko.
Natahimik naman siya pero masama pa din ang tingin sakin.
"Okay... so go to that boy, and I will call my parents to kick you out, because you're disobeying me." nakangising sabi niya.
Natakot naman ako sa sinabi niya. Tatawagan niya daw magulang niya para paalisin ako?! Wala nga akong ginagawa sakanya! Tapos papaalisin niya ako dito, kahit wala naman na valid reason! Sinong niloloko niya?!
Naging high blood na ata ako dahil sa lalaking to!
Palagi na lang mainit ulo ko pag kausap ko siya.
Pero malaking parte sakin na natakot kasi seryoso siya sa sinabi niya kahit naka ngisi pa ito.
Paano na ang pag aaral ko pag napa alis ako dito. Ang laking opportunity pa naman to para sakin. Tapos masasayang lang sa wala.
Nakanguso akong tumingin sakanya.
May pa luha effect pa ako. Baka kasi magbago isip niya na paalisin ako.
Mukha akong tanga! Pero okay na to kesa naman mapaalis diba?
Sana gumana ang effort kong to!
Ang hirap pa naman mag ipon ng luha. Pero kinaya ko ang best ko para lang dito hehehe.
Nanlaki ang mata niya ng makita akong maiiyak na sa harapan niya.
Yes! Effective ata!
Pinag patuloy ko lang ang pag papanggap ko. Hehehe
Dali dali siyang tumayo at hinawakan ako sa pisngi para makaharap sakanya.
"Shit... Hey, don't cry. I'm just kidding about what I said." natatarantang sabi niya.
Yey! Effective nga!
"Pero sinabi mo na paaalisin mo na ako?" naiiyak na sabi ko.
Gusto ko ng tumawa ng malakas. Kanina pa ako nagpipigil. Nakakatawa kasi yung itsura niya. Para kasing big deal sakanya yung pag iyak ko. Kahit hindi naman totoo.
"Nag bibiro lang ako... huwag ka ng umiyak.. please?" nagmamakaawang sabi niya.
Pinupunasan niya yung luhang tumutulo sa pisngi ko.
Actually na t-touch ako sa ginagawa niya. Ang bait kasi.
Di ko siya sinagot habang humihikbi pa din.
"Pwede ka ng pumunta kay Zander... kung gusto mo." pahina ng pahina ang boses niya habang sinasabi yun.
Mukhang nag bago na isip ko. Gusto ko siya na lang partner ko.
Wala akong choice. Naawa ako eh.
"T-tayo na lang ang mag partner" mahinang sabi ko.
Agad nanlaki ang mata niya at agad na ngumiti.
Weird.
"Sure" nakangiting sabi niya. Inalalayan niya akong umupo sa upuan ko.
Ano ako lumpo?! At kailangan pang alalayan?
Bwisit na to ah.
"Huwag mo nga akong alalayan. Hindi naman ako lumpo" nakangusong sabi ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Soon... sure akong hindi kana makakalakad" naka ngising sabi niya.
Taka naman akong tumingin sakanya. Anong hindi makakalakad? Mapipilay ba ako sa future?
Weirdo talaga ang lalaking to.
Sasagutin ko na sana siya ng may lumapit na babae sakanya. Namumula pa itong lumapit sa gawi ng tukmol.
"C-clark... p-pwede bang p-partner tayo" nahihiyang sabi niya.
Sure akong may gusto to kay tukmol. Sa pananalita pa lang kasi eh kita na. Utal utal kasi magsalita.
Tinigna ko naman ying tukmol na walang pakialam sa sinabi ng babae sa harap niya. Wala man lang reaksyon. Cold kumbaga.
"I already have my partner" sabi niya sa babae at humarap na saakin.
Malungkot naman na umalis yung babae. Naawa tuloy ako sakanya.
Tumingin ako dito sa tukmol at malaki na ang ngiti saakin.
Kanina ang sungit tapos ngayon ang laki na ng ngiti?! Abnoy na ata to!
"Huwag ka ng mag selos. Ako naman ang partner mo" aniya.
What?! Anong selos? Kapal ng mukha!
Wala naman akong pagseselosan. Bwisit nato!
"Hindi ako nag seselos! Makapal lang ang mukha mo!" sigaw ko sakanya.
Napataas naman siya ng kilay.
"Ito" turo niya sa mukha niya."Makapal... madaming nagkakagusto dito." mayabang niyang sabi.
"Ewan ko sayo" nasabi ko na lang.
Ang hangin kasi eh. Nasagad ata yung aircon.
Napatingin na lang ako kay prof. ng magsalita ito.
"The submission of your output is tomorrow. Because there's another activity you will do tomorrow. So finish it here or you can do it in your house." sabi ni prof.
Ano ba yan?! May gagawin na naman.
"Are we clear?" tanong niya samin.
"Yes prof." sabay sabay namin na sabi.
"Okay... Class dismiss" at lumabas na ng pinto.
"Saan mo gustong gawin? My house or yours?" tanong ng katabi ko.
"Or you want to do it now?... you choose." pag papatuloy niya.
Wala ako sa mood mag answer.
Pero saan namin sasagutan yung activity?
Okay lang naman sakin pag sa condo ko. Wala naman siguro tong gagawin na masama.
"Okay lang ba sayo pag sa condo ko na lang?" tanong ko sakanya.
Baka kasi ayaw niya.
"Of course" sagot niya.
"Mamayang uwian alis agad tayo para maaga tayong matapos." sabi ko.
Tumango na lang siya.
Nag hintay pa kami ng ilang minito bago dumating yung next prof. namin.
As usual puro pa activity lang naman kaya maagang natatapos.
Andito na kami sa parking lot at hinahanap ang kotse niya. Andami kasing sasakyan dito. Yung mga mamahalin pa. Iba talaga pag mayaman.
Sana all mayaman. Hehehe.
"There" turo niya sa kotse niya. Tinignan ko naman yun.
Parang pamilyar ang kotse na to ah. Parang nakita ko na to dati.
Habang palapit kami inaalala ko pa din kung saan ko na ito nakita.
Shit!
Ito yung kotseng bumusina sakin kaya nalaglag ang pagkain ko!
Si tukmol pala ang gumawa nun!.
Binatukan ko agad siya ng maalala yung ginawa niya sakin.
Nagtataka naman siyang tumingin sakin habang hinihimas ang ulo.
"Ikaw ang may kasalana kaya natapon yung pagkain ko!" sigaw ko.
Nagtataka niya naman akong tinignan. Di ata maalala.
"Ikaw yung bumusina sakin! Naalala mo na?!" tanong ko sakanya.
Agad nanlaki yung mata niya sa sinabi ko. Naalala na ata nv tukmol.
Bigla na lang siyang tumawa kaya lalo akong nagalit.
Babatukan ko na naman sana siya pero naharangan niya na yung kamay ko.
"I remember it now." sabi niya habang pigil ang pagtawa.
Tawa pa?!
"Bakit mo ko binusinahan? Alam mo bang nasayang yung kinakain ko dahil sa gulat!" mataray na sabi ko.
Nakakainis kasi eh!
"I'm sorry... I didn't know" aniya.
"Palitan mo na lang. Gusto ko marami." nakangusong sabi ko.
Libre to!
Bahagya siyang natawa.
"Okay... let's go?" aya niya.
Tumango na lang ako at naglakad na kasabay niya.
Pumasok na ako za kotse niya at sumalubong sakin ang pabango niya.
Parehas ng naamoy ko sa mall anv pabango niya. Ang bango talaga.
"You look cute when your eating that day" sabi niya na nagpamula sakin.
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!