Chapter 23 of 28

Chapter 23

Always Been with You1,213 words~7 min read

Mark's P.O.V

The beginning of a friendship

"Hi, are you okay? I mean, Obviously hindi, ang bobo ko minsan, pero you know what I mean" nagulat ako ng lumapit sa akin si Scar. Si Scar yung nag iisang kaklase ko na gay, wala naman akong problema mga gay, its just that yung personality niya ay medyo hindi ko gusto, masyado kasi siyang extroverted, sobrang friendly and bubbly niya, pero madalas sobrang taray niya, Which is kabaliktaran ng personality at characteristics ko. Just 3 days ago, namatay yung lola ko, sobrang lungkot ko at ilang beses na ako umiyak dahil dun, siya kasi ang nagpa laki sa akin simula baby ako eh, kasi laging nasa work si mom and dad, kaya kay lola talaga ako naging close. Napatingin naman ako kay Scar at nakita ko siyang nakangiti sa akin, at nag aantay ng isasagot ko, kaya umiling iling ako sa kaniya, at pinigilan ang iyak ko.

"I don't really believe in religions, but for the sake of your comfort. According sa religion mo, nasa maganda at mapayapang place na ang lola mo, in your beliefs, you should be glad and thankful that your lola is nasa heaven na, kasi hindi na siya mahihirapan at malulungkot kasi nasa good place na siya" sabi niya at napa titig lang ako sa kaniya, kahit na parang mag kasalungat yung sinabi niya pero tama siya, I need to be thankful.

"Eh ano naman yung paniniwala mo?" Sabi ko sa kaniya, at napa isip naman siya sa sinsabi ko at ngayon ko lang siya nakasama at natitigan ng ganito katagal, cute pala siya eh, mukhang lang galit lagi

"Well, naka depende sa mga existing scientific theories yung beliefs ko eh, but i believe na just like every other energies that exists, it will exhaust its power and die, that might be it for some, but energies don't die they just change form, so sa paniniwala ko pag ang tao ay namatay ay magiging ibang form lang sila, di ko lang sure kung anong form, pero some theories suggests that yung mga ghost daw is possible na form ng energy" sabi niya sa akin at napanganga lang ako sa simabi niya dahil wala akong maintindihan, pero mas nagulat ako na may ganito pala siyang side kasi usually ang image niya maharot tapos mataray, pero di ko alam na may ganito siyang part

"Alam mo wag ka munang pumasok, kasi you need to rest, hindi ka man pagod physically pero emotionally need mo mag rest. Ako na kakausap sa mga teachers about sayo" sabi niya sa akin at ngumiti siya, tumango tango naman ako sa kaniya at nginitian siya...

After ng pag uusap namin na yun, araw araw niya akong tinatanong kung ano yung nararamdaman ko, kung ano yung iniisip ko, kung okay lang ba ako, kung need ko ba ng help... walang palya, kinakamusta niya ako araw araw, minsan dumadaan siya dito sa bahay para lang makipag kwentuhan sa akin. Siya lang ang bukod tanging nangangamusta sa akin, bago lang siya pero daig niya pa yung mga matagal ko nang kaklase, siya lang nag tatanong sa akin kung okay lang ako.

8th grade...

Close na kami ni scar, pero may narealize ako sa pagkakaibigan namin, never kong natanong kung okay lang ba siya, never ko siyang tinanong kung anong nararamdaman niya, lagi niyang sinisigurado na okay lang ako, pero hindi ko siya natanong kung okay lang siya... i took him for granted. Simula nung nag grade 6 kami may nag bago na sa kaniya, hindi na siya kasing extroverted katulad dati, at ngayon hindi na talaga siya bubly at friendly, yung ibang year natatakot na mag approach sa kaniya, although sobrang clingy niya dito sa kael na kaklase namin, kasi sabi niya crush niya daw yang Lalaki na yan pero hindi genuine yung ngiti niya, pilit yung pakikipag usap niya sa iba... natatakot nga ako na baka pilit na din yung pakikipag usap niya sa akin eh... nagiging mailap siya sa tao, as in kahit dumikit sa kaniya ayaw niya, lalo na pag hindi niya kilala...

"Scar, sorry" sabi ko sa kaniya, andito kasi kami sa rooftop ng school, usually na tambayan niya, sinasamahan ko lang siya minsan

"Huh? Anong meron? Bakit?" Takang tanong niya sa akin, at agad ko namang sinabi sa kaniya lahat ng narealize ko pati na rin ang mga napansin ko sa kaniya, nakita kong unti unting nawala ang peke niyang ngiti, at umiyak siya.... the first time na umiyak siya, na nakita ko ang luha niya... at dun ko nasabi sa sarili ko na hinding hindi ko hahayaang umiyak pa siya....

Kaso umiyak siya, ng dahil sa hindi ko siya na suportahan ng maayos... dahil pinabayaan ko siyang mapa iyak ng mga hinayupak na yun... tapos nakita niya pa na nakipag inuman ako sa kanila... tapos iniwasan ko pa siya dahil sa nagka gusto ako dito sa isang babae na hindi ko naman talaga gusto... puro katangahan na lang nagagawa ko, tapos ngayon iniisip niya na iiwanan at makakalimutan ko siya the moment na mag karuon ako ng karelasyon...

"Wag kang mag alala hon, hinding hindi kita iiwanan, never din mag ka-karuon ng chance na makakalimutan kita" sabi ko kay scar habang natutulog siya at nakahiga ang ulo niya sa dibdib ko, niyakap ko naman siya at hinalikan sa noo

"At hindi mo na kailangan mag selos dun sa taong gusto ko, kasi ikaw yun, nag seselos ka sa sarili mo" medyo natatawa kong bulong sa kaniya, wala na akong ibang gusto kung hindi si scar... yung about kay Yvonne, Tinry ko lang yun kasi yung sinasabi ni scar about sa possessiveness at pagiging toxic nun, naramdaman ko yun, sa kaniya...

Bawat kilos niya, bawat salita niya, gusto ko ako lang makakakita, yung tingin niya, yung ngiti niya, gusto ko sakin lang... narealize ko na sobrang inaangkin ko siya, at ayokong umabot sa point na nasasakal ko na siya dahil sa ayoko siyang mapunta sa iba, kaya pinilit ko ang sarili ko na magkagusto sa iba at iwasan siya, kaso nung mga panahon iniiwasan ko siya, kada makikita ko yung tingin niya sa akin, parang sinasaksak ako sa puso ng ilang beses, kada makikita ko yung tingin na binibigay niya sa akin, yung lungkot sa mata niya, hindi ko kaya. Kaya sumuko din ako, at bumalik sa kaniya, kaso dahil sa katarantaduhan ko hindi na ako pinagkakatiwalaan ni scar katulad ng dati, at lagi nang pumapasok sa isip niya na iiwan ko siya, pero hindi ko kakayanin yun, ayoko nga na nahihiwalay kami ng dahil lang na may magkaiba kami na subject eh, tapos sasabihin niya magkaka pamilya din ako at iiwan siya... eh siya nga ang gusto ko, siya ang gusto ko makasama bumuo ng pamilya kung gusto man niya magka anak or hindi.

"Mahal na mahal kita mark, please wag mo ko iiwan" mahinang sabi niya at nakita kong may tumutulong luha mula sa mga mata niya, agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit

"Shhh, hindi kita iiwan, mahal din kita scar..." bulong ko sa kaniya habang naka yakap ng mahigpit sa kaniya, hindi ko naman mapigilan mag alala sa kaniya dahil sa mga pumapasok sa isip niya at sa napapanaginipan niya... kailangan kong ipakita sa kaniya na hinding hindi ko siya iiwanan

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!