Chapter 5 of 28

Chapter 5

Always Been with You1,963 words~10 min read

"Uy hannah, san ka pupunta?" Takang tanong ko sa kaniya, naka ebike kasi ako nag iikot ikot, eh nakita ko siyang nag lalakad

"Ah si maxene nag aya ng tambay, hatid mo nga ako" sabi niya sa akin at tumango tango na lang ako sa kaniya at sumakay na siya sa ebike, habang papalapit na ako sa bahay nila maxene, nakita ko si don na tumingin sa direksyon ko at itinuro ako, agad namang napalingon sila maxene at biglaang nagmadali pumasok sa loob ng bahay nila maxene. Nang nakarating kami doon ay bumaba na si hannah, at nakita ko sila gillian at maxene na nag tatago kasama ang iba pa, pag baba naman ni hannah ay deretcho na akong umalis dun...

"Hon, ayos ka lang?" Takang tanong sa akin ni mark, tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti lang habang natango sa kaniya, kinurot naman niya ng bahagya ang pisnge ko at tumabi na lang sa akin, naka upo kasi ako sa sahig sa pinaka sulok ng room. I instantly realized what had happened last week, yung nakita ko silang nag tatago... tinataguan nila ako, they didn't want to include me. You might say na I'm just overthinking things, but we have a group chat for the whole class and a separate one for our so called "gang", as I have witnessed, kumpleto sila dun, ako lang ang wala at hindi nakatanggap ng invitation, and they ran and hid the moment they saw me, those are factual evidence and not just some overthinking shits. I mean i have always known that iniiwasan nila ako or pinag iiwanan nila ako, cause everytime na ako ang mag aaya ng tambay, all i get is seen, pero the moment na may mag aya na iba lahat sila active. This isn't the only time that they hang out without me, but that scenario just gave it all away, all the things that I thought would happen, just happened. It does hurt, because at first I was fine with it, kasi alam ko naman na may kaniya kaniya pa rin naman silang circle of friends outside ng so called gang namin, so it was really fine for me to know na may mga ginagawa sila together, but this, I only have this "gang" and yet out of all its members, I am the only one na hindi pala belong, kala ko dati eto na yung forever na group of friends ko, kala ko magkakasama kami forever, syempre nung una ganyan yung nasa isip ko, pero as time goes by, I started seeing cracks with my relationship with them, and as it turned out, I am the crack that needs to be sealed shut so things can function well, completely covering me up, forgetting that I was ever there.

"Oy kael hinaan mo yan baka marinig sa kabilang room, malaman pa na connected tayo sa wifi" sabi ni joan kay kael, napatingin naman ako sa kaniya at ngayon ko lang napansin na on game siya at naka on mic kaduo niya yung jowa niya ata, kinuha ko na lang yung phone ni mark, pero naalala ko na baka may jowa din toh kaya di ko na pinakelaman. Sobrang pakelamera ko kasi, sa lahat ng bagay lalo na sa cellphone, kaya pag alam kong may jowa yung tao di ko na pakekelaman yung tao, minsan lumalayo pa ako dun sa tao physically, kasi ganun din naman mangyayari pinapaaga ko lang. I mean magkakajowa sila, syempre sa umpisa medyo pasok pa dyan yung friends, pero pag tumagal tagal na mas mafofocus dun sa jowa hanggang sa out of the picture na si friends, i mean hindi naman ganyan dapat yung nangyayare, pero lalo na sa teenager na may jowa, ganyan ang nangyayari.

"What? Why? Anong meron?" Takang tanong ni mark ng napansin niyang ibinalik ko yung phone niya without opening it, umiling iling lang ako sa kaniya, dahil napapagod na ako sa lahat ng bagay, simpleng pag sagot kinakatamaran ko na

"Aalis sila mama, gusto mo sa bahay matulog? 1 week sila wala" sabi niya sa akin at napa isip naman ako, buti hindi siya nag iisip ng masama about sakin, i mean regarding sa stereotypes sa gender ko, kung makapag aya kasi siya sa akin ng ganyan kala mo walang ibang nakakarinig eh

"Pinapapunta mo si scar sa inyo pag wala parents mo? Dun din siya natutulog?" Takang tanong ni kael na para bang may iba pang ibig sabihin, parang gusto ko tuloy siya batuhin ng teacher's table tapos salaksakin ng ballpen sa dalawang mata

"Oo, bakit pre? Sama ka?" Nakangising sabi ni mark at para namang nandiri si kael sa sinabi nito.

Napatingin naman ako ng masama kay mark, napakamot na lang siya sa batok niya, at agad naman akong tumayo at pumunta sa rooftop.

"Wag kang epal nag papahangin lang ako" sabi ko ng maramdaman ko na may tao sa likod ko, sure ako na si ruther ito, wala namang ibang tao ang makakalapit sa likod ko ng ganyan katahimik bukod sa kaniya at kay mark

"Okay, sabi mo eh" sabi ni ruther at lumapit sa tabi ko, agad naman niya akong hinawakan sa waist, nakatayo kasi siya at nakaupo ako sa edge ng rooftop

"Di ako tatalon wag ka mag alala" sabi ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako, at parehas lang kaming andun at nag pahangin

"Sorry" sabi niya bigla at napatingin ako sa kaniya, hindi ko naman na kailangan pa tanungin kung bakit siya nag apologize, obvious naman na kung bakit

"It's okay, tanggap ko naman na, before pa mangyare alam ko nang may mangyayare na ganito" sabi ko sa kaniya at niyakap niya lang ako, at napabuntong hininga na lang ako

"I'm a straightforward type of person, Always have been, and i expect others to be blunt to me, and mas gusto ko talaga na deretsuhin ako kesa mag sinungaling or mag tago pa sa akin, kung ayaw niyo kong kasama, just say so, its not that hard naman. Considering what happened, i think kaya niyo naman sabihin sakin ng deretsahan na ayaw niyo kong kasama, since harap harapan niyo nga akong tinakbuhan at tinaguan, but then its fine, just don't expect me to act the same sa inyong lahat, specially you" sabi ko sa kaniya at agad na tumayo para umalis, bago bumalik ng classroom ay naisipan kong mag cr muna.

Buti na lang kahit papaano may dalawang cubicle dito sa bathroom ng boys, kasi kung hindi araw araw siguro akong nag pipigil ng ihi. Palabas na sana ako ng may narinig akong pumasok, di muna ako lalabas kasi nahihiya akong may makasalubong sa comfort room, feeling pabebe ako eh.

"Pre, totoo ba? Pinapapunta mo si scar sa bahay niyo para matulog dun, tapos tuwing wala lang yung parents mo?" Rinig kong sabi ng isang boses na kilalang kilala ko, syempre si kael yun and for sure si mark kausap niya, hindi ba siya maka move on sa sinabi ni mark kanina, ano bang problema niya!?

"Oo, bakit pre?" Rinig kong sabi ni mark, sana naiinis si mark para sa akin, kasi kung hindi nako, may mangyayare talaga sa cr na toh na magiging cause ng expulsion ko

"Wala. Pero aminin mo, may ginagawa kayo noh? Narinig ko dati may nangyayare kay scar at kay cyrus eh, pag partner sila sa project simula elementary" sabi ni kael, sa mga naririnig ko, gusto ko na lang sumabog, gusto ko siyang sakalin. Sadly, nagkaruon ako ng issue with cyrus dati, one time na magka partner kami sa isang project dun kami sa bahay ko gumawa, after that pinagkalat niyang tsinansingan ko daw siya, kahit hindi naman. Nag sabi ako sa teachers ko, sabi ko din never na kaming pag samahin as partners or group members sa lahat ng activities, syempre pinagalitan ako, ako lang ang pinagalitan, kesyo bata pa daw kami, bakit ko daw ginawa yun... in the end walang naniwala sa akin, kasi bakla ako sa isang Christian school, tapos member pa ng church nila si cyrus.

"Alam mo pre, satin satin lang toh ah, pero kung di mo kilala yung tao manahimik ka na lang." Sabi ni mark, narinig ko namang natawa ng bahagya si kael

"Seryoso pinagtatangol mo yun pre?" Sabi ni kael at dun ay hindi na ako nakapag pigil at marahas na binuksan ang pintuan ng cubicle, agad naman akong lumapit kay kael at sinipa siya na ikinatumba niya at agad ko naman siya malakas na sinipa sa mukha.

"Wag mo kong subukan kael, hindi lang yan ang matatangap mo sakin, tangina mo ka" galit na sabi ko sa kaniya, bigla namang may pumasok na teacher dahil sa lakas ng boses ko

"Anong meron dito hah!? Kayong tatlo sumunod kayo sakin" sabi nung teacher at sumunod na lang kami, pag dating namin sa office ay agad namang sinabi ni mark ang nangyare

"Ano ba naman yan scar? Pede naman pag usapan, bakit kailangan mo pang manakit at mag mura?" Biglang sabi sakin ng teacher na mas ikinainis ko, tumayo naman ako ng biglaan at agad akong pinigilan ni mark, napatingin naman samin ang ibang teacher na nasa loob ng office

"Bingi ka ba? Masyado ka na atang matanda para makarinig ng maayos eh, hindi mo ba narinig sinabi ni mark? Ako yung sinisiraan, ako yung laman nung issue, yung issue na yun elementary pa ako nun, 9 years old lang ako nun, pero ako lang ang nakatanggap ng punishment bukod pa sa kahihiyan na natanggap ko ng kumalat iyon, anong ginawa niyong mga teacher kayo? Wala di ba, idiniin niyo lang na ako yung nay kasalanan kahit di naman totoo yung mga sinasabi nila" sigaw ko sa teacher na nasa harap ko, agad naman siyang tumayo at halata sa mukha niya ang galit niya

"Ipapatawag ko mga magulang niyo, scar masyado ka nang bastos hindi magandang ugali yan" inis na sabi ng teacher sa harap ko, ngumisi naman ako at tinaasan siya ng kilay na mas lalo niyang ikinainis

"Parents ko papatawag mo? Wag na, makakarating na toh deretso sa deped, I can't believe i put up with your discriminations against me, and I'll be happy to call a lawyer for this matter. Expell niyo ko kung gusto niyo, pero itutuloy ko ang reklamo ko sa deped at sa lawyer" sabi ko sa kaniya at mukhang nagulat naman sila sinabi ko at nag simula nang maki epal yung ibang teachers

"Scar, pwede bang pag meetingan muna namin itong issue na ito bago ka mag labas ng statements mo sa Deped at abugado?" Sabi ng teacher ko sa english, syempre hindi niya alam yung sa dati kong issue kasi 4 years pa lang siya dito eh

"No, you all have exhausted my patience, I have been reasonable with all of you. You're all 7+ years older than me, and yet here you all are trying to gang up on me. Don't bother having this meeting, i will be filing a lawsuit against him." Sabi ko sa kanila at agad na umalis dun, sumunod naman sakin si mark, bumalik ako sa room para lang kunin ang gamit ko at umuwi na. Lalabas na sana ako ng school ng pigilan ako ni mark.

"Honey, I mean Scar" banggit niya sa pangalan ko, gusto kong umiyak, gustong gusto ko nang umiyak at mag wala, pero hindi ako makaiyak, masyado na atang napagod ang mga mata ko kakaiyak noon kaya ganito, bigla naman niya akong niyakap

"Aww so sweet naman ng anak ko" biglang rinig namin at may nakita akong babae na kakababa lang ng kotse

"So ikaw pala si scar?" Nakangiting tanong nung babae sakin at tumango tango naman ako ng dahan dahan dahil hindi ko siya kilala

"Mom?" Sabi ni mark at napadalawang tingin naman ako dun sa babae at kay mark

Contents
Contents

Comments(0)

Join the discussion — sign in to leave a comment

Sign In to Comment

No comments yet. Be the first to share your thoughts!