Back
Chapter 18

제 18 화

Heart Impound 심장 압수 Season1 (K-Drama BL) (Tagalog Version) (COMPLETED)

"Hyun-Sik POV"

"Convenience Store"

Hyun-Sik: Ahh hello, ito na yung items na bibilhin ko.

Cashier: Sir want nyo po bang lagyan ko ng hot water ang Ramyun nyo po?

Hyun-Sik: Sige salamat.

"Nilagyan ng Cashier ng tubig na mainit ang Ramyun ni Hyun-Sik at bumalik na ulit sa counter para ibigay ang Ramyun kay Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Ahh.. Magkano lahat?

Cashier: One coffee, One Ramyun Instant noodles, One Spicy Rice Cake..... 1,450 won po lahat Sir.

Hyun-Sik: Ah ito na yung bayad ko.

Cashier: I received 2,000 won, ito na po change nyong 550 won, salamat po Sir.

"Lumabas na si Hyun-Sik sa Convenience Store at naglakad lakad at nakahanap sya ng isang bench na mauupuan nya.

Binuksan na nya ang pagkakatakip sa Ramyun at sinimulan ng kainin ito.

Habang kumakain si Hyun-Sik ay na kita nya si Seung-Ho at Ara na magkasama at pabalik na sa loob ng Hotel."

Hyun-Sik: Ano kaya pinagusapan nila?

"Tumunog ang phone ni Hyun-Sik at tinignan nya ang phone nya."

Hyun-Sik: Unregistered Number? Hmmm... Sino naman kaya ito...

"Sinagot ni Hyun-Sik ang phone nya."

Hyun-Sik: Hello? Sino ito?

"Ji-Hoon: Hey!! Ako ito si Ji-Hoon."

Hyun-Sik: Oh! Na patawag ka?

"Ji-Hoon: Nasa likod mo ako."

"Tumingin si Hyun-Sik sa kanyang likuran at na kita nya si Ji-Hoon at kinawayan sya nito, at naglakad palapit sa kanya."

Hyun-Sik: Oh! Akala ko bumalik kana sa Hotel Room nyo?

Ji-Hoon: Oo bumalik nga ako, kaso kitang-kita kita mula sa bintana ng Hotel Room namin, magisa ka pang kumakain.

Hyun-Sik: Ahh ganun ba hehe, gusto ko lang din mapagisang kumain..

Ji-Hoon: Ok? Pero pwede maupo?

Hyun-Sik: Sure...

"Naupo si Ji-Hoon malapit kay Hyun-Sik."

Ji-Hoon: Bakit parang ang lalim ata ng iniisip mo?

Hyun-Sik: Ako? Malalim iniisip? Hindi naman siguro....

Ji-Hoon: Kitang kita sa mukha mo... Bakit? Ano ba dahilan bakit malalim iniisip mo?

Hyun-Sik: Hmmmm... Tungkol lang sa love life ko..

Ji-Hoon: Love life? Wait? May Gf ka?

Hyun-Sik: Actually hindi Gf.... Bf.. Meron akong Boyfriend...

Ji-Hoon: Oohh.. I see, bakit nga ba malalim iniisip mo about sa love life mo?

Hyun-Sik: Hmmm... Matanong kita...

Ji-Hoon: Ano yun?

Hyun-Sik: Paano kung alam mo na ba na may kahati ka sa puso ng mahal mo?

Ji-Hoon: Hmm??? Well.... Dyan nagiging kumplikado ang isang relasyon, pero... Kung may kahati ka sa puso nya eh edi ipakita mo na deserving ka kesa dun sa isang kahati ng mahal mo..

Hyun-Sik: Hmmm... Sabagay... Pero... Hindi ba signs ito ng pagiging over thinking?

Ji-Hoon: Hindi naman siguro, pero ito masasabi ko, ang Over Thinking ay kalahati ay totoo at kalahati ay hindi totoo. Pero based on my experience

.... Mas nagiging accurate ang totoo sa over thinking kaya na sasaktan tayo kapag nalaman nating totoo yung iniisip natin sa kanila.

Hyun-Sik: Pero mahal ko kasi sya, kahit anong gawin kong galit sa kanya eh na gagawa ko parin syang patawarin at tanggapin..

Ji-Hoon: Martir ka Hyun-Sik, yan ang masasabi ko.. Pero ganyan naman talaga kapag nagmamahal..

Hyun-Sik: Eh ikaw? Nakapag mahal ka na ba?

Ji-Hoon: Oo, madami na din akong naging karelasyon pero wala naman nagtagal.

Hyun-Sik: By the way... Salamat hehe kahit kakakilala lang natin tapos accidentally pa eh nagkaroon ako ng taong makakakwentuhan ko hehe.

Ji-Hoon: No problem, ay oo nga pala meron akong ibibigay sayo na quotes.

Hyun-Sik: Qoutes?

"Kinuha ni Ji-Hoon ang pocket notebook nya sa bulsa nya at sinimulan na nyang magsulat."

"Makalipas ng ilang minuto ay pinilas nya ang pahina ng pocket notebook na may sulat ng quotation at inabot nya kay Hyun-Sik."

Ji-Hoon: Ayan hehe, basahin mo. Ikaw bahala if itatapon mo o itatago mo, sige mauna na ako. I need to rest na.

Hyun-Sik: Sige Goodnight sayo.. Salamat sa oras hehe.

"Umalis na si Ji-Hoon at bumalik na ulit sa Hotel.

Tinignan ni Hyun-Sik ang nakasulat sa piraso ng pinunit na pahina ng pocket notebook ni Ji-Hoon."

Hyun-Sik: Hmmmm?? Look at the moon. The moon is bright like a stars but the moon trusted the Sun to glow him up at Night, and the Sun lend his glow to the moon that he loves.

Hyun-Sik: Hmmmm... Pinapahiwatig ba ni Ji-Hoon na magtiwala lang ako kay Seung-Ho? Dahil mahal nya ako?

"Dumating si Seung-Ho at tumayo sa harapan ni Hyun-Sik.

Napatingin si Hyun-Sik at na kita nya sa harapan nya si Seung-Ho.

Inabot ni Seung-Ho ang kanyang kamay kay Hyun-Sik."

Seung-Ho: Halika na sa loob ng Hotel?

Hyun-Sik: Ahh... Ok sige.

"Inabot na din ni Hyun-Sik ang kamay ni Seung-Ho.

Mas hinigpitan ni Seung-Ho ang pagkakapit ng kamay ni Hyun-Sik sa kamay nya.

At naglakad na sila papunta sa Hotel."

-----

"Pagkapasok nila ni Seung-Ho at Hyun-Sik ay lumabas si Ara sa Theater Room.

Nagkatitigan sila ni Ara at Hyun-Sik, at si Seung-Ho naman ay nakatitig din kay Ara."

Ara: Oh! Bakit ngayon lang kayo? Halika na sa loob, hehe nag start na yung activity natin.

Seung-Ho: Hehe sensya na.

Hyun-Sik: Sorry kung ngayon lang kami.

"Pumasok na sila sa loob ng Theater room, at umupo na sa kanilang designated sits na nakalaan sa kanila.

Nanonood sila ngayon ng Kpop dance performance contest ng bawat sections ng School nila at also Performance ng ibang school."

Seung-Ho: Wow! Hindi ko inaasahan na meron pala tayong makakasamang ibang school dito.

Ara: Hehe oo nga eh, pero wow magagaling din sila.

Hyun-Sik: Busan International High school?

"Napalingon si Seung-Ho kay Hyun-Sik."

Seung-Ho: Huh? Alam mo yung name ng school na kasama natin dito?

Hyun-Sik: Ahh oo, hehe meron kasi akong kaibigan dyan.

Seung-Ho: Ahh ganun ba.

"Umakyat ang Teacher Host para iannounce ang next na magpeperform."

Teacher: Kakaiba ang magtatanghal ngayong gabing ito, dahil sya ay kakanta at magpapakilig sa mga kababaihan ngayong gabi! Let's all welcome! Byun Ji-Hoon!!

"Lumabas na si Ji-Hoon sa gilid ng Stage at may dala dalang Gitara.

Ang dalawang Schools at karamihan ng mga babae ay nagsigawan at kinilig nung lumabas si Ji-Hoon sa stage."

Girls: "GO JI-HOON! GO JI-HOON! I LOVE YOU!!!! AHHHHH!!!!"

"Na gulat si Hyun-Sik nung na kita nya si Ji-Hoon, at sa hindi inaasahan ay na kita din siya ni Ji-Hoon.

Biglang nagtaka si Seung-Ho at tinitigan nya si Hyun-Sik at tinanong."

Seung-Ho: Kilala mo ba yan Hyun-Sik?

Hyun-Sik: Ahh oo hehe sya yung sinasabi kong kaibigan ko.

Seung-Ho: Ahh ganun ba...

"Inakbayan ni Seung-Ho si Hyun-Sik at inilapit nya si Hyun-Sik sa kanyang mga balikat.

At si Hyun-Sik naman ay napatitig kay Seung-Ho."

Hyun-Sik: Oh? Bakit bigla mo naman ako inakbayan? Nagseselos ka ba?

Seung-Ho: Haha? Ako nagseselos? Hindi ah....

*Tumingin sa malayo*

Hyun-Sik: Weh!! Hindi daw! Haha! Kilalang kilala na kita. Don't worry kaibigan ko lang naman yan.

"Sumulpot si Mi-Young na may dalang 4 paper bag na may lamang Snacks and drinks."

Mi-Young: Nako! Itong dalawang ito masyadong sweet haha! Oh ito snacks!

"Binigay isa isa ni Mi-Young ang dala nyang snacks kay Ara, Seung-Ho at Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Hehe salamat...

Seung-Ho: Nagabala ka pa hehe.

Ara: Look! Ang gwapo nung Student ng Busan oh!

Mi-Young: Ano name nya?

Ara: Ji-Hoon name nya, at kakanta ata sya ng ballad love song.

Mi-Young: OMG! must watch his performance!

Seung-Ho: Haha hindi mo na crush itong love kong si Hyun-Sik?

Mi-Young: Shut up! Maguupisa na oh, nangaasar pa.

Hyun-Sik: Hahaha!!

"Sinimulan na ni Ji-Hoon ang kanyang pagkanta.

At mga naglabas ng light stick ang mga nanonood sa Theater at kinakaway nila ito habang kumakanta si Ji-Hoon."

"Makalipas ng ilang minuto ay na tapos na ang performance ni Ji-Hoon at nag bow down na ito at bumalik na sa likod ng stage."

"Umakyat ang Teacher Host at nagsalita ito."

Teacher: Palakpakan ang mga contestant na nagperform ngayong gabi. Isang malakas na Palakpakan para sa Korean International High school!

"Lumabas ang mga student contestant ng KIS, at nag bow down sila sa audience."

Teacher: At isang malakas na palakpakan para naman sa student contestant ng Busan International High school!

"Nagsilabasan din ang mga student contestant ng BIS at nag bow down sila sa audience."

Teacher: Bukas ng Gabi ay malalaman ang magwawagi sa ating Big Prom night, kaya hanggang dito nalang muna nagtatapos ang ating program.

"Nagsitayuan na ang mga audiences na students and teachers at nagsisilabasan na sila sa exit ng Theater."

----

"Pagkatapos ng Program, ay pumunta na sa kanikanilang room para magpahinga na."

"Boys Room"

"Tinawag ni Seung-Ho si Hyun-Sik dahil may inaasikaso ito sa bag nya."

Seung-Ho: Hyun-Sik! Dito tayo, tabi tayo matulog.

Hyun-Sik: Ok sige, wait lang may kinukuha lang sa bag ko.

"Inilagay ni Hyun-Sik ang Piraso ng pahina ng pocket book at inilagay nga ito sa loob ng note pad nya.

Pumunta na si Hyun-Sik sa pwesto ng higaan nila ni Seung-Ho at na higa na din ito."

Hyun-Sik: Hindi ako sanay matulog ng madaming kasama dito sa loob ng kwarto... Hehe

Seung-Ho: Edi tumalikod ka sa kanila, tapos sa akin ka humarap.

Hyun-Sik: Ok sabi mo eh...

"Humarap si Hyun-Sik kay Seung-Ho habang sila ay nakahiga.

Biglang niyakap ni Seung-Ho si Hyun-Sik at ipinatong nya ang kanang paa nya sa binti ni Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Aish!! Mainit huy!! Wag mo na ipatong paa mo sa binti ko.

Seung-Ho: Eh gusto ko eh... Hmmpf!!

"Tinanggal ni Hyun-Sik ang nakapatong na paa ni Seung-Ho at pinatong ulit ni Seung-Ho ang paa nito kay Hyun-Sik."

"Hindi na pumalag sa pangungulit ni Seung-Ho si Hyun-Sik.

At nakatitig si Seung-Ho kay Hyun-Sik ng seryoso."

"Napalunok ng laway si Hyun-Sik dahil sa tingin ni Seung-Ho."

Hyun-Sik: Ahh? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?

Seung-Ho: Ayoko lang mawala sa paningin ko yung mukha ng lalakeng pinakamamahal ko.

Hyun-Sik: Baka matunaw naman ako nyan? Haha

Seung-Ho: Hindi ka matutunaw, gusto ko lang talaga titigan mukha mo.

"Biglang hinalikan ni Seung-Ho si Hyun-Sik sa mga labi."

Hyun-Sik: Huy!! Sira ka ba? Makita tayo ng iba nating kaklase eh!

Seung-Ho: Sus! Haha nahihiya ka pa eh alam naman nila na magkarelasyon tayo.

Hyun-Sik: Magtigil ka nga, gusto ko na matulog, love you!

"Ipinikit na ni Hyun-Sik ang kanyang mga mata pero si Seung-Ho ay nakatitig parin sa kanya at pinagmamasdan ang papatulog palang na si Hyun-Sik.

Nagsalita ng mahina si Seung-Ho."

Seung-Ho: I love you too, and sorry din kung na sasaktan kita.

"Minulat ni Hyun-Sik ang kanyang mga mata."

Hyun-Sik: Huh? Anong pinagsasabi mo?

"Ngumiti si Seung-Ho."

Seung-Ho: Nakapag settle na kami ni Ara, at nakapag usap na..

Hyun-Sik: Anong settle? Ano pinagusapan nyo?

Seung-Ho: Pinapalaya na ni Ara ang feelings nya sa akin at magkaibigan nalang kami ulit.

Hyun-Sik: Mabuti naman.. Salamat naman kung ganun.

Seung-Ho: Tulog na tayo?

Hyun-Sik: Oo tulog na tayo, good night.

Seung-Ho: Good night din..

"Niyakap ni Seung-Ho si Hyun-Sik at tuluyan na silang na tulog."

-----

"June 12, 2018"

"6:00 am"

"Paradise Hotel, Jeju Island."

"Boys Room"

"Hyun-Sik POV"

"Na gising si Hyun-Sik dahil na sisinagan ng araw ang mukha nya.

Sya ay umupo sa kanyang hinihigaan, pinagmasdan nya ang mukha ni Seung-Ho na natutulog parin hanggang ngayon."

Hyun-Sik: Himbing ng tulog nito ah...

"Kinausap sya ng isa nyang Classmate na kasama nila sa Boys Room."

Boy: Hyun-Sik, sama ka sa amin?

Hyun-Sik: Huh? San naman?

Boy: Bili sana kami ng Coffee, if kung hindi ka sasama eh magpapabili ka nalang ba?

Hyun-Sik: Hmm? Sige pasabay na ako magpabili sa inyo ng coffee, dalawang café americano nalang.

Boy: Ok sige, mauna na kami.

"Umalis na ang iba pa nilang boy classmates sa kwarto at na iwan si Hyun-Sik at si Seung-Ho."

"Biglang kumatok si Ara sa pintuang nakabukas sa Boys Room.

At tumingin si Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Good morning Ara, na papunta ka ata dito?

Ara: Good morning din, hehe ano kasi,... Pwede ba tayo mag-usap? Kahit saglit lang.

Hyun-Sik: Uhm? Ok sige...

"Tumayo si Hyun-Sik at sumunod na kay Ara palabas ng Boys Room at sinarado na nya muna ang pintuan dahil na tutulog pa si Seung-Ho."

"Hallway"

Hyun-Sik: Ano nga pala pag-uusapan natin?

Ara: Tungkol sana sa......

"Hindi makatingin ng diretso si Ara kay Hyun-Sik."

Ara: About sa amin ni Seung-Ho......

"Biglang napakunot ang noo ni Hyun-Sik sa na rinig nya kay Ara."

Hyun-Sik: Bakit? Ano meron sa inyo? Meron ba akong hindi alam sa inyong dalawa ni Seung-Ho?

Ara: Ito kasi yun... Sasabihin ko na... Kagabi na kita kita naglalakad sa labas nung hinila ako ni Seung-Ho at tumakbo kami...

Hyun-Sik: Hmm?? Ok? Ano pa?

Ara: Nag-usap kami.... Hmmm... I set my feelings free to him, I just settle my feelings to him... It's better na ginawa ko na yung bagay na gusto kong gawin.

I feel guilty and being desperate na mahalin ako ni Seung-Ho, lalong lalo na nakita ko kung gaano ka na saktan nung naghahalikan kami ni Seung-Ho.

Alam ko, na galit ka sa akin ngayon, I'm so sorry Hyun-Sik...

Hyun-Sik: No need to say sorry... Matagal na kitang pinatawad, and gusto ko magpasalamat kasi pinakawalan mo na yung nararamdaman mo kay Seung-Ho, I wish na mas makatagpo ka ng mas better na Lalake na magmamahal sayo.

"Tumingin si Ara kay Hyun-Sik at bumuhos ang mga luha nito.

Niyakap sya ni Hyun-Sik para icomfort ito."

Hyun-Sik: Alam ko masakit yang nararamdaman mo... Iiyak mo lang...

Ara: Sobrang na sasaktan ako Hyun-Sik, pero kailangan kong tanggapin at mag move on.

*Heavily Crying*

Hyun-Sik: Hmmm... Kaibigan mo parin naman kami ni Seung-Ho don't worry, tumahan kama Ara... Magiging ok din ang lahat..

Ara: Salamat Hyun-Sik... Salamat...

"Dumating na ang iba pang Boy Classmates ni Hyun-Sik."

Boy: Huy Hyun-Sik! Ito na Coffee nyo..

Hyun-Sik: Salamat hehe! Maya ko nalang bayaran..

Boy: No need bayaran hehe libre ko na yan.

Hyun-Sik: Hehe salamat talaga...

"Pumasok na ang mga Boys sa loob ng Room."

Hyun-Sik: Sige Ara, pasok na muna ako, hehe tsa mukhang hinahanap ka na din ni Mi-Young sa loob.

Ara: Ahh oo nga, hehe sensya na, na ririnig mo maingay na boses nya.

"Pinagbuksan ng pintuan ni Hyun-Sik si Ara, at pumasok na sila sa room, at naghiwalay na sila at pumunta si Hyun-Sik sa Boys Room at si Ara ay sa Girls Room."

-----

"Pagkapasok ni Hyun-Sik sa Boys Room ay na kita nyang tulog parin si Seung-Ho.

Nilapitan nya ito at ginising."

Hyun-Sik: Seung-Ho... Gumising kana dyan, hehe may Coffee na ako dito..

"Minulat ni Seung-Ho ang mga mata nya at na upo ito."

Hyun-Sik: Oh ito Coffee mo..

Seung-Ho: Ahh salamat....

"Pagkaabot ni Seung-Ho ng Coffee ay ngumiti ito kay Hyun-Sik at uminom na sya ng Coffee."

Hyun-Sik: Good morning pala.. Hehe..

Seung-Ho: Good morning din...

Hyun-Sik: Mamaya na ang Prom ah, pasuyo naman hehe tulungan mo ako mag ayos mamaya.

Seung-Ho: Hehe sige tutulungan kita mamaya.

Hyun-Sik: Huy! Wag mo kakalimutan na ikaw Prom Date ko at kapartner ko sa Sweet Dance performance ah.

Seung-Ho: Ahh shit! Haha oo nga pala.. Nakalimutan ko na hehe pero salamat sa pagpapaalala.

"Masaya silang nag uusap habang umiinom ng Coffee.

Tumabi si Hyun-Sik kay Seung-Ho at pinagpatuloy nila ang kanilang pinaguusapan."

-----

"Ara POV"

"Habang kinakausap sya ni Mi-Young ay nakatulala sya at may ibang nasa isip nya."

Ara Mind: "Finally, wala na akong doubts sa sarili ko... Salamat Hyun-Sik, Salamat Seung-Ho."

"Biglang pumalakpak sa harapan ng mukha ni Ara si Mi-Young."

Mi-Young: Hoy?! Ayus ka lang ba? Nakatulala ka dyan?

"Bumalik sa ulirat si Ara dahil sa malalim ang kanyang iniisip."

Ara: Ah? Hehehe oo ayus naman ako hehe, ano nga pala sinasabi mo?

Mi-Young: Ang sabi ko, para mamaya sa Prom! Kung ready kana?

Ara: Ahhh!! Oo hehe ready naman ako..

Mi-Young: Ok? Good!!

"Napansin ni Ara sila Seung-Ho at Hyun-Sik na lumabas ng Boys Room."

-----

"Mi-Young POV"

"After nyang makipagusap kay Ara ay nagpaalam muna ito na may bibilhin lang sa Isang coffee shop sa ibabang floor ng Hotel."

"Pagkalabas nya ng kwarto at pagkalingon nya sa likod ay na kita nya si Dong-Hyun.

Na gulat si Mi-Young dahil ibang iba ang ayos ng pananamit nito at ang hair style."

Mi-Young: Eh?! Anong ginagawa mo dito?!! *Shocked*

Dong-Hyun: Ahh nandyan ba si Hyun-Sik?

Mi-Young: Wala bakit? Lumabas sila ni Seung-Ho.

Dong-Hyun: Ahh... Ganun ba.. Sige..

"Tumalikod na si Dong-Hyun at naglakad paalis. Tinitigan lang ito ni Mi-Young hanggang sa makaalis ito."

"Merong lumapit kay Dong-Hyun na isang babae at niyakap ito. Nagholding hands sila ni Dong-Hyun at nung babae.

Biglang tumaas kilay ni Mi-Young at pinagpipintasan yung babae."

Mi-Young: Wow hah? Akala mo naman kaganda mo. *Smirking*

"Tuluyan ng umalis si Mi-Young."

-----

"5:00pm"

"K Fashion Clothing Store"

Seung-Ho: Hmmmm??? Ok na ba ito? Ano sa tingin mo Hyun-Sik?

"Tinignan ni Hyun-Sik si Seung-Ho mula ulo hanggang paa."

Hyun-Sik: Ok naman pero ito mas bagay sayo ito.

"Kinuha ni Hyun-Sik ang isang brown Coat, at ibinigay nya ito kay Seung-Ho."

Seung-Ho: Ok, wait hehe.

"Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na sa fitting room si Seung-Ho."

Seung-Ho: Ito? Ok na?

Hyun-Sik: Oo hehe bagay na bagay sayo yan.

Seung-Ho: Oh! Ikaw naman sunod, wait.... Ano ba bagay sayo... Hmmmm..

"Nakita na ni Seung-Ho ang isang Elegant Black Coat at binigay ito kay Hyun-Sik."

Seung-Ho: Ito try mo.

Hyun-Sik: Ok wait....

"Habang nagbibihis si Hyun-Sik sa loob ng fitting room ay tumawag si Misis Lee as video call sa phone ni Seung-Ho."

Seung-Ho: Hello po Misis Lee!

*Kumaway*

"Misis Lee: Oh kamusta kayo dyan? Na saan kayo?"

Seung-Ho: Dito lang po sa Clothing Shop.

"Misis Lee: Si Hyun-Sik na saan?"

Seung-Ho: Nasa fitting room pa po sya hehe..

"Lumabas na ng fitting room si Hyun-Sik at na pansin nya agad na ka-video call ni Seung-Ho si Misis Lee."

"Misis Lee: Oh! Ayan na pala anak ko!"

Seung-Ho: Lapit ka dito!

Hyun-Sik: Gandang gabi Ma! Kamusta kayo dyan?

"Misis Lee: Ayus lang Anak, wow!!! Ang gwapo nyong pareho Hyun-Sik at Seung-Ho! Bagay na bagay sa inyo mga suot nyo ngayon."

Hyun-Sik: Salamat po Ma hehe...

Seung-Ho: Salamat po Misis Lee, hehe mamaya po aayusan na kami ng make up artist ko para sa Prom.

"Misis Lee: Ahh ganun ba?? Oh basta ah! Wag kalimutan mga bilin ko sa inyong dalawa dyan na magingat lagi ok ba yun?"

Seung-Ho/Hyun-Sik: Opo... Masusunod po..

"Misis Lee: Oh sige mauna na ako, enjoy the night."

"Binaba na ni Misis Lee ang Video Call.

Sila Seung-Ho at Hyun-Sik ay nagayos na kasama ng mga make up artist na hire ni Seung-Ho."

-----

"THE PROM NIGHT"

"7:00PM Paradise Hotel"

"Nagumpisa na ang Prom, isa isang nagsipasukan ang bawat mag partner sa isang malaking Ark of Hearts..

Bukod tangi ang bawat isang student dahil nag gagandahan ang mga Evenin Gown ng mga Babae at nag gagandahang Tuxedo ng mga Lalakeng students.

Si Ara ay naka Night Gown na kulay Pink at kimikinang ito.

Si Mi-Young naman ay naka Night Gown at Elegant Red dress ang kanyang suot.

Pumasok si Dong-Hyun at ang kanyang kapartner, halos ang daming babae na nagulat sa bagong itsura ni Dong-Hyun at hindi nila inaasahan na makisig at gwapong lalake at malayong malayo sa Dong-Hyun na nakilala nilang Nerd.

At ang pinaka inaabangan ng lahat ang bukod tanging Lalake sa Lalake na magkapartner. Pumasok na sila Hyun-Sik at Seung-Ho at namangha sila dahil napaka gwapo ng dalawa.

Pumasok ng mag kaholding hands si Seung-Ho at Hyun-Sik, at kasabay nun ay ang pagbukas ng mga Christmas Lights sa buong paligid."

"Karamihan sa kanila ay umupo na sa mga round tables."

"Ilang minuto lang ng Prom Night ay oras na ng Sweet Dance performance."

----

"Inaya ni Seung-Ho si Hyun-Sik na makipagsayaw, at inabot nito ang kanyang kanang kamay kay Hyun-Sik."

Seung-Ho: Shall we dance?

Hyun-Sik: Oo, I will....

"Kinuha ni Hyun-Sik ang kamay ni Seung-Ho at naglakad na sila sa gitna ng mga iba pang students na nakatayo."

"Pinatugtog na ang Sweet Dance song track at nagumpisa na silang sumayaw."

"Dahil si Seung-Ho ang naging Babae sa kanilang dalawa ni Hyun-Sik ay nasa line up ng Babae si Seung-Ho.

Sumama na si Seung-Ho sa Cirle ng mga Babae at umikot sila ng Left Side.

Ang mga Lalake kung san naka Line up si Hyun-Sik at umikot sila ng Right Side.

Tuwing magpapalit ang isang Sound Track ay magpapalit ng partner na sinasayaw at ipapasa ito sa Right side."

----

"Hyun-Sik POV"

"Hindi inaasahan na si Mi-Young ang next partner ni Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Hello.

Mi-Young: Hi....

"Hinawakan ni Hyun-Sik si Mi-Young sa bewang at hinawakan naman ni Mi-Young ang kanyang kaliwang kamay sa balikat ni Hyun-Sik."

"Habang nagsasayaw sila ay nagusap silang dalawa."

Hyun-Sik: Bakit pala hindi mo bigyan ng chance si Dong-Hyun sa pagmamahal nya sayo?

Mi-Young: Hmmm... He's not my type...

Hyun-Sik: Eh? Sino naman type mong lalake?

Mi-Young: Yung kagaya mo, ikaw mismo Hyun-Sik.

"Napakunot noo si Hyun-Sik sa narinig nya."

Hyun-Sik: Hmmm.. Thank you... Pero magkarelasyon na kami ni Seung-Ho eh...

Mi-Young: I know... Pero na gulat ako sa new Dong-Hyun appearance nya.

Hyun-Sik: Bakit naman?

Mi-Young: Hmmm... Paano ba..

Hyun-Sik: Hmm?? Na he can change his looks? To impress you?

*Flashback*

"K FASHION CLOTHING STORE"

"Paalis na sana sila Seung-Ho at Hyun-Sik ng makasalubong nila si Dong-Hyun sa loob ng Store."

Hyun-Sik: Oh Dong-Hyun ano ginagawa mo dito?

Dong-Hyun: Ahh ano kasi si....

"Tinitigan ni Dong-Hyun si Seung-Ho at sumenyas ito gamit ang kilay nya."

Seung-Ho: Nice buti nandito kana hehe....

Hyun-Sik: Huh? Bakit? Ano meron?

"Makalipas ng isang oras na pagaayos kay Dong-Hyun sa mga hired make up artist ni Seung-Ho ay na tapos na sila.

Dahil mas inayos pa nila ang looks ni Dong-Hyun at talagang big changes ng looks nya ngayon.

Lumabas na sila ng Store at sumakay na sa kotse."

*End Of Flashback*

Mi-Young: Hmmm nakukunsensya na ako... His putting so much effort to impress me kaso tinutulak ko sya palayo lagi..

*Yumuko*

Hyun-Sik: Sundin mo yung nasa puso mo, alam ko na you like Dong-Hyun na din hindi dahil sa new looks nya ngayon, dahil sa efforts na ginagawa nya sayo.

-----

"Mi-Young and Dong-Hyun POV"

"Natapos na ang Song Track at nagpalit ulit ng partner.

Ibinigay na ni Hyun-Sik ang mga kamay ni Mi-Young sa isa pang lalake na kasunod nito.

Nakatingin si Mi-Young kay Hyun-Sik at lumingon na sya sa bago nyang partner sa sweet dance, na gulat sya nung si Dong-Hyun na ang kapartner nya."

Mi-Young: Oh!! Ikaw na pala yan Dong-Hyun....

Dong-Hyun: Hmmm.. Oo hehe..

"Inumpisahan na nila ang sweet dance.

Si Mi-Young ay bahagyang namumula ang kanyang mga mukha at hindi makatingin kay Dong-Hyun.

At si Dong-Hyun ay sa malayo nakatingin."

Mi-Young: Hmmm ang gwapo mo ngayon Dong-Hyun...

"Tumingin si Dong-Hyun kay Mi-Young at na tulala ito sa sinabi."

Dong-Hyun: Ahh.. Ehh?? Salamat... Kaw naman maganda ka ngayon.

"Timitig si Mi-Young kay Dong-Hyun at nagtaas ng kilay."

Mi-Young: I know! I woke up like this! Duh!!!

Dong-Hyun: Namumula ata mukha mo?

Mi-Young: Ako? Namumula mukha? Haha papatawa ka ba? Make up ko yan!

"Nagpatuloy silang dalawa sa pagsasayaw ng sweet dance, at hindi parin matitigan ni Mi-Young si Dong-Hyun ng diretso dahil na hihiya ito."

-----

"Hyun-Sik and Seung-Ho POV"

"Dahil last sweet dance partner na, ngayon ay nasa gitna na ng lahat si Seung-Ho at Hyun-Sik.

Nagsasayaw parin ang lahat."

"Biglang tumapat sa kanila ang spot light at umilaw yung sahig na may korteng puso.

Dahil sila ngayon ang Main Attraction dahil hinangaan sila ng karamihan sa matapang na paglalahad ng pagiibigan nilang dalawa."

Hyun-Sik: Hala!!! Nakakahiya, kinakabahan tuloy ako lalo nyan..

Seung-Ho: Bakit ka mahihiya? Eh nandito ako..

Hyun-Sik: Alam ko pero hindi kasi ako talagang sanay sa ganitona tayo yung main attraction... Paano ba ito Se.. Ung...

"Bigla syang hinalikan ni Seung-Ho sa mga labi.

Dahil sa nangyaring paghalik ni Seung-Ho kay Hyun-Sik halos matunaw ang puso ni Hyun-Sik at nawala ang pagkahiya at kabang nararamdaman nya."

"Bumitaw si Seung-Ho ng pagkakahalik kay Hyun-Sik at nagsalita."

Seung-Ho: This is my special Prom Night and the best night na experience ko, I love you Hyun-Sik..

Hyun-Sik: I love you too Seung-Ho... Thank you for making me happy...

"Habang nagsasayaw ang lahat ng student ng Sweet Dance ay may nagpaputok ng magagandang fire works display.

Kitang kita ito sa Glass roof ng Ball Room ng Hotel."

"Parehas na tinitigan ni Seung-Ho at Hyun-Sik ang fire works mula sa Glass roof."

"IPINAPANGAKO KO SAYO NA AKO ANG UNA AT ANG WAKAS NA MAGMAMAHAL SAYO HYUN-SIK.....

-SEUNG-HO"

To Be Continued.....

End Of Episode 18

Share This Chapter