제 19 화
Heart Impound 심장 압수 Season1 (K-Drama BL) (Tagalog Version) (COMPLETED)
*Present Day*
December 22, 2022
"íì¬ì ë 2022 ë 12 ì 22 ì¼"
"Hyun-Sik POV"
"Seoul Metropolitan Library"
"Habang nagbabasa ng Libro si Hyun-Sik ay may dumating na text messege sa kanyang phone at kanya itong sinilip."
Hyun-Sik: Si Ji-Hoon ang nagtext? Mabasa nga...
"From Ji-Hoon: Gandang hapon! Na saan ka ngayon? Papasok ka ba sa Office?"
"Nagreply si Hyun-Sik sa Text ni Ji-Hoon."
"To Ji-Hoon: Oo papasok ako, may binabasa lang ako dito sa Library. Sige see you later."
"Pinatay na ni Hyun-Sik ang kanyang phone at tumingin sa wall clock.
Tumayo na sya sa kinauupuan nya at inayos na nya mga gamit nya."
Hyun-Sik: 2:30 na pala ng hapon, kailangan ko ng pumasok sa office..
"Matapos ang apat na taong paghihiwalay nila ni Hyun-Sik at Seung-Ho."
------
"Hyun-Sik POV"
"Habang naghihintay na makatawid si Hyun-Sik ay na kita nya ang isang malaking Screen na nasa isang building at binasa nya ang nakasulat dito."
"3:00 PM"
Hyun-Sik: Dalawang araw na lamang bago ang Pasko. Kailangan kong magmadali at baka mahuli ako sa trabaho.
"Ang mga tao ay nakatingin sa kalangitan dahil mayroong nagfire works. "
Hyun-Sik: Ang ganda ng fire works halos magpapasko na, at parang ang bilis ng paglipas ng panahon
* Nakatingin sa Langit *
"Naging green ang "Walk Sign Light" sa Pedestrian Lane, at ang karamihan sa tao ay tumatawid na sa kalsada."
"Habang si Hyun-Sik ay naglalakad sa gitna ng Pedestrian Lane, biglang may tumunog na phone at ang karamihan sa mga tao sa paligid ay tumingin sa kanilang mga Phone, tumingin din si Hyun-Sik sa kanyang phone, ngunit hindi sa kanya ang tumunog na Phone."
"Pinagpatuloy ni Hyun-Sik ang kanyang lakad at nang makita niya si Seung-Ho sa kabilang linya ng Pedestrian Lane."
"Habang papalapit sila at biglang may tumatawag sa phone ni Seung-Ho."
"Tumingin lang si Seung-Ho at hindi pinansin ang kanyang phone at patuloy lang siya sa paglalakad."
"Nang tumawid si Hyun-Sik sa Pedestrian Lane, tumingin siya pabalik kay Seung-Ho upang makita kung tumawid din siya rito."
"Nakita niya ang isang babaeng yumakap kay Seung-Ho."
Eun-Kyung: Ngayon nandito ka Seung-Ho my Love! Hehe
Seung-Ho: Namiss mo ba ako ng Mahal ko?
Eun-Kyung: Oo, namimiss talaga kita.
"Habang nakatingin si Hyun-Sik kay Seung-Ho at sa babaeng nakayakap kay Seung-Ho, ay may biglang umakbay sa kanya.
At bumalik sa ulirat at tinignan nya kung sino ang umakbay sa kanya."
Hyun-Sik: Oh! Kaw pala yan Ji-Hoon, bakit ka nandito?
Ji-Hoon: Well! Kanina pa ako nakasunod sayo dun palang sa Library hehe.
Hyun-Sik: Ahh hehe sige halika na at madami pa tayo tatrabahuhin sa Office lalo na malapit na ipublised yung Novel Book ko.
Ji-Hoon: Haha oo nga, ni review ko Novel mong Heart Impound, ang ganda, tsaka yung mga Quotations nakakabilib.
Hyun-Sik: Hehe Salamat...
"Habang nakaakbay si Ji-Hoon kay Hyun-Sik at naglalakad na ay lumingon si Ji-Hoon sa kabilang pedestrian lane kung na saan si Seung-Ho.
Na kita nya na masaya si Seung-Ho na nakikipag usap dun sa babae."
-----
"Namsan Corporation"
"ë¨ì° ë²ì¸"
"Hyun-Sik POV"
"Habang nasa Office ay dumating ang CEO ng kompanya at hinanap si Hyun-Sik."
CEO: Na saan pala si Mr. Lee?
Girl: Ah Sir sandali lang po, puntahan ko po.
"Pinuntahan ng katarabahong babae si Hyun-Sik."
Girl: Huy Hyun-Sik tawag ka ni Boss.
Hyun-Sik: Huh? Ako? Bakit naman?
Girl: Eh basta... Hindi ko alam, puntahan mo nalang dyan sa labas ng cubicle ng Office.
"Pinuntahan ni Hyun-Sik ang CEO nila at saktong na kita agad niya ang CEO at nakangiti ito sa kanya."
CEO: Ohh!! Ito na pala ang magiging sikat na Author natin!!
Hyun-Sik: Po? Ako po?
*Nagtatakang pagkasabi*
CEO: I would like to congratulate you Mr. Lee dahil yung Novel mo na Heart Impound ay naging big Success lalo na sa sales ng Company!
"Bigla syang niyakap ng CEO dahil sa tuwa nito kay Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Maraming salamat po Sir, kung hindi din dahil sa inyo at sa pagtitiwala nyo eh hindi ko maabot itong pangarap ko..
"Umiyak sa tuwa si Hyun-Sik at Bumitaw sa pagkakayakap ang CEO sa kanya at inabot nya ang kamay ni Hyun-Sik at nag shake hands sila."
CEO: You're always welcome, parang anak na din kita kaya ang tagumpay mo ay tagumpay na nating lahat.
"Nagsitayuan ang mga Empleyado sa Office at nagsipalakpakan.
Tumingin si Hyun-Sik kay Ji-Hoon dahil masayang masaya ito sa balitang hatid ng CEO nila."
CEO: Oh Mr. Lee, meron kang naka scheduled na Press Conference sa isang malaking event na gaganapin, dahil ang K Fashion at naging interesado din sila sa Novel na ginagawa mo.
Hyun-Sik: K Fashion? Ahh.... Hehe hindi ko po ineexpect na magkakainteres sila sa Novel na gawa ko.
CEO: Pero still.. Congratulations sayo Mr. Lee.
"At umalis na ang CEO nila at na iwang nakatayo si Hyun-Sik at hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari."
"Lumapit si Ji-Hoon sa kanya at niyakap sya nito."
Ji-Hoon: Congratulations Buddy!!
Hyun-Sik: Salamat hehe! So ano? Sagot ko Dinner natin?
Ji-Hoon: Game!! Dapat mag celebrate tayo! Tsaka ehem!!! Masarap uminom ng Beer mamaya.
Hyun-Sik: Tamang tama ako din haha nakakamiss uminom ng Beer...
"Makalipas ng ilang minutong paguusap ay bumalik na sila sa kanilang cubicle sa Office at inumpisahan na ulit ang kanilang trabaho."
------
*PAST DAY*
"June 18, 2018"
"Sunday"
"Ara POV"
"Pagkatapos ng Isang linggong Jeju Island School Trip ay nakauwi na sila sa Mansion."
Ara: Nakakapagod ang byahe noh..
Mi-Young: Sinabi mo pa, Sige na at mauna na ako sa kwarto ko hah.
Ara: Sige pahinga kana..
"Dumating na si Madam Park at na kita sya ni Ara."
Ara: Mom! Buti nakauwi kana.
Madam Park: Well inagahan ko na ang pauwi ko kasi gustong gusto kita kamustahin, so? Kamusta school trip?
Ara: Maayos naman, masaya.
Madam Park: Mabuti naman at nagenjoy kayo ni Mi-Young dun.. By the way hinalungkat mo ba drawer ko nung nakaraan?
Ara: Ahhh... Yung araw na hinirap ko po Jewelry nyo? Opo, na halungkat ko nga po.
Madam Park: Ahh ok, na pansin ko kasi medyo hindi na ayos yung ibang gamit dun. Pero it's ok.
"Biglang may na aalala si Ara sa na kita nya na isang maliit na pocket notebook na may kasamang picture."
Ara: Mom... Pwede ba magtanong?
Madam Park: Ano yun Ara?
Ara: Sino yung nasa maliit na pocket notebook? Yung isang babae at may bitbit na bata sa picture? At sino si Mi-Ran?
"Nagulat si Madam Park at napatingin kay Ara."
Madam Park: B.. Bakit mo na ta... Tanong yan Ara?
Ara: Na curious lang ako, and nung nakaraan may na kita akong matandang babae and also kamukha nya yung nasa picture.... Tsaka ang gaan ng loob ko sa matandang babae na yun, para bang kilala ko sya??
Madam Park: Ehh.. Ehem!! Baka na misinterpret mo lang yang feelings mo lalo na dyan sa matandang babaeng sinasabi mo...
Ara: Pero sino yung Mi-Ran? And why you keeping that pocket notebook if hindi naman importante?
Madam Park: Mi-Ran?? Ahhh... Ehh... Wala akong kilalang Mi-Ran, hehe sige mauna na ako sayo at kailangan ko ng magpahinga..
*Natatarantang Reaksyon*
"Umakyat na ng Hagdanan si Madam Park at tinignan ito ni Ara na may pagtataka sa reaksyon sa mukha ni Madam Park."
Ara: Hmm? Bakit ganun reaksyon nya? Bakit pakiramdam ko may nililihim sa akin si Mom??
-----
"Madam Park POV"
"Dali dali syang pumasok sa kwarto nya, at pagkasarado ng pintuan ay sumandal sya dito at bumuhos ang kanyang mga luha."
Madam Park: Patawarin mo ako Ara... Kung matagal na panahon na nilihim ko ang tunay na pagkatao mo... Napamahal kana sa akin kahit hindi kita tunay na anak....
*Hardly Crying*
"Tumingin si Madam Park sa Drawer kung saan nakalagay yung Pocket Notebook..
Pinuntahan nya ang drawer at binuksan ito at kinuha ang Pocket Notebook."
Madam Park: Ka.. Kailangan ko itong sunugin, a.. Aaa. Ayokong makita pa ito ni Ara...
"Binuksan ni Madam Park ang Pintuan nya sa kwarto, sinarado nya ang pintuan at sabay lumingon sa kanyang kanan at na kita nya si Ara na umiiyak."
Madam Park: Anong ginagawa mo dyan Ara?
*Gulat na pagkasabi*
Ara: Ano yung... Na rinig ko sa inyo sa loob ng kwarto mo Mom? Na... Hindi mo ako tunay na anak??
*Crying*
"Hindi makatingin ng Diretso si Madam Park kay Ara.
Na pansin ni Ara ang Pocket Book na hawak hawak ni Madam Park."
Ara: Bakit nyo hawak yan Mom?!
Madam Park: Ahh.. Ito?? Ano.....
"Kinuha ito ni Ara sa kamay ni Madam Park."
Ara: Siya ba?! Siya ba ang tunay kong ina?! Sumagot ka Mom!!!!!
*Hardly Crying and Shout out*
"Umiyak na din si Madam Park at hindi parin makatingin ng diretso kay Ara.
Dahil sa ingay ay lumabas si Mi-Young sa kanyang kwarto at pumunta sa kanila."
Mi-Young: Anong nangyayari dito Auntie and Ara? Bakit kayo nagtatalo?
Madam Park: I'm so sorry Ara, patawarin mo ako......
*Hardly Crying*
"Lumuhod si Madam Park kay Ara.
At na gulat si Mi-Young at pinuntahan nya si Madam Park."
Mi-Young: Auntie!! Ano bang ginagawa nyo?!! Bakit kayo lumuluhod?!
Ara: Buong buhay ko, puro pala kasinungalingan ang lahat!! Bakit!! Bakit kayo naglihim sa akin!!
*Hardy Crying*
Madam Park: I'm sorry Ara,, Oo hindi ka namin tunay na anak at matagal namin itong tinago sayo pero mahal na mahal ka namin ng Dad mo.... Patawarin mo ako Anak!
*Hardly crying while kneeling*
"Na gulat si Mi-Young sa kanyang mga na ririnig at hindi sya makapagsalita sa mga naririnig nya."
Ara: Mapapatawad ko kayo Mom, bastat sabihin nyo sa akin kung saan nakatira ang tunay kong magulang..
*Crying*
"Lumuhod din si Ara at hinawakan nyang magkabilang balikat ni Madam Park.
Tumingin na ng diretso si Madam Park kay Ara."
Madam Park: Oo Ara, sasabihin ko kung na saan magulang mo pero I'm sorry sa lahat ng ginawa kong paglilihim sayo...
*Crying*
Ara: Tumayo na po kayo Mom, pinapatawad ko na kayo, ayokong magtanim ng sama ng loob sa inyo...
Madam Park: Maraming maraming salamat Ara...
"Tumayo na sila at Niyakap ni Ara si Madam Park.
Si Mi-Young ay yumakap din sa kanila."
Mi-Young: It's ok Ara if hindi kita tunay na kadugo but still tinuturing parin kitang sister ko....
Ara: Maraming salamat Mi-Young...
-----
"Ara POV"
"Pinuntahan na nila Ara kung saan nakatira ang tunay na magulang nya.
Makalipas ng ilang minuto ay dumating na sila sa isang lugar na may maliit na Apartment.
Binaba ni Ara ang bintana ng kotse at na kita nyang lumabas sa pintuan ang tunay na Ina nya na may bitbit na dalawang malaking lata ng Coocking oil."
Madam Park: Puntahan mo na sya Ara.
Mi-Young: Sunod nalang kami pagkababa mo..
"Tinignan ni Ara si Madam Park at na paluha ito ulit, at lumabas na sya sa kotse at pinuntahan na nya ang Apartment ng Tunay na magulang nya."
"Habang nagaasikaso ng mga kailangan nya para sa Fish Cake ang Matandang Babae na tunay na Ina ni Ara ay nagsalita si Ara."
Ara: Mama.....
"Dahil nakatalikod ang matandang babae, ay na gulat ito at humarap kay Ara."
Misis Cha: Sino ka? Bakit Mama ang tawag mo sa akin?
Ara: Mama.. Ako ito si Mi-Ran....
*Suddenly Crying*
Misis Cha: Mi.... Mi.. Mi-Ran??!! I.. Ikaw na ba yan? Ang laki mo na....
"Biglang niyakap ni Ara ang matandang babae at umiyak na din ang matandang babae at niyakap na din nya si Ara."
Misis Cha: Patawarin mo ako anak ko.... Miss na miss kita,, walang araw na hindi kita iniisip.... Patawarin mo si Mama ahhh??
*Hardly Crying*
Ara: Mama! Matagal ko na kayong pinatawad, at ginawa nyo lang yung makakabuti sa akin pero salamat po kasi nalaman ko na ang lahat na kayo ang tunay kong magulang..
*Hardly Crying*
*Flashback*
Misis Cha: Madam Park,, pasensyahan nyo na po ako kung nandito ako ulit sa Mansion..
"Kasama nya ang Batang si Ara/Mi-Ran"
Madam Park: Oh tuloy muna kayo Misis Cha.
Misis Cha: Nako, hindi na po Madam Park, gusto ko sana ipasuyo ko sa inyo itong anak kong si Mi-Ran.
Madam Park: Bakit naman?
Misis Cha: Hindi ko po kayang buhayin at pakainin itong anak ko, hindi ko na po alam gagawin ko kaya po lumapit na po ako sa inyo at nagmamakaawa na ampunin nyo nalang po ang anak ko.
"Lumuhod si Misis Cha kay Madam Park."
Madam Park: Nako wag kana lumuhod... Baka may makakita pa sa atin, tumayo kana..
"Kinausap ni Misis Cha ang anak nya habang nakaluhod ito."
Misis Cha: Mi-Ran.. Maging mabait ka dito ah?? Aalis muna si Mama.
Mi-Ran: Mama ayaw ko po dito.
Misis Cha: Babalik din ako.
"Tumayo si Misis Cha at tumingin sya kay Madam Park at nag bow down ito.
Tumalikod na sya kanila Madam Park at Mi-Ran at naglakad na palabas ng Mansion.
Tumigil sa paglalakad si Misis Cha dahil na ririnig nya si Mi-Ran na tinatawag sya nito at umiiyak, pero hindi nya ito nilingon at nagpatuloy ng maglakad at tuluyan na syang umalis sa Mansion.
*End Of Flashback*
"Habang magkayakap sila ni Ara ay lumapit si Madam Park at Mi-Young."
Madam Park: Kamusta kana Misis Cha.
"Bumitaw sa pagkakayakap si Misis Cha kay Ara at tumingin ito kay Madam Park."
Misis Cha: Maayos naman po ako Madam Park. Nagpapasalamat po pala ako sa inyo dahil na bigyan nyo ng magandang buhay ang anak kong si Mi-Ran.... Si Ara....
Madam Park: Bilang mabuting kaibigan yun ang ginawa ko para sayo Misis Cha.
Misis Cha: Maraming salamat po talaga...
-----
"Seung-Ho POV"
"Dumating na silang dalawa ni Hyun-Sik sa Mansion.
Umuwi muna si Hyun-Sik sa kanilang Apartment Room."
"Sinalubong si Seung-Ho ng kanilang Maid."
Maid: Master Go, pinapatawag po kayo ni Madam Go sa kwarto nya.
Seung-Ho: Huh? Bakit? Ano gusto nyang pagusapan?
Maid: Punta nalang po kayo Master Go sa kwarto ni Madam.. Mauna na po ako..
-----
"Kumatok si Seung-Ho sa kwarto ni Madam Go."
Tok! Tok! Tok!
Seung-Ho: Mom? Nandito na po ako.
Madam Go: Pumasok ka nalang...
"Nakatalikod si Madam Go at umiinom ng alak habang nakatingin sa bintana."
Madam Go: Ipaliwanag mo ito Seung-Ho... Anong kalokohan yan?
"Binigay ni Madam Go ang Phone Tablet nya at pinakita kay Seung-Ho ang picture nilang dalawa ni Hyun-Sik na magkahalikan sa Prom."
Seung-Ho: Ano... Mom... Uhmm.....
*Worried Reaction*
"Humarap si Madam Go kay Seung-Ho at inilapag nya ang basong may alak sa lamesa."
Madam Go: Hindi ka makapagsalita? Ito ba ang dahilan kaya hindi mo gustong matuloy ang Arranged marriage? Na makipag relasyon sa best friend mong si Hyun-Sik!!!!
*Galit na pagsabi na may kasamang pagsigaw*
"Tumingin si Seung-Ho kay Madam Go na mata sa mata."
Seung-Ho: Oo Mom!!! Ito nga ang dahilan kung bakit ayoko matuloy yang kahibangan nyo!!!
*Shouting*
Madam Go: Nababaliw kana!! Itigil mo yang pakikipagrelasyon kay Hyun-Sik!!
Seung-Ho: Hindi ko gagawin yun, dahil mahal na mahal ko si Hyun-Sik!
Madam Go: Hahaha!! Mahal!? Mahal mo si Hyun-Sik?! Parehas kayong lalake!! At.... At!!! Wala sa pamilya natin ang maging isang B.....!!
"Hindi na natuloy ni Madam Go ang kanyang sasabihin dahil sumagot si Seung-Ho."
Seung-Ho: Dahil ano?! Walang Bakla sa pamilya natin?!!
"Sinampal ni Madam Go si Seung-Ho."
Madam Go: Bastardo ka Seung-Ho!!! Nakakahiya ka!!
Seung-Ho: Wala akong pakealam Mom!! Ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin ni Hyun-Sik whatever you're not agree sa relasyon namin!
Madam Go: Hiwalayan mo si Hyun-Sik or else!!!!
Seung-Ho: Or else what Mom?! Hindi nyo kami mapipigilan sa pagmamahalan namin!!
"Naglakad palabas si Madam Go sa kwarto nya at na iwan si Seung-Ho.
Lumuha si Seung-Ho dahil sa galit na raramdaman nya kay Madam Go."
-----
"Hyun-Sik POV"
"Dumating si Hyun-Sik sa kanilang Apartment Room.
Pero pagkarating nya ay wala si Misis Lee kaya pumunta na ito sa kanyang kwarto at ilagay ang kanyang bagahe."
"Maya maya lang ay may tumawag sa phone ni Hyun-Sik."
Hyun-Sik: Hmm?? Seung-Ho?
"Sinagot ni Hyun-Sik ang tawag."
Hyun-Sik: Hello??
"Seung-Ho: Kamusta ka dyan?"
Hyun-Sik: Maayos naman, ito nasa kwarto ko... Bakit parang iba boses mo?
"Seung-Ho: Ah? Ano... Hehe sinisipon lang ako."
Hyun-Sik: Uminom ka ng gamot para maagapan yang sipon mo.
"Seung-Ho: Oo salamat gagawin ko yan, sige ibaba ko na ito. I love you."
Hyun-Sik: Ok, I love you too.
"Binaba na ni Hyun-Sik ang tawag sa kanyang phone."
Hyun-Sik: Na gugutom ako, makapagluto nga muna..
"Pumunta si Hyun-Sik sa Kusina.
Kinuha nya ang Kimchi sa loob ng Fridge at dalawang itlog.
Kinuha din nya ang Instant Ramyun na nasa drawer at may na hulog na isang papel pero hindi nya ito na pansin."
Hyun-Sik: Hmmm.... Ok.. 3 minutes ng pagpapakulo ng tubig..
"Umupo si Hyun-Sik at kumuha ng Chopsticks at kumain muna ng kimchi habang nag aantay ito sa pinapakuluang tubig.
Na pansin nya ang isang papel sa sahig at kanya itong pinulot at binasa."
Hyun-Sik: Hmmm??? Reseta ng gamot? Ang dami naman ata nito??
"Pumasok si Misis Lee sa Apartment House nila at na kita ni Misis Lee na hawak hawak ni Hyun-Sik ang Reseta ng gamot at kinuha nya ito."
Misis Lee: Ohh yung reseta ko, buti na kita mo..
Hyun-Sik: Para saan yang mga gamot na nakasulat sa reseta? Ang dami naman po ata..
Misis Lee: Ahh hehe ano lang yan, maintenence and vitamins lang.
Hyun-Sik: Ahh... Ok??
Misis Lee: Oh! Kumukulo na yung tubig sa hot pot oh.
Hyun-Sik: Ahh!! Hala oo nga nako, ilagay ko na ito.
"Habang nilalagay ni Hyun-Sik ang Ramyun at hinaluan nya ito ng Kimchi ay inilagay ni Misis Lee ang Reseta ng Gamot sa bulsa nya."
"Natapos na magluto ng Ramyun si Hyun-Sik at nilagay na nya sa lamesa."
Hyun-Sik: Oh Ma! Kain tayo.
Misis Lee: Ahh... Ehh? Nako hindi na hehe busog pa ako, tsaka pumunta ako dito at icheck kung nandito kana hehe sige balik na ako sa trabaho ko.
Hyun-Sik: Ahh sige po Ma, ingat..
"Inumpisahan na ni Hyun-Sik ang kanyang pagkain ng Ramyun at tuluyan ng lumabas sa Apartment Room si Misis Lee."
-----
"Seung-Ho POV"
"Habang naglalakad si Seung-Ho papunta sa Apartment Room nila Hyun-Sik ay na kita nya si Misis Lee na palabas sa Apartment Room at sinarado ang pintuan."
Seung-Ho: Gandang Gabi po Misis Lee.
"Na gulat si Misis Lee"
Misis Lee: Ay jusko!!! Nako!!! Nakakagulat ka Seung-Ho!!!
Seung-Ho: Ay! Hehe sensya na po, nandyan po ba si Hyun-Sik?
Misis Lee: Ahh.. Oo nandyan, kumakain. Oh sya mauna na ako sayo.
Seung-Ho: Ok po, salamat po...
"Naglakad na si Misis Lee at na kita ni Seung-Ho yung papel sa bulsa ni Misis Lee."
Seung-Ho: Misis Lee.. Ano po yang nasa bulsa nyo?
Misis Lee: Ah ito ba? Ano yung.... Reseta ng gamot ko para sa sakit ko...
"Lumapit si Seung-Ho kay Misis Lee."
Seung-Ho: Hindi nyo pa po sinasabi kay Hyun-Sik yung kalagayan nyo?
Misis Lee: Hindi pa nya alam, pero na tatakot ako na malaman nya ito.. Ayokong magalala sya sa akin...
Seung-Ho: Kailangan nyo pong sabihin yan, mas magaalala sya kung itatago nyo po sa kanya yan..
Misis Lee: Aish!! Bahala na, basta gusto ko malaman ito ni Hyun-Sik sa tamang panahon.
Seung-Ho: Wag na po natin antayin yun, karapatan ni Hyun-Sik malaman po ang kalagayan nyo.
"Lumabas si Hyun-Sik ng Apartment Room at na kita silang dalawa ni Seung-Ho at Misis Lee na naguusap."
Hyun-Sik: Uhm??? Seung-Ho at Ma? Ano ginagawa at pinaguusapan nyo dyan??
"Nagulat silang dalawa ni Misis Lee at Seung-Ho at humarap kay Hyun-Sik."
Misis Lee: Ahh... Wala wala Hyun-Sik hehe... Sige Seung-Ho punta na ako sa trabaho ko...
"Pumasok na si Seung-Ho sa Apartment Room."
Hyun-Sik: Oh! Napapunta ka ata dito?
Seung-Ho: Woah! Mukhang masarap yan! Penge!!
"Papalapit na sana si Seung-Ho sa Ramyun ni Hyun-Sik ng hinarangan nya ito ng kamay nya sa mukha ni Seung-Ho."
Hyun-Sik: Sandali lang!! Hep hep!!! Hindi mo pa sinasagot tanong ko!!
"Kinuha ni Seung-Ho ang kamay ni Hyun-Sik at tinanggal ito sa mukha nya."
Seung-Ho: Hindi ba pwedeng pumunta ako dito ng walang dahilan?
Hyun-Sik: Oo na oo na! Aish!
Seung-Ho: Penge ah! Haha marami naman yang niluto mo.
"Kumuha ng mangkok si Seung-Ho at kumuha na din ng Ramyun sa Hot Pot ni Hyun-Sik at kumain na din ito."
Seung-Ho: Woahhh!! Ang sarap!!
Hyun-Sik: Huy!! Dahan dahan lang, parang hindi ka nakakain nyan haha!
Seung-Ho: Ehem!!! Pengeng tubig!! Ehem!!!
"Dali daling pumunta si Hyun-Sik sa Fridge at kinuha ang isang pitsel na merong lamang tubig at kumuha din sya ng Baso, at ibinigay ni Hyun-Sik ang basong may tubig kay Seung-Ho."
Hyun-Sik: Ayan! Kasasabi ko lang na dahan dahan! Haha siba mo kumain hahahahahaha!!!!
"Umiinom si Seung-Ho ng tubig at bumalik pa ng pangalawang inom ng tubig."
Seung-Ho: Miss ko kasi luto mo! Kaya sarap na sarap ako! Hehe!
Hyun-Sik: Sira!! Intant Ramyun lang yan, anong luto ko? Hahaha!! Kumain na nga lang tayo..
Seung-Ho: May Kanin kayo?
Hyun-Sik: Ahh saglit kunin ko lang yung Rice Cooker.
"Kinuha ni Hyun-Sik ang Rice Cooker at inilagay ito sa lamesa.
Kumuha si Seung-Ho ng kanin at nilagay nya ito sa Sabaw ng Ramyun."
Seung-Ho: Woaahh!! Sarap talaga!!
Hyun-Sik: Haha!! Oh! Dahan dahan lang! Baka mabilaukan hahahaha!!!
"Masaya silang kumakain ni Seung-Ho at Hyun-Sik, nagkukwentuhan at nagtatawanan.
Na para bang walang pagsubok na darating sa kanilang buhay."
-----
"June 19, 2018"
"Monday"
"Korean International High school"
"Mi-Young POV"
Mi-Young: Guys maiwan ko muna kayo saglit, pupunta lang ako sa Washroom.
Ara: Ok sige, bilisan mo lang.
Seung-Ho: Pasuyo kung pupunta ka ng Cafeteria bili ka ng 4 na Coke, para sa atin yun hehe!
Hyun-Sik: Salamat Mi-Young!
Mi-Young: Oo na! Hehe sige mauna na muna ako. Bye!
"Lumabas na si Mi-Young sa Classroom nila.
Habang naglalakad na sya sa Hallway na papuntang Cafeteria ay may sumabay sa kanya sa paglalakad at nilingon nta ito."
Mi-Young: I...ikaw pala yan Dong-Hyun, anong ginagawa mo dito?
Dong-Hyun: Well may bibilhin din ako sa Cafeteria kaya sinamahan na kita maglakad..
Mi-Young: Ahhh... Ok...
*Smirk*
"Biglang may lumapit na student na babae kay Dong-Hyun at pinulupot ang braso nito sa braso ni Dong-Hyun."
Dong-Hyun: Ohh!! Kaw pala yan Sae-Woo..
Sea-Woo: Yeah!! Hehe miss kita eh, punta na tayo sa Cafeteria dali!!
"Naunang maglakad si Dong-Hyun at si Sae-Woo kaya na iwan si Mi-Young."
Mi-Young: Ikaw na namang babae ka??!! Kakaloka makapulupot sa braso ni Dong-Hyun huh? Aish!!
*Annoyed Reaction*
"Makalipas lang ng ilang minuto ay nakapag wash room na ito at na bili na nya ang pinapabili ni Seung-Ho at naglakad na sya pabalik sa Building 1."
"Hindi alam ni Mi-Young na sinusundan sya ni Dong-Hyun at nakangiti ito.
Naglalakad lang si Mi-Young at ito namang si Dong-Hyun ay masayang sinusundan sya.
Dahil medyo na papansin na ni Mi-Young na parang may sumusunod sa kanya at lumingon ito sa likuran nya.
Pero si Dong-Hyun ay biglang pumasok sa isang classroom para magtago."
Mi-Young: Hmmm??? Parang may sumusonod sa akin?? Well baka imagination ko lang yun..
"Nagpatulot na ulit maglakad si Mi-Young.
Ito namang si Dong-Hyun ay sinusundan parin nya si Mi-Young at nakatitig parin ito at nakangiti habang naglalakad sa loob ng classroom at nasa labas naman ng classroom si Mi-Young.
Hanggang sa umabot na sa Pintuan ng Classroom si Dong-Hyun at lumabas ito at na gulat si Mi-Young."
Dong-Hyun: Hehe Hello!
Mi-Young: Kanina mo pa ba ako sinusundan?? Tsaka hindi naman Building 2 yang pinasukan mong Classroom..
Dong-Hyun: Akin na yang daladala mo, hehe ako na magdadala.
"Inabot ni Dong-Hyun ang kanyang kamay kay Mi-Young, binigay ni Mi-Young ang isang plastic bag na may lamang 4 na lata ng coke."
Mi-Young: Bakit ka ganyan parin sa akin kahit ilang beses na kita binusted?
Dong-Hyun: Hmmm??? Ako kasi yung taong hindi marunong sumuko? Hehe
Mi-Young: Parang tanga ito! Tsaka kahit gwapo nga ngayon sa bagong looks mo eh never parin kitang magugustuhan.
Dong-Hyun: Pero kitang kita naman sa mukha mo na nagseselos ka sa amin ni Sae-Woo.
*Pabulong na pagkasabi*
Mi-Young: Hah?! Excuse me?! Hindi ko na rinig sinabi mo?!
Dong-Hyun: Wala! Haha! Oh yan na pala tayo sa Building 1.
"Nakapasok na sila sa Building 1 at ngayon ay nasa harapan na sila ng pintuan ng classroom nila Mi-Young."
Mi-Young: Akin na yang plastic bag.
Dong-Hyun: Ahh oo nga pala, hehe ito na...
"Pagkapasok ni Mi-Young ng Classroom ay lahat ng mga classmates nya kasama si Seung-Ho, Ara, at Hyun-Sik ay nakatingin sa kanya at kay Dong-Hyun."
Mi-Young: Oh?! Anong tinitingin tingin nyo?!
Ara: Seryoso?! Bakit magkasabay kayo ni Dong-Hyun?
Hyun-Sik: Meron ba kaming dapat malaman?? Hmmm???
Seung-Ho: Smells fishy!!! Haha.
Mi-Young: Magtigil nga kayo! Malisyoso kayo masyado!
"Sinenyasan ni Mi-Young si Dong-Hyun na umalis na ng Classroom, tinuturo ng nguso nya kung saang direksyon dapat dumaan si Dong-Hyun para umalis na ito."
"Si Dong-Hyun ay biglang namula ang mga pisngi dahil ginagamit ni Mi-Young na pantaboy sa kanya ay ang mga labi nito.
Na misinterpret nya ito at pumasok sa loob ng classroom at sinunggaban ng halik sa labi ni Dong-Hyun si Mi-Young."
"Na bitawan ni Ara ang Coke Can na hindi na bubuksan dahil sa na gulat ito sa na kita nila na ginawa ni Dong-Hyun kay Mi-Young.
At lahat ng mga classmates nila ay na gulat din sa kiss ni Dong-Hyun kay Mi-Young."
Seung-Ho: Tang ina!! Ang bangis!!
Hyun-Sik: Ahhh..... Ehh... Woahhh!!!
Ara: Oh my gosh!!!!
"Tumagal ng ilang segundo ang halik na yun, at bumitaw na si Dong-Hyun sa pagkakahalik nya kay Mi-Young at nag paalam na ito."
Dong-Hyun: Ahh... Hehe.. Sige punta na ako sa classroom ko, bye!
"Lumabas na si Dong-Hyun sa Classroom at na iwang nakatulala si Mi-Young dahil gulat parin ang reaksyon nito sa halik ni Dong-Hyun."
"Nilapitan sya ni Ara at kinaway kaway nya ang mga kamay nya sa harapang mukha ni Mi-Young."
Ara: Huy!! Mi-Young! Na tulala kana dyan?
"Biglang bumalik sa ulirat si Mi-Young at napahawak sa kanyang mga labi."
Mi-Young: Ahh... Anong nangyari bakit bigla akong hinalikan ni Dong-Hyun?!
*Still in Shocked*
Hyun-Sik: Paano ba naman kasi, tama bang ipanturo mga labi mo para paalisin sya, kaya ayan na misinterpret nya ata kaya hinalikan ka..
Seung-Ho: Hahahahaaha!!! Gago!!! Hahaha laugh trip!!! Hahaha pero bilib ako sa bata natin Hyun-Sik! Hahahaha! Mapusok masyado! Hahaha!!
Hyun-Sik: Aish!!! Babatukan kita eh!! Manahimik ka nga Seung-Ho!
Seung-Ho: Opo Master haha!!
"Hinawakan ni Mi-Young ang kanyang dibdib dahil na raramdaman nyang pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa nangyari."
Mi-Young Mind: "Ba... Bakit ganito nararamdaman ko? Tsaka oh no!! Yun ang first kiss ko, at bakit si Dong-Hyun pa ang first kiss ko?!"
"Tinakpan ni Mi-Young ng mga kamay nya ang mukha nya dahil na hihiya sya sa nangyari, at baka makita nila na namumula ang kanyang mga mukha."
To be continued......
"LAST 3 EPISODES LEFT"
"Ano ano nga ba ang mga magaganap sa tatlong huling episodes na ito?
Malalaman na ba ni Hyun-Sik ang tunay na kalagayan ni Misis Lee?
Ano nga ba ang mangyayari sa kanilang dalawa ni Seung-Ho at Hyun-Sik dahil nalaman na ni Madam Park ang relasyon nila?
Titibok nga ba ang puso ni Mi-Young para kay Dong-Hyun?
ABANGAN!"
End Of Episode 19