Back
Chapter 20

제 20 화

Heart Impound 심장 압수 Season1 (K-Drama BL) (Tagalog Version) (COMPLETED)

*Present Day*

December 23, 2022

"현재의 날 2022 년 12 월 23 일"

"Seoul Metropolitan Library"

"Ara POV"

"Habang nagbabasa sya ng libro, may dumating na text messege sa kanya."

Ara: Hmmm?? Seung-Ho?

"Binasa nya ang text messege ni Seung-Ho."

"Seung-Ho: Na kita kitang pumasok dyan sa Library, nandito ako sa tapat ng library. Usap tayo."

Ara: Huh? Ano naman paguusapan namin??

"Pagkalabas ni Ara ng Library ay na kita nya agad si Seung-Ho na nakatayo at nagkatinginan sila.

Nilapitan sya ni Seung-Ho."

Ara: Ahh.... Anong ginagawa mo dito? Tsaka ano paguusapan natin?

Seung-Ho: Tungkol sana kay Hyun-Sik.

Ara: Hyun-Sik? Ahh.. Ano naman paguusapan about sa kanya??

Seung-Ho: Alam mo ba kung san sya nakatira ngayon?

Ara: Hindi ko alam eh... Bakit?

Seung-Ho: Pupuntahan ko sana sya, hindi ko na kasi macontact yung old phone number nya, tsaka hindi ko na makita social media account nya.

Ara: Hmmm.... Siguro.. Iniiwasan ka parin nya hanggang ngayon, dahil sinaktan mo sya noon.

Seung-Ho: Hindi ko naman talaga intensyon na gawin na makipaghiwalay sa kanya at saktan sya... Gusto ko sanang magpaliwanag sa kanya noon kaso.. Lagi nya ako iniiwasan.

Ara: Hindi mo rin masisisi si Hyun-Sik, minahal ka nya, ipinaglaban ka nya pero sinukuan mo yung pagiibigan nyo..

Seung-Ho: Alam ko.. Napaka duwag ko that time, hindi ko na gawang ipaglaban yung relasyon namin, kaya gusto ko syang puntahan at humingi ng sorry sa kanya.

Ara: Sorry Seung-Ho... Hindi kita matutulungan, sige mauna na ako sayo...

"Naglakad na si Ara palayo kay Seung-Ho at na iwan si Seung-Ho sa tapat ng Library Building.

Tinawag nya ulit si Ara, at lumingon naman si Ara kay Seung-Ho."

Seung-Ho: Sandali lang Ara!

Ara: Bakit? Ano yun?

Seung-Ho: Kung magkita kayo ni Hyun-Sik.. Please ipaalam mo sa akin..

Ara: Hmmmmm.....

"Tumalikod nalang si Ara kay Seung-Ho at hindi na nya sinagot ang sinabi ni Seung-Ho at tuluyan na itong umalis."

-----

"Seung-Ho POV"

"After umalis ni Ara ay na iwan sa tapat ng Libraty Building si Seung-Ho.

Bahagya syang umiyak dahil sa nararamdaman nyang guilt sa ginawa nya kay Hyun-Sik."

Seung-Ho: Kailangan kitang mahanap, ayokong dumating ang araw na mawala ka pa ulit sa akin, hinding hindi na ako makakapayag...

*Crying*

"May biglang tumawag sa phone ni Seung-Ho, at sinagot nya ito."

Seung-Ho: Uhmm.. Ehem! Ahh.. Ano na balita Manong? ..

"Manong: Master Go, pasensya na at hindi ko parin mahanap hanggang ngayon si Hyun-Sik."

Seung-Ho: Ahh ganun ba.. Ok sige, pahinga kana Manong. Ako na bahala, salamat.

"Binaba ni Seung-Ho ang tawag sa phone."

"Pagkapindot nya sa Home Menu ng phone nya ay na kita nya ang wallpaper nya na magkasama sila ni Hyun-Sik.

Tinitigan nya ito ng ilang segudo."

Seung-Ho: Mahahanap din kita Hyun-Sik... Antayin mo lang ako kung na saan ka man ngayon..

"Naglakad na si Seung-Ho at umalis na din sa tapat ng Library Building.

Nagmaneho na sya ng Kotse nya at tuluyan ng umalis."

-----

"Habang binabaybay ni Seung-Ho ang kahabaan ng Bridge at drive ito papunta sa kabilang City.... Tumatawag si Eun-Kyung ang girlfriend nya."

"Sinagot nya ang tawag."

Seung-Ho: Oh hello...

Eun-Kyung: Na saan ka na ngayon?

Seung-Ho: Nagdadrive at papunta na dyan.

Eun-Kyung: Ahh ok hehe sige, ingat sa pagmamaneho! I love you!

"Pagkarinig nya ng I love you kay Eun-Kyung ay nag aalanganin itong sumagot, pero.. Sumagot ito."

Seung-Ho: I love you too babe, sige see you later..

Eun-Kyung: Ok babe!

"Binaba na ni Seung-Ho ang tawag galing kay Eun-Kyung, at nagfocus na syang magdrive."

-----

"Ji-Hoon POV"

"Namsam Company"

"남산 법인"

"Habang busy na nagtatrabaho sa computer table si Hyun-Sik ay tinititigan ito ni Ji-Hoon at nakangiti ito.

Habang nakatitig at may malaking ngiti ito ay biglang tumingin si Hyun-Sik at nginitian din ito pabalik."

"Kinawayan naman ito ni Ji-Hoon."

Ji-Hoon: Hi!! Hehe

*Waving while whispering*

Hyun-Sik: Hello!

*Waving while whispering*

"Kinuha ni Ji-Hoon ang kanyang phone at sinumulang magtype ng text messege para kay Hyun-Sik."

"To Hyun-Sik: Malapit na lunch time, sabay na tayo? Treat ko hehe!"

"Pagkasend ng text messege ay tumingin ulit ito kay Hyun-Sik.

Na kita nyang kinuha nya ang phone nya at may binasa sa phone, at tumingin din si Hyun-Sik at nakangiti ito, bumalik ulit ito sa phone nya at nagtext back sya kay Ji-Hoon."

"Merong dumating na Text sa phone ni Ji-Hoon."

"From Hyun-Sik: Ok sige, hehe salamat sa free lunch Ji-Hoon! Hehe"

-----

"Lunch Break"

"Kumakain na sila ni Hyun-Sik sa isang Restaurant na malapit sa pinagtatrabahuhan nila.

Nagpaalam muna saglit si Ji-Hoon kay Hyun-Sik dahil na kita nya ang isang Fish Cake store sa labas."

Ji-Hoon: Sandali lang ah, mukhang masarap yung Fish Cake dun oh!

"Itinuro nya kay Hyun-Sik yung fish cake store."

Hyun-Sik: Ahh ok hehe, bilisan mo lang ah.

Ji-Hoon: Ok ok hehe mabilis lang ako.

"Lumabas na ng Restaurant si Ji-Hoon at pumunta na sa Fish Cake store.

May pumaradang kotse sa harapan ng Store at na pansin agad ito ni Ji-Hoon.

Na gulat sya dahil si Seung-Ho yung bumaba ng kotse at isang babae."

Seung-Ho: Oh bibili ka ba??

Eun-Kyung: Oo, hehe nakakamiss kasi kumain ng Fish Cake eh.

"Papalapit na sila Seung-Ho sa Store at paalis na din si Ji-Hoon.

Ng magkasalubong sila Seung-Ho at Ji-Hoon ay nagkatitigan sila habang naglalakad.

Biglang tinawag ni Seung-Ho si Ji-Hoon at lumingon ito."

Seung-Ho: Diba ikaw yung taga Busan Int. High na nakasama namin noon sa school trip sa Jeju?

Ji-Hoon: Ahh?? Oo ako nga Bakit? Sino ka ba?

Seung-Ho: Kaw yung kaibigan ni Hyun-Sik diba? Ji-Hoon....

"Napa smirk si Ji-Hoon sa sinabi ni Seung-Ho."

Ji-Hoon: Oo, ako nga, bakit mo na tanong?

Seung-Ho: Ahh wala naman...

Eun-Kyung: Halika na Babe, bili na tayo...

"Tumalikod na si Ji-Hoon at nagumpisa ng maglakad pero napatigil ito ulit dahil tinawag sya ulit ni Seung-Ho pero hindi nya ito nilingon."

Seung-Ho: Pakikamusta mo nalang ako kay Hyun-Sik kung nagkikita kayo...

"Napa Smirk ulit si Ji-Hoon at naglakad na papunta ng Restaurant."

-----

"Nakita sya ni Hyun-Sik at ngumiti ito sa kanya kaya nilapitan na nya ito."

Hyun-Sik: Ang tagal mo ata bumili?

Ji-Hoon: Madami kasing bumibili hehe.

Hyun-Sik: Ahh ok hehe sige kain na tayo.

"Pinagmasdan ni Ji-Hoon si Seung-Ho sa tapat ng Fish Cake store.

Sumakay na si Seung-Ho at yung babae sa kotse at tuluyan ng umalis."

Hyun-Sik: Huy!! Sino tinitignan mo dyan sa labas??

"Bumalik sa ulirat si Ji-Hoon dahil bigla syang kinausap ni Hyun-Sik."

Ji-Hoon: Ahh??!! Haha wala, ano lang yung ibon lang hehe..

"Ji-Hoon Mind: Hindi ako makakapayag na magkita kayo ulit ni Hyun-Sik at sasaktan mo sya ulit, dahil poprotektahan ko sya.. Kahit isang hibla ng buhok nya ay hindi mo makikita o mahahawakan."

"Nagpatuloy ang kanilang Lunch ni Ji-Hoon at Hyun-Sik sa Restaurant at masayang nagkukwentuhan ang dalawa."

-----

*PAST DAY*

"June 20, 2018"

"2018 년 6 월 20 일"

"5:30pm"

"Hyun-Sik POV"

"Apartment Room (Family Go Mansion Residence)"

"Busy na nagbabasa ng libro si Hyun-Sik, at binabalikan lang nya ang na pagaralan nila kanina sa school.

Maya maya lang ay merong kumatok sa pintuan ng Apartment Room nila.

Na pansin ni Hyun-Sik ito at pumunta sa Pintuan at binuksan ito.

Laking gulat nya na si Madam Go pala ang kumakatok."

Hyun-Sik: Gandang gabi po Auntie, na papunta po ata kayo dito?

Madam Go: Pwede ba tayo mag-usap Hyun-Sik?

"Nagtaka si Hyun-Sik dahil sa gusto nga sya kausapin ni Madam Go, pinatuloy nya ito sa loob ng Apartment Room at nag usap sila sa maliit na Living room na nasa loob din ng Apartment Room."

Hyun-Sik: Ahh... Ano po paguusapan natin Auntie??

"Bago magsalita si Madam Go ay iniabot nya ang Phone Tablet nya.

Na kita ito ni Hyun-Sik, yung picture nila sa Prom ni Seung-Ho na magkahalikan sila."

Madam Go: Umamin ka sa akin... Ano talaga ang namamagitan sa inyo ni Seung-Ho?

Hyun-Sik: Uhm? Ano po.... Magkarelasyon po kami...

Madam Go: Kailan pa ito?

Hyun-Sik: Matagal na din po kaming magkarelasyon Auntie.... Bakit po?

Madam Go: Hmmm.. Ayokong magalit sayo pero pakiusap hiwalayan mo na si Seung-Ho....

Hyun-Sik: Ahh?? Ehh? Bakit ko po gagawin yan? May problema po ba? Ayaw nyo po ba sa relasyon namin?

Madam Go: I'm against sa relasyon nyo, at ayokong maputol ang pangalan ng pamilya namin dahil sa relasyon nyo... Parehas kayong lalake at hindi katanggap tanggap yun lalo na sa angkan namin... Kaya pakiusap hiwalayan mo na si Seung-Ho.

Hyun-Sik: Mahal na mahal ko po si Seung-Ho... Hindi ko po kayang gawin yang pinapagawa nyo sa akin Auntie..

Madam Go: Alam ko naman na mahal nyo ang isat isa pero, hindi ka ba naawa lalong lalo na sa kalagayan ng Mama mo?

"Napatingin si Hyun-Sik sa narinig nya kay Madam Go."

Hyun-Sik: Ano pong pinagsasabi nyo? Meron po ba akong hindi alam lalo ba sa kalagayan ni Mama ko?

"Napabuntong hininga si Madam Go at nagsalita ito."

Madam Go: Merong Stage 3 Eye Cancer ang Mama mo...

"Na gulat si Hyun-Sik at hindi makapaniwala sa mga narinig nya at mangilid ngilid ang mga luha nya."

Hyun-Sik: Pa... Paanong may Cancer si Mama eh malusog naman sya at wala naman po syang sinasabi sa akin?

Madam Go: Kaya mamili ka Hyun-Sik, kung hindi mo hihiwalayan si Seung-Ho ay papaalisin ko kayo ng Mama mo dito sa Mansion.

Or

Makikipaghiwalay ka kay Seung-Ho para sa Mama mo? Lahat ng gagastusin sa operation at gamutan nya ay sagot na namin, pero kailangan mo na din tuluyang lumayo at hindi na makipagkita kay Seung-Ho.

Hyun-Sik: Pero po.......

"Napayuko si Hyun-Sik at tuluyan ng bumagsak ang kanyang mga luha dahil pressured sya sa choices na binigay ni Madam Go sa kanya.

Hindi sya makapag salita."

Madam Go: Make a good choice Hyun-Sik, ayokong magalit sayo lalong lalo na sa Mama mo. Kaya bago pa mahuli ang lahat, makapag disisyon kana... Sige mauna na ako sayo at babalik na ako sa kwarto ko.

"Tumayo si Madam Go at naglakad papunta ng pintuan at tuluyan ng lumabas sa Apartment Room.

Tulala si Hyun-Sik at lumuluha parin dahil sa mga narinig nya at nalaman nya lalo sa tunay na kalagayan ni Misis Lee."

Hyun-Sik: Paano na ito..... Mahal ko si Seung-Ho pero ayoko naman maging selfish dahil ayokong mawala sa akin si Mama.... Arghhhh!!!! Naguguluhan na ako!!!!

"Habang confused si Hyun-Sik at nag iisip parin. Bumukas ang pintuan at pumasok si Misis Lee na nakangiti."

Misis Lee: Ohh? Bakit? Ano meron sayo Hyun-Sik? Bakit umiiyak ka??

"Lumingon si Hyun-Sik at tinitigan niya si Misis Lee...

Bigla nya itong niyakap at humagulgol sya ng iyak habang kayakap nya si Misis Lee."

Hyun-Sik: Ma!!!! Bakit naman kayo naglilihim sa akin!! Bakit hindi nyo sinabi sa akin na meron pala kayong sakit..... Ma!!!! Bakit naman ganun!!!

*Heavily Crying*

"Bumuhos na din ang luha ni Misis Lee at niyakap nya ng mahigpit si Hyun-Sik."

Misis Lee: Patawarin mo ako anak... Ayokong mag-alala ka pa sa akin kaya hindi ko sinabi sayo... Pasensya na anak...

*Heavily Crying*

Hyun-Sik: Ma!!!! Ayokong pati kayo mawala sa akin!! Si Papa wala na sa atin at ikaw nalang Ma ang na titirang mahalaga sa buhay ko... Ma!!! Mahal na mahal ko kayo....

*Heavily Crying*

Misis Lee: Hyun-Sik... Mahal na mahal kita anak... Sorry kung sa iba mo pa nalaman.... Sorry sorry.... I'm so sorry Hyun-Sik...

*Heavily Crying*

-----

"Seung-Ho POV"

"Makalipas ang ilang araw, hindi parin pumapasok si Hyun-Sik sa school.

Nakatulala si Seung-Ho sa upuan kung saan nakapwesto si Hyun-Sik.

Hindi nya inaasahan na kusang tumulo ang kanyang mga luha.

Na pansin ito ni Ara kaya kinausap nya si Seung-Ho."

Ara: Uhm?? Seung-Ho?? Bakit ka umiiyak?

"Bumalik sa ulirat si Seung-Ho."

Seung-Ho: Ahh?? Ano..hehe wala ito...

Ara: Sure kang ok ka lang???

"Lumilipad parin ang isipan ni Seung-Ho dahil iniisip parin nya si Hyun-Sik...

Na lilito din sya kung ano ang gagawin nyang disisyon."

*Flashback*

"Family Go Mansion Residence"

"Living Room"

Madam Go: Seung-Ho, kung hindi parin makapag disisyon si Hyun-Sik ikaw na ang makipaghiwalay sa relasyon nyo.

Seung-Ho: Bakit ko gagawin yun?! Na sisiraan na ba kayo Mom?!

Madam Go: Kinausap ko si Hyun-Sik kagabi, at siniwalat ko din sa kanya ang tunay na karamdaman ni Misis Lee. Kaya depende na sa disisyon mo o ni Hyun-Sik ang kaligtasan sa buhay ni Misis Lee sa sakit nya!! Kaya gawin mo na ang tamang gawin kung talagang mahal mo si Hyun-Sik!!!

*Shouting angrily*

Seung-Ho: Alam mo Mom?! Napakasama mo!!!! Pati ba naman ito yung buhay at sakit ni Misis Lee? Gagawin mong butas para mapaghiwalay mo kami ni Hyun-Sik?!!!

*Shouting Angrily*

"Tumayo si Madam Go at sinampal si Seung-Ho."

Madam Go: Oo!!! Masama na kung masamang tao na sa tingin mo Seung-Ho!! Makipaghiwalay ka kay Hyun-Sik!!! At pagkatapos ay bumalik kana sa U.S.!

"Umalis na si Madam Go at na iwan sa Living Room si Seung-Ho.

Nakatulala si Seung-Ho at sabay umiyak ito at nagwala sa Living Room,, pinaghahagis nya lahat ng mga bagay na nakapatong sa lamesa."

Seung-Ho: ARRGHHHH!!!!! TANG INA!!!! NAKAKAINIS!!!! WAAHHHH!!! ANO BA NAMANG BUHAY ITO!!!! BWISIT!!!! BAKIT GANITO NANGYAYARI SA BUHAY KO!!!!!

*Angry while Crying*

"Nagwawala parin sa galit si Seung-Ho sa Living Room.

Nagsilabasan ang mga Maid at sinubukang pigilan si Seung-Ho."

Maid: Master Go! Tumigil na po kayo, parang awa nyo na po..

Maid 2: Pakiusap po Master Go... Dumudugo na ang mga kamay nyo dahil sa binasag nyong mga flower base.

Seung-Ho: WALA KAYONG PAKIELAM!!! MGA PUTANG INA NYONG LAHAT!!!! MAGSILAYAS KAYO SA HARAPAN KO!!!!!!

*Shouting Angrily*

"Natakot ang mga Maids at kahit si Manong Driver ay hindi nya maawat si Seung-Ho sa pagwawala nito.

Pinagsusuntok ni Seung-Ho ang pader ng ilang ulit kaya pati ang kamao nya ay nagdurugo na."

"Dumating si Hyun-Sik at bigla sya nitong niyakap sa likuran ni Seung-Ho."

Hyun-Sik: Tumigil kana please Seung-Ho!! Sinasaktan mo lang sarili mo.. Please.....

"Habang nakayakap si Hyun-Sik sa likuran ni Seung-Ho ay hinawakan nya ang kamay ni Hyun-Sik na nakapulupot sa katawan nya."

"Hindi makapagsalita si Seung-Ho dahil sa galit, kalungkutan at sa pagiyak nya."

Seung-Ho: Bitawan mo ako sa pagkakayakap Hyun-Sik!!! Please!!!

Hyun-Sik: Ayoko!!!

"Nagpumiglas si Seung-Ho sa pagkakayakap ni Hyun-Sik.

At tuluyan ng bumitaw si Hyun-Sik sa pagkakayakap nito kay Seung-Ho.

Nag walk out si Seung-Ho at tuluyan lumabas sa Mansion.

Hahabulin na sana ni Hyun-Sik si Seung-Ho pero pinigilan sya ni Manong Driver."

Driver: Wag mo sundan si Master Go, hayaan mo sya mapagisa at makapag isip isip Hyun-Sik.

Hyun-Sik: Pero Manong... Baka kung ano gawin nya sa sarili nya?

*Nagaalalang pagsabi*

Driver: Wag ka mag-alala... Hindi nya gagawin yun..

"Umalis na ang mga Maid at si Manong Driver sa Living Room at na iwan si Hyun-Sik.

Pinagpupulot nya ang mga basag na flower base.."

*Flashback End*

-----

"Makalipas ang ilang oras ay lumiban na muna si Seung-Ho sa klase dahil wala syang gana na pumasok sa afternoon class."

"Kinuha ni Seung-Ho ang kanyang phone at sinubukang tawagan si Hyun-Sik."

Seung-Ho: Sagutin mo please....

"The number you dial is unavailable at this moment, please leave a voice messege."

Seung-Ho: Arghh!! Nakapatay pa phone nya!!??

"Habang naglalakad si Seung-Ho pauwi sa Mansion...

Napapaisip sya lalong lalo na sa sinabi sa kanya ni Madam Go....

Iniisip nya na maging selfish at ipaglaban ang pagiibigan nila, pero pumapasok din sa isipan nya si Misis Lee."

"Kinagabihan, hindi parin umuuwi si Seung-Ho at nakatambay sya ngayon sa Playground na dating pinupuntahan nila ni Hyun-Sik noong bata pa sila.

Habang sinusulat ni Seung-Ho ang pangalan ni Hyun-Sik sa sand ay na pansin nyang may tao sa Swing.

Na pamilyaran nya ang lalakeng nakatalikod na nasa Swing at nilapitan nya ito."

Seung-Ho: Nandyan ka lang pala... Kanina pa kita hinahanap..

"Tumingin si Hyun-Sik kay Seung-Ho at nakangiti ito sa kanya."

Hyun-Sik: Nagpapahangin lang ako dito... Wala akong magawa eh,,, tsaka tapos na din kami mag impake ni Mama para bukas aalis na kami sa Mansion.

"Tumingin silang dalawa sa mga bituin....

At nag salita si Seung-Ho."

Seung-Ho: Sorry... Hyun-Sik.....

"Biglang tumingin si Hyun-Sik kay Seung-Ho."

Hyun-Sik: Oh bakit naman?? Wala ka namang kasalanan sa akin ah...

Seung-Ho: Na papagod na kasi ako... Yun ang kasalanan ko sayo... Sorry...

Hyun-Sik: Na papagod saan? May masakit ba sayo? May nararamdaman ka bang hindi maganda?

"Hahawakan na sana ni Hyun-Sik ang noo ni Seung-Ho ng biglang hinarangan niya ito ng kamay nya."

Seung-Ho: Na papagod na ako sa relasyon natin... Yun ang gusto ko ipahiwatig Hyun-Sik.

"Nagtakang tumingin si Hyun-Sik kay Seung-Ho."

Hyun-Sik: Huh? Na papagod kana sa relasyon natin? Ehh.... Diba nangako tayo sa isat isa na kahit anong mangyaring pagsubok sa relasyon natin eh sabay natin itong lalagpasan at pagtatagumpayan? Ba... Bakit ka ganyan magsalita????

*Worried Reaction*

Seung-Ho: Sorry.... Talagang na papagod na ako... Mas mabuting maghiwalay nalang tayo.....

"Biglang tumayo si Hyun-Sik at humarap kay Seung-Ho."

Hyun-Sik: Ehh.... Hindi pwe. pwede yang sinasabi mo! Diba?! Nangako ka na ipaglalaban mo ang relasyon natin?! Tapos ano?! Makikipaghiwalay ka sa akin?!! Wag ka nga magbiro Seung-Ho!

*Confused and suddenly crying."

"Tumayo si Seung-Ho at humarap kay Hyun-Sik ng plain reaction."

Seung-Ho: Hindi ako nagbibiro Hyun-Sik, totoo itong sinasabi ko....

Hindi na kita mahal so let's break up..

"Biglang niyakap ni Hyun-Sik si Seung-Ho at patuloy parin itong umiiyak at na sasaktan."

Hyun-Sik: Hindi totoo yang sinasabi mo!!! Mahal mo ako!! Wag ka naman ganyan oh! Hin... hindi ko kayang mabuhay ng wala ka Seung-Ho... Mahal na mahal kita!!

*Heavily Crying in Pain*

Seung-Ho: Sorry.... I don't love you anymore... Ayokong mahirapan ka lalo sa akin dahil sa pakikipagrelasyon sa akin...

"Tinanggal ni Seung-Ho ang pagkakayakap sa kanya ni Hyun-Sik.

At naglakad ito palayo kay Hyun-Sik."

"Bago tuluyang makalayo si Seung-Ho ay biglang hinawakan ni Hyun-Sik ang kanang kamay nito kaya na patigil ito sa paglalakad."

Hyun-Sik: Wag mo gawin ito sa akin oh!!! Wag kang makipaghiwalay sa akin.. Please!!

*Heavily Crying in Pain*

Seung-Ho: Sorry....

"Bumitaw sa pagkakahawak kamay ni Hyun-Sik si Seung-Ho at tuluyan na itong naglakad palayo.

Habang naglalakad na si Seung-Ho ay tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan."

-----

"June 25, 2018"

"6:00am"

"Kinabukasan ng umaga, maagang na gising si Seung-Ho..

Sumilip sya sa bintana ng kanyang kwarto at na kikita nyang isa isang binibitbit ang mga gamit sa Apartment Room nila Hyun-Sik.

Pinagmasdan nya lang ito at na kita nya si Hyun-Sik na tinulungan nya si Misis Lee na magbitbit ng kanilang bagahe."

"Na kita nyang kinuha ni Hyun-Sik ang phone nya at biglang may na receive syang Text galing kay Hyun-Sik."

"From Hyun-Sik: Paalam na, Seung-Ho. Siguro baka tulog ka pa ngayon. Ingatan mo lagi ang sarili mo.. Mahal na mahal kita."

"Bumuhos ang mga luha ni Seung-Ho pagkatapos nyang mabasa ang text messege ni Hyun-Sik.

Na rinig nya ang tunog ng sasakyan at sumilip sya ulit sa bintana at na kita nyang tuluyan ng umalis ang truck at isang kotse kung saan nakasakay si Hyun-Sik at Misis Lee."

-----

*Present Day*

December 23, 2022

"현재의 날 2022 년 12 월 23 일"

"7:30pm"

"Hyun-Sik POV"

"Habang naghihintay si Hyun-Sik sa Bus Station....

Kinuha nya ang kanyang phone at nag open ng kanyang social media.

Na pansin nyang may isang nag friend request sa kanya kaya sinilip nya ito.

Pagkasilip nya ay na gulat sya dahil si Seung-Ho ang nag friend request.

Sisilipin na sana nya ang Profile ni Seung-Ho ng dumating na ang Bus."

"Tumayo na si Hyun-Sik at papasakay na sana ng Bus, biglang may tumawag sa kanyang pangalan at nilingon nya ito."

Ara: Hyun-Sik!! Sandali lang.

Hyun-Sik: Oh... Ara ikaw pala yan..

"Dahil hindi sumakay si Hyun-Sik sa Bus ay tuluyan ng umalis ang Bus."

Ara: Ngayon ka palang uuwi galing sa trabaho mo?

Hyun-Sik: Oo eh, madami din kasing need na gawin sa Office.

Ara: Hmmmm... Congratulations nga pala.. Na balitaan ko kasi yung Novel mo gagawing Drama Adoptation...

Hyun-Sik: Ahh yun ba?? Salamat..

Ara: So? Kelan ang pirmahan ng kontrata about sa Novel mo sa TuV?

Hyun-Sik: sa December 25....

Ara: Ahh ok, good to hear..

"Tumahimik silang dalawa ng ilang minuto.

At nagsalita si Ara."

Ara: Pwede ba tayong mag-usap?

Hyun-Sik: Ano namang paguusapan natin?

Ara: Tungkol kay Seung-Ho."

"Napatingin si Hyun-Sik kay Ara."

Hyun-Sik: Sige... Kailangan ko ng umalis..

"Naglakad ng paalis si Hyun-Sik ng nagsalita si Ara kaya tumigil ito."

Ara: Sandali lang Hyun-Sik!

Hyun-Sik: Ayoko syang pagusapan..

Ara: Mahal mo parin ba si Seung-Ho hanggang ngayon?

"Tinitigan lang ni Hyun-Sik si Ara at hindi nagsalita at hindi makatingin ng diretso."

Ara: Alam ko, nasasaktan ka parin hanggang ngayon dahil sa ginawa sayo ni Seung-Ho, pero sana buksan mo ang puso mo sa iba. Wag kang maging kaawa awa sa sarili mo.

"Nakatingin lang si Hyun-Sik at napagisip isip sa sinabi ni Ara at nagsalita ito."

Hyun-Sik: Salamat sa concern mo pero....

Hyun-Sik: Hanggang ngayon mahal ko parin si Seung-Ho.

Ara: Parehas tayong na saktan dahil kay Seung-Ho pero hanggang kelan mo mamahalin ang taong hindi ka pinanindigan at ipinaglaban?

Hyun-Sik: Hindi ko alam kung hanggang kelan pero nag aantay parin ako para sa kanya..

"Napaisip si Ara dahil may na alala sya na dapat nyang sabihin kay Hyun-Sik."

Ara: Ahh... Oo nga pala... Nakauwi na si Seung-Ho galing U.S. at tinatanong nya ikaw sa akin.

Hyun-Sik: Kung magkita kayo ulit ni Seung-Ho, wag mong sasabihin na nagkikita tayo at wag mong sabihin kung saan ako nakatira..

"Dumating ang pangalawang Bus."

Hyun-Sik: Sige mauna na ako sayo.

"Tuluyan ng sumakay ng Bus si Hyun-Sik at na iwan si Ara sa Bus Station."

-----

"Habang nasa Bus si Hyun-Sik, sinilip nya ang kanyang Phone at binuksan nya ulit ang Social Media nya.

Sinilip nya ang Profile ni Seung-Ho at na kita nya ang picture nya at iba pang pictures nya na may kasamang babae."

Hyun-Sik: Meron na palang Girlfriend si Seung-Ho.... Model ng K Fashion din pala yung Girlfriend nya ngayon...

"Tinitignan parin nya ang mga pictures ay biglang may dumating sa Text Messege na galing kay Ji-Hoon at binasa nya ito."

"From Ji-Hoon: Na saan ka na ngayon? Nakauwi ka na ba? Ingat ka ok? Tawagan mo ako kung nakauwi kana.

Basta ito tandaan mo, kahit matagalan ako sa panliligaw ko sayo ay maghihintay parin ako sayo na sagutin mo ako,, sige Love You!!"

"Napangiti si Hyun-Sik sa text messege ni Ji-Hoon at nireplyan nya ito."

"To Ji-Hoon: Nasa Bus palang ako pauwi. Sige goodnight sayo."

"Pinatay na ni Hyun-Sik ang kanyang phone at tumingin sa bintana ng Bus.

Na kita nya ang mga dekorasyon sa bawat puno na merong Christmas lights.

At habang nasa byahe pa si Hyun-Sik ay na pansin nya ang Playground na dating pinupuntahan nila noon ni Seung-Ho noong mga bata pa sila.

Tumigil ang Bus sa Bus Station na malapit sa Playground kaya bumaba si Hyun-Sik.

Pagkababa ni Hyun-Sik sa Bus ay pumunta sya sa Playground at umupo sa Swing."

"Pinagmasdan nya ang Playground at na pangiti ito."

Hyun-Sik: 4 years na ang nakalipas pero wala paring pagbabago dito sa Playground... Nakakamiss naman balikan mga memories namin ni Seung-Ho dito....

To Be Continued.......

"LAST 2 EPISODES LEFT BEFORE HEART IMPOUND SEASON 2"

End Of Episode 20

Share This Chapter