Back
Chapter 21

제 21 화

Heart Impound 심장 압수 Season1 (K-Drama BL) (Tagalog Version) (COMPLETED)

*Present Day*

December 24, 2022

2022 년 12 월 24 일

"Hyun-Sik POV"

"Lee Apartment Residence"

"Bumaba na ng Bus si Hyun-Sik at nasa tapat na sya ng Apartment.

Sinalubong siya ni Misis Lee sa Gate at niyakap sya nito."

Misis Lee: Ohh buti nakauwi kana Hyun-Sik, mukhang maraming ginawa sa Office ah.. Kamusta naman?

Hyun-Sik: Maayos naman po Ma, madaming paper works lang, ay tsaka nga pala Ma, may good news ako.

Misis Lee: Ano yun Nak?

Hyun-Sik: Yung Novel Book na sinulat ko ay gagawing live action drama sa TuV.

Misis Lee: Oh? Aba! Napakagandang balita nyan Hyun-Sik! Eh kelan ang meeting mo sa network ng TuV?

Hyun-Sik: Bukas na po Ma..

Misis Lee: Ahh ganun ba?? Mabuti yan hehe, oh sya pasok na tayo sa loob at nakahanda na ang hapunan.

"Pumasok na sila Hyun-Sik at Misis Lee sa loob ng Apartment."

"Sila ngayon ay kumakain na ng hapunan at naguusap."

Hyun-Sik: Ma.. Kapag nakapag ipon ako sa sahod ko, bibilhan kita ng bagong damit...

Misis Lee: Nako nak, maraming salamat pero hindi ko na kailangang gawin yun, itabi mo yang sahod mo at ipunin mo para sa sarili mo.

Hyun-Sik: Ma! Ayus lang naman sa akin yun, tsaka ginagawa ko lang ito dahil sinusuklian ko yung pagmamahal nyo sa akin.

"Hinawakan ni Misis Lee ang Kamay ni Hyun-Sik."

Misis Lee: Hyun-Sik... Salamat... Salamat sayo lalo na sa mga naitulong mo lalong lalo na sa Sakit ko noon. Ng dahil sa akin isinakripisyo mo ang sarili mong kaligayahan para sa akin.

Hyun-Sik: Kayo nalang kasi Ma ang natitira kong babaeng mahal ko.. Ayoko kayong mawala sa buhay ko..

"Ngumiti si Misis Lee sa sinabi ni Hyun-Sik."

Misis Lee: Ok na ako Hyun-Sik, ok na si Mama. Isipin mo naman ngayon yung sarili mo, hanapin mo ulit ang kaligayahan na deserve para sayo anak.

"Napabuntong hininga si Hyun-Sik"

Hyun-Sik: Hindi na siguro Ma, maayos na ako sa sitwasyon ko.

Misis Lee: Mahal mo parin ba hanggang ngayon si Seung-Ho?

"Napatingin si Hyun-Sik kay Misis Lee."

Hyun-Sik: Hindi ko alam Ma, siguro oo mahal ko parin sya pero.....

Misis Lee: Pero ano? May bumabagabag ba sa puso mo? Si Ji-Hoon ba yan?

Hyun-Sik: Ahh? Hindi po si Ji-Hoon, hehe magkaibigan lang po kami...

"Napabuntong hininga din si Misis Lee."

Misis Lee: Alam ko Hyun-Sik, na gugustuhan mo na din si Ji-Hoon pero mas matimbang parin sa puso mo si Seung-Ho..

"Napatungo si Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Pero Ma, umaasa parin ako na darating ang panahon na magkakabalikan kami ni Seung-Ho pero... Na sasaktan parin ako sa tuwing na aalala ko mga nangyari noon..

"Tumayo si Misis Lee at niyakap nya si Hyun-Sik."

Misis Lee: Alam ko mahirap ang mga nangyayari sayo lalo na sa puso mo. Hayaan mo ang puso mo ang magdisisyon ngayon kung sino ang mamahalin mo.

Hyun-Sik: Na tatakot parin kasi ako Ma na makita ako ni Seung-Ho dahil lalo na ngayon kakauwi nya lang galing US.

"Bumitaw sa pagkakayakap si Misis Lee at bumalik sa kanyang kinauupuan."

Misis Lee: Eh edi kausapin mo sya? O makipagkita na para mapagusapan nyo na yung dapat pagusapan diba?

Hyun-Sik: Pero Ma, na kita ko sya nung nakaraan eh meron na syang girlfriend, kaya hindi na nga siguro ako aasa...

Misis Lee: Oh sya, kumain na tayo ulit at lalamig ang pagkain....

-----

*PAST DAY*

"March 2, 2019"

"Hyun-Sik POV"

"Ang araw na nakatakdang pag-alis ni Seung-Ho sa South Korea papunta ng US."

Hyun-Sik: Nako ngayon na pala ang pagalis ng bansa ni Seung-Ho... Text ko kaya sya? Hmmm...

"Nagtype ng text messege si Hyun-Sik para kay Seung-Ho."

"To Seung-Ho: Pwede ba tayo magkita? Kahit sa huling pagkakataon? May gusto sana ako sayong ibigay."

"Maya maya lang ay nagreply si Seung-Ho kay Hyun-Sik."

"From Seung-Ho: Ok, kita tayo sa Playground."

"Dali daling nagbihis si Hyun-Sik, kinuha nya ang isang paper bag na merong lamang libro ng puro pictures nilang dalawa at lumabas ng Apartment at pumunta na sa Playground."

"Pagkapunta nya ng Playground ay na kita na nya si Seung-Ho at nakaupo ito sa Swing kaya nilapitan nya ito."

Hyun-Sik: Ahh.. Hello Seung-Ho..

"Tumingin si Seung-Ho kay Hyun-Sik."

Seung-Ho: Maupo ka muna.

"Umupo si Hyun-Sik sa Swing."

Seung-Ho: Ano pala paguusapan natin at ibigay sa akin?

Hyun-Sik: Ahhh?? Ano ito yung ibibigay ko...

"Inabot ni Hyun-Sik ang Paper bag na may lamang book na nakalagay mga pictures nila."

"Inabot ito ni Seung-Ho at kinuha ang libro at binuklat nya ito at na gulat sya sa na kita nya."

Seung-Ho: Mga pictures nating dalawa?!

Hyun-Sik: Oo, mga pictures natin. Mga pictures na alaala na magbestfriends pa tayo noon. Yung masaya pa tayo na magkasama..

"Tinitigan ni Seung-Ho ang bawat pahina ng book at bawat pahina ay nakalagay ang bawat memory names."

Hyun-Sik: Sa unang Page ng Book na yan, ayan yung picture natin noong mga bata pa tayo na naglalaro dito sa Playground,, hehe ang dungis natin dyan.

"Binuklat ni Seung-Ho ang 2nd Page"

Hyun-Sik: Yang 2nd page yung unang araw natin sa school na magclassmates tayo sa grade 4... Nandyan din yung parehas tayong may sugat sa labi kasi pinagtanggol kita sa mga bumubugbog sayo...

"Binuklat ni Seung-Ho ang 3rd Page"

Hyun-Sik: Yang 3rd Page, nandyan yung pictures natin na ng graduation natin sa Elementary, at First family pictures natin nila Auntie at ni Mama nung pumunta tayo sa Zoo after ng graduation.

"Binuklat ni Seung-Ho ang 4th Page"

Hyun-Sik: Ayan yung 4th page na noong mga Junior High palang tayo,, hehe kasama pa natin mga naging ex Girlfriend natin. Nandyan din yung first Bestfriendship date natin na treat mo kasi wala nga akong pera noon.

"Binuklat ni Seung-Ho ang 5th Page"

Hyun-Sik: Ayan naman sa 5th Page yung pinagsabay ang birthday natin hehe kahit next week pa birthday ko sa birthday mo. Ang saya natin dyan hehe tapos aksidente mo akong na tuluan ng kandila sa cake kaya na sapak kita noon.

"Binuklat ni Seung-Ho ang 6th page na nagpaluha na sa kanina pa nyang pinipigilang luha"

Hyun-Sik: Ayan naman yung 6th Page na naging magkarelasyon na tayo, yan yung first pictures natin na magkasamang sweet at magkagawak kamay, nandyan din yung breakfast date natin noon sa seafood restaurant.

"Binuklat ni Seung-Ho ang 7th Page habang umiiyak at na nginginig."

Hyun-Sik: Ayang 7th Page yung nasa Jeju Island School trip tayo, hehe para tayong tanga kasama sila Ara, Mi-Young at Dong-Hyun dyan na nagpicture sa taas ng bundok.

"Binuklat ni Seung-Ho ang 8th Page"

Hyun-Sik: Ayan ang 8th page na Prom night natin, hehe ang gwapo natin dyan, at ikaw ang first and last sweet dance ko...

"Isinarado na ni Seung-Ho ang Book of Pictures nila ni Hyun-Sik at tumayo ito, tumayo din si Hyun-Sik at niyakap sya ni Seung-Ho ng mahigpit habang umiiyak ito, at kasabay din nun ang kanina pang pinipigilang pagiyak ni Hyun-Sik ay bumuhos na din ang mga luha nito sa pagkakayakap ni Seung-Ho."

Seung-Ho: Maraming maraming salamat sa lahat Hyun-Sik, patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko lalo na hindi kita naipaglaban..

*Hardly Crying*

Hyun-Sik: Maraming maraming salamat din sayo Seung-Ho, basta magiingat ka sa US ahh??

*Hardly Crying*

Seung-Ho: Oo magiingat ako dun, basta pagbalik ko dito hahanapin kita at ipaglalaban na kita sa mga humahadlang sa atin.

*Hardly Crying*

"Hinalikan ni Hyun-Sik si Seung-Ho sa kanyang mga labi.

Ilang saglit lang ay bumitaw na si Hyun-Sik sa pagkakahalik nya kay Seung-Ho."

Hyun-Sik: Paalam na... Seung-Ho..

Seung-Ho: Paalam na din Hyun-Sik...

"Tuluyan ng naghiwalay ng landas si Hyun-Sik at Seung-Ho at umalis na sila sa Playground."

-----

*Present Day*

December 24, 2022

2022 년 12 월 24 일

"Hyun-Sik POV"

"Pumunta si Hyun-Sik sa kanyang kwarto at kinuha ang Christmas Gift nya para kay Misis Lee.

Lumabas na din ito sa kanyang kwarto at hinawakan nya itong patago sa kanyang likod at pumunta sa Living Room kung na saan si Misis Lee na nonood ng TV."

Hyun-Sik: Merry Christmas Ma!!

"Inabot ni Hyun-Sik ang Christmas Gift nya kay Misis Lee at inabot ito ni Misis Lee kaya niyakap nya si Hyun-Sik."

Misis Lee: Merry Christmas din anak.. Oh ito meron din akong regalo sayo.

"Naglakad si Misis Lee, at kinuha nya ang Christmas gift nya sa ilalim ng Christmas Tree at binigay nya ito kay Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Ano ito Ma?? Mukhang special ito ah! Hehe

*Smiled widely*

Misis Lee: Buksan mo anak hehe.

"Binuksan ni Hyun-Sik ang Christmas Gift ni Misis Lee at tumambad sa kanya ang isang bagong winter Coat na kulay blue."

Hyun-Sik: Wow!! Ang ganda nito Ma!! Salamat Ma sa regalo!!

"Niyakap ni Hyun-Sik si Misis Lee at bumitaw ulit ito sa pagkayakap."

Hyun-Sik: Ma!! Ikaw naman! Buksan mo na yan! Hehe

"Binuksan ni Misis Lee ang Christmas Gift ni Hyun-Sik at tumambad sa kanya ang magandang damit at isang winter Coat na partner nito."

Misis Lee: Wow!!! Branded ito anak ah!! Mahal ito! Talagang bibili mo pa sa K Fashion ito??

*Gulat na pagsabi*

Hyun-Sik: Ma!! Deserve mo yang ganyang regalo! Hehe

"Ngumiti si Misis Lee habang nakatingin sya kay Hyun-Sik."

Misis Lee: Salamat dito, nakakahiya kasi yung niregalo ko sayong Coat eh hindi branded na mamahalin.

Hyun-Sik: Ayus lang sa akin Ma! Ang importante galing sayo Ma hehe.

"May biglang nag door bell"

Hyun-Sik: Huh?? Sino kaya yun??

Misis Lee: Silipin mo baka bisita mo yun..

Hyun-Sik: Bisista?? Eh wala naman akong na aalala na may bibisita sa akin dito?

"Naglakad si Hyun-Sik at tinignan sa isang maliit na monitor kung saan nakatutok ang camera sa tapat ng gate.

Na gulat sya na si Ji-Hoon ito at kumaway sa camera."

Hyun-Sik: Ji-Hoon?! Hala sya!!

Misis Lee: Sino yan nak?

Hyun-Sik: Wait Ma! Pagpapasukin ko na muna sya.

"Dali daling sinuot ni Hyun-Sik ang kanyang sapatos at lumabas na ng pintuan ng Apartment at pumunta na sa gate at pinagbuksan nya si Ji-Hoon."

Hyun-Sik: Oh! Ji-Hoon! Napadalaw ka! Halika pasok ka.

"Pumasok si Ji-Hoon sa Gate at tuluyan na silang pumasok sa loob ng Apartment.

At na kita sila ni Misis Lee."

Misis Lee: Oh ikaw pala yan Ji-Hoon! Halika tuloy ka!

Ji-Hoon: Merry Christmas mo Tita! Hehe

"Pumunta na sila Hyun-Sik at Ji-Hoon sa Living Room at na upo sa Couch at inilapag ni Ji-Hoon ang dalawang Christmas Gift sa sahig."

Misis Lee: Inaasahan talaga kitang dumating dito Ji-Hoon, hehe tsaka magisa ka lang sa Condo mo diba?

Ji-Hoon: Opo Tita, hehe kaya dito na po ako makiki Christmas sa inyo.

Hyun-Sik: Ma at Ji-Hoon gusto nyo ba ng Coffee or Tea?

Misis Lee: Kape sa akin nak, yung walang gatas, salamat.

Ji-Hoon: Ganun na din sa akin, hehe Salamat Hyun-Sik.

Hyun-Sik: Ahh ok, hehe maiwan ko muna kayo.

Misis Lee: Ay tsaka nga pala Hyun-Sik, dalhin mo na din dito yung Hapunan at dito na maghahapunan itong napaka gwapong si Ji-Hoon na future Son In Law ko haha diba Ji-Hoon??

"Napa Smirk si Hyun-Sik at tumawa sa sinabi ni Misis Lee.

Kahit si Ji-Hoon ay na tawa sa sinabi ni Misis Lee."

Hyun-Sik: Ma!! Nakakahiya kay Ji-Hoon! Hahaha magkaibigan lang kami!!

Misis Lee: Oo na oo na! Magkaibigan na kung magkaibigan! Hahaha

"Makalipas ng ilang minuto ay nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa na nasa living room at sila ay kumakain na.

Masaya silang kumakain na para bang isang pamilya."

Misis Lee: Sya nga pala Ji-Hoon ano pala pinagkakaabalahan mo bukod sa Office?

Ji-Hoon: Uhm?? Basketball, tsaka hilig ko din pong Kumanta hehe..

Misis Lee: Wow talented ka naman pala hehe pero bakit ikaw lang pala magisa sa Condo? Na saan pamilya mo?

Ji-Hoon: Nandun po sila sa Busan sa bahay po namin dun.

Hyun-Sik: Ay sya nga pala Ma.. Itong si Ji-Hoon nakasama namin yan sa Jeju School trip namin noon hehe!! Dun ko sya na kilala.

Misis Lee: Ahh meant to be nga kayo magkakilala, at ngayon ilang taon na kayo magkaibigan.. Stay strong ok?!

Hyun-Sik: Oo naman po Ma stay strong kami ni Ji-Hoon, hehe diba??

"Na patingin si Ji-Hoon kay Hyun-Sik at ngumiti ito."

Ji-Hoon: Stay strong! Forever! Hehe.

Misis Lee: Oo nga pala Ji-Hoon, dito kana din matulog at gabing gabi na din at medyo malayo pa ang Condo mo dito.

Ji-Hoon: Hehe sige po, salamat po.

"Makalipas ng isang oras ay tapos na silang kumain.

At nag ayang maglakad lakad muna si Ji-Hoon kay Hyun-Sik."

Ji-Hoon: Labas muna tayo saglit Hyun-Sik.

Hyun-Sik: Huh?? Gabing gabi na ah, tsaka malamig na sa labas.

Ji-Hoon: Maganda pumunta ngayon sa Han River hehe so ano?? Game?

Hyun-Sik: Ok sige sabi mo eh hehe.

"Nagpaalam muna ang dalawa kay Misis Lee at tuluyan ng umalis ng Apartment..."

Ji-Hoon: Uhm??? Bus kaya tayo? Nakakatamad magmaneho ng kotse eh..

Hyun-Sik: Wag na! Tsaka malapit lang naman Han River mula dito sa amin hehe, wait balik lang ako sa bahay at kukunin ko Bike ko.

Ji-Hoon: Ok sige..

*He smiled at Hyun-Sik*

"Makalipas ng ilang minuto ay inilabas ni Hyun-Sik ang kanyang Bike."

Hyun-Sik: Angkas kana sa akin Ji-Hoon hehe.

Ji-Hoon: Ahh ok? Haha kaya mo ba ako? Medyo mabigat ako..

Hyun-Sik: Ok lang yan, haha umangkas kana.

"Umangkas si Ji-Hoon sa Bike ni Hyun-Sik at sinimulan na nyang ipedal ang Bike at tuluyan na silang umalis sa tapat ng Apartment.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa Bridge ng Han River.

Itinabi na muna ni Hyun-Sik ang Bike nya."

Hyun-Sik: Ang ganda parin dito kahit nag snow...

Ji-Hoon: Oo nga eh... Uhmmm

"Tumingin si Ji-Hoon kay Hyun-Sik at ngumiti ito dahil masaya si Hyun-Sik habang tinitignan ang kalawakan ng Han River.

At nagulat sila ng may Fireworks na nagsiputukan sa kalangitan."

Hyun-Sik: Huy Ji-Hoon oh!! Ganda ng fireworks!! Woahhh!!!

Ji-Hoon: Oo nga, napaka romantic tignan..

"Tinignan nilang parehas ang mga Fireworks sa langit at manghang mangha sila sa ganda nito...

Bumalik sa pagtitig kay Hyun-Sik si Ji-Hoon at hinawakan nya ang kanang kamay ni Hyun-Sik.

Napalingon si Hyun-Sik kay Ji-Hoon."

Ji-Hoon: Alam mo ba... Nung nandito na ako sa Seoul? Dito ako madalas pumunta... Kapag na lulungkot ako, dito ko sinisigaw ang lahat at gumagaan ang pakiramdam ko....

Hyun-Sik: Talaga? Uhmm... Gusto ko din subukan...

Ji-Hoon: Sige, mas maganda yan para mabawasan mga bigat sa kalooban mo.

"Tumingin si Hyun-Sik sa Han River at itinapat nya ang dalawang kamay nya sa kanyang mga bibig at sinimulan na nyang sumigaw."

Hyun-Sik: PAPA!!! KUNG NA SAAN KA MAN NGAYON!!! MISS NA MISS KANA NAMIN NI MAMA!!! MARAMING SALAMAT DIN PAPA KASI MINAHAL NYO SI MAMA BAGO KAYO MAWALA!!!

PAPA!!! KUNG ALAM NYO LANG KUNG GAANO AKO NA SASAKTAN NGAYON!!!!

MAHAL NA MAHAL KO PARIN SI SEUNG-HO HANGGANG NGAYON!!!

NA SASAKTAN AKO PAPA!!!

BAKIT HINDI AKO IPINAGLABAN NI SEUNG-HO!!!!

AT SINUKUAN NALANG BASTA BASTA AT INIWAN NALANG!!!!!

PAPA!!!!!

MAHAL NA MAHAL KO SI SEUNG-HO!!! PERO AYOKO NA ULIT MASAKTAN!!!

"Habang sumisigaw si Hyun-Sik ay umiiyak ito dahil sa sakit ng nararamdaman nya na kinikimkim sa kanyang puso."

"Niyakap ni Ji-Hoon si Hyun-Sik ng mahigpit dahil patuloy paring umiiyak si Hyun-Sik."

Ji-Hoon: Edi na ilabas mo din yang matagal mo ng kinikimkim sa puso mo Hyun-Sik.... Ayus lang yan... Iiyak mo lang.... Nandito lang ako para sayo.....

Hyun-Sik: Uhm.... Ikaw ba?? Wala ka bang gustong isigaw para gumaan din ang na raramdaman mo???

Ji-Hoon: Hmmmm... Meron....

Hyun-Sik: Isigaw mo na din para gumaan pakiramdam mo.

"Bumitaw sa pagkakayakap si Ji-Hoon at tumakbo palayo kay Hyun-Sik ng hindi gaano kalayo at tumingin na sya sa Han River at itinapat nya ang dalawa nyang kamay sa kanyang bibig at sinimulan na din ang pagsigaw nito."

Ji-Hoon: LEE HYUN-SIK!!!!!!!!

LEE HYUN-SIK!!!!!!!

"Napatingin si Hyun-Sik kay Ji-Hoon ng marinig nya ang pangalan nya."

Ji-Hoon: LEE HYUN-SIK!!!!!!

I REALLY LIKE YOU!!!!!!!!

HINDI AKO MAHIHIYANG IPAGSIGAWAN SA MUNDO NA IKAW ANG TINITIBOK NG PUSO KO!!!!!

POPROTEKTAHAN KITA LALONG LALO NA SA TAONG NANAKIT SA PUSO MO!!!!

IPAGLALABAN KITA AT HINDI IIWAN!!!

MAHAL NA MAHAL KITA HYUN-SIK!!!!!

MAHAL NA MAHAL KITA LEE HYUN-SIK!!!!!!!

I WILL MAKE YOU HAPPY!!!!

HINDING HINDI KO SASAYANGIN ANG TULAD MO!!!!!

"Ng marinig ni Hyun-Sik ang lahat ng isinigaw ni Ji-Hoon ay speechless ito at nakatingin ito kay Ji-Hoon, tinignan sya ni Ji-Hoon at ngumiti ito sa kanya.

Tumakbo si Ji-Hoon palapit kay Hyun-Sik at hinatak nya ito para halikan sa labi.

Habang patuloy ba may fireworks sa kalangitan sabay ng umuulang snow ay tinikman nila ang labi ng isat isa."

"Bumitaw sa pagkakahalik si Hyun-Sik kay Ji-Hoon at nagsalita ito."

Hyun-Sik: Ahh.... Ano... Totoo ba mga na rinig ko sayo??? Na gusto mo ako???

"Hinawakan ni Ji-Hoon ang kanang kamay ni Hyun-Sik at inilagay ito sa kaliwang dibdib nya."

Ji-Hoon: Oo... Totoong gusto kita Hyun-Sik, kagaya sa malakas na pagtigbok ng puso ko sayo na ikaw ang sinisigaw nito.... Hindi ko na kayang tiisin at itago pa sayo ang nararamdaman ko..

Hyun-Sik: Pe.. pero... Hanggang ngayon eh mahal ko parin si Seung-Ho.... Ayokong paasahin ka at saktan ka.... At ayoko din naman dumating yung araw na pati ikaw na kaibigan ko eh iwan din ako....

Ji-Hoon: Alam ko na mahal mo parin si Seung-Ho hanggang ngayon... Na sasaktan ako sa tuwing na kikita kang na sasaktan ng dahil kay Seung-Ho.... Magaantay ako kahit gaano pa katagal bago mo makalimutan ang pagmamahal mo kay Seung-Ho. Nandito lang ako para sayo at hinding hindi kita iiwan...

Hyun-Sik: Maraming salamat Ji-Hoon at na iintindihan mo yung nararamdaman ko... Salamat...

"Niyakap ni Hyun-Sik si Ji-Hoon at niyakap din ito n Ji-Hoon."

-----

"Makalipas ng ilang minuto ay naglakad sila pauwi sa Apartment nila Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Salamat sayo ah... Gumaan pakiramdam ko...

Ji-Hoon: Sabi ko naman sayo eh, gagaan talaga yang pakiramdam mo..

Hyun-Sik: Ngayon mas handa na akong harapin ang bawat araw ng walang ganitong kinikimkim sa puso ko.

Ji-Hoon: Uhm... Pwede ba akong magtanong sayo???

"Tumigil sa paglalakad si Hyun-Sik at tumingin ito kay Ji-Hoon at napatigil din ng paglalakad si Ji-Hoon."

Hyun-Sik: Ano itatanong mo?

"Napakamot ng ulo si Ji-Hoon at na hihiya ito."

Ji-Hoon: Ehhh... Uhmmm??? Ano kasi... Pwede ka bang ligawan?

"Ngumiti at bahagyang tumawa si Hyun-Sik kay Ji-Hoon."

Hyun-Sik: Hehe ano bang klaseng tanong yan? Oo naman pumapayag akong ligawan mo ako... Pero sinasabi ko na sayo na mahal ko parin si Seung-Ho ok?

"Kinaway ni Ji-Hoon ang kanyang dalawang kamay."

Ji-Hoon: Ahh!! Oo alam ko naman yun hehe!!! Willing naman ako maghintay sayo... Hehe.. Hindi naman kita minamadali, tsaka ayoko din madaliin ang lahat.. Hehe..

Hyun-Sik: Ok, good!! Halika na, ayan na yung Apartment namin hehe pasok na tayo at malamig na din, itatabi ko na din itong bike ko sa garahe.

"Tuluyan na silang nakapasok sa Apartment.

Ng nakapasok na sila ay na pansin nilang walang tao sa Kusina at Living Room.

Pumunta si Hyun-Sik sa kwarto ni Misis Lee at na kita nya itong na tutulog na."

Ji-Hoon: Tulog na si Tita?

*Whispering*

Hyun-Sik: Oo tulog na, halika na dun sa kwarto ko at magpalit na tayo din ng damit baka magkasipon tayo dahil sa snow sa damit natin, dito muna ako sa kama ko at mahiga saglit hehe.

"Pumasok na sila sa Kabilang kwarto."

Hyun-Sik: Mauna kana magbihis, ayan yung damit ko sa drawer, hiramin mo muna..

Ji-Hoon: Ahh ok... Uhmmm???!

"Habang tumingin tingin si Ji-Hoon ng mga damit ni Hyun-Sik sa Drawer ay may na pansin syang isang damit na ikinangiti nito."

Hyun-Sik: Anong nginingiti ngiti mo dyan?

Ji-Hoon: Ahh haha wala ano lang yung Tshirt mo lang na Pororo hahaha!! Hilig mo pala ito?? Hahahaha!!!

"Na gulat at tumakbo si Hyun-Sik at tumakbo papunta kay Ji-Hoon at inagaw nito ang Tshirt na may printed ng Pororo."

Hyun-Sik: Gago!! Bigay lang sa akin yan!!

Ji-Hoon: Wehh!! Di nga?!! Haha!!!

Hyun-Sik: Oo nga!! Parang tanga ito!! Gusto mo sapak??!!

Ji-Hoon: Oo na oo na!! Haha!! Ayan nalang hiramin kong damit, hehe ang cute eh, favorite ko din yang Blue colored shirt tapos printed ng Pororo!! Hahaha!!!

Hyun-Sik: Gago talaga!! Lakas mang-asar!! Oh! Ayan! Suotin mo na!!

"Hinagis ni Hyun-Sik ang Tshirt kay Ji-Hoon. Sinumulan ng magbihis ni Ji-Hoon.

Pagkatapos ni Ji-Hoon magbihis ay nagbihis na din si Hyun-Sik."

"Sinilip ni Hyun-Sik si Ji-Hoon dahil na kita nyang nakahiga na ito sa kama nya at na patingin sa kanya si Ji-Hoon."

Hyun-Sik: Hoy!? Wala kang balak mag toothbrush muna bago matulog?! Meron akong extra toothbrush dito..

Ji-Hoon: Ahh oo nga pala, haha buti pinaalala mo.

"Nag toothbrush na ang dalawa.

Parehas silang nakatingin ngayon sa salamin at nagtatawanan dahil sa reflection nila sa Salamin."

Hyun-Sik: Hahaha!!! Bakit ganyan ka mag toothbrush?! Haha pati yung bula eh ginawa mo ng bigote hahahaha!!!

Ji-Hoon: Eh ikaw nga ginawa mong Balbas! Mukha ka nang matandang ermetanyo hahaha!!!

Hyun-Sik: At least Pogi...

Ji-Hoon: Haha mas pogi ako tanga haha..

"Ipinahid ni Ji-Hoon ang bula ng tootpaste sa bibig nya sa mukha ni Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Ang baboy nito!!! Kadiri!!!

Ji-Hoon: Hahahaha!!!! Ang lalim kasi ng dimple eh haha!!

"Ginantihan ni Hyun-Sik si Ji-Hoon pero ginamit nya ang Shaving Cream at inilagay sa mukha ni Ji-Hoon."

Hyun-Sik: Eh ikaw naman din may Dimples! Ayan! Nakaganti na ako hahahaha!!!

Ji-Hoon: Aba!!! Hahaha gantihan pala ah!!

"Makalipas ng ilang minuto ay na tapos na silang mag toothbrush, naghilamos na din sila dahil sa paghaharutan nila sa pagpahid ng bula ng toothpaste at shaving cream.

Humiga na sila sa kama...

Habang nakatalikod si Hyun-Sik ay niyakap sya ni Ji-Hoon sa kanyang likod."

Hyun-Sik: Ang init ng katawan mo, para kang taong heater haha!!

Ji-Hoon: Ang sama nito sa akin haha.

Hyun-Sik: Hindi naman!! Haha pero salamat kasi napasaya mo ako, at hindi lang pala ako.. Pati si Mama..

Ji-Hoon: Merry Christmas ulit Hyun-Sik.

Hyun-Sik: Merry Christmas din, ay sya nga pala wala ka bang plano bukas??

Ji-Hoon: Uhm?? Meron... Uuwi ako sa Busan at dadalawin ko mga magulang ko..

Hyun-Sik: Ahh ganun ba,, mabuti yan..

Ji-Hoon: Bakit?? Meron bang special event bukas??

Hyun-Sik: Wala naman hehe, sige tulog na tayo. Goodnight!

Ji-Hoon: Goodnight din.

"Tuluyan na silang nakatulog habang kayakap ni Ji-Hoon si Hyun-Sik."

To Be Continued...

End Of Episode 21

**HELLO SA MGA READERS!!!! MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA ORAS NYO SA PAGBABASA NG HEART IMPOUND!!! ❤️❤️❤️❤️

SO LAST EPISODE NA TAYO!!

ANO KAYA ANG MGA MANGYAYARI SA ENDING NG SEASON 1???

SANA PATULOY NYO PARIN AKONG SUPORTAHAN LALONG LALO NA SA HEART IMPOUND SEASON 2 "BATTLE OF TWO HEARTS FOR ONE"

AND ALSO INAABANGAN NYO DIN BA ANG LOVE TEAM NI MI-YOUNG AND DONG-HYUN??? HEHE!! SYEMPRE HINDI DAPAT SILA MAKALIMUTAN!! DAHIL MAGPAPATULOY ANG KILIG LOVE TEAM NILA SA SEASON 2!!!

AT ANO NGA BA ANG GANAP SA BUHAY NI ARA NGAYON? MAY BAGO BANG PAPASOK NA NEW CHARACTER SA SEASON 2 PARA SA KANYA? AT ANOTHER LOVE TEAM?!

WELL!!! ABANGAN YAN SA SEASON 2!!!

SYA NGA PALA GUYS!

MAGKAKAROON ITO NG WEBTOON VERSION!

KAYA KEEP IN TOUCH LALO NA SA MGA READERS NA FAN NG HEART IMPOUND!"

PS: Karamihan sa sinulat kong eksena dito sa Heart Impound ay tunay na karanasan ko. But... Haha!! Na saktan ako sa huli..

Okay!!! Last Episode na tayo Guys!!!

" EPISODE 22 ENDING OF SEASON 1 "

" 제 21 화 시즌 1 종료"

Share This Chapter