Back
Next
Chapter 22

제 22 화

Heart Impound 심장 압수 Season1 (K-Drama BL) (Tagalog Version) (COMPLETED)

*Present Day*

December 25, 2022

"현재의 날 2022 년 12 월 25 일"

"Hyun-Sik POV"

"Day of Press Conference"

"Lee Apartment House Residence"

"6:00am"

"Unang na gising si Ji-Hoon.

Bumangon sya sa pagkahiga nya at tumingin kay Hyun-Sik na mahimbing pang na tutulog.

Hinawakan ni Ji-Hoon ang mukha ni Hyun-Sik habang pinagmamasdan ito.

Dahil sa paghawak ni Ji-Hoon sa mukha nito ay na gising si Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Oh... Gising ka na pala.

Ji-Hoon: Kagigising ko lang din naman.

Hyun-Sik: Hmmm? Makakapunta ka ba sa Press Conference ko mamaya? Kinakabahan ako eh hehe.

Ji-Hoon: Bakit ka naman kakabahan?

Hyun-Sik: Kasi.... Malaking event yun eh, tsaka marami kaming book authors na nandun.

Ji-Hoon: Ayus lang yan!! Tsaka don't worry, makakapunta naman ako sa event. Mamayang hapon pa naman yun diba?

Hyun-Sik: Oo hehe, asahan kita mamaya.

------

"Seung-Ho POV"

"Family Go Mansion Residence."

"Living Room"

"Habang nagbabasa ng libro si Seung-Ho sa Living Room ay lumapit si Manong Driver."

Driver: Master Go.. Meron po akong magandang Balita.

Seung-Ho: Anong balita? Na hanap mo na kung saan na katira si Hyun-Sik?

Driver: Opo Master Go, sa Jangsoo Village lang po sila nakatira.

Seung-Ho: Hmmm hindi ganoong kalayuan dito sa Mansion... Sige salamat...

Driver: Ah sya nga po pala Master Go, si Miss Gim po nag aantay sa inyo sa labas, pinapapasok ko po kaso gusto nya na kayo po sumalubong sa kanya... Sige po mauna na po ako..

Seung-Ho: Ok sige salamat Manong..

"Inilapag ni Seung-Ho ang Libro sa lamesa at tumayo na ito at naglakad na sa Entrance ng Mansion at tuluyan ng lumabas.

Bumungad sa kanya si Eun-Kyung ang kanyang Girlfriend at may dala dala itong pasalubong sa kanya at nakangiti ito kay Seung-Ho."

Seung-Ho: Oh! Kaw pala yan babe pasok kana, malamig dito.

Eun-Kyung: Ok!! Hehe ito oh! I have something for you!! Tiramusu for you!!

"Niyakap ni Eun-Kyung si Seung-Ho at tuluyan ng pumasok sa Mansion.

Pinatuloy ni Seung-Ho muna sa kwarto nya si Eun-Kyung dahil maghahanda sya ng Juice para sa kanila, kaya magisa ngayon si Eun-Kyung sa kwarto ni Seung-Ho."

"Habang naglalakad at naglilibot si Eun-Kyung sa kwarto ni Seung-Ho ay may na pansin syang isang Libro na fancy ang design kata kinuha nya ito sa book shelf."

Eun-Kyung: Uhmmm?? Ano ito?? Our memories?

"Binuksan ni Eun-Kyung ang Libro at na kita nya ang first page ng picture na naka compiled."

Eun-Kyung: Hmmm... Siguro ito yung kinukwento nya sa aking best friend nya noong pagkabata nya....

"Binuklat nya pa ang iba pang Pahina ng libro at napangiti ito."

Eun-Kyung: Hyun-Sik pala pangalan nya, wow mukhang maganda ang samahan nila... Kaya siguro na mimiss ni Seung-Ho best friend nya....

"Binuklat nya ulit ang isa pang page at na gulat ito sa na kita nya."

Eun-Kyung: Huh??!! Why are they kissing each other in Lips??? And... Sya kaya yung kinuwento nya sa akin na hirapan syang mag move on? Pero seriously? I thought babae yung sinasabi nya....

"Biglang may kumatok sa Pintuan kaya dali dali nya itong binalik ang libro sa Book Shelf."

Eun-Kyung: Ahh!! Pasok ka Seung-Ho.

"Pumasok na si Seung-Ho sa kwarto nya at inabot nya ang baso ng may lamang juice kay Eun-Kyung.

Uminom ng bahagya si Eun-Kyung."

Eun-Kyung: Thank you Seung-Ho.

"Ngumiti lang si Seung-Ho sa sinabi ni Eun-Kyung.

Kinuha ni Eun-Kyung ang mga kamay ni Seung-Ho at inaya nya itong maupo muna sa Kama."

Eun-Kyung: Uhm.. Ready ka na ba mamaya sa Press Conference ng TUV and K Fashion?

Seung-Ho: Oo ready naman ako, hindi dapat ako mawala dun kasi isa ako sa Talent ng TUV at Endorser and Model ng K Fashion eh.

Eun-Kyung: Alam mo Babe... Mag smile ka naman ng natural, tatanda ka nyan sige ka hehe.

"Kinurot ni Seung-Ho si Eun-Kyung sa mga pisngi nito."

Seung-Ho: Inaasar mo na ako ah? Hehe, oo na ngingiti ako ng natural para sayo.. Sadyang hindi lang naging masama pakiramdam ko kanina sensya na..

Eun-Kyung: Hmmm eh ngayon? Maayos na ba pakiramdam mo?

Seung-Ho: Oo, maayos na naman din pakiramdam ko... Don't worry.

"Niyakap ni Seung-Ho si Eun-Kyung..

At bumitaw din ito sa pagkakayakap kay Eun-Kyung."

Eun-Kyung: Ay sya nga pala! I Have a Good News for you!!

Seung-Ho: Ano yun??

Eun-Kyung: After ko mag audition for the role eh na tanggap ako, pero.. Hindi nga lang dun sa Favorite novel na binabasa ko,, yung Heart Impound?? And mamaya I think 3 Novels ang iaannounced for Live Action Drama sa TUV, Is that great?!

"Na tulala si Seung-Ho dahil sa narinig nya yung Novel name na Heart Impound dahil na basa na din nya ito at pakiramdam nya na kilala nya ang Author nito dahil konektado ang pagkakasulat sa naging Love Story nila ni Hyun-Sik.

Maya maya lang ay hinawakan ni Eun-Kyung ang mukha ni Seung-Ho at dahil dito ay bumalik sa kanyang ulirat si Seung-Ho."

Eun-Kyung: Ayos ka lang ba Babe?? Nakatulala ka na dyan eh??

Seung-Ho: Ahh!! Oo hehe ayus lang ako...

Eun-Kyung: Ok! Sabi mo eh! I love you Babe!

Seung-Ho: I love you too..

"Yumakap si Eun-Kyung kay Seung-Ho and still nakatulala parin si Seung-Ho dahil inaalala nya parin yung mga narinig nya kay Eun-Kyung about sa Novel na Heart Impound."

-----

"Hyun-Sik POV"

"Lee Apartment Residence"

"Kumakain sila ngayon ng Almusal nila Hyun-Sik, Ji-Hoon at Misis Lee."

Hyun-Sik: Aba!!! Magana kain mo ah!!

Ji-Hoon: Syempre! Masarap luto mo eh hehe diba Tita?

Misis Lee: Oo naman! Masarap talaga magluto yang si Hyun-Sik, nagmana kaya yan sa akin hehe!

Hyun-Sik: Hinay hinay lang, baka mabilaukan ka haha!!

Ji-Hoon: Pwede ba ako makapag uwi ng Lutong Ulam mo Hyun-Sik?

Hyun-Sik: Oo naman!! Baka mamiss mo luto ko kapag nasa Busan kana mamaya eh.

Misis Lee: Busan?! Ano gagawin mo dun Ji-Hoon?

Ji-Hoon: Dadalawin ko lang po magulang ko dun, tsaka dun po kasi ang Home Town ko po hehe.

Misis Lee: Ahhh... Oh basta magiingat ka sa pagmamaneho mo..

Ji-Hoon: Opo Tita..

"Makalipas ng isang Oras ay naghuhugas ng mga pinagkainan si Hyun-Sik.

At si Misis Lee naman ay nagpaalam muna kay Hyun-Sik na lalabas muna sya at mag grocery."

"Habang naghuhugas si Hyun-Sik ng mga pinagkainan ay bigla syang niyakap ni Ji-Hoon."

Hyun-Sik: Huy!! Bakit ka naman nakayakap!!

Ji-Hoon: Sinusulit ko lang pagyakap ko sayo, kasi maya maya lang pupunta na ako ng Busan.

Hyun-Sik: Hmmm?? Anong oras ka ba makakapunta sa Event mamaya?

Ji-Hoon: Hmmm?? 1pm naman start ng Event so.... Baka 1:30pm nandun na ako.

Hyun-Sik: Ok... Tsaka nga pala, nilagay ko na sa food box yung Ulam na niluto ko, medyo madami yan kaya baunin mo na papunta dun.

Ji-Hoon: Hehe!! Salamat.. Hindi mo talaga ako ginugutom..

Hyun-Sik: Tsaka Para din matikman ng Mama at Papa mo luto ko syempre haha!!

"Bumitaw na ng pagkakayakap si Ji-Hoon kay Hyun-Sik."

Ji-Hoon: Sige ligo muna ako.

Hyun-Sik: Gamitin mo muna yung Damit ko, iwan mo nalang damit mo dyan sa Laundry Basket sa kwarto ko, ako na maglalaba nyan.

Ji-Hoon: Ang sweet naman! Hehe

Hyun-Sik: Baliw!! Hindi naman pwede na ganyan parin suot mo papuntang Busan noh! Naligo ka tapos yan parin damit hahaha!!

Ji-Hoon: Oo na po!! Haha sige ligo na nga ako...

"Makalipas ng 2 oras ay nakapag bihis na si Ji-Hoon.

Nasa labas na sila ngayon ng Apartment ni Hyun-Sik at Ji-Hoon."

Hyun-Sik: Oh! Ingatan mo wag matapon yung binaon mong ulam sa kotse mo ah! Bahala ka! Di mo makakain yan haha!

Ji-Hoon: Wag ka magalala, maingat ito hehe!! Balik ko nalang itong mga Food Box sayo mamaya ok?

Hyun-Sik: Ok sige, hehe!! Oh sya mag-ingat ka sa pagbyahe mo! See you later sa Event.

Ji-Hoon: Yes Sir!!! Magiingat ako, for you!! Hehe I love you!!!

"Nag salute hands si Ji-Hoon at sabay nag finger heart ito kay Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Oo na oo na!! I love you too!! Bye ingat ka!

"Bago tuluyang sumakay si Ji-Hoon sa kotse nya ay kumaway muna ito kay Hyun-Sik.

At tuluyan ng Umalis si Ji-Hoon at bumyahe na."

Hyun-Sik: Ok!!! Kailangan ko ng maghanda para mamaya sa Press Conference! Fighting!

"Papasok na sana si Hyun-Sik sa Gate nila ng may tumawag sa pangalan nya kaya nilingon nya ito."

Seung-Ho: Hyun-Sik!

Hyun-Sik: Ahh!!?? Ehh?!! Pap...paano mo nalaman na nandito ako nakatira?

Seung-Ho: Hindi na mahalaga yun kung paano ko nalaman... Kailangan nating magusap...

"Nagkatitigan sila Hyun-Sik at Seung-Ho.

Maya maya lang ay inaya ni Seung-Ho na magusap sila sa loob ng Kotse nya."

Hyun-Sik: Ano ba paguusapan natin?

"Hindi tumitingin si Hyun-Sik kay Seung-Ho."

Seung-Ho: Gusto ko sana pagusapan yung pakikipag break ko sayo noon... Gusto ko makipag-ayos sayo...

Hyun-Sik: Hmmm... Ikaw na din nagsabi diba? Hindi mo na ako mahal noon? Tsaka ano ba dahilan mo bakit ka nakipag break sa akin noon?

Seung-Ho: Lagi mo kasi ako pinipigilang mag explain kung bakit ko na gawang makipagbreak sayo...

Hyun-Sik: Then explain it now, tumatakbo ang oras at maghahanda pa ako para sa Event mamaya.

"Hinawakan ni Seung-Ho ang kamay ni Hyun-Sik kaya napatingin si Hyun-Sik kay Seung-Ho."

Seung-Ho: Nagsinungaling ako, mahal na mahal parin kita hanggang ngayon, and also my reason kaya ako nakipagbreak sayo para sa buhay ni Misis Lee.

Hyun-Sik: So?? Ano sinasabi mo eh plano lahat ni Auntie? Akala ko ba kusang loob yung pagtulong ni Auntie sa pagpapagamot nya kay Mama ko?! Aish!! Hindi naman pala!

Seung-Ho: I'm sorry Hyun-Sik, sana na aalala mo pa yung huling pangako ko sayo nung binigay mo sa akin yung Libro ng mga pictures natin, na pagbalik ko ay ipaglalaban na kita at babalikan kita.

"Napabuntong hininga si Hyun-Sik sa sinabi ni Seung-Ho."

Hyun-Sik: Hindi ko alam... Na guguluhan ako...

Seung-Ho: Dahil ba kay Ji-Hoon? Ano meron sa kanya? Gusto mo na ba si Ji-Hoon kesa sa akin?

Hyun-Sik: Hindi ko alam... Pero mabuti syang tao sa akin... Maybe I manage to like him...

Seung-Ho: Eh.. Ako? Gusto mo pa ba ako? Mahal mo pa ba ako??

Hyun-Sik: Hindi ko naman maipagkakaila na Oo gusto parin kita at mahal parin kita pero..... Magaan na din kasi loob ko kay Ji-Hoon, I'm sorry...

"Napaluha si Seung-Ho sa narinig nya kay Hyun-Sik at hinampas ng kamay nya ang manubela ng kotse nya."

Seung-Ho: Ang tanga tanga ko!!! Shit!!!

*Crying*

Hyun-Sik: Wag mo sabihin yan sa sarili mo.. Wala ka namang ginawang mali.. Hindi ka lang nagpakaselfish sa disisyon mo noon... Kaya nagpapasalamat ako sayo kasi nailigtas mo ang buhay ng Mama ko.

Seung-Ho: Arghh!!! Hindi yun eh!!! Na sasaktan ako ngayon!! Kasi may kahati na ako dyan sa puso mo!!

*Crying*

"Inabot ni Hyun-Sik ang kanyang Panyo kay Seung-Ho."

Hyun-Sik: Ito panyo.. Tumahan kana dyan.. Sorry kung na sasabi ko ito sayo ngayon...

"Sinunggaban ng halik sa labi ni Seung-Ho si Hyun-Sik.

Na gulat si Hyun-Sik sa halik ni Seung-Ho."

"Bumitaw sa pagkakahalik si Hyun-Sik kay Seung-Ho."

Hyun-Sik: Ba... Bakit mo ako hinalikan?! Eh...

"Bumalik sa pagkaayos ng upo si Seung-Ho."

Seung-Ho: Akin yang mga labi mo.. Kahit yang puso mo ako ang unang nagmamayari nyan kaya hindi ako makakapayag na angkinin ka ng iba sa akin.

Hyun-Sik: Ahh.. Ano sige kailangan ko ng pumasok sa Apartment... Sorry...

"Binuksan ni Hyun-Sik ang pintuan ng kotse ni Seung-Ho at naglakad na ito sa Gate ng Apartment at tuluyan na itong pumasok.

Umandar na ang Kotse ni Seung-Ho at tuluyan na din itong umalis.

Pero nakasilip si Hyun-Sik habang pinagmamasdan nya ang pagalis ng kotse ni Seung-Ho."

Hyun-Sik: Aish!! Bakit naman ganito! Na guguluhan na ako lalo sa nararamdaman ko eh.... Hay!! Makapaghanda na nga para mamaya...

"Pumasok na ng Apartment si Hyun-Sik para maghanda na sa mamaya sa Event."

-----

"Ji-Hoon POV"

"Habang nagmamaneho ng kotse papuntang Busan si Ji-Hoon ay may tumatawag sa kanyang Phone at lumabas ito sa screen ng Bluetooth screen."

Ji-Hoon: Huh??? Kit White?

"Sinagot ni Ji-Hoon ang tawag habang naka Bluetooth earphones ito."

Ji-Hoon: Hello Kit White?? Ano... Na puntahan mo na ba si Hyun-Sik?

"Kit White: Sir papunta na po ako kanila Sir Hyun-Sik, at yung mga hinire nyong make up artist at stylist para sa mamayang event."

Ji-Hoon: Ahh ganun ba, sige. Tatawagan ko na din si Hyun-Sik para malaman nyang papunta na kayo sa Apartment nya.

"Kit White: Sige po Sir."

"Binaba na ni Ji-Hoon ang tawag, at tinawagan nya si Hyun-Sik gamit ang voice technology ng kotse."

Ji-Hoon: Riri Call Lee Hyun-Sik....

"Riri: Calling Lee Hyun-Sik"

"Sinagot ni Hyun-Sik ang tawag ni Ji-Hoon."

"Hyun-Sik: Hello? Oh na patawag ka ata."

Ji-Hoon: Mamaya pala parating na dyan yung hinire kong Personal Assistant na Filipina, si Kit White at kasama nya iba pang staff.

"Hyun-Sik: Ahh ganun ba?? Ok salamat. Magingat ka sa pagmamaneho ok? Sige ibaba ko na ito. Bye!"

"Binaba na ni Hyun-Sik ang tawag ni Ji-Hoon at bumyahe na sya ng tuluyan."

-----

"Hyun-Sik POV"

"Makalipas ng isang oras ay dumating ang mga hired Assistant ni Ji-Hoon para kay Hyun-Sik.

Pinapasok nya ito sa Apartment at tinulungan syang mag-ayos para sa gaganaping Event mamaya."

Kit White: Sir Hyun-Sik, nakahanda na po din yung susuotin nyong damit.

Hyun-Sik: Ah ganun ba? Sige salamat.

"Nagbihis si Hyun-Sik sa kanyang kwarto at na pansin nya ang Picture Frame kung saan nakalagay ang picture nila ni Seung-Ho.

Napatitig sya ng ilang minuto sa picture."

Hyun-Sik: Ano kaya mangyayari mamaya? Alam ko magkikita at magkikita kaming dalawa sa Event dahil isa sya sa mga Model and Endorser ng K Fashion.... Pero sana makarating agad si Ji-Hoon mamaya para hindi ako kabahan....

"Makalipas ng ilang oras ay naghanda na silang umalis ni Hyun-Sik at ang iba pang Assistants nya para pumunta na ng Event."

-----

"Lavander Hotel."

"Inaantay ni Hyun-Sik si Ji-Hoon at panay tingin sa labas ng Kotse.

Bumaba muna ito sa kotse para magpahangin at para antayin na din si Ji-Hoon."

"Biglang tumawag si Ji-Hoon sa phone ni Hyun-Sik."

Hyun-Sik: Oh na saan kana?

"Ji-Hoon: Medyo mahuhuli lang ako ng kaunti dyan, hehe sensya na. Nag bullet train na ako para mabilis ako makarating ng Seoul."

Hyun-Sik: Ahh ok lang, basta punta ka ok? Ingat sa pagbyahe.

"Ji-Hoon: Wag ka kasi kabahan dyan! Hehe baka nasa Red Carpet palang kayo naglalakad eh nandyan na ako."

Hyun-Sik: Ok! Haha oh sige see you later, bye...

"Binaba na ni Hyun-Sik ang Tawag ni Ji-Hoon.

Tinawag ni Hyun-Sik ang Personal Assistant nyang si Kit White para samahan sya sa loob ng Hotel."

Hyun-Sik: Halika na dito Kit, samahan mo na ako sa loob hehe medyo kinakabahan kasi ako..

Kit White: Nako Sir wag kayo kabahan, tsaka isa na kayong sikat na personality na ngayon dahil sa Novel nyo Sir.

Hyun-Sik: Ahhh... Hehe! Halika na sa loob baka inaantay na ako dun.

"Naglakad na si Hyun-Sik papasok ng Hotel kasama ang kanyang personal assistant.

------

"Seung-Ho POV"

"Habang nasa loob ng Kotse si Seung-Ho at Eun-Kyung ay nag usap muna ito."

Eun-Kyung: Babe, I'm so excited na for this big Event, and also contract signing for the live action drama.

Seung-Ho: Mabuti naman at masaya ka, don't worry nandito lang ako para suportahan ka...

Eun-Kyung: Halika na, nandito na tayo Babe...

"Announcer: Let's all welcome! Our hottest couple model ambassadors of K Fashion! Go Seung-Ho and Gim Eun-Kyung!"

"Bumaba ng Kotse sila Seung-Ho at Eun-Kyung at sinalubong sila ng mga Press at pinagpipicturan sila habang naglalakad sa Red Carpet papasok ng Hotel.

Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao sa paligid, at mas dumagsa ang mga tao sa paligid dahil karamihan dito at Fans ni Seung-Ho."

"Habang naglalakad sa Red Carpet si Seung-Ho at Eun-Kyung.... Na kita ni Seung-Ho si Hyun-Sik sa Photo Booth ng K Fashion at TUV kaya na patigil ito ng paglalakad."

Eun-Kyung: Anong problema Babe?

Seung-Ho: Ahhh... Wala... Sige punta na tayo dun...

"Napalingon si Eun-Kyung sa direksyon kung saan nakatingin si Seung-Ho pero hindi na nya na kita si Hyun-Sik dahil tumalikod na ito kaya hindi na nya na mukhaan ito."

-----

"Ji-Hoon POV"

"Habang nasa Bullet Train pa sya ay pinapanood nya sa TV ang nangyayaring Event sa channel ng TUV.

Napangiti sya nung na kita nya si Hyun-Sik habang pinipicturan sya sa Photo booth at iniinterview ng Press."

"Press: Ano po masasabi nyo Mr. Lee at isa kayo sa na bigyan ng malaking break sa career nyo as successful writer ng Heart Impound Novel to Live Action drama?"

"Hyun-Sik: Ang masasabi ko lang po ay maraming maraming salamat sa opportunity na ito, maraming salamat din sa TUV para sa pagtitiwala at sa K Fashion to sponsor the whole Live Action Drama ng Heart Impound."

"Press: Ano po ba ang inspiration nyo para isulat at gawin ang napaka ganda at top 2 hit Novel lalong lalo sa Online Web Novel and ToonWeb."

"Hyun-Sik: Inspiration ko? Siguro yung mga taong nagmamahal sa akin, and also karamihan ng nakasulat dito ay based sa buhay pag-ibig ko hehe."

"Napangiti ulit si Ji-Hoon dahil sa huling sinabi ni Hyun-Sik na PAG-IBIG."

Ji-Hoon: Aish!! Wag ka nga ganyan Hyun-Sik, hahaha ako ata tinutukoy mo eh.

"Habang kinikilig si Ji-Hoon ay pinag titinginan sya ng ibang pasahero sa bullet train.

Na pansin din ito ni Ji-Hoon at umayos ng pagkakaupo at pinigilan ang pagkakilig nya."

"Biglang may nag Announcement sa Bullet Train."

"Crew: To All passengers, we're arrived at Seoul Station. Thank you for choosing Korean Bullet Train."

Ji-Hoon: Buti nandito na sa Seoul. Nako kailangan ko ng magmadali pumunta dun!!

"Tumakbo si Ji-Hoon papalabas ng Bullet Train at dali daling lumabas ng Seoul Station.

At saktong may dumating na Taxi."

"Sumakay agad si Ji-Hoon sa Taxi."

Ji-Hoon: Manong sa Lavander Hotel po.

Driver: Ahh sige po Sir..

"At tuluyan ng bumyahe na ang Taxing sinasakyan ni Ji-Hoon papuntang Lavander Hotel."

-----

"Hyun-Sik POV"

"Habang nasa VIP sit at na kikinig sa Host ng Event..

Sabay nag Text si Ji-Hoon sa kanya."

Hyun-Sik: Oh si Ji-Hoon pala...

"From Ji-Hoon: Hello... Malapit na ako dyan, nasa taxi na ako now. Hehe see you later dyan, sorry talaga kung late ako."

"Nireplayan ito ni Hyun-Sik."

"To Ji-Hoon: Ayus lang yun! Hehe, atleast safe ka ng nakabyahe."

"Ilang minuto lang ay nagreply si Ji-Hoon."

"From Ji-Hoon: Sige salamat hehe, malapit na ako dyan."

"Hindi na Nireplayan ni Hyun-Sik si Ji-Hoon.

Pero may tumatawag naman sa kanyang Phone, at kahit unregistered number ito ay kilala nya ang phone number na tumatawag.

Kaya sinagot nya ito."

Hyun-Sik: Seung-Ho?! Papaano mo nalaman phone number ko?!

"Seung-Ho: Hindi na importante yun, pero na saan ka ba? Hindi kita makita. Nasa VIP Sit ka din ba?"

Hyun-Sik: Oo nasa VIP sit nga ako, ano ba kailangan mo?

"Seung-Ho: Ayun na kita na kita, tingin ka dito sa Kaliwa."

"Tumingin si Hyun-Sik sa kaliwang bahagi ng VIP Sit at na kita na nya si Seung-Ho at nginitian sya nito.

Pero walang Reaction si Hyun-Sik at binaba nya ang tawag ni Seung-Ho sa phone nya."

"Maya-maya lang ay bahagyan na tapunan sya ng kape ng katabi nyang Model ng K Fashion."

Hyun-Je: Ay sorry hehe, ok ka lang va?

Hyun-Sik: Ahh oo ok lang ako hehe.

Hyun-Je: Ah ito, tissue... Sorry talaga hehe.

"Inabutan si Hyun-Sik ng tissue."

Hyun-Sik: Hehe malagkit yung kape, sige punta na muna ako sa wash room.

Hyun-Je: Ok, hehe sorry talaga...

"At tumayo si Hyun-Sik sa kanyang kinauupuan at pumunta sa Wash Room."

"Wash Room."

"Habang naghuhugas ng mga kamay ay nakatingin ito sa salamin at inalala nya si Seung-Ho kung bakit sya tinawagan nito sa kanyang phone."

Hyun-Sik: Hmmm.... Ano ba kailangan ni Seung-Ho sa akin? Aish!!

"Na tapos ng maghugas ng kamay si Hyun-Sik at lumabas na ng Wash Room.

Hindi nya inaasahan na makakasalubong nya sa Hotel Hall Way si Seung-Ho at Eun-Kyung."

Seung-Ho: Hyun-Sik?!

"Napatingin si Eun-Kyung kay Hyun-Sik at na kilala nya ang mukha nito dahil na kita nya ang pictures ni Hyun-Sik sa Photo Book ni Seung-Ho."

"Dahil shocked parin si Eun-Kyung dahil na kita nyang personal ang talagang mahal ni Seung-Ho at na patingin nalang ito sa mukha ni Seung-Ho at kitang kita nya ang pagkasabik at pagkamiss nya kay Hyun-Sik."

"Nagkatitigan sila ni Hyun-Sik at Seung-Ho pero pinipigilan ni Hyun-Sik ang kanyang nararamdaman na pagkasabik din nya kay Seung-Ho dahil nga kasama ni Seung-Ho ang kanyang Girlfriend at na papabalitang Fiancée nya."

Ji-Hoon: Hyun-Sik!! Nandito na ako.. *Hinihingal na pagsabi*

"Sa hindi inaasahan, tumakbo si Ji-Hoon at tinawag nya si Hyun-Sik habang nakatalikod ito sa kanya."

Ji-Hoon: Hyun-Sik?

Hyun-Sik: Nandyan kana pala Ji-Hoon.

"Bumalik sa ulirat si Hyun-Sik at nilingon nya si Ji-Hoon sa likuran nya."

"TULUYAN NG NAG KRUS ANG LANDAS NILANG TATLO.

Napapagitnaan ngayon si Hyun-Sik ni Seung-Ho at Ji-Hoon.

Kumakabog ang kanyang dibdib.

Nalilito..

Hindi alam ni Hyun-Sik ang gagawin at na pako sa kinakatayuan.

Habang ang dalawa na si Seung-Ho at Ji-Hoon ay tinitigan nila ang isat isa ng may kasamang nanlilisik ang mga mata.

"Ji-Hoon's Mind: Hinding hindi ako papayag na mapasayo si Hyun-Sik, hindi sya karapat dapat maging sayo Seung-Ho!"

"Seung-Ho's Mind: Ako ang mas naunang mahalin ni Hyun-Sik, kaya ako lang ang dapat piliin nya kesa sayo Ji-Hoon!"

--

--

--

--

--

--

--

--

--

END OF HEART IMPOUND SEASON 1

"SINO NGA BA ANG PIPILIIN NI HYUN-SIK?

SINO NGA BA ANG MAS MATIMBANG SA KANYANG PUSO?

SEUNG-HO?

OR

JI-HOON?

ANO NGA BA ANG MAGIGING DISISYON NI HYUN-SIK SA SEASON 2?

PAANO SYA MAKAKAPILI SA DALAWA KUNG PAREHAS NA NYA ITONG MAHAL?

SINO ANG MAGPAPARAYA SA HULI?

SINO ANG MANANALO SA PUSO NI HYUN-SIK?

ANO ANG MAGIGING PAPEL NI EUN-KYUNG SA LOVE TRIANGLE NI SEUNG-HO, HYUN-SIK AT JI-HOON?

MAS MARAMI BANG PAGSUBOK SA NEXT SEASON 2?

SINO ANG MAPAPAHAMAK AT MALALAGAY SA BINGIT NG KAMATAYAN?

ANO ANO NGA BA ANG MGA AASAHAN SA HEART IMPOUND SEASON 2?

MAY BAGO BANG CHARACTER NA LALABAS?

ANO NA KAYA ANG NANGYARI KAY ARA, MI-YOUNG AT DONG-HYUN?

ABANGAN ANG KANILANG LOVE STORY SA SEASON 2!!

---------

---------

"Author Appreciation to Readers"

Maraming maraming salamat po sa mga readers and other authors na nagbabasa ng Heart Impound!

Maraming salamat din po sa mga nag Promote ng Heart Impound sa mga Facebook Pages nila.

Maraming salamat din sa WSXA Section Mafia Family Group Chat.

Sana na gustuhan nyo ang Heart Impound K-Drama BL story!

Maraming maraming salamat po sa Support nyo! I love you all! ❤️❤️❤️

Previous
Last

Share This Chapter