Back
/ 38
Chapter 16

Chapter 15 - compliment

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. This narrative includes mature subject matter, such as romantic relationships between men, and may explore sensitive topics. Reader discretion is advised.

------------------------------------------------

Skyler’s POV

Alam mo yung feeling na parang normal lang ang araw mo, pero biglang may plot twist na hindi mo ine-expect? Ganito ang buhay ko sa Cruz Enterprises. Isang malaking teleserye na hindi ko alam kung ako ba ang bida o yung comic relief.

Pagpasok ko ng office, simple lang ang goal ko today: huwag gumawa ng kapalpakan Pero syempre, knowing me, parang ang hirap i-achieve ‘yan.

Habang papunta ako sa pantry, bitbit ang mug ko, napansin kong may ibang vibe sa opisina. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nag-i-imagine, pero parang mas maraming nakatingin sa akin.

Sige lang tingin lng kayo sayang Naman Ang Ganda ko.. charrot!

“Skyler!” bulong ni Karen habang naglalakad ako. “Alam mo bang hot topic ka ngayon?”

Luh? Kaya Pala tinitignan ako mga employees Ngayons

“H-ha? Ako?!” Natigilan ako, sabay hawak sa dibdib ko. “Anong ginawa ko na naman?”

“Grabe ka naman! Wala pa, pero... may usap-usapan na ikaw daw yung bagong favorite ni Sir Ezekiel. Totoo ba?!”

Favorite? Ako? Teka lang, anong timeline ‘to? “Karen, baka nagkamali ka ng balita. Ako yung walking disaster dito, hindi pwedeng maging favorite.”

“Eh kasi naman, Skyler, laging ikaw ang pinapatawag niya sa office, tapos ang intense ng mga tingin niya sa’yo!”

Eh?!

Napailing na lang ako. “Wala yun. Siguro na-stress lang siya sa presence ko. Kape muna ako, Karen, bago pa masira buong araw ko sayo.”

Pagdating sa pantry, sakto namang si Sir Ezekiel ang nauna sa coffee machine. Gosh, bakit ganito ang timing ng universe?

“Skyler,” bati niya, walang emosyon. Pero sa loob-loob ko, parang may kasama yung glare niya

“Good morning, Sir!” sagot ko, pilit na hindi nanginginig ang boses.

WALANG good morning Sakin!

He glanced at my mug, then at me. “Careful this time. I don’t want another spill incident.”

Alin? Pagkaka alam ko Wala Naman akong nangyare kapalpakan nong nakaarang Araw ah! O baka Naman ni reremind lang niya ako dahil ako Naman so Skyler the great clumsy boy!

Pe o

Ouch, Sir. “Noted po, Sir!” sagot ko, habang iniisip kung paano ko mapapatunayan na kaya kong maging responsible adult kahit isang beses lang.

Habang nagtitimpla ako ng kape, naramdaman kong parang nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung totoo o overthinking lang ako, pero bakit parang may intensity sa tingin niya?

“Skyler,” tawag niya ulit, kaya napatingin ako agad.

“Yes po, Sir?”

“You have cream on your cheek.”

OH MY GOD. Napahawak agad ako sa mukha ko, at sa sobrang hiya, muntik ko nang ma-spill ulit ang kape ko. “Ah, thank you po, Sir!”

Ngumiti siya ng bahagya—yung tipong smirk na sobrang bihira. “You should be more careful. I don’t have time to clean up after you.”

Enedew?

Pagbalik ko sa desk ko, napansin kong may message sa email ko. Galing kay Sir Ezekiel.

Subject: Meeting at 3 PM.

Skyler, be prepared to present the updates on the new project.

“Present?!” halos mapasigaw ako, pero naalala kong nasa office ako. “Bakit Naman ako?!”

Mabilis kong tinext si Zachary.

Me: “Zach, bakit ako pinili ni Sir Ezekiel para mag-present?!”

Mabilis naman siyang nag-reply.

Zachary: “Kasi ikaw yung bagong star employee. Ano ka ba, Skyler? Chill ka lang!”

Star employee? Ako? Sino bang nagsabi sa kanila ng kasinungalingang ‘yan?

Dumating ang 3 PM, at nasa conference room na kami. Si Sir Ezekiel, as usual, nakaupo sa dulo ng table, mukhang ready na i-judge lahat ng gagawin ko.

“Skyler,” tawag niya, “let’s see what you’ve got.”

Huminga ako nang malalim, kinuha ang laptop, at sinimulan ang presentation. Kahit kinakabahan ako, pilit kong inalala ang sinabi ni Zachary: “Chill ka lang.”

Habang nagpe-present ako, napansin kong nakikinig talaga si Sir Ezekiel. Yung tipong talagang focused sa sinasabi ko. Hindi ko alam kung nakakatakot o nakakakilig.

Pero kinalmahan ko baka magaya nong nakaraan pagreport ko.

Ayun nagsasalita ako pero focus ako kung Anong nasa isip ko Yun Ang sasabihin ko may ginawa Naman Silang new project pinapakita sa screen monitor kung Anong nakalagay dun Yun explain ko bala na!

Finally! I'm survive! Parang gusto ko kumanta Ng I will survive ni gloria hahahahaha

Pagkatapos ng presentation, tumayo siya at tumingin sa akin. “Not bad, Skyler. I’m impressed.”

Wait, anong sabi niya? Impressed? ahihihiihihi

“Ah... thank you po, Sir!” sagot ko, pilit na hindi magmukhang sobrang tuwang-tuwa. Pero deep inside, parang nanalo ako ng award.

Pagkatapos ng trabaho, habang nag-aayos ako ng gamit, may biglang nag-pop up na notification sa phone ko. Unknown number.

Unknown Number:

“Good job today. Keep it up.”

Napangiti ako. Alam kong si Sir Ezekiel ‘yun, pero bakit parang... sweet?

Share This Chapter