Back
/ 38
Chapter 18

Chapter 17 - shopping sheananigan!

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. This narrative includes mature subject matter, such as romantic relationships between men, and may explore sensitive topics. Reader discretion is advised.

------------------------------------------------

Skyler's pov

Eto na nga. Sabado, pero parang buong katawan ko gusto pa ring humilata. Kaya lang, hindi ko pwedeng pabayaan ang wardrobe ko. Kung susunod pa akong magpapakita sa office na mukhang "probinsyanong first time sa Maynila Tsaka baduy tignan", baka ma-memo na ako ni Sir Ezekiel. Kaya eto ako, ready for a day of shopping and groceries.

Kumain muna akong agahan balak ko sana magpapasama sa mga kaibigan ko kaso busy.

kung si Zachary Kaya?kaso baka nagpapahinga,gusto ko rin matulog maghapon!

Pumunta na ako sa cr at dun naligo, Buti Meron na tubig para hindi na ako magiigib sa labas pagkatapos ko Maligo bumihis akong simple lang na tshirts yellow tatak SpongeBob kasi favorite ko Yan nong bata pa ako and then matching gray pajama.

Tinignan ko sa salamin Sarili ko

Oh pak! Ang cute ko sa suot ko!

inayos ko rin Ang hair medjo may kahabaan na at naglagay pulbo sa mukha kaso tabingi!

Ang brown sa leeg at Ang puti sa muka.

Mukha akong espasol!

Dapat Pala Nilagyan ko kaonti!

Pero Ok na to! Cute Namn akong tignan ahihihiihihi

Kinuha ko agad Ang bag ko at wallet

"Skyler!. Huwag kang gagastos nang sobra!" sabi ko sa sarili ko habang umaalis ng apartment.

---

At the Mall

Pagdating ko sa mall, sobrang dami ng tao. Pero laban lang! First stop: clothing store. Habang nagba-browse ako, napansin ko agad yung rack ng mga polo shirts. Napaka-ganda, pero napaka-mahal din.

Hinawakan ko yung isang white polo na sobrang linis tignan. Yung tipong "CEO in the making" vibes. Tinitigan ko yung price tag. "Tangina, diko afford to!?!"

Dapat Pala sa ukay ukay nalang Ako nagtingin tingin

"Skyler."

Eh? Familiar na boses Yun ah!

Napalingon ako sa likuran ko,napanganga ako ng Makita ko si Sir Ezekiel. Naka-black shirt, jeans, at mukhang hindi CEO. Pero Diyos ko, bakit parang runway model kahit simpleng suot lang?napakapogi! Nanibago ako kasi sanay ako sa mga suit na sinusuot niya!

"Sir! Good afternoon po!" sagot ko, pilit na pinapakalma ang boses ko kahit gusto ko nang tumakbo palabas.

He nod atsaka tinignan ako Mula sa ulo Hanggang baba

Eh? Baka di niya gusto si SpongeBob baka tom and Jerry favorite niya.. charrot!

Tumingin siya sa polo na hawak ko. "That one looks good. Why don't you try it?"

"Ah, hindi po, Sir. Tinitignan ko lang po," sagot ko, kahit obvious na obvious na gusto ko 'yun.

Kasi Ang mahal! 13 thousand samantala 3thousand lang ang dala ko!

He raised an eyebrow. "Skyler, don't waste time. Go try it." agad niya ito kinuha Mula sa kamay ko at na una na siyang lumakad at agad Naman ako sumunod sakanya

"Wear it" sabi niya Kaya Wala akong magawa kahit nahihiya ako

Pumasok ako sa fitting room habang iniisip kung bakit siya nandito. Seriously, universe? Bakit hindi mo man lang ako binalaan na magkikita kami dito?!

Wushuuuuu

Pag-suot ko ng polo, napangiti ako. Ang ganda talaga. Bagay na bagay sa akin. Pero nung lumabas ako ng fitting room para magtanong kay kuya sales kung may ibang size, nakita ko si Sir Ezekiel, nakaupo na sa isang upuan at halatang naghihintay.

"Skyler," he called, motioning for me to come over.

Lumapit ako, medyo awkward. "Yes po, Sir?"

He stood up and looked at me from head to toe. "It suits you. Buy it."

"Sir, medyo..." Hinawakan ko yung price tag, sabay ngiti ng pilit. "Medyo mahal po, eh."

He frowned, then turned to the cashier. "We'll take this one."

Wait. Ano daw?!

"Sir, hindi po kailangan! Kaya ko naman po-"

"Skyler, consider it an investment," he interrupted. "You represent the company. You should look good."

Luh?

Pumunta siya sa cashier at binayaran niya dapat Pala bukas nalang Ako namili nakakahiya kasi Kay sir at naisip kong pwede na akong umuwi.

"I assume you're doing groceries next?"

Eh?

Paanong alam niya?! Parang gusto kong sumigaw ng

Ano ka, mind reader?!

At ayun na nga. Sinamahan niya akong mag-grocery. Habang namimili ako ng instant noodles at corned beef, nakita ko siya na parang naiilang sa choices ko.

"Skyler, don't you eat anything healthier than this?" tanong niya habang hawak ang isang pack ng hotdogs na kinuha ko.

"Eh Sir, budget meal po 'yan. Masarap naman!" sagot ko, pero parang nagdududa pa rin siya.

He sighed and grabbed a basket. "Let me pick something better for you."

Naglakad siya papunta sa vegetable section. Ako naman, parang aso na sumusunod sa amo ko. Pero hindi ko mapigilan mag-isip: Bakit niya ginagawa 'to? Iba Naman talaga Ang trip Ng mga yayamanin!"

Ang ending siya Naman nagbayad..kahit Anong protesta ko hindi siya nakikinig

After groceries, tinanong niya ako, "Do you have dinner plans?"

"Wala naman po, Sir," sagot ko, pero kinakabahan na ako sa kung saan patungo 'to.

"Good. Let's eat."

No choice sumama ako nakakahiya kasi tumangi sa grasya hehehe

Bala na ikapal muks ko nalang to babarayan ko nalng siya pagnagsahod ako.

At napunta kami sa isang fancy restaurant. Yung tipong hindi ko kayang bayaran kahit ilang buwang ipon.

"Sir, hindi ko po yata afford dito," sabi ko habang hinihila ko yung bag at dalawang plastic bag lamang Ng pinamili ko- niya Pala ,papunta sa table.

"I didn't ask you to pay," sagot niya.

Nag-order siya ng steak, at ako naman, pinilit maghanap ng pinakamura sa menu. Pero bago ko pa ma-finalize yung order ko, sinabi niya, "Skyler, just order whatever you want."

"Eh Sir, ang mahal po ng lahat dito!" sagot ko, halatang naiilang.

"Skyler," he said, leaning forward slightly. "Relax. Just enjoy the night."

At for the first time, parang hindi siya yung intimidating boss ko. Parang normal lang siyang tao na nakikipag-dinner.

Habang kumakain kami, napansin ko na madalas siyang tumingin sakin. Yung mga subtle na tingin na parang may sinasabi pero hindi niya binabanggit. Ako naman, pilit na hindi nagiging obvious na kinikilig sa kabaliktaran nahihiya ako sa pakikitungo niya Sakin Tsaka Ang ackward

"Skyler," he suddenly said, breaking the silence. "You've been doing well at work. I hope you keep it up."

"Ah, thank you po, Sir," sagot ko, trying to act normal kahit gusto ko nang tumambling sa saya.

Pagkatapos ng dinner, hinatid pa niya ako sa apartment ko. Tinuro ko sakanya Yung Daan,Pagbaba ko ng kotse, hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Sir, thank you po talaga. Sobrang na-appreciate ko lahat ng ginawa niyo today dibali babayaran ko nalang yung pinamili hehe."

Ngumiti siya, yung tipong bihirang-bihira ko lang makita. "tss don't pay it and You're welcome, Skyler. See you on Monday."atsaka umalis na.

Pagkapasok ko sa apartment humiga na ako sa kama ko at unti unti pinikit Ang mga mata ko dahil sa pagod natulog ko

Share This Chapter