Chapter 23: ulan
Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)
WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised.
Skyler's POV
Kinabukasan, parang may hangover ang utak ko sa dami ng impormasyon na sinabi ni Sir Ezekiel. Pero imbis na alak ang dahilan, kwento ni Zachary ang sumisira sa mental peace ko.
Paano nangyari 'yon? Si Zachary? Totoo kaya 'yun?
Hindi ko siya makuhang i-connect sa taong kilala ko. Mula noong nagkatrabaho kami, palagi siyang nakangiti, palabiro, at laging nagbibigay ng milk tea o kaya kape. So... anong totoo? Pero teka... kwento pa lang naman ni Sir 'yon. Baka misunderstanding lang?
Hindi naman siguro ako judgmental. Curious lang.
Naglakad ako papasok ng opisina na parang zombie. Kahit si Karen napansin ang kawalang-laman ng kaluluwa ko.
"Sky! Oh my gosh, ano'ng nangyari sa'yo? Parang binugbog ka ng katotohanan!"
Napangiti ako nang pilit. "Eh... parang ganun na nga."
"Si boss ba 'yan? Ang sungit niya kahapon, promise! Parang gusto kong i-banatan ng sticky notes."
Napatawa ako. "Hindi, hindi... may iniisip lang ako."
Pero bago pa siya makapagtanong, dumaan si Zachary sa tapat ng desk ko.
"Hey, Sky!" bati niya, sabay kindat.
Napa-freeze ako. Ngumiti siya pero... ewan ko. Parang may kakaiba sa ngiti niya ngayon. O baka ako lang 'to? Masyado lang ako na-influence ng kwento ni Sir Ezekiel kagabi.
"Ah... hi, Zach," sagot ko nang pilit.
Lumapit siya at sumandal sa desk ko. "Libre ka mamaya? May bago akong nadiskubre na milk tea place. Tara?"
Milk tea? Shuta, Zach. Now ko lang na-feel na may threat pala ang ganitong simpleng imbitasyon.
"Ah... busy ako eh," sagot ko, sabay pakipot na kunyari maraming ginagawa. Tipong hyper type sa keyboard kahit wala namang laman 'yung Word doc.
"Talaga?" Sumeryoso ang mukha niya. "Eh di bukas?"
"Uh... may meeting kami ni Sir Ezekiel," sagot ko agad.
Nakita kong bahagyang nagbago ang expression niya sa banggit ng pangalan ni Sir. O baka nag-iimagine lang ako? Kasi saglit lang 'yon, agad siyang ngumiti ulit. "Ah... ganun ba? Sige, next time na lang."
Umalis siya pero parang may naiwan akong tanong sa utak ko: Ako ba 'yung nagiging weird?
"Skyler," bulong ni Karen. "Medyo... parang may something kay Zachary ah."
"Shhh," sagot ko. "Baka marinig tayo."
Pero oo, aminado ako. Parang nag-iba 'yung vibe niya. O ako lang 'to?
Pagkatapos ng trabaho, dumaan ako sa opisina ni Sir Ezekiel. Kumatok ako at sumilip. Nasa harap siya ng laptop at mukhang seryoso.
"Sir?"
Napatingin siya sa akin. "Skyler. Pasok ka."
Pumasok ako at sumara ng pinto. "Sir... kanina, lumapit sakin si Zachary."
Tumayo siya agad. "Ano'ng sinabi niya?"
"Nag-aya ng milk tea," sagot ko, pilit na ngumingiti pero halata ang kaba ko. "Pero... parang iba 'yung vibes niya. O baka ako lang 'to?"
Naglakad si Sir Ezekiel palapit sa bintana at tumingin sa labas. "Hindi ko 'to gusto."
"Sir? Baka naman coincidence lang po."
"Skyler, trust me. Stay close to me. Simula ngayon, huwag kang lalayo."
dug
dug
dug
duh
dug
dug
dug
duh
dug
dug
dug
duh
dug
dug
dug
duh
dug
dug
duh
Nagkatinginan kami. At sa mata niya, nakita ko ang urgency na bihirang-bihira kong makita.
puta sky! ang puso ko!
tinignan ko siya pero ang seryoso ng mukha niya..
teka? may gusto na ba ako kay sir?!!
Maya-maya, tumunog ang intercom.
"Sir Ezekiel," sabi ng secretary niya. "Miss Genevieve Laurent is here."
teka? si babaeng luya ba?
Napatayo ako. "Si Ginger... este... si Miss Genevieve?"
Tumango siya. "Skyler, stay here."
Pagkalabas niya, nanatili akong nakaupo. Pero hindi mapakali.
Ilang saglit lang, bumukas ulit ang pinto.
"Well, well," sabi ni Genevieve habang dahan-dahang pumasok sa opisina. "Ikaw pala ang tinatago ni Ezekiel dito."
Napalunok ako. Bakit parang may halong lason ang boses niya?
"Ah... hindi po ako tinatago," sagot ko, pilit ang ngiti. "Trabaho lang po talaga."
Tumawa siya ng mahina. "Trabaho? Sure, sweetheart. Alam mo ba kung gaano kasungit 'yang si Ezekiel? Pero pagdating sa'yo, parang nagiging mas soft. Interesting, don't you think?"
Hala. Anong ibig sabihin nito?
Tumayo ako, nagpanggap na composed kahit kinakabahan na ako. "Ma'am... I mean, Miss Genevieve, baka po nagkakamali lang kayo."
Lumapit siya, halatang nag-eenjoy sa pagkapraning ko. "You're naive, Skyler. Pero it's cute. Kaya lang, tandaan mo: hindi ako natatalo."
weh? kahit sa chinese garter?
Nag-slowmo ang mundo ko. Hindi ko alam kung nananakot siya o nagsosolo lang ng villain monologue or feeling main character siya sa sarili niya.
puta!cringe naman ni anteh!
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sir Ezekiel. "Genevieve," matigas ang boses niya. "Anong ginagawa mo dito?"
Ngumiti siya at umatras ng bahagya. "Oh, darling. Nagpapakilala lang ako sa bagong project mo. Mukhang special, ha?"
"Get out," madiin na sabi ni Sir Ezekiel.
Nagtama ang mga mata nila. Para silang nag-uusap sa telepathy na puno ng tensyon.
Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, naglakad si Genevieve palabas. Pero bago siya lumabas, binigyan niya ako ng huling tingin.
"See you around, Skyler," sabi niya sabay kindat.
mama mo see you!
Pagkalabas niya, nagpakawala ako ng buntong-hininga. "Sir... ano 'yon?!"
"Genevieve likes to play mind games," sagot niya, padabog na naupo sa upuan. "Pero hindi siya ang concern natin ngayon."
"Si Zachary," bulong ko.
Tumango siya. "He sent you a message kagabi, hindi ba?"
ayy oo nga pala nag text siya sakin kagabi pero nakalimutan ko replyan.
"Oo... 'Hey, Sky! Musta? Libre ka ba bukas?'" sagot ko, ginagaya ang text ni Zach.
Matalim ang tingin ni Sir. "Skyler, hindi 'yon simpleng tanong. Sinusubukan niyang makalapit sa'yo."
Napalunok ako. "So... ano pong gagawin natin?"
Tumayo siya at kinuha ang coat niya. "Uuwi ka na."
"Pero Sir, may mga reports pa akoâ"
"Skyler, umuwi ka muna. At gusto kong umiwas ka muna kay Zachary. Naiintindihan mo?"
masiyado pang ma aga ah!
Tumango ako. "Opo, Sir."
Lumabas ako ng opisina at sinubukan kong dumaan sa ibang daan para makaiwas kay Zachary. Seryoso akoânag-level up ang skills ko sa pagiging ninja. Pagdating sa elevator, napatingin ako sa labas ng bintana.
Ang lakas ng ulan?!halos madilim na ang kalangitan
Pagdating ko sa lobby, wala akong dalang payong. Skyler... palpak ka talaga minsan.
hays!! yung sinampayan ko nakalimutan ko ipasok sa loob! lalo na yung mga brief ko!
Nagpasiya akong tumakbo papunta sa bus stop kahit basang-basa na ako. Sa bawat hakbang ko, parang bumibigat ang bawat tela ng suot ko.
Nang makarating ako sa bus stop, halos nanginginig na ako sa lamig.
"Putek naman. Bakit ngayon pa umulan ng ganito?"
shuta!!!!!! ang lamig!!!!!!!!
Habang nanginginig at nagkakandatulo ang tubig mula sa buhok ko, isang itim na sasakyan ang huminto sa harap ko.
Unti-unting bumaba ang bintana.
uyy Si Sir Ezekiel.
"Skyler," tawag niya, sumilip mula sa bintana. "Ano'ng ginagawa mo diyan?"
tumatayo malamang!
Napangiti ako ng pilit, nanginginig sa lamig. "Nag-aabang ng spaceship, Sir." biro ko sakanya.
Umiling siya at binuksan ang pinto. "Sumakay ka na. Bago ka sipunin."
Wala na akong nagawa. Sumakay ako at naamoy agad ang amoy ng leather seats. Mainit. Komportable. At higit sa lahat, safe.
Habang binabagtas namin ang daan, napatingin ako sa basang polo ko.
"Sir, sorry ha. Nabasa ko 'yung upuan niyo."
"Okay lang," sagot niya, hindi man lang tumingin. "Pero next time, sabihin mo kung uuwi ka nang maaga."
ayyyy nakakahiya naman!
Napayuko ako. "Opo, Sir. Pasensya na po."
Hindi siya sumagot. Pero maya-maya, binuksan niya ang heater.
Para akong nilamon ng init ng kaba. Tangina, bakit parang ang lakas ng kaba ko dito sa sasakyan na 'to?")}]}