Back
/ 38
Chapter 27

Chapter 26: Kiss

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised

Skyler's POV

Nag-freeze ako sa kinauupuan ko habang ramdam ko ang mainit at banayad na halik ni Sir Ezekiel sa labi ko. Parang tumigil ang oras. Literal. Yung tipong background music ng ulan sa labas ay parang naging slow-mo sa utak ko.

Putangina. ANO 'TO?!

Ramdam ko ang kamay niyang lumapat sa batok ko, bahagyang hinila pa-lapit. Shit, seryoso 'to? Nanaginip ba ako?

Nagmulat ako ng mata para tingnan kung totoo nga—at nakita kong nakapikit siya. Ang seryoso ng mukha niya habang hinahalikan ako. At bakit parang sobrang natural ng lahat?!

Maya-maya, naramdaman kong marahang umangat ang kamay niya at dumulas papunta sa pisngi ko. Mainit. Nakakakilabot. Nakakakilig.

Tigil na, Skyler. Tama na 'to.

Pero paano?! Parang ayoko.

Biglang humiwalay siya ng bahagya. Nagkatinginan kami. Parehong hingal. Parehong litong-lito.

"Sir..."

Hindi siya sumagot. Sa halip, dahan-dahan niya akong binuhat mula sa sahig. Napakapit ako sa leeg niya, ramdam ang tigas ng muscles niya sa braso.

"Sir! Ano 'to?! Bakit—"

"Shh," bulong niya. "just let me kiss you.."

Tangina, bakit ganito? Bakit parang ang hot pero sabay awkward?!

Inilapag niya ako sa couch. Pero imbis na tumigil, yumuko siya ulit at sinimulang halikan ako. Mas madiin. Mas malalim.

Ramdam ko hinimas himas niya yung legs ko.

Anak ng chicken alfredo, Skyler! Isa kang office staff pero bakit parang leading man ang peg mo ngayon?!

Narinig kong hinila niya ang suot niyang sweater at hinubad.

Lord, abs.!

Anim na pirasong abs. shit! ang laki ng katawan ni sir at ang puti.

"Skyler..." bulong niya habang bahagyang pinunasan ng hinlalaki niya ang labi ko. "Ano bang ginagawa mo sa akin?"

Sir, ako rin po litong-lito na.

Bigla niyang hinalikan ang gilid ng panga ko. Napapitlag ako.

"Sir... teka..."

Tumigil siya at napatingin sa akin. Malalim ang hininga, hinalikan niya ulit ako pero smooth lang at hindi agressive habang ang kamay niya tinataas yung damit ko.

putek!hindi ako marunong ito!

tumigil siya sa paghalik at tinignan ako.

Tumingin ako sa mga mata niya. Shit. Ang lalim. Parang baka malunod ako rito.

Pero imbis na sumagot, tumayo siya bigla. Tumalikod at napahawak sa ulo niya.

"Shit," bulong niya. "Mali 'to."

Naupo ako at nag-ayos ,kahit parang sabog na sabog na ako. "Sir?"

Huminga siya nang malalim at humarap sa akin. Napansin kong hindi na siya makatingin nang diretso.

"Skyler... sorry. Dapat hindi 'to nangyari," sabi niya, hinahanap ang suot niyang sweater pero wala. "This is wrong."

Napanganga ako. "Ah... okay, Sir. Gets ko naman po."

Ngumiti ako pero deep inside... putek, parang na-Friendzone ako after ng cinematic kissing scene.

"Sige po..." tumayo ako, pero nang humakbang ako palayo, nadulas ako sa popcorn sa sahig. "AAACK!"

"Skyler!"

Nahulog ako pero nahawakan niya ang braso ko kaya hindi ako tuluyang bumagsak.

Nagkatinginan kami.

Ulol. Masyado kayong K-drama ngayong gabi.

Binitiwan niya ako at umiwas ng tingin. "Magpahinga ka na. Baka mabali ka pa niyan."

Tumango ako at bumalik sa guest room. Pero bago ko isinara ang pinto, narinig kong napamura siya.

"Shit, Ezekiel. Ano bang ginagawa mo?"

At ako naman?

Nakapikit sa kama at hindi maka move on sa nangyare.

Ezekiel's POV

Pagkatapos kong maisara ang pinto ng guest room, napasandal ako sa pader at napahawak sa sentido ko.

Ano'ng ginawa ko?

Hinawakan ko ang labi ko. Mainit pa rin ang pakiramdam, parang may bakas pa ng halik ni Skyler. Shit. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Boss niya ako. At higit pa sa lahat... hindi ko sigurado kung tama ito.

Napatingin ako sa sala. Gulo ang sahig—may popcorn na nagkalat, natunaw na ice cream sa mesa, at 'yung throw pillow na ginamit ni Skyler kanina, nasa sahig. Pero kahit anong gulo ng paligid, mas magulo ang utak ko.

Bakit ko siya hinalikan?

Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa kusina. Binuksan ko ang gripo at naghilamos ng malamig na tubig. Pagtingin ko sa salamin, doon ko nakita ang gulo ng itsura ko.

"Ezekiel, gago ka ba?" bulong ko sa sarili ko. "Hindi mo siya dapat hinalikan."

Pero tangina, ang lambot ng labi niya. Ang bango niya kahit basang-basa kanina. At 'yung paraan niyang tumitig sa akin habang nagtuturo ako ng chords... parang nagmakaawa ang utak ko na halikan siya.

Putangina. Focus.

Huminga ako nang malalim. Hindi ako dapat magpadala sa emosyon ko. May Zachary. May Genevieve. At higit sa lahat... may mga matang nagbabantay sa amin.

Napaupo ako sa bar stool at napatingin sa bintana. Malakas pa rin ang ulan. Sa labas, ang dilim. Parang ang bigat ng paligid.

Ano bang meron kay Skyler at parang hinahatak ako palapit sa kanya?

Bigla kong naalala ang titig niya kanina habang kumakain kami. Yung nguso niya tuwing nagrereklamo sa spicy na popcorn. Yung mata niyang nagiging singkit pag tumatawa.

Napamura ako. "Shit."

Napatingin ako sa hallway. Tahimik ang guest room. Wala akong narinig kahit anong kaluskos. Mukhang natulog na siya.

Humiga ako sa sofa sa sala, pero kahit anong pilit kong pumikit, hindi ako dalawin ng antok. Naiisip ko pa rin 'yung halik na 'yon.

Anong klaseng kabaliwan 'to?

Kinabukasan, maagang nagising ako at dumiretso sa kusina.

Tahimik pa rin ang paligid. Binuksan ko ang coffee machine at nagsimulang magluto ng breakfast. Bacon, scrambled eggs, at toasted bread. Sinilip ko ang oras—alas otso na.

Habang nagtitimpla ako ng kape, napansin kong sumilip si Skyler mula sa pinto ng guest room. Nagulat nang makita akong abala sa kusina.

"Good morning," bati ko, hindi ko alam kung paano pipilitin maging casual ang tono ko.

"Ah... good morning po, Sir," sagot niya, sabay kamot sa batok. Halata sa mata niya ang puyat at—oo, awkwardness.

"Kape?" alok ko, iniabot ang mug.

"Salamat, Sir." Inabot niya ang tasa pero hindi pa rin ako tinitingnan nang diretso.

Tahimik kaming naupo sa dining table. Ang tunog lang ng kutsara sa tasa at ang mahina kong pagsubo ng tinapay ang naririnig.

"Sir..."

Tumingin ako sa kanya. "Hmm?"

"Ah... pasensya na po sa... sa nangyari kagabi."

Napangiti ako ng bahagya. "Ako dapat ang humingi ng pasensya, Skyler. Hindi ko dapat ginawa 'yon."

Namula siya. "Ah... ah eh... wala naman po... ano..."

Tangina, pati ako naiilang sa kanya ngayon. Hindi kami ganito dati ah?

"Kumain ka na," utos ko na lang.

"Opo."

Habang kumakain kami, paminsan-minsan napapatingin ako sa kanya. Minsan nahuhuli ko siyang nakatitig din sa akin, tapos mabilis na yumuyuko ulit.

Awkward na nga, ang cute pa rin niya.

Pagkatapos kumain, tumayo siya at nagprisintang maghugas ng pinggan. Tumanggi ako pero nagmatigas siya.

Maya-maya, habang nakatalikod siya sa akin at naghuhugas, hindi ko mapigilang ngumiti.

Shit. Anong meron sa'yo, Skyler?

Nang matapos ang lahat, nagpaalam na siya.

"Sir, ah... uuwi na po ako. Mukhang humupa na 'yung ulan."

"Hatid na kita," sabi ko.

"H-Ha? Ay, 'wag na po! Nakakahiya!"

"Sumakay ka na, Skyler," utos ko sabay turo sa pinto.

Sumunod naman siya, pero ramdam ko ang pag-aalangan niya. Tahimik kami habang nasa elevator at tahimik din habang nasa sasakyan.

Pagdating sa apartment niya, napakunot ang noo ko.

"Dito ka nakatira?"

Tumawa siya. "Oo, Sir. Bulok pero masaya."

Sinipat ko ang sira-sirang gate at lumang apartment building. Bigla akong nag-init sa inis.

"Skyler, bakit dito ka nakatira?"

"Eh kasi Sir, mura eh."

Huminga ako nang malalim. "Kailangan mong lumipat."

"Sir, okay lang ako dito—"

"Hindi. Delikado 'to. Ako na bahala."

Nanlaki ang mata niya. "Sir?"

"Ako na bahala," ulit ko.

Tahimik siyang bumaba ng kotse. Pagpasok niya sa gate, saglit siyang lumingon at kumaway.

Nginitian ko siya. Pero nang umalis na ako, tiningnan ko ulit ang building.

Hindi ka na magtatagal dito, Skyler. Ako na ang bahala.

Share This Chapter