Back
/ 38
Chapter 38

Chapter 37: Secretly Yours

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised.

Skyler's POV

Okay, Skyler. Relax. Act normal. Huwag kang magpahalata.

Mas hinigpitan ko ang hawak sa coffee mug ko habang nakaupo sa desk. Malamig ang aircon pero pakiramdam ko, pawis na pawis ako. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil nasa third floor si Ezekiel at kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko yung presensya niya.

Tangina. First time ko lang nagkaroon ng jowa, tapos ganito agad?

Tumingin ako sa paligid, siniguradong walang nakatingin, tapos pasimpleng sumilip sa glass window ng opisina namin. Wala akong makita mula rito, pero alam kong ilang palapag lang ang pagitan namin. Napaatras ako agad nang biglang may nag-pop up na message sa phone ko.

Ezekiel: Stop fidgeting. Halata ka.

Napasinghap ako. Putek! May mata ba siya sa likod?

Me: Wala akong ginagawa! Tsaka paano mo naman ako nakikita?

Ezekiel: CCTV.

Tangina, totoo ba?!

Me: Wag mo akong i-stalk sa trabaho!

Ezekiel: Sinong may sabi na sa trabaho lang?

NAPASINGHOT ULIT AKO NG KAPE. MALAKAS.

At dahil sa malas, natapon ko ang konti sa polo ko.

Ay puta!

"Skyler, ano ba yan!" sigaw ni Karen mula sa kabilang cubicle.

"Nasamid lang hehehe" sabay piece sign pero napangiwi lang siya.

Puteks Buti konti lang namantsahan tsaka ok lang naka black polo naman ako at hindi halata may natapunan ng konting kape Hahaha

Minsan kasi Hindi ko nakakasabayan Yung dalawa kumain sa cafeteria kasi may presentation or report si karen tsaka si Zachary nagconduct siya sa ibang hr department,hindi na kasi ako nagtanong tanong kong anong ginagawa niya dun.

Lunch break! Na!

Kinuha ko agad ang bag ko at dumeretso sa cafeteria,Habang naglalakad ako, may naramdaman ako sa likod at lilingon na sana ako meron pumiring ng kamay sa mata ko.

Haluh?!

"Hoy, sino 'to?" bulong ko.

"Ako." Mababang boses. Pamilyar. Isang boses na kahit anong mangyari, hindi ko pwedeng kalimutan.

Napangiti ako at inalis narin pagkapiring niya sa mata ko.

Napalingon ako.

Si Ezekiel?! Naka-black suit siya as usual, pero hindi CEO mode ang expression niya ngayon. Mas chill, mas casual. Pero kita sa mata niya yung pag-aalala.

"Saan ka pupunta?" tanong niya, mahina ang boses.

"Aba, saan pa eh di kakain? Bakit? May problema?"

Lumapit siya nang konti. "Sa office na lang tayo kumain."

Nagtaas ako ng kilay. "Bakit?"

"Mas gusto ko ng tahimik."

"O baka gusto mo lang ng private na moment kasama ako?" sabi ko, tinataas baba ang kilay ko.

Napatingin siya sa paligid at bumaba ang boses niya. "Skyler, hindi mo ba naisip na may nakakakita sa atin?"

"Eh ano naman? Bawal ba tayong mag-usap?"

"Hindi naman," sabi niya, pero kita sa mata niya yung pinag-iisipan niya kung sasama ako o hindi.

Hala. Parang ang pogi niya lalo pag ganito. Yung parang nahihirapan siyang umamin na gusto lang niya akong kasama.

Napabuntong-hininga ako. "Fine. Pero ako ang pipili ng pagkain. Wala kang choice."

Tumango siya at naunang naglakad pabalik sa office niya.

Habang sinusundan ko siya, napangiti ako.

Putangina. Ang cute niya 'pag awkward.

Pagdating namin sa third floor, tahimik kaming pumasok sa opisina niya. Malaki, maaliwalas, pero ang pinaka-nakakaloka? Ang bango. Parang pinaghalong mint at mamahaling pabango.

"Maupo ka." Inalok niya ako ng upuan sa harap ng desk niya.

Kumuha ako ng pagkain sa bag ko—isang takeout na chicken sandwich at fries galing pa cafeteria kaninang umaga. Nilapag ko ito sa desk niya.

"Teka, anong ginagawa mo?" tanong niya, kunot-noo.

"Ano pa? Kakain tayo."

"Sa mesa ko?"

"Hindi...Sa sahig?"pangpilosopo ko sakanya kaya't natawa ako sa reaction niya

Umiling siya pero hindi na umalma nang buksan ko ang sandwich at iabot sa kanya ang kalahati. Kinuha niya ito, pero hindi pa rin siya sanay.

"Ano ba 'tong pinapagawa mo sa akin, Skyler?"

"Pinapakain kita, mahal na CEO," sabi ko, sabay kagat sa tinapay ko.

Tahimik siyang tumingin sa akin bago napailing at sumubo na rin. Isang minuto kaming walang imikan, pero hindi naman awkward. In fact, parang ang gaan.

"Masarap pala 'to," bulong niya.

"Siyempre! Pinili ko yan."

Dahan-dahang sumandal siya sa upuan niya. "Ngayon lang ako kumain ng ganito sa office."

"Ano? Palagi ka bang formal lunch lang tsaka hindi ka ba kumakain sa cafeteria?"

"Oo sometimes I bring food on my own."

"Haneps, ang boring mo naman!" natatawang sabi ko. "Kaya siguro stressed ka. Kailangan mo ng konting maki socialize sa paligid ng buhay mo.."

Napatingin siya sa akin, tila may binubuo sa isip niya. "Ikaw ba ang saya sa buhay ko?"

Halos mabilaukan ako sa kinakain ko.

"A-anong tanong yan?!"

Umiling siya at ngumiti ng bahagya. "Wala. Wala lang."

Putangina. Napaka-unfair niya. Ako lang dapat ang pwedeng manggulat!

Bigla siyang tumayo tsaka pumunta siya sa cabinet niya at kumuha ng dalawang lunchbox.

"Oh" Bigay niya sakin.

Agad ako napakunot noo

"ano to?"Sabi ko sakanya habang siya binubuksan Yung lunchbox.

"Obviously it's food..ginawa ko yan kaninang umaga.. tulog ka pa kasi ng ginawa ko yan hehe" sabay kamot sa batok niya.

Haluhhhh ang cute niya kapag nahihiya.

"Ang sweet Naman nitong boyfriend ko" Sabi ko sakanya.

"Syempre..ginawa ko yan..gusto ko kasi kita makasama sa pagkumakain ng lunch"sabay wink niya Sakin Kaya namula at kinilig.

"Ay Ewan ko sayo!"

Ngumiti siya at binigyan agad niya akong spoons.

"Let's eat" Sabi niya at agad ko ito binuksan Yung lunchbox,pagkabukas ko lumantad Sakin Ang napakabangong adobo.

Kumain kaming dalawa syempre Hindi mawawala yung pagpapakilig niya Sakin.

Matapos ang lunch, nagpaalam na ako bumaba sa HR department. Bago ako makalabas ng office niya, hinawakan niya ang braso ko saglit.

"Skyler."

Napatingin ako sa kamay niya sa braso ko, tapos sa kanya.

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mata niya bago niya binitiwan ang mahina pero seryosong mga salita.

"Huwag kang masyadong lapitin ng iba."

Nagtaas ako ng kilay. "Ha? Anong ibig mong sabihin?"

Saglit siyang tumahimik, pero bumuntong-hininga rin at ngumiti ng konti. "Wala. Ingat ka lang."

Napangiwi ako.

Medyo nalito ako pero hindi ko na pinansin. Tumango ako at lumabas ng office niya.

Pagdating ko sa HR department, may naghihintay sa akin. Si Zachary.

"Skyler! Sakto. May balita ako sa'yo!"

"Ano 'yun?"

Lumapit siya. "We have a to attend meeting next week pero sa palawan..sasama lahat ng HR department employee"

Palawan? Tama ba ang dinig ko?

Tinitigan ko si Zachary habang hinihintay ko ang kasunod niyang sasabihin. Baka naman nagbibiro lang siya. Pero nang makita kong seryoso ang mukha niya, doon ko lang na-realize na totoo nga 'to.

"Meeting sa Palawan? Bakit naman biglaan?" tanong ko, habang pilit iniintindi kung paano ito nangyari.

"Company retreat, actually," sagot niya. "Sir denli planned it as part of our strategic alignment. Team-building, leadership workshops, and... well, a little fun."

Napatango ako, pero hindi pa rin makapaniwala. Alam kong may mga ganitong events ang kumpanya, pero hindi ko inasahan na magiging parte ako agad nito. Parang kelan lang, nagkakalat ako sa opisina. Ngayon, isasama na ako sa isang corporate getaway?

"Hindi ko alam kung excited ako o kinakabahan," amin ko.

Tumawa si Zachary. "You should be excited. It's Palawan! Magandang pagkakataon 'to para mag-relax ka kahit papaano."

Napaisip ako. Tama siya. Kailangan ko rin ng konting break mula sa routine ng trabaho. Pero bago pa man ako makasagot, nag-vibrate ang phone ko.

Hubby: Meet me in my office. Now.

Agad ko siya nireplyan.

Hubby: Meet me in my office. Now.

Me:otw na

Hubby:👍

Ay Likers ampt!

"Uh, Zach, may kailangan lang akong asikasuhin. Mamaya na ulit tayo mag-usap, ha?"

"Sure!" sagot niya. "But think about it, Sky. Sasama ka, 'di ba?"

Ngumiti lang ako bilang sagot bago mabilis na tinahak ang hallway papunta sa third floor.

Pagpasok ko sa opisina ni Ezekiel, agad akong sinalubong ng mabigat niyang titig. Naka-cross ang braso niya sa dibdib habang nakasandal sa kanyang desk.

"Palawan?" diretsong sabi niya.

Napasinghap ako. Grabe, paano niya nalaman agad? Tsaka Hindi ba niya alam?

"Uh... oo. Kakadiscuss lang kanina ni Zachary sa akin and ngayon ko lang nalaman... Bakit?"

Hindi siya sumagot agad. Instead, pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, as if he was trying to gauge kung aware ba ako sa epekto ng desisyon kong 'to.

"Hindi mo sinabi sa akin," aniya, mababa ang tono pero may bahid ng inis.

Eh?

Nagtaas ako ng kilay. "Hindi mo naman tinanong."

Napailing siya. "Skyler..."

"Ezekiel," ginaya ko ang tono niya. "Ano bang problema kung sumama ako sa retreat? Work-related naman 'to." Sabay puppy eyes, kaso para akong tanga sa ginagawa ko.

Huminga siya nang malalim, halatang pinipigil ang kung anumang gusto niyang sabihin. "Wala akong sinasabing bawal. Pero alam mong hindi kita basta-bastang mapapanood doon, hindi ba?"

Napakurap ako. Ano raw? ang possessive nemen nito.

"So gusto mo akong bantayan?" Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi matawa. "Ezekiel work related naman yun.."

Lumapit siya, at sa isang iglap, nasa harapan ko na siya. Masyado siyang malapit na halos maramdaman ko ang init ng hininga niya.

"I know that," bulong niya, may bahid ng frustration. "Pero hindi rin ako komportable sa ideyang magpapakasaya ka roon kasama si Zachary."

Nanlaki ang mata ko. "Teka, selos ba 'yan?"

Omy!!!Ang cute niya kapag nagseselos! Ahihihiihihi

Hindi siya sumagot, pero sapat na ang paraan ng pag-iwas niya ng tingin para kumpirmahin ang hinala ko.

Napangiti ako. "Ezekiel, seryoso ka ba? Ano bang iniisip mo, magtatanan kami ni Zachary?" Nakakalokong ngiti ko sakanya pero siya nakabusangot.

Nagtagal ang katahimikan bago siya muling nagsalita. "Alam kong may gusto siya sa'yo."

Natawa ako. "At ano naman kung meron? Wala namang epekto 'yun kung hindi ko siya gusto, 'di ba Tsaka boyfriend naman kita"

Nagtagpo ulit ang mga mata namin, at doon ko nakita ang pinipigilan niyang emosyon.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang hinawakan ang kamay niya. "Ezekiel, mahal kita. Ikaw lang ang gusto ko. Huwag kang mag-alala, okay?"

Saglit siyang hindi gumalaw, pero naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Just be careful," bulong niya.

Ngumiti ako. "Promise."

Pero deep inside, hindi ko maiwasang kabahan. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko, may mangyayaring hindi inaasahan sa trip na 'to.

At hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot.

Previous
Last

Share This Chapter