Back
/ 38
Chapter 9

Chapter 8: magulo

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. This narrative includes mature subject matter, such as romantic relationships between men, and may explore sensitive topics. Reader discretion is advised.

------------------------------------------------

Skyler's POV

Alam mo 'yung pakiramdam na parang ang dami mong gustong gawin pero hindi mo alam kung paano mo sisimulan? Ganun yung gising ko kinabukasan. Ang bigat sa dibdib ng project na binigay sa akin ni Sir Ezekiel. Parang may bato sa likod ko na hindi ko matanggal. Pero siyempre, kapit lang! Kailangan kong patunayan na hindi ako basta-basta.

Kaya mo yan sky!!! Fighting!

Nagmadali akong magbihis, suot na naman ang black slacks at polo na parang uniform na ng corporate slaves tulad ko. Habang nagsusuklay, naisip ko: Skyler, kaya mo 'to. Huwag kang magpaka-clown today. Kung hindi mo kaya maging brilliant, at least maging cute ka. Yun lang ang puhunan mo sa opisina.

Pagdating sa Roswell corp.

First agenda of the day: kape. Kailangan ko ng panggising para labanan ang antok at kaba.

Habang pumunta ako sa pantry, naramdaman ko ang kakaibang tahimik sa paligid. Parang lahat ng tao, may binubulong-bulongan. Sinilip ko ang sarili ko sa reflection ng coffee machine-ayos naman ang buhok ko. Walang mantsa ang polo ko. Bakit kaya parang ako ang pinag-uusapan nila?

Baka naman nakyutan sila sakin? Charrot!

"Skyler!" bulong ni Marge, isa sa mga senior employees co workers ko sa hr department . Nilapitan niya ako, bitbit ang tasa niyang punong-puno ng kape.

"Oh, bakit?" tanong ko.

"Balita ko, ikaw daw ang bagong project lead?!"

"H-ha?!" Halos mapalunok ako ng hangin. "Paanong nalaman mo-ay, alam ko na! Si Zachary ba nagsabi no?!"

Tumawa siya. "Eh kasi naman, ang ingay ni Zachary kahapon. Proud na proud daw siya na ikaw yung lead. Tapos sabi niya, 'Skyler deserves it!'"

Namo! Hindi ko to deserve!

Napapikit ako at napailing. "Grabe 'yung si Zachary, parang radio station.."

"Oh Sige na..kape ka muna jan tsaka deserve mo rin yan..baka kasi nakitaan ka ni sir Ezekiel ng potential e"ngumiti siya sakin sabay alis.

Deserve ko ba? Ayyy Ewan!

Nang matapos akong kumuha ng kape, tumuloy na ako sa desk ko, pero hindi ko maiwasang mapansin yung mga tingin sa akin ng ibang tao. May mga iba na parang naiinggit, at may iba namang tila sinasabi sa mga mata nila, "Good luck, clumsy boy."

Huminga ako ng malalim. "Skyler, it's okay. Ikaw ang bida. Pak na pak lang dapat!"

---

Ilang oras pa lang akong nagtatrabaho, naramdaman ko na agad yung bigat ng responsibility ko. Ang dami kong kailangang ayusin-deadlines, reports, at kung anu-ano pang hindi ko maintindihan.

Habang naka-focus ako sa screen, biglang tumunog ang desk phone ko.

"Hello, Skyler speaking!" sabi ko, pilit na cheerful kahit na pagod na ako.

"Skyler, it's Ezekiel," malamig na boses niya mula sa kabilang linya.

Napapikit ako. Oh no. Ano na naman kaya ito?

"Yes, Sir?"

"I need you in the conference room in five minutes. Bring the draft report."

"Okay po, Sir!"

Pagbaba ng phone, pakiramdam ko nag-time freeze ang paligid. Conference room? Ako? With him? Sheesh! bahala na!

Agad ko muna prinint yung draft tsaka nilagay sa folder, Tumayo ako sabay tignan ang cubicle ni Zach.

Busy siya kakapindot sa pc niya, pero umangat ang ulo niya at tinignan ako, Ngumiti siya Sakin sabay kaway.

Kinawayan ko rin siya sabay ngumiti pero napalitan ng ngiwi dahil patingin ko sa gilid,nakataas ng kilay si sir denli sakin.

Ay jusq ginoo! Maka alis na nga!

Habang naglalakad papunta sa conference room, sinasabi ko sa sarili ko, "Kaya mo 'to, Skyler. Baka naman wala lang 'to. Baka kailangan niya lang ng clarification. Or baka gusto need lang talaga niya ito.."

Pagbukas ko ng pinto, naroon na si Sir Ezekiel, mukhang seryoso habang nakaupo sa dulo ng mahabang conference table.

"Come in, Skyler," sabi niya.

Naglakad ako papunta sa kanya at nilapag ang folder. "Here's the draft report, Sir."

Binuksan niya ang folder at sinimulan itong basahin. Tahimik lang ako sa tabi niya, pero yung puso ko parang naghahabulan ng takbo.

Makalipas ang ilang minuto, tumingin siya sa akin. "This is good, but it's not enough. I need more details, Skyler."

Woahhh Buti! Akala ko may mali!

"Ah... Yes, Sir! I'll revise it right away."

"You have until the end of the day. Don't waste time," sabi niya habang inaabot pabalik ang folder.

Habang papalabas na ako, narinig ko siyang magsalita ulit.

"Skyler."

"Yes, Sir?"

"Good effort," he said, almost in a whisper.

Napatigil ako sa pinto. Did he just compliment me? Wait, tama ba yung narinig ko?

Napangiti ako bigla.

"Thank you, Sir!" sabi ko na lang bago ako tuluyang lumabas. Pero habang naglalakad pabalik sa desk ko, hindi ko maiwasang mag-isip. Ano ba talaga, Sir Ezekiel? Isa ka bang masungit or mabait ka ba?

Habang abala ako sa pagre-revise ng report, biglang dumaan si Zachary sa desk ko, may dalang tray ng dalawang iced coffee.

"Hey, Skyler! Thought you could use some caffeine boost!" sabi niya habang nilalapag ang isa sa mga baso sa desk ko.

Yown kape!

"Wow, Zachary! Parang guardian angel ka na yata ngayon ah!"

"Of course! Hindi kita pababayaan, Skyler. Alam kong marami kang stress ngayon."

Ngumiti ako, pero bago pa ako makasagot, biglang may dumaan na naman sa amin. Sino pa ba? Si Sir Ezekiel, of course.

"Skyler, how's the revision coming along?" malamig niyang tanong habang tumingin sa iced coffee sa desk ko.

"Ah, almost done na po, Sir!" sagot ko, pilit na kalmado.

"Good. Don't get distracted," sabi niya, at diretso na siyang naglakad papunta sa opisina niya.

Pag-alis niya, nagtinginan kami ni Zachary.

"Did he just glare at me?" tanong ni Zachary, nagtatawang nagtataka.

"Ah... baka pagod lang siya?" sagot ko, kahit ako mismo hindi sigurado.

Natapos ko naman ang report on time, at kahit na stressful, proud ako sa sarili ko. Habang nagliligpit ng gamit, nagtext si Zachary.

Text from Zachary:

"Dinner? My treat!"

Napangiti ako. Kahit na ang daming nangyari today, at least may something to look forward to.

Pero habang naglalakad ako palabas ng office, napansin ko si Sir Ezekiel na nakatingin sakin sa gilid ng hallway habang dala niya ang bag niya siguro uuwi na rin siya pero yung tingin niya, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.

Ano bang problema mo, Sir? Bakit parang ang gulo-gulo mo?

Share This Chapter