Chapter Sixteen
Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter
FTMBD
Itâs already seven in the evening and the start of the party as mentioned in the invitation card is eight. Pero heto't wala pa akong ligo. Ganito talaga kabagal kumilos ang mga magaganda. Main character thingz.
The birthday of the Young Lady of Locke will be held tonight. Tinatamad sana akong pumunta, kaso may plano nga pala akong gawin tonight kaya hindi puwedeng hindi ako present.
I look at the maids behind me that have been watching me since earlier, maybe judging me silently. I spent my time turning here and there, looking at how perfect Cosette's body is. Kaya siguro kakaiba na ang tingin na binibigay ng mga ito sa akin ngayon.
"M--Milady, the bath is ready," pag-uulit ng isa sa mga maid na kanina pa ako sinasabihan.
Tinaasan ko ito ng kilay kaya napaatras siya. "I know, I heard you. Sa tingin mo ba bingi ako? You can now leave, I don't need your presence here."
Tila nabigla naman sila sa salitang lumabas sa aking bibig. Kanina pa kasi silang nakatayo doon sa gilid, nakayuko, at hinihintay ang iuutos ko sakanila. Naiinis na siguro ang mga 'yan dahil ngayon ko lang sinabi na hindi ko sila kailangan.
Isa pa, the original Cosette always wanted someone to assist her. It's new to hear that she doesn't need help from anyone.
Sa totoo lang, it will be nice and faster if I seek help from them. Wala kasi si Phobi ngayon since may importante akong pinapagawa sakaniya.
But I know who told them to be here. They're here to sabotage me.
I tilted my head to the side, my brows knitted because none of them listened to me.
Malakas akong napatawa habang naiiling. "You got nerves to disobey me now," nakangisi kong sabi na nagpayuko lalo sa mga ito. "Expect to be fired tomorrow. Now, leave before I dragged you out myself."
"Young Lady, we're sorry! We will accept any punishment but not to this extent!"
"Young Lady, napag-utusan lamang po kami. Please, spare us!"
Lahat ng maids na kanina'y parang mga statue na nakatayo't nakahilera sa gilid ay nakaluhod na ngayon sa harapan ko. Halos halikan na nila ang paa ko kung hindi lamang ako umatras.
Pumasok si Ian sa loob, maybe hearing the ruckus from the outside. Nangunot ang kaniyang noo, watching the maids cry and begged me not to fire them. I feel so mighty tuloy dahil sa ginagawa nila. Nyahahahahaha!
"The moment you chose to obey that girl is the moment you chose to lose your jobs. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay iyong hindi nakikinig sa akin. So now, leave and don't ever let me see your face again," mariin kong sabi na mas lalong kinaiyak ng mga ito.
Stress kong sinabi kay Ian na paalisin ang mga ito. He told me he will just call another maid but I refused. Wala akong pagkakatiwalaan ngayon dito. Haler, what if alagad na pala ng impakta na 'yon ang lahat ng nandito?
As long as hindi ko pa nalilinis ang loob nitong villa regencia, wala akong pagkakatiwalaan ngayon bukod sa sarili ko.
Wala nga akong tiwala kina Ian at Phobi, sino sila para pagkatiwalaan ko, 'di ba? The only person I could trust is me, and even that's pretty freaking iffy sometimes.
Minsan kasi hindi narin ako nagtitiwala sa sarili ko. I can go crazy without wanting to.
Nang makaalis ang mga ito ay tsaka ko pa sinimulan ang pagligo at pag-aayos. Damn. Dahil sa nangyaring drama ay mukhang mas lalo akong mahuhuli.
Mga impakta naman kasi!
Wala pang thirty minutes ay tapos na ako sa pagligo. Ano pa bang dapat kong tagalan sa shower? Ang importante nakapaglinis ng katawan, that's it.
Kinuha ko ang box mula sa ibaba ng mga nakahanger na damit sa walk-in closet. Kakarating lamang nito kahapon. Pinagawa ko ito sa Winona boutique na hindi pa well-known, pero in the future it will be.
Actually matagal na talaga itong tapos gawin, kahapon ko lang pinakuha kay Phobi para masigurado lang na hindi masasabotahe ng impaktang Magdalena.
Sinuot ko ito at pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa salamin. Napangiti ako sa resulta ng gown. Kuhang-kuha niya talaga iyong nasa imagination ko habang ini-sketch ang gown.
Inaamin ko naman na pangit ang sketch ko, okay? Natutuwa talaga ako sa mga taong hindi nagrereklamo sa mga sketches ko at pilit na lamang itong iniintindi ng tahimik. Kaya nga mas gusto kong tulungan ang seamstress sa botique na iyon, eh. I just love her professionalism.
Hapit na hapit sa katawan ni Cosette ang gown na suot ko ngayon kaya naman kapansin-pansin talaga ang curve sa katawan nito.
Naglagay ako ng kaunting kolorete sa mukha na bagay sa simple ngunit elegante na aura na gusto kong ipamalas ngayon. I got my black sling bag since tinatamad akong magbitbit ng pouch.
Nang makitang presentable na akong tingnan ay tsaka pa lamang ako naglakad palabas ng kuwarto. Ian helped me from going down the stairs dahil nakasuot ako ng heels.
I heard murmurs from the maids but I didn't mind them at all. Ngumiti ako sa mga guards na naka-assign ngayon sa labas ng mansion na namula naman ang mga mukha.
Napailing na lamang ako. Ian opened the car door for me. Naupo ako sa backseat while si Ian naman ang magmamaneho.
"Ian, did he say he was leaving?"
"Miss? Who are you referring to?"
So umalis siya ng walang pasabi at hindi man lang nagpakita sa ibang tao? Geez. Mas nago-overthink tuloy ako kung para saan ang pagbisita niya sa akin.
"Don't mind me, just drive."
Tumingin ako sa labas ng bintana. The stars were shining brightly tonight. Naalala ko naman ang hitsura ko ngayon. Hindi sa pagmamayabang pero mas matingkad pa yata ang kagandahan ko ngayong gabi kesa sa mga bituin sa itaas.
I mentally smirk at how shameless I sound. Later, I know someone wants to play with me.
Then so be it.
***
Third Person POV
Ruby Real Hotel is known for its extraordinary beauty. Ruby color ang makikita sa labas, pero halos lahat ng gamit sa loob ay ginto.
Mahal ang hotel na ito, tanging pamilya sa mayayamang angkan lamang ang may kayang makapasok dito. Even those in the mid-class family couldn't afford to enter this place.
Ang hotel ay pagmamay-ari ng Presidente ng bansang ito. Ang Ruby Real ang pinakamalaking hotel dito sa Malcolm City. Ito din ang pinakamahal na hotel na matatagpuan sa city na 'to. Everything inside this hotel screams luxury.
Sa loob ng malawak na gusali ng Ruby Real Hotel, makikita ang mga kilalang tao mula sa iba't ibang prominenteng pamilya na naksuot ng magagarang mga damit, accessories, at nag-uusap tungkol sa magaganap na birthday party sa gabing ito.
Ang event hall ay pinuno ng liwanag mula sa mga chandeliers, ang mga lamesa ay puno ng masasarap na pagkain at mamahaling alak.
Marami ang nagagalak sa magaganap ngayong gabi dahil nalaman nilang maraming kilalang pamilya ang inimbitahan ng pamilyang Locke para sa kaarawan ng pinakabatang Young Lady na si Valentine Vergana Locke.
Though, hindi kasali sa top ten richest ang pamilyang Locke, kilala parin ang mga ito sa husay nila sa negosyo. Kasapi ang pamilyang Locke sa top 20, they rank 18 in the ranking. Kaya naman marami ang natutuwa na nakatanggap sila ng imbitasyon mula dito.
It is also their opportunity to gain connections with other families. Wealth is everything in their social circles. Everyone competes, whether in business or even in something as simple as their attire.
"Oh, I like your pearl necklace. Where did you buy that? It looks expensive."
"This? It was gifted to me by my husband. It just cost him a million dollars hahaha. He bought this at the famous jewelry shop in Bernice."
"Isn't Bernice from the other country? Your husband is sure to love travelling."
Hindi lamang ang mga imbitadong mga bisita ang present sa gabing ito. Nasa labas ng hotel ang mga media personalities ng iba't ibang channel. Nakatutok ang kanilang mga camera sa entrance ng hotel, kung saan nakalatag ang red carpet, handa ng kumuha ng magandang balita para sa lahat ng kanilang manonood.
Sa 20th floor gaganapin ang birthday party dahil nandito ang sikat na Ruby Real Grand, one of a specific notable event space inside this extravagant hotel for social gatherings and special occasions.
Sumikat ito lalo sa social media dahil dito palaging ginaganap ang mga weddings sa mga teleserye na napapanood nila. Malawak ang event hall na ito, sakop nito ang buong 20th floor.
It was rented by the Locke family for this event. Kahit na ang venue ay nasa floor 20, entrance palang ay red carpet na ang tinatapakan ng mga bisita dahil espesyal ang mga ito at mayayaman.
Halata tuloy na pinaghandaan talaga ng pamilyang Locke ang birthday banquet ng kanilang pinakabatang Young Miss.
Present at active din sakanilang mga kaniya-kaniyang tahanan ang mga manonood, naghihintay ng update. They were watching a live broadcast. Naka-live kasi ang staff ng hotel, ayon narin sa request ng pamilyang Locke, lalo na ng kapatid ng birthday celebrant na siyang nag-asikaso ng birthday party.
Iba-iba ang topic ng mga taong nanonood sa live. Ang iba'y hinihintay ang pagdating ng mga kilalang Young Masters na alam nilang inimbitahan din ng mga Locke.
They were anticipating for the Young Masters to be present, dahil para sakanila ang mga iyon lamang ang magpapagana sakanilang manood ng live broadcast.
Ang iba nama'y gustong malaman kung may pakulo ba sa birthday banquet sa gabing ito. Last year, nag-imbita ng mananayaw mula sa kabilang bansa ang kapatid ng birthday celebrant para sa birthday ng kanilang nakatatandang kapatid, na naging dahilan kung bakit chaotic ang kaarawan na iyon.
Paano ba naman na hindi magiging chaotic kung malalanding dancers ang na-book ng kapatid ng birthday celebrant? Bigla nalang naghubaran ang mga ito sa harap ng lahat, kaya naman maagang natapos ang party. Ngayon ay hinihintay nila kung anong kabaliwan naman ang mangyayari sa gabing 'to.
"Mr. Fedil, look at this way please!"
"Isang wave naman diyaan, Sir Fedil!"
"Kyaahh! Si Fedil, ang lalabs ko. Sayang, 'di ako invited."
"Girl, kahit invited ka never ka namang papansinin ng bebelabs ko 'no."
"Anong sabi mo?!"
Fedil hid his smirk after seeing the girls fighting over him. He thought he was a really handsome man para pag-agawan ng mga babae. Napailing na lamang siya. He waved for the last time bago tuluyang pumasok sa loob.
Ang lalaki ay isa sa mga sumisikat na aktor sa industriya. Kasama ito sa mga baguhan na aktor na kailan lamang pinakilala ng sikat na networking company, ngunit kaagad na sumikat dahil sa kaaya-aya nitong hitsura.
Sunod namang nagsidatingan ang mga kilalang Young Masters ng bansa. Marami ang nahimatay sa mga babae nang masilayan nila ang mga ito. Napailing na lamang ang dalawa sa apat na lalaking Young Masters dahil sa nangyaring 'yon. They thought the ladies were overreacting.
"Please look this way, Young Master Hezekiah!"
"Give us a pose, please, Young Master Conrad!"
"Ahhhh, I love you, my love, Young Master Ysabeaue!"
"Please smile for us, Young Master Kai!"
"All of them are handsome, I'm jealous."
"You look handsome to me, though, babe."
"Shut up, you moron!"
Sabay na pumasok ang mga ito, pagkatapos nilang mag-pose para sa camera. They didn't answer any of the questions from the media, they already gave them their attention by letting them take a picture and video of them, and that's already enough.
Natahimik ang lahat at namangha sa pagpasok ng bagong bisita. The Young Miss of Cromwell, Magdalena Shayne Cromwell! She's wearing an elegant gown na binili nito sa isang sikat na brand sa Emperoa. Hindi naman maitatanggi na she is a beauty.
Todo ngiti naman ng peke si Magdalena. Ramdam niya ang paghanga ng mga tao sa ganda niya dahilan upang mas lalong lumawak ang ngiti sakaniyang labi.
Nasa tabi niya ang kapatid na si Aino, seryoso parin ang mukha nito ngunit maingat siya nitong inaalalayan pababa ng hagdanan. Ito ang escort niya sa gabing ito.
Mula sa entrance ng hotel, sabay na bumaling ang camera ng mga reporters nang may dumating na bagong kotse. Lumabas sa kotse ang naka-suit at seryosong business man na si Lord Prensley Weston Cromwell. Ngunit hindi ito nag-iisa.
Umikot si Lord Prensley para pagbuksan ang kasama nito sa loob ng kotse. Akala nila ay ang asawa nito ang kasama ngunit isang magandang babae ang lumabas mula doon.
The lady is a carbon copy of Lord Cromwell. Parang girl version nito ang dalaga. The lady looks stunning and outstanding even though she just wore a simple night gown and a light make-up. Idagdag pa ang matamis nitong ngiti na tumusok sa puso ng mga lalaking nakakakita dito.
"Is the beautiful maiden the foolish daughter of Lord Cromwell?!"
Hindi makapaniwala ang lahat sa nakita. Ang alam kasi nila ay conservative na ang pananamit ng dalaga. Isa pa, hindi ito marunong magdala ng damit noon. In short, baduy ito.
And now... the lady sure gets unwanted attention without her knowing it.
Matamis na ngumiti si Cosette sa mga nadadaanan nilang tao sa labas ng hotel. Nakakapit siya sa braso ni Prensley, ang kaniyang ama. She had thought he had abandoned her, but to her surprise, hinintay pala siya nito.
Sumabay pa ito sa kotse nila upang samahan siya sa pagpasok ng venue. It turned out her father was her escort for the evening.
Miles had wanted to be Cosetteâs escort, but he couldnât attend tonight, nor could Lyr or Dino. They were occupied with important matters in the mafia organization, so Prensley ended up being Cosetteâs final escort.
Lahat nang atensyon ng mga nasa loob ng event hall ay bumaling sa malaking pinto kung saan ang entrance nang magbukas ito. Pumasok doon si Lord Cromwell na may kasamang isang magandang dalaga. Sa una ay hindi pa nila ito nakilala, ngunit kalaunan ay napasinghap ang lahat.
"Is she that famous foolish daughter of Lord Cromwell?"
"Wait... The one that always follows Young Master Rocco?"
"She's stunning! I don't understand why people are hating her on social media. Like, look at her?!"
"Girl, you don't know anything! She's surprisingly stunning tonight, unlike her usual attire. You should look it up!"
"Maybe she did hire a famous fashion designer. Look at her gown, simple yet I am loving it!"
"Dude, pinch me-- ow! Why did you pinch me?"
"Are you crazy?"
"She's shining!"
That last comment made all of them nod in agreement. Even without wearing expensive jewelry, even in a simple dress, and with just a small smile on her lips, no one could deny that tonight, Cosette was really shining brighter than the chandeliers in the event hall.
Akala ni Cosette ay pagpasok nila sa venue, hahayaan na siyang maupo ni Prensley, kaso nagulat na lamang siya na dinala siya nito papalapit sa kumpulan ng mga lalaking nakasuot ng pormal na tuxedo, mga kaibigan ni Prensley sa negosyo.
"My daughter, Dulcinea Cosette Cromwell," pakilala ni Prensley.
Lihim na lamang na napangiwi si Cosette. She had hoped to keep a low profile tonight, kaya nga simple lamang ang suot at make-up niya para walang pumansin sa kaniya. Pero heto si Prensley at talagang pinakilala pa siya sa mga kaibigan nito, malawak pa talaga ang ngiti.
Hindi aware si Cosette na kahit gaano pa niya sabihing simple lamang ang kaniyang suot at make-up, she still managed to attract attention from everyone.
Her beauty and her aura itself is a head-turner tonight!
Napukaw ni Cosette ang atensyon ng mga lalaking nilapitan nila, tiningnan pa talaga siya ng mga ito mula ulo hanggang paa. Isa sa mga kaibigan ni Prensley sa negosyo na si Mr. Helton ang ngumiti kay Cosette.
"It's a pleasure to meet you, hija. I've heard much about you,â he said, extending his hand.
Cosette shook his hand, maintaining her polite smile. "Thank you, sir. It's an honor to meet you as well. And I hope hindi masasamang bagay ang narinig mo about me," kunyaring nahihiya na sabi ni Cosette dito.
The old man just laugh, hindi sinagot si Cosette na lihim na lamang ikinasimangot ni Cosette. Sa reaksiyon nito, halatang-halata na mga masasamang bagay nga ang sinasabi nitong narinig niya tungkol kay Cosette.
Ang prayer nalang ni Cosette ngayon, sana hindi siya pinag-isipan ng lalaki na baliw siya kasi quota'ng quota na talaga siya sa pambibintang na iyon!
"I must say, Prensley, you've done an excellent job raising such a refined young lady," papuri pa ng isa sa mga ito na dahilan kung bakit halos magdiwang ang mga organs ni Cosette sa katawan.
Habang masayang nakikipag-usap sa mga businessman si Cosette, nasa iisang table naman ang mga Young Master, hindi mapigilan ang sarili na pagmasdan ang napakagandang dalaga.
"The lady is really stunning. It's no wonder why so many people are still captivated by her despite her bad reputation on social media. I mean, look at that big, fat ass! But I think she looks really familiar. It's impossible that I hooked up with her, she's too gorgeous for me to forget! Ugh, maybe she visited me in one of my dreams before." â Ysabeaue.
"I've heard and read a lot about her scandals. But what I'm seeing right now is different from the rumors. Interesting. I should definitely dance with her." â Conrad.
"She's lively and captivating, I really love her energy. I bet she'd enjoy my company and I will surely enjoy hers too." â Kai.
"So, she's the famous Dulcinea Cosette Cromwell everyone is talking about. I wonder if she's aware of how many eyes are on her right now. I bet she's used to this kind of attention. Let's see if she can prove she's more than just a pretty face." â Hezekiah.
Sa kabilang banda, sa isang sulok ng hall ay nakatayo si Magdalena, tahimik na pinagmamasdan si Cosette na tila walang kahirap-hirap na nakikipag-usap sa mga businessman.
Hindi maintindihan ni Magdalena kung bakit gusto at hinahangaan parin ng lahat si Cosette kahit alam naman na ng mga ito na anak lamang ito ng isang kirida.
Isa pa, hindi din matanggap ni Magdalena kung bakit pinapakilala parin ni Prensley ang babaeng iyon kahit na puro kahihiyan lang naman ang dala nito sa pamilya nila! Ni hindi nga naisipan ng ama nila na ipakilala siya kahit pa mas may pakinabang siya, kaya anong mayroon kay Cosette?
Habang iniisip ito, lalong sumiklab ang inggit sa dibdib ni Magdalena. Iniisip niya na siya ang karapat-dapat sa atensyon na nakukuha ni Cosette dahil marami na siyang nagawa sa pamilya nila.
Kahit may sakit siya sa puso, she tried her best na matuto sa paggamit ng baril. She tried her best na matuto tungkol sa mafia organization para makatulong. Ginawa niya ang lahat ng iyon dahil gusto niyang makuha ang atensyon ng kanilang ama.
Oo nga't napapansin siya... but she wanted the attention her father is giving to Cosette. She desires that attention filled with pride, love, and care!
Hindi lamang dahil hinihingi niya ito, kundi dahil kusa talaga itong ibinibigay sa kaniya.
Ang kamay ni Magdalena ay naging isang kamao, her nails digging into her palm dahil sa panggigigil.
"Enjoy your happy time, Cosette. This will be the last time you'll smile like that," galit na bulong ni Magdalena.
âââââ
ðð Hello, folks! If ever na may mabasa kayong typos or grammatical errors, you can kindly comment it down and I'll try na ayusin kaagad. Thank you, mwaps! (â â Ëâ â ³â Ëâ )â â¥