chapter 18
Reincarnated as a villain(COMPLETED)
"Nandito ka nanaman, Cazim"
Ibinaba ko ang dala dala kong bag na pinahiram sakin ni Rosie, tsaka nilapitan si Dio na nagbubuhat ng mga sako na may lamang mga gulay upang ilagay sa loob ng tindahan...
"Wala ka bang pasok?" Tanong nito
Napahawak ako sa batok tsaka malapad na ngumiti sa kaniya, ilang araw na akong laging nabisita dito sa tindahan nila Dio maaga akong umuuwi upang maaga ko din siyang makita....tinahian na din ako ng maraming damit pang itaas at pang ibaba ni Rosie dahil hindi naman pwedeng paulit ulit kong suutin ang iisang damit na pinapahiram nito sakin.
"Tapos na ang klase namin" sagot ko at ibinigay ang plastic na naglalaman ng gulay sa matandang bumili
"Diba ay nabibilang ka sa mga pulang estudyante?"
Alanganin akong tumango
"May pinsan kasi akong nag aaral sa pinapasukan mo pulang estudyante din siya"
"A...Anong pangalan?"
"Mary, kilala mo ba?"
"Pamilyar..."
Tumango lang ito, nagtama ang mata namin ni Gerick ang kaibigan ni Dio...tinaasan niya ako ng kilay, tsk wala siyang ibang ginagawa kundi painitin ang ulo ko at asarin ako sa tuwing nandito ako, masiyado din siyang clingy kay Dio minsan ay nakikita ko silang masiyadong magkadikit na para bang walang salitang espasyo na nabibilang sa kanilang bokubolaryo, siguro ay lumaki lang talaga silang sweet sa isa't isa, nag iwas ako ng tingin bago ko pa maihagis sa mukha niya ang hawak na repolyo
Maraming bumabati kala Dio, karamihan ay ang mga pulang estudyante kinakabahan tuloy ako na baka may makakilala sakin....hindi din mawala sa isipan ko ang ibig sabihin ng tatlong prinsipe noong nakaraang araw, sakin sila nakatingin kaya kahit ideny ko pa ay hundred percent na ako ang sinabihan nila, o baka inasar lang nila ako, kahit anong kabaitan mga prinsipeng iyon hindi pa din maiiwasan na maipakita ang kanilang kabang ugali.
"Cazim, m...magandang hapon"
Nginitian ko ang babaeng mukhang may pagtingin sakin dahil na sa akin lagi ang tingin niya kapag nandito siya sa tindahan bumibili
"Katulad din ba ng dati?" Tanong ko
She nodded
Hinayaan niya akong pumili ng mga gulay na lagi niyang binibili dito, nagpasalamat ito bago kunin ang plastic
"Kaarawan pala ng lola ko baka gusto mong pumunta? Isama mo na sila Dio" tumingin ako kay Dio akala ko ay nasa likuran ko lang siya, bumuntong hininga ako at tumingin muli sa harapan
"Sila Dio nalang ang imbitahan mo dahil bawal akong magpagabi" ani ko sa kaniya
"Sige....pero saan nga pala ang iyong tirahan? Baka sakaling ipag balot kita nang handa at ihatid sa iyong tinitirhan?"
Umiling ako sa kaniya
"Hindi ko pwedeng sabihin ngunit salamat, sa susunod na lamang, maligayang kaarawan sa iyong lola"
Ngumuso ito at tumango, maya maya pa ay lumabas mula sa likod si Dio kasama si Gerick...napakunot ang noo ko ng makitang nag aayos si Dio ng kaniyang suot na pang ibaba, ngumisi si Gerick at may ibinulong kay Dio hindi ko alam kung ano ang sinabi nito ngunit ngumiti si Dio tsaka tumango.
What's going on?
Curiousity kills me
"Gusto mo bang sumama sakin, Cazim?" Napatingala ako upang makita si Dio
"Saan ka pupunta?" Tanong ko
"Bibili tayo ng makakain"
"Ngunit walang magbabantay ng tindahan"
I heard someone tsked behind me, si Gerick....lihim akong umirap at sinundan na si Dio, bumili ito ng makakain pinapapili niya ako kung anong masarap pero hindi ko pa naman natitikman lahat ng mga binebentang pagkain dito kaya tinuturo ko nalang ay ang mga pagkaing mukhang masasarap, tumatango ito, habang naglalakad kami upang mamili pa ng ibang tindahan ng pagkain ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniyang kamay, i want to hold him, gusto kong magkahawak ang kamay namin habang naglalakad lakad ngunit malabo atang mangyari iyon
"Dio.....?" Hindi niya ako narinig dahil halos pabulong nalang ang pagkakatawag ko sa pangalan niya at maingay ang paligid
"Dio?" Pag uulit ko
Napalingon na ito sakin
"May problema ba?"
Tumigil kami sa paglalakad
Umiling na lamang ako
May isang babaeng papalapit samin, nanlaki ang mata ko nang makita kung sino iyon agad akong nagtago sa likod ni Dio
"Sabi kong hintayin mo nalang ako eh, heto na yung pinapaluto mong siopao"
"Kakauwi mo lang?"
"Oo, hinanap namin si Prinsesa Cazimiya ilang araw na kasi siyang hindi sumusulpot sa likod ng paaralan"
Ngumiwi ako ng marinig iyon
Nawala na ata ang kaluluwa ko ng umalis sa harapan ko si Dio kaya kitang kita na ako ngayon ni Mary, kinakabahang umayos ako ng pagkakatayo....wag kang papahalata, tumingin ako sa kaniya kahit na gusto ko nang tumakbo papalayo, nakita ko ang dahan dahang pagpula ng tenga, leeg at pisngi nito tsaka nahihiyang tinakpan ang kaniyang mukha
"Siya ang kinukwento ko sayo, Mary, si Cazim..." kinukwento ako ni Dio sa kaniya? "Cazim si Mary pala pinsan ko, parehas lang kayo ng pinapasukan, pulang estudyante din siya"
"Pulang estudyanteng may dala dalang ginto?" Sumulpot sa likod ko si Victoria
Ngayon ang gusto ko na lamang ay lamunin ng lupa
"Prinsesa Victoria" yumuko si Dio upang magbigay galang
Itinago ko ang pouch kong nakasabit sa aking bewang, nakabukas iyon kaya nakita niya ang laman.
"P..prinsesa Victoria" yumuko din ako
Bakit sila magkasama?
"Tsk, bakit ba tayo nandito?" I heard Raefon's voice!
Don't efffin tell me, na lahat sila ay nandito?!
Nasa harapan ko na ang lima, magkatabi pa din kami ni Dio, pinaghihinaan na ako ng tuhod....
Tumingin ang tatlong prinsipe kay Dio lalo na sakin
"Hindi ko alam kung nang iinis ba ang tadhana, mukhang pinagtatagpo tayo ng landas....ano kaya ang ibig sabihin nun?" Sabi ni Raefon kay Dio
Hindi nagsalita si Dio
"Napag isipan namin na bibili ng mga gamit upang gamitin bukas, dahil gagawa kami ng bahay ng mga manok" sabi ni Mary
Nag usap ang mag pinsan
Nakatingin sakin ang apat
"Ano ang pangalan mo?" Tanong ni Victoria sakin
Namumula din ang kaniyang mukha
"C...Cazim"
"Napakagandang pangalan" nag iwas ito ng tingin "kinagagalak kong makilala ang isang kagaya mo, Cazim"
Nauna na ito kasama ang isa niyang tagapag bantay
Hindi ako pinansin ng tatlong prinsipe na kinahinga ko naman ng maluwag, pero ang sasama ng tinging binibigay nila sakin
(Re-watching word of honorð)