Back
/ 39
Chapter 4

chapter 3

Reincarnated as a villain(COMPLETED)

(Ginaganahan yan? Hahahaha basa lang habang hindi pa ako writers block sa story na to)

Naglalakad lakad ako sa garden, dalawang araw na simula nang mapunta ako sa mundong ito....tanging si Rosie lamang ang lagi kong nakakausap at nakakasama sa palasyo, ilag sa akin ang lahat pati ang hardinero kanina ay halos magtago ng makita akong papasok dito wala ang mahal na hari nasa kabilang bayan siya may kakausapin siya doon kasama si Andrey.

Lumapit ako sa kulay asul na bulaklak at pinitas iyon, tinapat ko sa aking ilong ang bulaklak at tsaka inamoy.

Nakakakalma ang bango ng bulaklak.

"prinsesa Cazimiya" napatingin ako kay Rosie na lumapit sakin may dala dalang payong

"you don't need to do that" I said

"ngunit noon ay halos ayaw mong ipabilad ang inyong kutis sa araw, kahit wala kayong maalala ngayon prinsesa Cazimiya gagawin at gagawin ko pa din ang mga ginagawa ko sayo noon, lalo na at ang kutis niyo ay namumula kapag natatagalan sa araw"

wala na akong nagawa at tumango nalang, sa paglilibot ko sa garden ay sunod sunod sakin si Rosie, nakakailang ngunit nilalagay ko nalang ang aking atensyon sa mga nag gagandahang bulaklak.

Kalahating oras ang ginawa naming paglilibot sa garden, gusto ko namang lumabas at pumunta sa bayan, naririnig ko minsan ang mga kasambahay na nag uusap tungkol sa mga magagandang binebenta sa bayan at sa mga masasarap na pagkain don, nagtangka akong lumabas ngunit pinigilan ako ng mga gwardya mahigpit na pinagbabawal na lumabas ako ng palasyo.

"Rosie" hinarap ko siya at hinawakan ang kaniyang kamay na nakahawak sa payong

Nanlaki ang mata nito at mabilisang yumuko.

"p...prinsesa Cazimiya"

"samahan mo kong magtungo sa bayan" kumunot ang noo nito at maya maya ay umiling

"ipagpatawad niyo prinsesa Cazimiya ngunit pinagbibilin ng mahal na hari na huwag kayong hayaang gumala sa bayan"

"hindi naman tayo mag tatagal at ikaw naman ang kasama ko"

"hindi po talaga maaari---"

"hindi ako makapaniwalang kaya mo akong hindian ng harap harapan"

Tumalikod ako at kunyari ay galit na, naramdaman ko ang mga galaw nito sa likod ko dahan dahan akong ngumisi at nagsimulang magbilang sa isip, tumigil ako sa bilang na tatlo dahil pumunta na ito sa harapan ko.

"papayag na akong samahan ka Prinsesa Cazimiya ngunit kailangan niyong palitan ang inyong kasuotan at magsuot ng pantakip sa inyong mukha upang hindi kayo makilala ng mga tao" napangiti ako at tumango

Pumunta kami sa likod ng palasyo kung saan nandon nakatayo ang mga bahay ng mga kasambahay, pumasok kami sa isang kwarto at may binigay sakin si Rosie na damit, kulay itim iyon, kulay itim din ang telang magtatakip sa aking mukha, nilapag ko ang damit sa gilid at isa isang inalis ang pakakatali sa bistidang suot ko ngayon, narinig ko ang pagsinghap ni Rosie at tumakbo papalabas ng kwarto.

Napailing nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya.

Matapos kong magpalit ng damit ay itinali ko ang mahaba kong buhok, naka braid na ito ngayon..napangiti ako sa salamin ng makita ang ayos ko, hindi nakakaagaw pansin ang kasuotang pinasuot sakin ni Rosie, para lamang akong isang simpleng mamamyayan sa lugar na to.

Kinonekta ko ang itim ne tela sa sombrero at sinuot na iyon, hindi masiyadong aninag ang mukha ko dahil sa telang humaharang.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita si Rosie na naghihintay na sa akin.

"b...bagay mo ang iyong kausotan" ani nito

Panlalaking kasuotan na ngayon ang suot suot ko, mas kumportable ako dito kaysa sa bistidang makukulay.

"saan tayo lalabas ng palasyo? Tiyak na may mga gwardyang nagbabantay sa harapan"

"sundan mo ko prinsesa Cazimiya"

Sinundan ko siya, dumaan kami sa damuhan, tumigil ito sa harapan ng tatlong kahon at isa isang nilagay sa gilid tumambad sa akin ang isang di kalakihang butas...hmm, siguro tumatakas din siya minsan kaya alam niya ang lugar na ito? Nauna siyang pumasok sa butas.

Maya maya pa ay pumasok na din ako, mabilis na tinakpan ni Rosie ang butas at tinignan na ako.

"kapag nalaman ito ng mahal na hari baka pagalitan ka nanaman Prinsesa Cazimiya" nag aalala nitong sabi sakin

Napakamot ako sa aking batok.

"ako ang bahala"

Sampung minuto ang tinagal namin sa paglalakad bago kami makarating sa bayan, halos lahat ng tinitinda ay sobrang gaganda, kumukulo na din ang tiyan ko sa mga nakikita ko at naaamoy kong masasarap na pagkain, tinawag ako ni Rosie at pinakita sa akin ang hawak hawak nitong stick na may nakatuhog na maliit na mansanas na nababalutan ng matamis na tsokolate, kinuha ko iyon at agad na tinikman, halos magningning ang mga mata ko sa sarap.

"ang sarap" sabi ko sa nagtitinda

Tumawa ito at binigyan pa ako.

"prinsesa Cazimiya" bulong na tawag sakin ni Rosie "huwag mong damihan ang kain baka lumubo ang tiyan niyo, ayaw niyo pa namang tumaba"

Hindi ko siya pinakinggan at tuloy pa din sa kain.

"maghintay ka dito Prinsesa Cazimiya bibili lang ako ng maiinom nating dalawa" pagpapaalam nito sain

Tumango lamang ako at tahimik na kumain.

"tumabi kayong lahat at dadaan ang karwahe ng prinsipe ng Escalus!" rinig kong sigaw ng isang lalaking may malaking espada na nakasabit sa kaniyang bewang, mukhang isa siyang general katulad ni Andrey.

Tumabi ako at kinagatan ang mamon na hawak.

Umandar ang karwahe ng wala nang taong nasa gitna, saktong ng nasa harap ko na sila ay bumukas ang pintuan ng karwahe at sumilip don ang isang lalaking kulay ginto ang buhok, kumikinang ang asul na asul nitong mata dahil nasisinagan ng araw.

"itigil ang karwahe" pagpapatigil ng lalaking may gintong buhok

"ngunit mahal na prinsipe hinihintay na kayo ng inyong mga magulang sa Escalus"ani sa kaniya ng general.

"hindi ba nila kayang maghintay?"

Magsasalita pa sana ang general ng lumabas na sa karwahe ang prinsipe at tumingin sa paligid, tumalikod na ako ng makitang papunta ang tingin niya sakin.

"eto po ang bayad" binigay ko ang gintong pilak sa tindera ng mamon

"hijo pwede ka nang bumili ng isang tindahan sa gintong hawak mo ngayon" sabi sakin ni tinder "wala akong maisusukli diyan, wala ka bang mas mababang halaga?"

"huwag niyo na po akong suklian"

Nilapag ko sa harapan niya ang ginto, nagmamadali akong maglakad ngunit sa kamalas malasan ay sumabit ang dulo ng suot kong kasuotan sa gulong ng karwahe, masama to! Kailangan ko nang makaalis pa, bakit ngayon ko lang na realize na isa sa tatlong prinsipe ang lalaking nasa gilid lamang at nagmamasid sa buong paligid? Siya ang prinsipe ng Escalus, kilala siya bilang isang magaling humawak ng espada, kaya niyang tumalo ng isang daang mga kalaban kahit na iisa lamang siya!

Sinabi ko na, na hinding hindi ko ilalapit ang sarili ko sa tatlong prinsipe, ngunit ngayon isa sa kanila ay malapit lang sakin!

Ngumiwi ako at pilit na inaalis sa pagkakasabit sa gulong ng karwahe ang laylayan ng kasuotan ko.

"huy, anong ginagawa mo diyan?" tinaasan ako ng espada ng general ng makalapit sakin "may balak ka bang masama?!" sigaw nito sa akin

Umiling ako.

"w...wala, aalis na sana ako n...ngunit---"

"may balak ka bang saktan ang prinisipe?!" napatingala ako ng itutok nito ang dulo ng espada sa aking leeg "hindi ako magdadalawang isip na ipadaloy ang dugo mo sa sa lugar na ito"

"wala akong balak saktan ang p..prinsipe" umatras ako naalerto ito kaya mabilis niyang ginalaw ang kaniyang espada na gumawa ng hangin dahilan ng pagkakataas sa telang tumatakip sa aking mukha

Kasabay nun ang paglabas ng prinsipe sa likuran ng general at makita din ang aking mukha, hindi ko alam kung ano ang pinapahiwatig ng mukha nilang dalawa, pareho silang nakatulala sakin.

Wala na akong sinayang pang oras, agresibo kong hinila ang kasuotan ko napunit iyon, may naiwang tela sa gulong ng karwahe, tumakbo na ako papalayo sa kanila....hinanap ko si Rosie at nakita ko itong may dala dala nang dalawang maiinom, nang makalapit ako sa kaniya ay kinuha ko ang braso nito at sinabay siya sa pagtakbo ko.

Pumasok kami sa isang maliit na daan, sumandal ako sa dingding at hingal na inalis ang sombrero na nakapatong sa ulo ko dahil sa aking pawis. Pinunasan ko ang aking mukha.

"prinsesa Cazimiya, bakit kayo tumakbo? Paano kung nadapa kayo o mapasubsob---" lumuhod si Rosie at gulat sa nakita, sira ang dulo ng kasuotan ko dahil sa ginawa kong paghila kanina upang maialis sa pagkakasabit sa gulong ng karwahe "lagot ako sa mahal na hari, maabuti pang umuwi na tayo prinsesa cazimiya"

"wala naman akong sugat o gasgas" tinulungan ko itong tumayo

"ngunit---"

Pinatigil ko siya sa pagsasalita.

"bumalik na tayo sa palasyo"

THIRD PERSON POV:

"who is he?" tanong ni prinsipe Edward habang nakatingin pa din sa tinakbuhan ng lalaki kanina.

"hindi ko kilala ang lalaking iyon ngunit ang mahalaga ay hindi ka niya nasaktan" ani ng general

Kinagat ng prinsipe ang ibabang labi at hindi maialis sa isip ang mukha ng lalaki kanina.

Share This Chapter